logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 6

Rosa
"B-Bakit ka nandito?" nauutal niyang tanong.
Lumapit naman ang kaniyang ama sa kaniya na sadyang yayakapin siya sana pero umiilag siya, "Keep your filthy hands off!"
Reaksyon naman ng kaniyang ina sa kaniya na may kasamang paalala. "Anak! Bakit mo naman ginaganyan ang Daddy mo? Kararating lang niya gaganyanin mo siya? Igalang mo naman siya dahil hindi siya ibang tao sa atin. Pakiusap naman Rosa, huwag na huwag mo na ulit gagawin iyan, irespeto mo naman ang iyong ama."
"Igalang? Irespeto? Hahaha! Sa taong iyan, karapat-dapat ba talagang igalang at irespeto? Naku Mommy, bilis mo naman yata makalimot," tila may laman ang sinasabi niya.
"Anong pinagsasasabi mo? Ano bang dapat kong alalahanin?" hingi ng sagot nitong kaniyang ina tungkol sa sarcasm niya.
"Pwes! Ipapaalala ko sa inyo Mommy," wika niya at siyang nag-chin up, "Hindi mo ba alam na itong walang hiyang ito ay ang nangmaltrato sa akin noong bata ako... "
"Daddy huwag po. Please po, huwag niyo akong sasaktan. Natatakot po ako," pakiusap niya.
Pero kahit na magmakaawa pa siya ay hindi siya ito pinakikinggan. Ang ama niya ang nasa harapan niya ngayon at may dalang latigo na kaniyang pamalo.
"Pagkatapos mo akong biguin ay magmamakaawa ka? Minsan ba naiisip mo na ang ginagasta ko sa pagpapaaral ko sa iyo pero ito ang ginanti mo, ang ibagsak lahat ng subjects!" gigil na gigil ang kaniyang ama rito.
"At ngayon, gusto kong iparamdam ang nararapat sa iyong kabalbalan. Wala ka nang kawalang bata ka, ngayon ka na magsisi kung kailan huli na ang lahat."
Hanggang sa unti-unti na itong lumalapit sa kaniya at tila mababangis ang tingin nito sa kaniya at mala ahas ang ngiti na kulang na lang ay handa na itong manuklaw. Siya naman ay kabang-kaba na at halos mapaos na siya kakasigaw pero wala namang nakakarinig.
"Daddy, huwag mo naman akong parusahan. Pakiusap, huwag po," pakiusap niya ulit pero ito na yata ang huling pagkakataon niya.
"Ahhhhhh!"
Tak! Tak! Tak!
"Aray ko, aray ko!" halos maiyak na siya rito.
"Aray ko? Hahahaha! Sige masaktan ka! Tuwang tuwa ako na nahihirapan ka total hindi mo naman pinaghihirapan ang pag-aaral mo. Kung ayaw mong magseryoso ay ito talaga ang kahihinatnan mo!" may pagsa-demonyo itong sinasabi ng kaniyang ama.
Blag!
"Ahhh! Ansakit ng ilong ko... dugo, dugo!" natakot siya bigla nang may lumabas na pulang likido sa kaniyang hingaan.
Pati na rin ang kaniyang ama ay nabahag ang buntot. Kaya naman iniwanan siya rito at pinabayaan siyang may iniindang sakit. Para siyang masisiraan ng bait dahil sa nakaramdam siya ng shock nang mabilaan siya ng ilong.
"Oh ngayon, sabihin mo na dapat ko pa ba siyang irespeto eh binaboy niya nga ang pagkatao ko! Magpasahanggang ngayon, nasa loob pa rin ng kukuti ko ang mga alaalang hinding hindi ko makakalimutan, lahat ng sakit na kaniyang ipinaramdam sa akin nakatanim pa rin sa puso ko. At ngayon ay natatakot pa rin ako dahil baka gumawa na naman siya ng hakbang na ikasasama ko!"
Umapela naman ang kaniyang ina sa tinuran niya, "A-Anak, nakaraan na iyon. Tapos nang nangyari iyon. Nagbago na ang ama mo. Kanina nga nang tinanong niya iyong tungkol sa grado mo, kahit bumaba ng kaunti ay proud pa rin sa iyo ang Daddy."
Tila sumimangot siya at handang handa na naman siyang magdabog. Hindi niya kasi tanggap na parang wala lang para sa kaniyang ina ang nangyari sa nakaraan niya. Hindi naman kasi puwede na basta ibaon na lang sa hukay ang mga masasalimoot niyang karanasan. Mga magulang pa naman niya silang dalawang pero hindi niya ramdam ang kanilang pag-aalala at pagmamahal. Ang sakit lang para sa kaniya na para lang siyang isang manika na kung kailan lang pwede ingatan saka siya paglalaruan.
Ito naman ang kaniyang masasabi sa winika ng kaniyang ina, "Mommy, hindi mo lang alam kung anong idinulot ng ginawa sa akin ni Daddy. May namuong trauma sa akin noon, para lang makalimutan ko ang bangis ng pananakit niya ay pinilit kong magpakatatag at maging matalino. Kahit mahirap ay kinaya ko. At ngayon ipinagpapasalamat ko sa Diyos na binago ako ng tadhana. Hindi na ako iyong dating Rosa na mabilis malanta at mabulok, ibang iba na ako ngayon. At para sabihin ko sa iyo Daddy, damn you! Wala kang kuwentang ama! Wala kang kuwentang a-"
Slap!
"Umayos ka Rosa! Umayos ka! Wala ka nang hiya sa inaasal mo. Nilalapastangan mo na ang ama mo! Kahit na hindi mo siya gusto, remember na he is still your father. Maghunos dili ka at baka hindi mo makayanan ang karmang matatanggap mo sa ginagawa mong iyan!" sinermonan siya nito pagkatapos siyang pagbuhatan ng kamay.
Tila naiyak na siya rito dahil napahiya siya, "Eh 'di sana hindi niyo na lang ako hinayaang mabuhay. Sana iyong punla niya ay nilapag na lang niya sa kumot! Karma na kung karma, ayos lang kung panigurado man na kakarmahin ako. Pero ito ang alam ko, darating din ang araw na mawawala ang lahat kay Daddy. Sinusumpa ko, sinusumpa ko!"
"Pakiusap anak huwag kang bastos! Pagbigyan mo ang Daddy mo na humingi ng tawad at bumawi sa pagkukulang niya sa iyo," inawat siya.
"Kahit kailan ay hinding hindi ko na siya matatanggap. At anong pagkukulang ang sinasabi niyo? Sobra-sobra na nga ang binibigay niya sa akin. Hindi po ba siya naman ang gumagastos sa pag-aaral ko eh," sabat niya.
"Tama na nga iyang drama na iyan, kung ayaw niyo ako rito... aalis na ako. Magrerenta na lang ako ng penthouse para naman hindi na kumulo ang dugo niyo," ang kaniyang ama na ang nagpakumbaba.
Nagpaalam ang kaniyang ama at hinalikan sa pisngi ang ina niya. Walang kurap niyang tiningnan ng masama itong ama niya saka tumalikod siya at humakbang papuntang kuwarto. Pagkapasok niya sa loob ay nagwala siya.
"Napakawalang hiya niya! Mamatay na siya! At huwag na huwag na sana siyang babalik dito kung hindi ay baka mapatay ko pa siya!"
At dahil sa kaniyang sinambit, napahawak siya ng punyal at sinabing, "Balang araw magagamit din kita. At sa wari ko ay nalalapit na ang panahon na iyon. Subukan niya lang saktan ako, paniguradong mabubura siya sa mundo."
Gilbert
"Oh hijo, bakit napapadalas ka yata ng pag-inom? Matagal-tagal ka nang nagkakaganyan. Paalala ko lang sa iyo na mahal ang magkasakit. Kahit na saksakan tayo ng yaman ay aba hindi ako gagasta ng pera sa walang katuturan. Magkuwento ka nga sa akin kung ano ba itong problema mo? Alam mo, kahit na lalaki tayo ay may karapatan tayong magbahagi ng problema lalo na sa akin dahil ama mo ako. Hindi nakakabusog ang pride at ni hindi iyan makakatulong sa atin. Ngayon, ano ba talaga ang nangyayari sa iyo?" tila nakapansin ang kaniyang ama sa kaniyang pinaggagagawa.
Medyo nakaramdam lang siya ng hiya, parang may pumisil din sa kaniyang puso nang dahil sa kaniyang narinig. Hindi naman siya ganito dati, nagsimula lang ito noong hindi na siya pinapansin ni Rosa. Ewan lang niya kay William kung hindi rin pinapansin.
"Hoy! Kinakausap kita! Bakit napatulala ka na lang? Magkuwento ka na? Handa akong makinig, mabuti nga at naririto ako at nagkaroon ng oras para kumustahin ka," nagising agad siya sa katotohanan nang sigawan siya ng kaniyang ama, ngunit narinig naman niya ang tanong nito sa kaniya, sadyang may pumasok lang sa kaniyang isip kaya siya napatulala.
Umiinom muna siya ng kaunti saka nagsalita, "Papa, ang totoo niyan ay hindi talaga ako okay. Anghirap pala mahulog sa isang babae. Kapag madismaya siya sa iyo ay paniguradong doble ang sakit ang mararamdaman ko. Katulad ko, akala ko ayos lang ang ipahiya ang lalaking nanliligaw rin sa kaniya. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasamang tao sa mundo, hindi ako lumaban ng patas. Papa, anong gagawin ko? Malapit na akong mabaliw sa nangyayari sa akin ngayon. Paano ko ba siya malalapitan?"
Humalakhak naman ang ama niya na para ba siyang nainsulto, "Babae? Babae lang ba ang problema mo? Susmaryosep santisima, anghina mo naman. Lalaki ka kaya dapat marunong ka dumiskarte. At siyangapala, gusto kong malaman ang pangalan ng babaeng pinopormahan mo? Baka naman matulungan kita kahit kaunti lang. Nagdaan din naman ako niyan noon, humingi rin ako ng tulong. Pero nang natuto na ako, ako na ang gumawa ng istilo ko. Iba rin kasi ang epekto kapag nanggaling sa puso. Hindi dapat parang napilitan ka lang, dapat magpakatotoo lang tayo."
"Ganun b-," naputol ang kaniyang tugon dahil sa may dumating na tawag sa kaniyang ama.
"Hello. Anong atin?" wika nito.
"Pare, may malaki akong problema. Kanina lang may nabalitaan ako na pabagsak nang pabagsak ang negosyo ko. Ewan ko kung bakit? At sa ganitong sitwasyon ay kakailangin ko ng tulong mo," sabi ng kausap niya.
"Sige ba. Pero ito may naisip lang ako. Babae ba o lalaki ang anak niyo?" tanong nito na tila nagbigay ito ng kaisipan sa kaniya.
Iniisip niya kung bakit ganoon ang tanong. Kinukutuban tuloy siya na baka ang ina na ni Rosa ang kausap ng ama niya.
"Bakit mo naman natanong? Actually babae ang anak ko."
Halata namang napangiti ang kaniyang ama at isa na naman ito sa nagpaisip sa kaniya.
"Let us team up. Ako na bahala sa negosyo mo. Dahil diyan, dapat ipakasal ang anak ko sa anak mo. Sa tingin ko ay iyan lang ang paraan para maisalba ang pinaghirapan mo. Sige, magkita na lang tayo para mapag-usapan natin ang ating plano."
Nagulat siya sa narinig niya ukol rito. Mukhang tama ang kutob niya. Ngayon masaya na siya at nanumbalik na naman ang sigla niya. Napangiting tagumpay siya ngayon dahil sa wakas ay mapapasakanya na talaga si Rosa.
To be continued...

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Legaspi Prince

    it's so beautiful

    07/06

      0
  • avatar
    MabutingHelmar

    nice

    18/08/2023

      0
  • avatar
    MarquezMelvin

    keep it up.

    03/06/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata