logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5 Representative

Kinabukasan, nagising na lamang ako sa sarili kong kuwarto. Nakasuot na ako ng pantulog at hindi na sumasakit ang aking tiyan. Ang huling naaalala ko ay nasa hospital ako at inuutusan ako ng doktor na 'yon na gumawa ng nakahihiyang bagay.
Teka, nakatulog ba ako sa byahe? Sinong nagdala sa akin dito sa kwarto? Si Dad ba?
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mommy. Bumangon ako mula sa kama at kinusot ang aking mga mata. Sinuklay ko rin ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. 
"Kumusta ang pakiramdam mo? Nag-alala ako nang sobra nang nakita kitang buhat-buhat ni Dominique. Ang sabi niya sumakit daw ang tiyan mo. Inakala ko pang buntis ka at siya ang ama—
"Mom! Bakit mo naman inakala 'yon? Wala naman kaming relasyon,"pagmamaktol ko.
Napahiya na nga ako sa hospital, napahiya pa ulit ako sa sinabi ni mommy. Ano ba naman 'to? Paano ko na siya haharapin ngayon? 
"Eh, malay ko ba na kumain ka ng kamote kaya sumakit ang tiyan mo. Sa susunod huwag kang kakain ng mga bago sa paningin mo,"panenermon niya sa akin.
Sa dami ng sinabi niya kanina, ang natandaan ko lang ay binuhat ako ni Dominique. P'wede naman niya akong gisingin pero hindi niya ginawa. So, it means he really cares for me. At aaminin ko, kinikilig ako. Wala naman sigurong masama roon 'di ba? Kikiligin na lang muna ako sa ganito. Saka na ako maghahangad nang mas higit pa. 
"O siya, mag-ayos ka na at nang makapasok ka na. Naghihintay na ang sundo mo sa baba,"sambit ni mommy at umalis na.
Sundo? Don't tell me, ibinalik na naman nila ang driver ko? No way! Paano ko na maipagpapatuloy ang mga plano ko? 
Kahit na gusto ko munang magmaktol ulit ay naligo na ako at nag-ayos dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase ko. Pagkababa ko ng hagdan ay napahinto ako nang makita si Dominique sa sala. Huminga ako nang malalim at sinigiradong maayos ang itsura ko. 
"Anong ginagawa mo rito?"tanong ko sa kanya.
Pinasadahan na naman niya ako ng tingin at ngumiti. Parang may kung anong nagliliparan sa sikmura ko dahil sa ginawa niya. O baka aftershock ito nung kahapon? Hindi pa yata tuluyang magaling ang tiyan ko. 
"Good morning to you, too. Ihahatid na kita sa FSU. Doon din kasi ang punta ko,"sagot niya.
Nabasa ko na ito sa mga romance novel na mayroon ako. Iyong ihahatid-sundo ng lalaki ang babae tapos 'yon pala nanliligaw na siya. Pero siya na rin ang nagsabi na wala akong mapapala sa kanya. Kaya siguro ginagawa niya ito ay dahil nakokonsensya siya sa nangyari kahapon.
"Alam mo, kung nagi-guilty ka sa nangyari kahapon, hindi mo naman kailangang gawin 'to. Hindi naman ako galit sa 'yo,"sabi ko at nauna ng lumabas ng bahay.
"You think I'm doing this because I'm guilty? Siguro nga,"sambit niya kaya tiningnan ko siya nang masama.
See? Tama ako, akala ko pa naman nagugustuhan na niya ako. Nag-assume na naman ako sa wala. 
'Don't worry Camellia, mahaba pa ang panahon para magustuhan ka niya..'
Pagkarating sa FSU ay hindi ko na siya hinintay at dumiretso na ako sa klase ko. Kasalukuyang nasa gitna ng pagpupulong ang mga kaklase ko. Hindi ko kaklase rito si Sabelle dahil major subject ko ito sa course ko. Hindi ko naman alam kung anong course niya.
"Si Camellia na lang kaya ang gawin nating representative?"sabi ni Roland, isa sa mga kaklase ko.
"Anong meron?"tanong ko at naupo na sa upuan ko.
"Kaka-announce lang ng student council na magkakaroon ng pageant kung saan maglalaban-laban ang bawat course,"paliwanag ni Janet.
"At ikaw ang napili namin. May cash prize 'yon,"sabi naman ni Roland.
Sumang-ayon ang iba naming kaklase na ako ang sumali para i-represent ang Business Administration course. Hindi ko naman kailangan ng cash prize kaya kahit tumanggi ako wala silang magagawa. At saka, tinatamad akong um-attend sa mga practice.
"Pag-iisipan ko,"tanging sinabi ko.
Iyon ang naging laman ng mga pag-uusap ng mga estudyante buong araw. Bawat course ay talagang sineseryoso ang pagpili dahil hindi biro ang cash prize. Nasa 500,000 lang naman ang makukuha ng mananalo.
"Lia, alam mo ba si Sabelle ang napiling representative ng Accountancy team. Sa inyo, sino ba?"tanong ni Erich na nakakuha ng atensyon ko.
"Si Sabelle? Bakit siya? Kaya niya naman bang rumampa?"
Natawa si Erich at bahagya akong itinulak. Itong kaibigan ko, tatawa na nga lang nananakit pa. Pasalamat siya hindi ako napipikon. 
"Grabe ka naman. Maganda naman siya at saka kailangan niya raw kasi 'yong pera kaya pumayag na siya. Bakit sino ba ang sa inyo? Sigurado naman akong hindi kayo pipili ng wala namang maibubuga,"saad niya kaya napaisip ako.
Kung si Sabelle ang magre-represent ng team nila dapat lang na ako ang mag-represent ng team namin. Sigurado akong manonood sila Mayor sa araw ng pageant kaya dapat na mas ipakita kong mas lamang ako nang hindi hamak sa babaeng 'yon.
"Of course. Dahil ako ang magre-represent ng team namin,"sabi ko at nanlaki ang mga mata ni Erich. Inalog-alog niya ang braso sa tuwa. Akala mo naman magkapareho kami ng team.
"OMG! Wala na, may nanalo na. Sa 'yo na agad ang korona, Lia,"sabi niya at umarte pang kinokoronahan ako.
Napailing na lang ako sa kalokohan niya. Mukhang mas loyal pa siya sa akin kaysa sa pambato ng course nila. Well, that's what friends are for, right? 
***
"Really? Payag ka na?"Hindi makapaniwalang tanong ni Janet sa akin.
Tumango ako."Oo naman, at hindi ko kayo bibiguin."
Napatili siya kaya naagaw namin ang atensyon ng ibang estudyante. Kasalukuyan kasi kaming nasa hallway ng building namin dahil mag-uuwian na.
"Thank you talaga, Lia. May tiwala kami sa 'yo. Alam naming mananalo ka,"sabi niya at muli akong niyakap.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang laki ng tiwala nila sa akin kaya dapat lang na hindi ko sila biguin. Ayaw ko rin namang umuwing talunan,'noh! 
Nagpaalamanan na kami pagkatapos naming mag-usap. Papunta na sana ako ng parking lot nang makita ko si Sabelle. Lumapit siya sa akin at sa alam ko nang may sasabihin siya.
"Ikaw ang magre-represent ng team niyo? Bakit? Hindi mo naman kailangan ang pera, ah. Sumali ka ba dahil gusto mo lang akong matalo? Alam mo namang kailangan ko ang perang iyon at kung ikaw ang makakalaban ko panigurado wala na akong pag-asang manalo,"sunod-sunod niyang sinabi.
Pagak akong natawa. "You know what, I think you're not deserving to represent your team. Hindi pa nga nag-uumpisa ang laban iniisip mo na agad na matatalo ka. Huwag gano'n. Dapat malaki ang tiwala mo sa sarili mo dahil marami ang nagtitiwala sa 'yo. And about the cash prize, don't worry I'm willing to share it with you,"
Hindi ko na siya pinagsalita pa at umalis na ako. Naroon na ulit si Dominique at tulad ng nakagawian ay umupo ako sa front seat. Ilang sandali pa ay dumating si Sabelle pero hindi siya pumasok ng kotse. Binuksan niya lang ang pinto at may sinabi.
"Hindi muna ako sasabay ngayon. Mauna na kayo,"sambit niya at agad ding umalis. Hindi rin naman siya pinigilan ni Dominique.
Now, this is great! Kaming dalawa lang ni Dominique.
"I heard that you're the representative of your course,"he said while starting the engine of his car.
"Alam mo na pala. Ang bilis naman kumalat ng balita,"sabi ko.
"Actually, hiningi ko ang list ng mga kasali sa pageant dahil isa ako sa mga mag-i-sponsor ng event na iyon. Good luck,"
Nilingon ko siya at sumulyap din siya sa akin. Simpleng good luck lang ang sinabi niya pero parang nawala lahat ng pag-aalala ko sa pageant. Ganoon kalakas ang epekto niya sa akin.
"Puwede bang sabihin mo sa akin ang dahilan bakit mo sinabing wala akong mapapala sa 'yo?"tanong ko sa kanya.
He just shrugged before he answered, "Because I'm not interested, pero mukhang magbabago ako ng pananaw,"
Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi iyon ang sagot na hinihintay ko. Mas lalo lang tuloy akong nagduda sa kanya. Baka naman... 
"Siguro bakla ka 'noh?"sambit ko at halos mapasigaw ako nang bigla siyang nagpreno.
Seryoso niya akong tinitigan at alam ko agad na hindi niya nagustuhan ang tinanong ko kanina.
"Kung bakla ako, gagawin ko ba ito?"tanong niya at walang sabi-sabing inilapat ang labi niya sa labi ko.
Parang biglang huminto ang paligid sa isang iglap lang. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang halik niya na talagang nakakadala. Hindi ko namalayan na napapikit na ako at sumasagot sa bawat hagod ng labi niya sa labi ko.
Damn! This is my first kiss and I'm so lucky that I gave it to him. He is such a good kisser.
Humiwalay ang mga labi niya sa akin at pinakatitigan ako. Ilang segundo lang ay muli niya akong hinalikan. Mas madiin at mas mapaghanap na halik. 
"Shit! Your lips taste sweet. I might get addicted to it,"he whispered before kissing me one last time.
Dammit! He just stole three kisses from me! And is it bad if I would say that I'm willing to give him more kisses, anytime? I'm really crazy. Yes, I know. 

Komento sa Aklat (134)

  • avatar
    ALAGADJOJIE

    good story

    23d

      0
  • avatar
    John Mavirick De Vera

    ml diamond 💎

    16/08

      0
  • avatar
    Jenny Rose Rosauro

    thank you

    27/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata