logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4 Girlfriend

Napagkasunduan namin ni dad na sa umaga pagpasok ay siya ang magsasabay sa akin papuntang FSU at pag-uwi na lang ako magco-commute. Kaya ngayon kasabay ko si Dad papuntang school.
"Mamaya pag-uwi mo, mag-iingat ka. Baka kung saan ka dalhin ng masakyan mong jeep,"bilin ni dad.
Napangiti naman ako. Kahit protective si Dad ay hinahayaan niya pa rin akong gawin kung ano ang gusto ko. Kaya mahal na mahal ko sila ni Mom,eh.
"Yes, Dad. Thank you,"I told him as I exited the car.
Medyo maaga pa kaya naman wala pa si Erich. Hindi rin naman kami pareho ng subjects ngayon kaya hindi ko talaga siya makakasabay except sa lunch.
Paakyat na sana ako sa building ng makita si Sabelle na nagbabasa sa may bench. Wala siyang kasama kaya naisipan kong lapitan siya.
"Hi,"bati ko sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at kumunot ang noo. Nagtataka siguro kung bakit ko siya nilapitan samantalang hindi ko siya napapansin noon.
"P'wedeng makiupo? Maaga pa kasi para sa first class ko,"paalam ko at tumango lamang siya.
Tumabi ako sa kanya at nagpatuloy siya sa pagbabasa. Hindi ko alam kung paano sila nakaka-focus mag-review sa school kahit maingay. Ako kasi sa bahay pa lang ay nagbabasa na ako. Ayaw ko rin kasing minamadali ang pagbabasa, wala akong maintindihan.
Napatingin ako sa bracelet na nasa palapulsuhan niya. Napansin niya rin yata na nakatingin ako roon kaya bahagya niyang itinago.
"Ang ganda naman ng bracelet mo. Sinong nagbigay?"tanong ko.
It was a friendly question pero parang kinabahan siya. Gusto ko lang na may mapag-usapan kami para naman hindi niya iniisip na masama ang ugali ko.
"Ah, si Sir Dom. Regalo niya noong birthday ko,"sagot niya.
Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Sana pala hindi ko na itinanong. Napaisip tuloy ako kung ano ba talagang relasyon nila? At bakit ba naiinis ako?
"May gusto ka ba kay Sir Dom?"tanong niya na nagpagulat sa akin pero hindi ko ipinahalata. Kaswal ko siyang tiningnan at nagkibit-balikat lang ako.
"Hindi ko alam. Siguro na-cha-challenge lang ako sa kanya dahil parang hindi siya interesado sa 'kin,"sagot ko.
Totoo 'yon. Hindi ko naman talaga alam kung gusto ko ba ang lalaking 'yon. Parang gusto ko lang makuha ang atensyon niya.
"Hindi naman talaga siya nagpapakita ng interes sa kahit na sinong babae. Ayaw niya kasing makipagrelasyon dahil siya ang susunod na Mayor ng bayang 'to."
Seryoso kong tinitigan si Sabelle na ngayon ay nakatingin sa malayo. Kung makapagsalita siya ay parang napaka-close nila ni Dominique. Well, siguro nga malapit talaga sila sa isa't isa.
"May batas ba na nagbabawal makipagrelasyon ang taong nasa politika?"tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.
"Wala naman. Pero natatakot kasi siya na baka hindi niya maprotektahan ang babaeng mahal niya mula sa mga makakalaban niya sa politika. Kagaya nang nangyari sa kanyang ina,"sagot ni Sabelle bago bumuntong-hininga. "Kaya kung iniisip mo na may relasyon kami, nagkakamali ka."
Parang biglang lumungkot ang boses niya. Napayuko siya at napatingin sa porselas na nasa kanyang palapulsuhan. Napailing na lang ako.
"Gusto mo siya?"Tanong ko at bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Lumingon siya sa paligid at agad na isinara ang librong binabasa.
"Kailangan ko nang umalis,"sambit niya at nagmamadaling naglakad palayo.
Sa ikinilos niya, batid ko na ang sagot sa tanong ko. Bakit pa ba ako magtataka? Hindi naman mahirap magustuhan si Dominique. Lalo na at maalalahanin ito sa ibang tao. Sino ba naman ang hindi mahuhulog? Kahit ako ay malapit nang mahulog-wait, ano ba itong iniisip ko?
Sabi nga ni Sabelle, ayaw makipagrelasyon ni Dominique. Kaya wala akong mapapala sa ginagawa ko. Naalala ko naman tuloy 'yong sinabi ni Dominique sa akin. Ano kayang nangyari sa mama niya at natatakot siyang makipagrelasyon?
Nang mag-uwian ay nagpunta agad ako sa parking lot para tingnan kung naroon ba si Dominique. At tama ako, naroon siya, nakasandal sa kanyang sasakyan.
He is wearing a navy blue dress-shirt and black pants. Pinaglalaruan niya ang susi ng sasakyan niya na para bang kanina pa naghihintay. Lumapit ako sa kanya.
"Hey, hinihintay mo si Sabelle?"Tanong ko kahit na obvious naman. Tumango lang siya at hindi nagsalita. Sungit!
"Sige. Una na ako, baka matagalan pa ako sa paghihintay ng jeep,"sabi ko at tinalikuran na siya.
"Where's your driver? Bakit ka magco-commute?"Tanong niya kaya muli ko siyang nilingon.
"I told you, pinatanggal ko na ang driver ko kasi kaya ko namang mag-commute,"
Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko at parang may iniisip. Bigla tuloy akong na-conscious. Nakasuot lang ako ngayon ng dilaw na floral dress at flat shoes. Sobrang simple. Tinamad na kasi akong mangalkal ng ibang susuotin kaya ito na lang. Nagsisisi na tuloy ako. Kung makatingin kasi si Dominique parang nanghuhusga siya.
"I think, mas mabuti kung sumabay ka na lang sa'min. Hindi ka sanay mag-commute at delikado," seryosong saad niya.
Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong sumabog sa puso ko. Kinikilig ba ako sa sinabi niya? O baka nagpa-palpitate lang ako. Nagkape kasi ako kanina.
"Kaya ko naman ang sarili ko-
"No, I insist. Besides, sinabi mo kahapon na sasabay ka na sa akin. Baka mapaano ka pa,"sabi niya pa kaya naman wala na akong choice kun'di ang sumakay sa kotse niya.
Sa front seat ulit ako umupo at nang dumating si Sabelle ay nagulat siya na naroon ako. Hindi naman siya nagsalita at dumiretso lang sa back seat.
Iniisip ko tuloy kung anong iniisip ni Sabelle ngayong ako na lagi ang nakaupo rito sa harap? Nagseselos ba siya? Naiinis? O baka wala lang sa kanya.
Wala na namang nagsalita sa aming tatlo habang nasa biyahe. Wala rin kasi akong mabuksang topic kaya nanatili ang paningin ko sa labas. Hindi kagaya kahapon, ngayon ay may nag-aabang sa labas ng bahay nila Sabelle. Naaalala kong ama niya 'yon.
Bumaba si Sabelle at saglit na kinausap ang ama bago muling lumapit sa sasakyan.
"Sir Dom, magmeryenda raw muna kayo sabi ni Itay. Naglaga siya ng kamote,"sabi ni Sabelle.
Nilingon ako ni Dominique kaya napaayos ako ng upo. I don't know why I everytime he looks at me, I can't help but to maintain a good posture. Para bang gusto kong palagi akong maayos sa paningin niya.
"Is it okay with you? Or ihahatid na muna kita at babalik na lang ako rito?"tanong niya sa akin.
S'yempre ayaw ko namang mag-inarte at magpaka-espesyal 'noh. T'saka sayang sa gas kung babalik pa siya, eh nandito naman na kami.
"Ayos lang naman sa 'kin kahit hindi ako agad makauwi,"sabi ko at saglit niya akong pinakatitigan bago tumango.
Bumaba kaming dalawa ng kotse at pumasok sa loob ng bahay nila Sabelle. Medyo maliit nga ito pero malinis naman. Kakaunti lang ang mga gamit sa loob kaya maaliwalas pa rin at hindi gano'n kasikip.
"Kuya Dom!"
May dalawang maliit na bata ang lumapit kay Dom na parang sabik na sabik silang makita ito. Nag-squat naman si Dom para maabot siya ng mga bata. Niyakap siya ng mga mata ito. Mas lalo tuloy akong humanga sa kanya. Parang sobrang lapit niya talaga sa mga bata, ibig sabihin madalas dito si Dominique.
Napatingin sa akin ang isa sa mga bata. Bahagyang kumunot ang noo nito at tumagilid ang ulo.
"Sino po siya, Kuya Dom? Girlfriend mo po?"tanong ng bata na agad namang kinontra ng isa pang bata.
"Hindi pwede. Si Ate Sabelle ang girlfriend mo 'di ba?"
Natawa na lang si Dominique at ginulo ang buhok ng dalawang bata. Ibig sabihin may relasyon nga talaga si Dominique at Sabelle. Bata na mismo ang nagsabi at hindi nagsisinungaling ang mga bata.
"Siya si Camellia, kaibigan ko siya,"saad ni Dominique.
Ha, na-friendzone pa nga! Hindi naman masakit. Kasi totoo naman, magkaibigan lang kami.
"O, may kasama pala kayo,"sambit ng ama ni Sabelle na kalalabas lang galing sa kung saan. May bitbit itong plato na may lamang meryenda.
"Magandang hapon po,"bati ko sa kanya.
"Naku Hija, hindi ko alam na kasama ka pala ni Sir Dom, kumakain ka ba ng kamote?"
Nilingon din ako nila Dominique at Sabelle na parang hinihintay ang sagot ko. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakakain ng kamote. Hindi rin naman kumakain ang mga magulang ko. Pero puwede ko namang subukan.
"Ayos lang po. Mukha naman pong masarap,"sagot ko at nginitian ang matanda.
"Maupo na kayo at kukuha lang ako ng inumin,"sambit pa niya bago muling umalis.
Naupo ako sa may upuang kahoy na para sa dalawang tao. Medyo nagulat pa nga ako nang umupo rin sa tabi ko si Dominique. Sa kabilang upuan naman si Sabelle pumwesto.
Hinintay kong kumuha sila ng kamote para makita ko kung paano ito kinakain. Dumampot ng isa si Sabelle at binalatan ito tapos kinagatan niya agad. Nilingon ko si Dominique at nakatingin na pala siya sa akin.
Bigla siyang tumayo at pumunta kung nasaan ang ama ni Sabelle. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang platito at tinidor. Nilapag niya ang mga iyon sa tapat ko at kumuha siya ng isang kamote. Siya na rin ang nagbalat bago inilagay sa platito ko.
Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa iyon. He's so thoughtful and caring. Hindi ko naman sinabi sa kanya pero alam niya na agad.
"Thank you,"sambit ko at nag-umpisa ng kumain.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paninitig ni Sabelle sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan. Kasalanan na ba ang kumain ng kamote nang naka-tinidor?
"Ito na ang inumin ninyo,"sabi ng matanda at inilapag ang pitsel na may inumin.
Nagsalin ako ng inumin sa baso at uminom doon. Nalasahan ko ang sabaw ng buko. Manamis-namis pa ito at halatang fresh pa galing sa mismong buko.
"Salamat po sa meryenda,"sabi ni Dominique nang nasa labas na kami ng bahay nila Sabelle.
"Naku, walang anuman. Mag-ingat kayo sa biyahe,"sagot ng matanda at ngumiti rin sa akin.
"Thank you po,"sambit ko rin at sumakay na sa kotse ni Dominique.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala kung gaano kamaasikaso si Dominique. Hindi pa kami gaanong nakakalayo nang makaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Hinimas ko ito baka sakaling mawala ang sakit pero mas tumitindi lang ang kirot. Hindi naman ako nadudumi, sumasakit lang talaga.
Damn! Hindi naman siguro ako nalason, 'di ba? Oh God! Hindi naman siguro ako mamamatay dahil kumain ako ng kamote?!
"Are you okay? You look pale,"Dominique asked.
"I don't know. Biglang sumakit ang tiyan ko,"sagot ko at muli na namang namilipit.
Ano ba naman 'to? Hindi ko namang buwanang dalaw ngayon. Siguro dahil talaga ito doon sa kinain ko kanina.
"Hold on. I'll bring you to the hospital,"he said and I just nodded.
Nanatili akong nakapikit at naramdaman ko na lang na parang lumulutang ako. Iyon pala ay binuhat ako ni Dominique.
"Sir, ano pong nangyari sa kanya?"dinig kong tanong ng isang nurse.
"Sumasakit daw ang tiyan niya. Baka may kinalaman sa kinain niya kanina,"paliwanag ni Dominique at inilapag ako sa may higaan.
Doon na ako nagmulat. May doktor na pumasok sa silid kung nasaan ako. Nasa tabi ng kama si Dominique at nakatingin sa akin. Damn! Ang pangit siguro ng itsura ko ngayon. Bakit ba kasi ako nagkaganito?!
"Can you rate the pain you're feeling? Ten is the highest,"the doctor said.
"Ten. Please, can you just give me some painkillers,"I said and groaned in pain again.
Argh! Hindi na ako ulit kakain ng pagkaing iyon. Parang gusto ko ng himatayin sa sakit. Hindi na nga ako nakakasagot sa tanong ng doktor,eh. Tanging si Dominique na lang ang nagpapaliwanag kung anong nakain ko.
"Looks like, nanibago ang tiyan mo sa kinain mong kamote. Pwede kitang bigyan ng pampawala ng sakit but it's better if you will release the gas from your stomach,"the doctor explained.
"What do you mean?"I asked though I have a hint already on what she said.
"You should fart,"she answered.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad kong nilingon si Dominique. Seryoso lamang itong nakatingin sa amin. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.
Damn! Damn! Bakit ba ako napapahiya nang ganito? Parang wala na akong mukhang maihaharap sa lalaking 'to sa oras na mangyari nga ang bagay na iyon. Argh!

Komento sa Aklat (134)

  • avatar
    ALAGADJOJIE

    good story

    23d

      0
  • avatar
    John Mavirick De Vera

    ml diamond 💎

    16/08

      0
  • avatar
    Jenny Rose Rosauro

    thank you

    27/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata