logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Part Six

When we arrived at the rooftop, I immediately looked around then went to the parapet, where I can clearly see the view of the whole school. Memories instantly flashed through my mind. Ang daming nangyari sa akin sa school na ito.
At itong rooftop ang saksi sa lahat ng sakit, pati na rin kasiyahan. Ito ang nagsilbing safe space ko noon. Dito ako nagpupunta kapag gusto kong tumakas at umiyak. Dito ako nagtatago kapag pagod na pagod na ako sa pambubully ng mga kaklase ko.
Naalala ko walang nakakapunta sa lugar na ito dahil bawal; para nga naman sa mga elementary students, talagang pagbabawalan kayong pumunta sa matataas na lugar. Natagpuan ko itong lugar na ito noong panahon na tinatakbuhan ko sila william.
Inaasar kasi nila ako noon na mataba at panget. Kasi yung itsura ko naman talaga noong bata ako, mataba tapos hindi pa ko maputi noon, hindi rin ganun katangkaran and mahiyain pa, hindi ko alam kung bakit, hindi na nga ako masyadong nagsasalita tampulan pa rin ako ng tukso.
Hindi ako katulad ni Ethan na noon pa man, he's a social butterfly, maraming gustong makipagkaibigan sa kanya. Dahil na rin sa magiliw niyang ugali. Lahat nakakasundo niya, lahat kaya nyang pakisamahan kahit bata pa siya. Lahat natutuwa sa kanya.
I've known Ethan even before pa kami pumasok sa school. Our families are good friends and their house is literally across ours. Madalas niya ko kinukulit kasi nga kapag pumunta sila sa bahay namin or kami sa bahay nila, tahimik lang talaga ko, hindi katulad niya na bibo. Noong nalaman ko nga na naka enroll kami sa iisang school kinabahan ako, dahil baka siya pa ang mambully sa akin.
Gladly it didn't turn out that way. Si Ethan lagi niya kong inaasar noon kapag kaming dalawa lang or nasa bahay lang, pero pagdating sa school, nagagalit siya kapag may ibang nang aasar sa akin. Kaya kung dati naiinis ako pag andyan siya kasi lagi lang naman niya akong inaasar. Pero simula nung ipagtanggol niya ko, pakiramdam ko kapag nandyan siya safe ako. He became my Bestfriend, my knight. Kahit madalas niya kong asarin nararamdaman ko pa rin yung pag aalaga at care niya sa akin.
My thoughts have been cut off when Ethan suddenly speak "Ang daming nagbago sa school na to, pero itong place na to, ganun pa din." bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinasabi niya.
"Kung may nagbago man dito siguro pintura lang" dugtong pa niya.
"Buti nga hindi nila naisip na baguhin eh." simpleng sagot ko sakanya at tsaka inikot muli ang tingin sa buong rooftop.
"Alam mo bang kahit highschool na ko, dito pa rin ako tumatambay. Thanks to you." he said.
Then I remember the time, kung paano siya napunta sa lugar na to.
Grade 6 na kami noon, pumunta ako sa rooftop dahil sobrang hiyang hiya ako, parang feeling ko wala akong mukhang maihaharap pa sa mga kaklase ko. Lunch time kasi and palabas na sana ako ng room para maglunch sa canteen nang bigla akong nadapa dahil sa pagtalapid sa akin ni William. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko dahil sumubsob yung mukha ko sa sahig. Kaya tumayo ako agad at dumiretso na sa rooftop.
I was silently crying when someone spoke.
"sabi ko na nga andito ka." I lifted my head to see who it is
"anong ginagawa mo dito?" I said while sobbing, trying to stop myself from crying in front of him.
"dito ka naman laging napunta eh." sagot niya tapos umupo sa harap ko.
"ha?" I asked flustered.
"Nakita kita dito noong isang araw, kukulitin sana kita kaso nakita kong ang seryoso mo kaya hinayaan na lang kita. Tapos kanina nung nalaman ko yung nangyari and sabi nila danna bigla ka na lang umalis, I tried looking for you sa playground and sa garden pero wala ka and then I remember this place. That's why I'm here." he explained.
Nakatingin lang ako sa kanya, still wondering why he's here but at the same time felt at ease knowing na nandito siya. Feeling ko ang safe ko na lalo. Sa 3 years na lagi akong nandito ngayon ko lang mas naramdaman na safe ako sa lugar na to.
Simula noon, itong rooftop na ito ang naging tambayan naming dalawa. Ito ang parang naging sariling mundo namin.
"Thank you ah." napatingin ako ulit kay Ethan, na ngayon ay nakangiti ding nakatingin sa akin.
"Para saan?" takang tanong ko.
"Kasi kinakausap mo na ulit ako." he said then look away.
"To be honest, when Uncle Donny said na you'll be the maid of honor and we might work together before the wedding, naexcite ako but at the same time natakot ako." he looked at me again.
"Natakot ako kasi baka hindi mo na ko kilala, kasi ang tagal nating hindi nag usap, hindi ko alam kung gusto mo pa ba akong makita, kung gusto mo pa ba akong makausap. Hindi ko alam paano ako aakto sa harap mo but naexcite ako kasi finally, makakasama ulit kita." he said the last word shyly.
"When I saw you at the airport, I really tried my best to act normal, kahit pa hindi ko maexplain bakit ako kinakabahan noon. Kahit sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko pinahalata sa lahat at kinapalan ko pa rin ang mukha kong lumapit sayo.
Then when you said "hi" and walk away, nasabi ko na lang sa sarili ko na hindi na nga siguro katulad ng dati. Nakalimutan mo nga siguro ako bilang kaibigan.” He smiled at me pero kitang kita ang kalungkutan sa mga mata niya.
“Pero kanina nung naramdaman ko na binibiro mo ko,hindi ko naman maexplain yung nararamdaman kong saya. As if I have been given some hope and chance to talk to you again, just like the old times.” Nakangiting kwento niya. Nakatingin lang ako sa kanya.
“Then I narealize, siguro nahiya ka lang sa akin kahapon. So, when you gave me chance to be playful around you by teasing me, I gave in. That’s why I keep on teasing and annoying you kanina pa. Sorry ah, namiss ko lang talagang asarin ka eh. Namiss kong makita yung namumula mong mukha kasi napipikon ka na. " my forehead immediately creased at what he said. Napangiti naman siya sa nakita.
" And you know what, habang tumatagal na kasama kita ngayon, unti unti kong napapatunayan na kahit ang tagal tagal na wala pa ring nagbago. Ikaw pa rin yung Chandra na kilala ko." he added then smile at me.
Wala akong masabi kaya ngumiti na lang din ako pabalik at tingnan ulit ng kabuohan ng school.
Gustong gusto kong sabihin sa kanya na, ethan na mali ka, may nagbago. Noon kasi, bago ako umalis hindi ko naman alam kung ano yung nararamdaman ko eh pero ngayon bumalik ako dito na alam na alam kung ano ito.
"Oy, channy, andito ka pa pala." napatingin ako ulit kay Ethan nang bigla siyang yumuko na parang may kinukuha. Medyo napaatras ako ng humarap siya sa akin at nilapit yung pusang hawak niya.
"Chan, meet channy, ang alaga kong pusa dito. Na meet ko siya nung 4th year high school na ko, Remember? siya yung kinikwento ko sayo noon. Ang kasa kasama kong tumambay dito. Buti nga buhay pa siya hanggang ngayon. Nakilala mo pa." paliwanag niya sakin.
I remember it, isang gabi nang tumawag siya sa akin, he’s excited, kasi sabi niya may nameet daw siyang bagong kaibigan.
“Gulat nga ako, nang bigla siyang lumapit sa akin. Ang cute niya. Sa susunod na pagkikita namin kukunan ko siya ng picture tapos I’ll send it to you. I’m sure you’ll like her too.” Masayang kwento niya sa akin, tungkol sa bago niyang alaga.
“san mo nakita?” tanong ko. Habang busy na nagsusulat ng assignment ko.
“ Sa rooftop nga!” sagot naman niya. Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa study table ko at kunot noong kinuha iyon.
“Nagpupunta ka pa rin sa rooftop? Di ba sabi ko sayo, wag kang nagpupunta don especially when you’re alone?” I said.
“eh may kasama naman na ko ngayon.” Natutuwang sagot niya sa akin. Lalong kumunot ang noo ko.
“sino?” tanong ko.
“yung pusa nga” sagot niya.
I groan. “maililigtas ka ba nyang pusa na yan, kung saka sakaling malock ka dyan sa rooftop?” I irritably asked.
Narinig ko namang tumawa siya kaya mas lalo nangunot ang noo ko.
“Hay naku! Ethan Matthew, sinasabi ko sayo. Tigilan mo na yung pagtambay tambay sa rooftop. Nung huli, muntik ka na! kung hindi ka pa nakita ni kuya edgar, mag kacamping ka sa rooftop.” Sermon ko sa kanya.
Naramdaman ko namang parang nagpout siya.
“stop pouting!” sikmat ko.
“How did you know? Hindi naman tayo naka videocall?” gulat na tanong niya.
“ramdam ko lang.” mayabang na sagot ko sa kanya.
“eh bakit ikaw naman noon tumatambay mag isa doon?” pagbabalik niya ng topic.
“That was before you discover me there. Bakit? After naman noon, lagi ka namang nakasunod na ah!” sagot ko sa kanya na ikinatawa niya.
“Ah basta! Kawawa naman yung kitten na yun don, dadalawin ko siya lagi” parang batang sagot niya sa akin.
“kulit!” inis na sagot ko naman. “iuwi mo na lang yung pusa” dugtong ko pa.
“You know, I can’t! Mom’s allergic. Di ba?” sagot naman niya.
“Ah basta! ano kayang magandang pangalan sa kanya” sabi pa niya.
“Help me, think!” saad niya
“Edi kitty” sagot ko naman.
“wow, pinagisipang mabuti ah!” he said sarcastically. Tumawa naman ako.
I looked at him, holding an orange tabby cat. Cute ito ngunit mahahalata mo sa kilos na may edad na ito.
“Channy! Look.” Natutuwang laro ni Ethan sa pusa.
Pero parang nagpanting yung tenga ko nang mapagtanto kung ano ang pangalan ng pusa.
"You named her after me?!" I asked hysterically.
He laughed at me and then he answered. " Wala akong maisip nung time na yun, Ayaw mo naman akong tulungan. Kaya ayun na lang, pumayag naman siya nag meow agad nung tinawag kong channy eh."
I just roll my eyes at him. Siya naman ay umupo na sa sahig para laruin ang pusa. Kaya pala noon ayaw niya sabihin sa akin kung anong pangalan ng pusa.
Habang nakatingin ako kay ethan na nilalaro ang alaga niyang pusa, something hits me and right there, I've decided, this is my chance. Maybe this is what I really need to do. I'll spend the rest of my time here with him and then the day after the wedding, I'll tell him everything no matter what the outcome is. I'll let go of everything.

Komento sa Aklat (90)

  • avatar
    AgapetoMarie Cris

    im so excited to.finish this novel😍 actually mahilig na talaga ako magbasa ng mga ganitong kwento. ❤❤❤mahilig ako sa pocketbook and wattpad kaya gustong gusto ko magbasa ulit neto.❤❤❤❤ nag stop ako magbasa since nagka baby ako hanggang ngyn dalawa na anh baby ko. naisipan ko ulit magbasa ng ganitong kwento😉❤🤞 sana matapos ko sya ngayon basahin 🤞✋😍😊 para naman kahit papano mabawasan yung stress na iniisip ko. 😢 thankyou pala sa nag suggest sakin na basahin to. super thankful ako kasi.❤❤❤

    17/11/2021

      0
  • avatar
    Ara Cernito

    I really love the app kc feeling q bumabalik aq sa pagkabata dahil sa pagbabasa q ulit ng mga novels pero this time nasa cellphone na 😊😊😊 before kc i use to buy a lot of pocket books....Good thing i found someone who share this app.and now i feel happy and enjoying so much of the novels here.😃 Good Job and hope u will have a lot more novels to come up.👍💓👍

    17/11/2021

      0
  • avatar
    Jess Ponce II

    ang gandaaaaaaaaaa

    15/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata