logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Six

Naging palaisipan para sa akin ang presensya ng kung sino mang tao ang nagtatago sa likod ng halamanang iyon.
Kung isa man siya sa guest ko, bakit hindi siya magpakilala sa guard at pumasok na lang? Mas nagmumukha siyang kahina hinala sa pagtatago niya sa likod ng mga halamanan at ang lihim nitong pagmamatyag sa gawi at event ko, 'no. Ang lakas ng loob na magmatyag ah?
Imposibleng isa siya sa mga kaibigan ko dahil gaya nga ng sinabi ko kanina sa mga nakaraang kabanata, kapag sinabi ni Mommy na bawal silang dumalo.. bawal talaga silang dumalo. At kapag sinabi niya naman na bawal na silang lumapit sa akin, bawal na talaga silang lumapit sa akin.
Hindi tino-tolerate ni Mommy ang ganitong mga galaw lalo na kung kahina hinala ang kilos nung isa. Oo, mahigpit siya sa mga taong nakakasama ko pero ang paghihigpit na iyon ay alam kong para rin naman sa kaligtasan ko.
And alam ko na ang ugali ng mga kaibigan na nakapaligid sa akin.
Hindi sila yung tipo ng mga kaibigan na gagawa pa ng paraan upang maitakas ako sa bahay namin. Kapag kasi sinabi ni Mommy na bawal talaga, bawal talaga. At isa pa, hindi rin naman sila mapilit kahit na gustuhin naming lahat dahil sa oras na magkamali ako ng pagsasalita kay Mommy o kahit na maski ang gawin, paniguradong lahat halos kami ay malalagot.
Hindi rin sila yung klase ng tao na mahirap paliwanagan dabil once na sinabi mo sa kanilang bawal, hindi na sila gagawa ng kilos na alam naman nila sa sarili nilang ikakapahamak din naming lahat.
At saka, hindi rin naman mahirap intindihin ang salitang, "Bawal siyang lumabas at sumama sa inyo," di ba?
Kung hindi man nila maintindihan ang simpleng kataga na iyon na binitiwan ni Mommy, edi goodluck na lang sa negosyo nila. Oo, kung ako ang tatanungin ay sobrang higpit ni Mommy. Hindi siya yung tipo ng magulang na tino-tolerate ang mga whims ng anak niya kahit na sa umpisa pa lang ay pinalaki niya na ako sa luho. Pero kapag sinabi at pinakawalan niya ang isang salita sa harap mo mismo, simulan mo nang magtago.
Gaya nga ng sinabi ko kanina ay hindi siya katulad ni Daddy na kung gusto mo, go for it. Hindi siya katulad ni Daddy na kapag ginusto mo, makukuha mo.
Sanay siya na kapag sinabi niyang hindi pwede, no more reasons dahil hindi talaga pwede. Bossy type kumbaga.
Madalas nga silang magkatampuhan ni Daddy dahil halos lahat ng desisyon ni Daddy ay hindi okay sa kanya, like.. ikaw ba ang masusunod?
Ang sabi kasi ni Daddy ay lumaki si Mommy sa isang kilalang pamilya. Hindi siya tumatanggap ng mga rason na alam niya naman sa sarili niyang labag sa kalooban nito. Kumbaga yung mga reasons na may masabi lang kahit na wala namang kabuluhan.
At iyon ang bagay na pinaka aayawan niya.
Ganyan ang ugali ng Mommy ko na paniguradong namana ko. Masyadong mainitin ang ulo at medyo madaling mairita sa simpleng arguments. Once kasi na binantaan ka niya sa isang bagay, magtago ka na dahil maaaring dalawa ang bagay na gusto niyang iparating sa 'yo.
Maaaring nagbibiro lang siya sa pagbanta niya sa 'yo or else.. umpisahan mo nang magtago sa lugar na hindi ka niya makikita.
May isang salita lang siya at kapag nagawa mong pag initin ang ulo at pakuluin ang dugo niya, umpisahan mo nang maghanap ng lugar kung saan hindi ka niya makikita dahil ako sa sarili ko, alam ko kung anong kahihinatnan mo sa oras na makita at mahablot ka niya. Para bang isa siyang bampira na handa kang sundan kahit saang lupalop ka pa magtago at hanggat naaamoy niya ang dugo mo.. hindi ka niya tatantanan and worst, hindi ka niya patatakasin at pakakawalan.
Speaking of Mommy, kahit na ganyan ang ugali niya alam ko naman na para rin naman sa akin lahat ng ginagawa niya. Istrikta lang siya sa unang tingin pero mararamdaman mo ang pagmamahal na kalimitang ipinaparamdam ng isang magulang kapag magkasama kayong dalawa sa iisang bahay.
People nowadays, ang kakapal ng mukhang magkalat ng tsismis kahit na hindi mo naman sila nakakasama sa bahay. Yung tipong ipagkakalat sa buong bayan niyo na tamad kang anak kahit na hindi mo naman sila nakakahalubilo. Nakakatanga, di ba?
Magiging mabait lang sa 'yo yung isang tao kung may nagawa kang kabutihan sa kanya. Pero yung tipong nagkakasama kayong dalawa ngunit hindi kayo nagpapansinan, 'yan ang nakakasira sa mga ulo nila.
Like, hello?
Ginto ang oras ko at hindi kayo kasali sa mga bagay na kailangan kong paglaanan ng atensyon. Duh.
Binalak kong magpawala sa daan kung saan nasa tabi ko si Mommy upang lumiko sa daan patungo ng garden. Maraming napapatingin sa akin at malamang ay nagtataka sa biglaan kong pag alis sa red carpet ngunit sa halip na bilangin at pansinin pa sila ay nanatili lang ang titig ko sa gawing iyon.
May ilang bodyguards na lalapit sana sa gawi ko upang pigilan ako ngunit isang matalim at madilim na titig ko lang ay nahinto na sila sa pag ambang paglapit sa akin.
Isang pabugang hininga ang pinakawalan ko bago nagpatuloy sa paglalakad habang nananatili pa rin ang titig sa gawing iyon.
Kita ko mula sa malayo ang napakong mata ng kung sino man ang nagtatago doon at alam ko sa sarili kong alm niya na rin na patungo ako sa kung nasaan man siya.
Laking bilib ko na lang sa kanya nang hindi man lang siya umalis sa pagkakatayo sa tagong parte na iyon at para bang hinihintay rin ako sa paglapit ko na taimtim kong nginisian sa sarili.
Ito ang unang pagkakataon na may naglakas ng loob na maghintay sa akin, at hindi ko maintindihan pero ang curiosity ko sa katawan ay unti unting naglaho at napalitan ng excitement.
Natigil ako sa paglalakad nang bigla na lamang may humila sa braso ko na para bang pinipigilan ako sa paglalakad. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa kung sino man ang pumigil sa 'kin.

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    Cressida Astrid Volkzki

    Nice

    21/02/2023

      0
  • avatar
    Medina Algaba Balboa

    Keep writing author🤝💕👏🥂🙇‍♀️

    13/01/2023

      0
  • avatar
    RiveraRiane

    I Like it so much

    12/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata