logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Two

Sa panahon ngayon ay marami nang naghahangad sa isang posisyong pinapangarap ng lahat. Maraming media ang nakakalat at tila ba laging updated sa mga ginagawa mo sa buhay…
At ang dahilang iyon ang bumubuhay sa kaluluwa ko.
Lumaki akong nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga taong nasa paligid ko. Luho, pera, at halos lahat ng mga desisyon ko ay sinusunod nila. Hindi sila maaaring tumiwalag sa utos ko dahil natatakot silang magalit ako. Walang naglalakas ng loob na itama ako sa mga mali ko…
At ito ang bagay na ikinakainggit ko sa lahat ng mga batang gaya ko ay nakakagawa rin naman ng mga maling desisyon sa buhay, pero… pero may mga magulang na nasa tabi nila at handa silang itama sa mga maling nagawa nila. Itinatama sila sa mga bagay na ikasisira nila. Yung tipo bang handa silang pagsalitaan ng ikasasakit nila basta't naroon sila sa tamang daan.
Spoiled child?
Am I one of them?
May mga magulang na ginagawa ang lahat upang maibigay sa kanilang mga anak ang mga whims at mga bagay na hinahangad at pinipilit nitong gustuhin kahit na wala naman sa budget nila… just to make sure na makukuha ng mga anak nila ang mga bagay na alam kong hindi nila nagawang kuhanin noong kapanahunan nila. Pero hindi nila alam na ang simpleng pagbibigay lang ng mga bagay sa kanilang mga anak ang magiging sanhi kung bakit mahihirapan sila sa pagpapalaki sa mga ito.
Kung ire-relate ko ito sa sarili kong karanasan… well, kulang pa ang isang oras kung idedetalye ko ito ng pino at pulido.
This way of treating their child comes from a good place, medyo overreacted nga lang kung maging ang mga whims nito na hindi naman talaga kailangang ibigay ay nagagawa nilang iparanas sa bata. Parents often go too far lalo na kung tungkol sa pagdedesiplina ang usapan, and because of that.. nagiging madali na lang para sa mga bata ang lahat ng bagay na kung tutuusin ay sila dapat ang maka-discover.
They should be encouraged to solve their own problems at hindi nila kailangang pang habambuhay na mag-rely sa mga magulang nila, at isa ito sa mga dahilan kung bakit malaki ang impact nito sa sarili nila habang tumatagal ang panahon.
Habang tumatagal kasi ang panahon, sa halip na ang pagiging independent ang magawa nilang pagtuunan ng pansin… ang pagiging dependent nila sa mga magulang ang napapairal.
Hindi kailangang ibigay ng mga magulang ang whims ng mga bata kung alam nila sa sarili nilang hindi ito kailanman makakatulong sa mga anak nila sa tuwing lilipas ang panahon. Don't spoil them all the time dahil hindi sa lahat ng pagkakataon maibibigay mo lahat ng kailangan nila. Hindi sa lahat ng panahon ay mami-meet mo ang hinahangad at expectations nila sa 'yo dahil bandang huli, ikaw lang ding magulang ang mahihirapan kung nasanay sila sa ganitong klase ng treatment.
Well for me, ibinigay sa akin lahat ni Mommy lahat ng bagay na hinahangad ko nung una pa lang. Halos lahat ng mga bagay na kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan pero once na sinabi kong gusto ko… ibibigay niya kahit na mahirap pa man itong abutin. Kaya simula nang nawala si Mommy, dumalang na lang ang lahat. I mean, nakukuha ko pa naman lahat ng mga bagay na gusto ko pero.. never kong nakuha yung mga bagay na hinahangad talaga ng puso ko, at ito ay ang pagmamahal mula kay Daddy.
Business-Business. Ano bang magagawa niyan sa buhay ng isang tao maliban na lang sa kapangyarihang hawakan ang ulo ng mga taong nakapaligid sa kanya? All this time, hindi ko man lang ninais na magkaroon ng karangyaan sa buhay ko o yung makuha lahat ng hinihiling ko. Gusto ko lang namang maranasang magkaroon ng isang simpleng buhay kasama ng mga magulang ko.
Okay lang sa 'kin na wala akong hawak na pera, na wala akong hinahawakang kahit na isang piraso ng salapi o kahit na isang gintong kwintas na isinusuot.. gusto ko lang namang magkaroon ng simpleng buhay sa isang simpleng bahay kasama ng mga mahal ko sa buhay.
Hindi naman ako naghangad ng ganitong klase ng pamumuhay. I mean… lumaki ako at isinilang ako sa mundo nang ganito na ang estado ng pamumuhay namin. Kasalanan ko ba na ganitong klase ng path sa buhay ang pinili ng mga magulang ko?
Kaya naman nilang magpalaki ng anak… hindi ko nga lang naisip na sa ganitong klase ng paraan.
Never mong mapapalitan ng mga materyal na bagay ang kakulangan mo ng pagmamahal at pag-aaruga sa isang anak. Never mong mapapalitan ng marangyang buhay ang pagkukulang mo bilang isang magulang na gagabay dapat sa mga anak mo.
Para saan ang pag-aanak?
Para ba may dugong maipagpapatuloy sa mga susunod na henerasyon, gano'n ba 'yon?
Nakakatawa lang.
Nang sandaling tumigil siya sa pagpasada ng haplos sa pisngi ko ay muli kong naramdaman ang pag-alis niya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kawayang papag.
Bagamat naramdaman ko na ang pag-alis niya ay hindi pa rin ako naging kampanteng magmulat ng mata dahil natatakot ako na naririto pa rin siya sa harapan ko. Nakakaramdam nga ako ng hiya sa tuwing maiisip ko na… pinagmamasdan niya ba ako nang palihim kahit na natutulog o di kaya ay nakapikit ako?
Hindi ba't nakakairita ang ganoong pag-iisip at kilos para sa isang babaeng katulad ko?
Hanggang sa naramdaman ko ang paglalakad nito palayo. Binalak ko sanang magmulat ng mata ngunit agad rin akong napapikit nang makita ko siyang nakaharap sa nakasaradong bintana ng kamalig at tanging ang likod lang nito ang nakikita ko.
"Yes. Maayos naman ang kalagayan niya," sagot niya na wari'y may kausap na iba bukod sa sarili niya. "Hindi mo na kailangang mag-alala dahil ligtas siya rito. Ligtas siya sa mga kamay ko."
Sinong kausap niya?
Mabilis akong nagmulat ng mata at dagliang umupo mula sa pagkakahiga.
Hindi ko inaasahan na nakabaling na sa akin ngayon ang tingin ng lalaki. Kunot ang noo nito na tila ba nagtataka sa biglaan kong pagbuhat sa sarili mula sa paagkakahiga kahit na nakagapos ang parehong kamay at paa ko. Ni wala man lang ginamit na parte ng katawan upang makatukod at tanging likod lang ang ginamit ko upang kumuha ng lakas.
Nang marinig kong may kausap siya sa kabilang linya ay natitiyak ko na may tiyansa pa ako. Hindi ko alam kung saan nga ba ako nakakuha ng lakas na buhatin ang sarili ko.
Pag-asa nga siguro na sa wakas ay may makakarinig sa paghingi ko ng tulong. Gusto ko rin namang mabuhay 'no!
"M-mmhh!" singhal kong ungol dahil nananatili pa rin ang pagkakabusal ng bibig ko gamit ang tela. "M-mmhh mmh!" tili ko pa sa abot ng makakaya ko.
Ginawaran ko siya ng isang napakatalim na titig na ikinaiwas niya ng tingin bago tumalikod.
Aba't gagong 'to ah.
Patuloy ako sa pag-uubos ng lakas sa pagbabalikwas kahit na alam ko namang wala akong kakayahang tanggalin lahat ng nakatali at nakagapos sa parehong kamay at mga paa ko.
Kung sino man ang tarantadong ito, alam kong may nalalaman siya sa ganitong klase ng sitwasyon dahil sa istilo pa lang ng pagkakatali sa mga kamay at paa ko… tila ba pro siya kung mang hostage ng tao.
Sa tingin ko nga ay isang drug lord ang lalaking ito at humihingi lang ng pera kay Daddy bilang kabayaran sa pagdampot sa akin!
Grabe, ang ganda sana ng katawan at mukha niya pero bakit ganitong klase ng work ang napili niyang trabahuhin?
Anong napapala ng mga kidnapper at magnanakaw na katulad niya?
Easy money na ba ang kailangan ng mga tao ngayon? Sayang may itsura pa naman siya.
Matangkad ito at medyo sabog ang buhok dahil sa patuloy na pagsuklay sa buhok nitong tila ba ginulo ng hangin at pilit na inaayos lang gamit ang mga daliri. Isa sa mga daliri niya ay may tattoo. Hugis araw na hindi ko matanto dahil sa sobrang detalyado ng pagkakaguhit dito.
Hindi ko tuloy alam kung henna lang o tunay talagang nakaukit na iyon sa balat niya.
Gaya nga ng sabi ko ay may katangkaran siya. Maputi ang balat nito at aakalain mong malinis at makinis. Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko… kidnapper ba talaga ito o ano?
Kung tutuusin ay pwede siyang magmodelo eh. Idagdag mo pa yung facial features niya na sa unang tingin ay aakalain mong kumakain ng tao. Mukha siyang bad boy dahil sa earrings nito sa tenga. Medyo makapal ang kilay ngunit nasa kurba naman. Malalim ang mga itim na mata at medyo mahaba rin ang pilikmata nito na mas lalong nagpapadepina sa itsura niya. Medyo matangos ang ilong at tila ba nararamdaman ko ang pagkinang ng mga mata ko sa tuwing makikita ko siyang nakikipag-usap habang nakatagilid sa pwesto niya magmula pa kanina. Medyo mapula ang labi nitong hindi man gano'n kanipisan pero nasa tamang ayos at porma naman.
Mukha siyang iritado sa unang tingin dahil sa palaging pagsasalubong ng mga kilay nito sa tueing sasagot sa kausap niya sa kabilang linya.
"I don't think I can handle it. Masyadong masakit sa ulo ang anak mo," pang-iinsulto niya sa 'kin sa kausap niya.
Masyadong masakit sa ulo? Ano bang ginawa ko sa kanya? Tang ina niya ah.
Malakas kong ipinitlag ang mga kamay at paa ko dahil sa labis na iritasyon sa salitang lumabas sa bibig niya. Nang dahil sa paulit-ulit kong pagbalikwas sa pagkakaupo ay hindi ko inaasahan na muli na naman akong malalaglag sa lupa and worst… unang mukha pa.
Nanuot ang pinaghalong sakit at kirot ang naramdaman ko nang sandaling lumapat ang mukha at katawan ko sa lupa.
Agad kong nakita ang daglian niyang paglingon sa gawi ko at mabilis na napasinghap at napabuntong hininga nang masaksihan niya ako sa posisyon ko.
"Gaya nga ng sinabi ko kanina… sakit sa ulo ang anak mo," dismayado niyang muling pagtalikod sa gawi ko na mas lalong ikinasama ng mukha ko. "I'll call you later. Asikasuhin ko lang itong anak mo."
Nang sandaling putulin niya ang tawag ay siya namang muli niyang paglingon sa akin. Isang singhap ang pinakawalan niya bago lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko.
"Pang ilang pagkakabagsak mo na ngayong araw 'yan, Isabelle. Sa oras na magpangatlo ka na sa pagkakabagsak, hihiwalay na 'yang mukha mo," pang-aasar niya bago muli akong binuhat at muling iniupo sa kawayan. "Dito ka lang, mag-iinit ako ng tubig para makaligo ka na," tikhim niya bago nag-iwas ng tingin at walang salitang lumabas ng kamalig na iyon.
Maliligo?
Kung makipag usap siya ay para bang may pinagsamahan na kaming dalawa. Sa tono pa lang ng pagsasalita niya ay naiinis na ako.
Ni hindi ko nga kilala ang lalaking ito tapos kung makipag usap siya ay para bang may pinagsamahan na kaming dalawa.
Pero.. para bang pamilyar sa akin ang itsura at ayos niya. Nakasama ko na ba siya o nakita ko na ang pigura niya sa kung nasaan man ako nagpupunta?
Pamilyar sa akin ang tindig ng pagkakatayo niya kanina pero ang mukha niya ay hindi ko gaanong makilala.

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    Cressida Astrid Volkzki

    Nice

    21/02/2023

      0
  • avatar
    Medina Algaba Balboa

    Keep writing author🤝💕👏🥂🙇‍♀️

    13/01/2023

      0
  • avatar
    RiveraRiane

    I Like it so much

    12/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata