logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Hoshiko Satoh

Year 2012...
Hoshiko Satoh, 18 na years old. Graduating na siya ng kolehiyo nang makilala ko siya. Education ang kinuha niyang kurso dahil pangarap raw nito maging isang guro ayon sa kaibigan kong si Nana. Habang kami naman ni Nana ay nasa edad 13 na at nasa 2nd year high school pa lamang. Hindi ko iniisip ang edad naming dalawa kahit pa magkalayo ito ng agwat. Hindi naman natin mapippigilan ang puso, at lalong hindi naman natin kayang turuan ang puso na huwag tayo maiinlove sa isang taong malaki ang age gap sa atin.
Unang kita ko pa lamang rito ay alam ko nang pag-ibig ang naramdaman ko. Oo, bata pa ako ng mga oras na 'yon. Pero hindi ba't wala namang pinipiling edad ang pag-ibig? Hindi naman natin mapipigilan na kabod na lamang tayo tamaan nito.
1st year high school pa lamang ay kaibigan ko na si Nana. Pero 2nd year na kami nagkakilala ni Kuya Hoshiko.Gustong gusto ko ang pangalan niya dahil star ang kahulugan nito, at ang kahulugan naman ng pangalan ko na Mizuki ay moon. Hindi ba't ang cute? Feeling ko ay kami na para sa isa't isa dahil sa mga pangalan namin.
"Ano, Miz? Sasama ka na naman sa bahay ko!?" lunch break ngayon at hindi tulad ng ibang estudyanteng kumakain ng tanghalian, ay heto kami ni nana, papunta sa kanila hindi para maglunch lang, para magcutting classes na rin.
Tinapik ko ang bibig ni Nana.
"Gurl, bahay mo lang? Kapal mo, ha! Magiging bahay ko na rin 'yon, noh!"
Huminto ito at humarap sa akin na naka pamaywang. "Hoy, babae! Ang akala mo ba ay papatulan ka ng kuya ko? Ikaw? Makakatuluyan niya? No way!" nagrolled eyes pa ito bago muling lumakad.
Tumalon naman ako at dinagukan siya. Inakbayan ko siya at sinabayang maglakad. "Alam mo, wala akong paki kung hindi mo man ako suportado sa kuya mo. Bakit sino ka ba? E, hindi naman ikaw ang nanay niya! So anong paki ko sa nararamdaman mo?" huminto ito saglit at pinanlakihan ako ng mga mata. Agad naman akong nagtatakbo para magpahabol rito.
Sa isang linggo siguro ay tatlong beses kaming magcutting ni Nana sa klase para lang pumunta sa kanila. Ano nga ba ang dahilan ng pagkacut namin ng klase? Ano pa nga ba? Ay mali. Sino pa nga ba?
Hoshiko Satoh. Aminado akong mahina ako sa klase pero kabisado ko naman ang schedule ng pasok niya. At kapag araw ng wala itong pasok ay saka kami umuuwi ni Nana sa kanila. Mali, ako lang pala ang nagpupumilit rito para umuwi sa kanila nang sa gayon ay masilayan ko manlang ang kuya niya.
Hingal na hingal kami ni Nana na pumasok sa loob ng bahay nila, 11:30 pa lamang at paniguradong wala pa si Kuya Hoshiko. Pumunta ako sa kusina nila at naabutan ko naman na gumagawa ng cake ang mama ni Nana.
Nagmano ako sa kanya. "Kawaan ka ng Dyos" ani mama ni Nana.
Akma akong magsasalita ng inunahan na ako nito. "Wala pa si Hoshiko, maglulundag muna kayo d'yan ni Nana." ani mama ni Nana na tatawa-tawa. Sa loob ng isang buwan na ganito palagi ay na sanay na ito. Alam nila na kuya Hoshiko lagi ang pinupunta ko rito, at hindi talaga si Nana. Pero pati rin naman pagkain ay pinupunta ko rin dito, masarap kasi gumawa ng dessert ang mama ni Nana. Mahilig pa naman ako sa matamis.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay may narinig na kaming pagbukas ng pinto. Napatalon naman ako sa saya dahil alam si Hoshi ko na yon.
Pumasok na ito sa kusina at hindi na ito nagulat nang makita ako. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ako sa ulo, laging ganito ang bati niya sa akin tuwing maaabutan niya akong nandito sa kanila.
"Ang aga naman ng little princess namin, wala na kayong klase?" umupo siya sa tabi ko.
"O-opo, kuya. Wala ka na pong klase?" nauutal kong sabi. Umubo naman ng peke si Nana. "Na, kamusta naman ang klase mo? Wala ba kayong assignment ni Miz ngayon?" nakangiting tanong sa amin ni Hoshi ko.
"M-meron po, kuya. Pwede po bang turuan niyo po kami? H-hindi ko po kasi ito maintindihan dahil sa bilis magdiscuss ng teacher po namin." nangingig ang mga kamay kong iniabot sa kanya ang isang libro.
Magaling ako sa Filipino, sa katunayan nga ay ito ang pinaka mataas kong grades. Pero dahil filipino subject ang major ng Hoshi ko ay ito ang pinapaturo ko. Tiningnan niya ang libro ko at tinanong kung saang part ko hindi lubos na maunawaan. Tinuro ko naman ang mga malalalim na salita mula sa kwento ng Florante at Laura.
Masaya ako sa ganito lang, hindi ko rin naman hinahangad na maging espesyal ako sa kanya, masaya na ako sa ganito, yung tipong nakikita at nakakausap ko siya.
Year 2021.. (Present)
Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang pakiramdam na ako ang palaging naghahabol sa'yo. Bakit lagi na lang ganito? Pitong taon na ang nakalipas mula nang mawala ka bigla, ngunit ang presensya mo ay lagi ko pa rin hinahanap-hanap. Ano bang klaseng gayuma ang ginamit mo sa akin para maging ganito ako kahibang sa'yo? Marami ang nagkakagusto sa 'kin pero mas pinili kong maghabol at magpakatanga sa'yo.
Bakit ka ba ganyan?
Bumalik ako muli sa cafeteria at naabutan kong nagkakagulo. Oo nga pala, nang umalis nga pala ako para habulin ang lalaking iyon.
Tumakbo palapit sa akin si Jace na naghahabol ng hininga. "Ma'am, si Ken po nakikipag-away." tumakbo kami ni Jace papunta sa pinaggagalingan ng away. Naabutan namin si Kento na nakahiga sa sahig, putok ang gilid ng kanyang labi at puro pasa ang pisngi at mata. Itinayo ng isang matabang estudyante si Kento gamit ang kuwelyo nito. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa estudyante ko, habang si Kento naman ay nakatingin rin sa kanya pero makikita ang ngisi sa kanyang putok na labi.
Tatawa-tawa ang isang grupo ng mga kalalakihan na nakita ko kanina bago ako lumabas ng cafeteria.
"Gusto mo talagang mamatay? Nakuha mo pang ngumisi!" Halos pumutok na ang ugat nito sa leeg dahil sa galit.
"Bakit?" dumura ito sa gilid at nang tingnan ko ay kulay pula ito. "Kaya mo na bang pumatay ng tao?" lumaki ang ngisi nito, halatang inaasar ang lalaking nakahawak sa kuwenlyo niya na kung titingnan ay walang ibabatbat si Kento sa laki ng pangangatawan nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang susuntukin na naman ng lalaki si Kento. Alam kong ako ang masasaktan sa gagawin kong ito pero wala akong ibang choice, estudyante ko ang naaargabyado at alam kong tama lamang na ako pumigil sa kanila.
Pumagitna ako sa kanilang dalawa na naging dahilan ng paghinto ng kamao ng lalaki sa mismong harap ng mukha ko. Narinig ko ang tilian ng mga estudyante, dahil siguro sa takot. Tiningna ko ng mariin sa mata ang lalaking susuntok sana sa estudyante ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" seryoso kong tanong. Bumaling ang tingin nito kay Kento at saka binitawan ang kuwelyo nito. Nagsalita muna ito bago umalis "Hindi pa tayo tapos. Pasalamat ka at dumating ang pakielamera mong teacher." Inaya niya ang mga kasama niya at sabay-sabay silang lumabas ng cafeteria.
Pinagmasdan ko ang kapiligiran, ang daming basag na plato at baso. Ang mga upuan ay gulo-gulo, may mga ilan pa nga na nayupi. Napailing na lang ako sa nakita.
Hinarap ko si Kento na ngayon ay pinupunusan ang dugo mula sa pumutok nitong labi. "Okay ka lang ba? Ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa mo?" nag-aalalang tanong ko rito.
Akmang hahawakan ko sana ang baba niya pero tinabig niya iyon ng kamay niya. Tiningnan ako nito ng malamig. "Ano bang pakielam mo?" naglakad na ito paalis. Lumapit naman sa akin ang mga estudyante ko at ikinuwento ang buong pangyayari.
"Nakapila po kami, ma'am. Bigla na lang pong sumingit ang mga lalaki na 'yon kanina at hindi po iyon nagustuhan ni Kento kaya't sinabihan niya sila na pumila mula sa likuran. Ayon po, ma'am simula po nun ay sinuntok na po nila si Kento." tumango-tango ang mga kaklase nito.
Tinanong ko naman sila kung anong year ng mga iyon at kung anong section. Napag-alaman kong 4th year sila at senior sila ng mga estudyante ko.
Hindi na nakapagtataka kung hindi ko sila makikita sa araw ng graduation nila. Umalis ako upang i-report sa nakatatas ang nangyari kanina. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa Principal's Office ay naabutan ko na roon ang mga kalalakihang umaway sa estudyante ko.
Pumasok ako sa loob at kitang kita ko ang matalim na tingin sa akin ng Principal. Anong nanyari? Bakit kung makatingin sila sa akin ay para itong papatay?
"Magandang tanghali po, Ma'am." nagbow ako. Saglit na kinain ng katahimikan ang loob ng office. Naputol lamang iyon ng may umubo.
Pinagkrus ng Principal ang mga braso nito at taimtim na tumitig muli sa akin. Ako naman ay kabadong nakatayo lang sa harapan nila.
"Alam mo ba ang gulong pinasok mo, Miss Fujihara?!" tumayo ito sa pagkakaupo at mabigat na dinabog ang lamesa dahilan ng lalong paglakas ng kaba ko. "Kilala mo ba itong batang ito?" tumingin ako sa batang tinuro niya. "Anak 'yan ng mayor natin! Siya lang naman ang anak ng taong nag-iisponsor sa kagamitan ng eskwelahan natin!"
Kumunot ang noo ko. "Yes, ma'am. Pero siya naman po ang nauna-" pinutol nito ang paliwanag ko at muling nagsalita. "Hindi na mahalaga kung sino man ang nauna! Ang sinasabi ko ay paano kung makarating ito sa mayor at ihinto na ang pagsponsor niya sa atin!? Kaya mo bang ibigay ang mga pangangailangan ng eskwelahan natin!?" napaupo ito habang sapo ang sariling batok.
"Tawagin mo ang estudyante mo para humingi ng tawad." aniya.
"Pero, ma'am nakita niyo ba ang mukha ng estudyante ko? Puro pasa at putok ang labi. Hindi ba't siya dapat ang humingi ng tawad, hindi ang estudyante ko?" tinuro ko ang estudyanteng anak ng mayor namin.
"Miss, Fujihara! Hindi ka ba talaga marunong makaintindi!? Tatawagin mo ba siya o kailangan ko pa siyang i-expel!?" nagulat naman ako sa sinabi nito kaya't mabilis na akong pumihit patalikod. Naglakad ako papuntang pintuan, hahawakan ko na sana ang door knob nito nang bigla itong bumukas.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkabog ng puso ko.
Bumalik siya...
Ano ang ginagawa niya rito? Matagal na panahon ang nakalipas pero ang itsura nito ay hindi pa rin nagbabago. Ngumiti ito ng malaki pagkakita sa akin. "It's been a while." Naglakad ito papasok sa office at nilampasan lamang ako nito na tulala at nag-iisip.
Anong ginagawa niya rito? At anong nginigiti-ngiti niya? Sa tingin niya ba ay close kami? At anong it's been a while pinagsasabi mo? Huwag na huwag mo kong magawang kausapin. Baka gusto mong ipaalala ko ang mga nagawa mo.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (129)

  • avatar
    B. HernandezYessha Karill

    hi miss Haeya🥰our beloved ❤ author...I hope ma published na po si season 2 ( I love you Sensei) cause season 1 is so beautiful and wonderful...I hope bago po mag Christmas ma published na po si season 2 kasi Alam ko po na super exciting po sya 🤩 in writing your story Ms.haeya you really did a great job!!!!💜please ipublished nyo n po Yung season 2 patuloy po akong maghihintay at susuportahan po kayo 😊 Pleased ipublished nyo n po EARLY CHRISTMAS GIFT 🎁 HEHEHEHEHEH LUV LOTS♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

    22/12/2021

      1
  • avatar
    SabaitonRosa

    Fish day school

    26d

      0
  • avatar
    Rhene Cullado

    good

    25/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata