Capitulo 4 Xav wants to comfort her sister, as well as her mother. But she couldn't because even she felt helpless. She feels darkness embracing her, choking her in sadness and in mourning. She doesn't want to cry but she keeps on hearing his father's word. Sa huli ay umiiyak na lang siya. At tama nga ang kaniyang ama, may mga pagkakataon talaga na wala kang ibang magagawa kundi ang umiyak. Matapos ang pag-uusap nina Jandro at Xavandra ay masaya pang nagsalo-salo sa hapunan ang pamilyang Elcazar. Ngunit nang sumunod na araw, hindi pa man tuluyang sumisikat ang liwanag ay namaalam na ang kanilang ama. Pakiramdam ni Xavandra ay mapapawi lamang ang kaniyang nararamdaman kung iiyak siya. Ngunit alam rin niyang hindi dapat siya habang buhay na umiyak. Alam niyang kailangan nilang magpatuloy. Magpatuloy para sa kanilang ama at ipagpatuloy ang naiwan ng kanilang ama. Naikuyom niya ang kaniyang palad at pilit na pinatatag ang kaniyang loob. Siya ang kanilang sasandalan kung kaya’t kailangan niyang maging matatag. Be strong sisters. We'll get through this. Bulong niya bago hagkan ng mahigpit ang kaniyang mga kapatid. “Mamimiss ko kayo,” bago pa man tumulo ang luha ni Lahna ay mabilis na niyang hinagkan muli ang dalawa at tsaka pinupog ng halik. Hindi man gusto ni Lahna ang ideya na malayo sa kaniya ang dalawa niyang anak ay suportado pa rin niya ang mga ito sa paglipad patungo sa Mexico. Maigi na rin iyon upang mabilis silang makaahon mula sa pagkawala ng kanilang ama. Mahirap para sa ina na malayo sa anak, ngunit ‘di hamak na mas mahirap para sa isang ina na makita ang anak na nalulungkot at umiiyak. Gusto mang pawiin ni Lahna ang nararamdaman ng mga anak ay hindi niya magawa. Dahil maski siya ay labis na nagdaramdam sa pagkawala ng pinaka mamahal niyang asawa. Jandro was her first love and for her, Jandro will always be the Jandro that she fell in love with back in she was sixteen. Jandro is the man who fulfills her fairy tale dreams. He is the man who loves her with faithfulness. “Se fuerte, nieta mia. Ikaw ang sasandalan ng iyong ina. Maging ng mga kapatid mo, kahit pa naroon sila sa kabilang bansa." humigpit ang hawak ni Xavandra sa kamay ng kaniyang Lola bago ito tumango. "Kung kailangan mo ng masasandalan ay nariyan lang rin sila para sa’yo. Isang pamilya kayo, tayo. Kaya naman huwag kang mahihiyang magsabi sa amin kung pagod kana, kung hindi mo na kaya at kung kailangan mo na ng tulong," mahinahon na sabi ng matanda. Somos familia. Siempre recuerda eso.” Para sa isang pamilya, mahirap mawalan ng isang haligi ng tahanan. Mula pagkabata ay naranasan ng magkakapatid ang pagmamahal at pangangalaga ng isang ama. Tunay silang ipinagpala sa aspetong iyon. Dahil hindi lahat ay nagagawang maranasan ang maalagaan ng isang ama. Hindi lahat ay nararanasan na magkaroon ng isang ama na mag-aalaga at ituturing silang prinsesa. Kaya naman labis na nagdaramdam ang tatlong magkakapatid. Hindi lamang isang ama ang nawala sa kanila, kundi nawalan din sila ng isang kaibigan at guro. Kung panaginip ang lahat ay nais ni Xavandra na gumising. Nais niyang ibalik ang panahon na kasama pa nila ang kanilang ama. Ngunit alam niyang ito ang reyalidad at ito ang bagay na kailangan nilang harapin. "Te amo. Te amo. Ate loves you so much. Mag-aaral mabuti ha?" Muli niyang hinagkan ang dalawa at binigyan ng tig-iisang halik sa pisngi. Kumaway na lamang ang tatlo nang makasakay na sila sa kotse. Hindi na pinili ni Lahna na ihatid pa sila sa airport dahil baka kapag naroon na sila ay hindi na niya paalisin pa ang mga anak. Magkayakap na lang na pinanood nila Lahna at Xavandra ang papalayong sasakyan hanggang sa nawala na ito sa kanilang paningin at doon biglang bumagsak ang mga luha ng mag-ina. Para sa iba ay masyado na iyong maarte ngunit para sa kanila ay hindi. Buong buhay nila ay madalas silang magkakasama, tila ba hindi pu-pwedeng mahiwalay ang isa dahil baka hindi na makagalaw ang iba. Ngunit sa reyalidad ng mundo ay hindi maaari iyon. Because you have to let people go whether you like it or not. Mahirap man mawalay sa mga kapatid ay kailangang kayanin ni Xavandra. Kahit ganoon ang set-up ng kanilang pamilya ay hindi lumipas ang oras na hindi niya sila kinamusta. Sa pagsisimula ng pasukan ay hindi rin nagpabaya si Xavandra sa pag-aaral dahil alam niyang iyon ang isang bagay na mahalaga para sa kaniyang ama. “Okay, give me at least one history fact…Ms. Elcazar,” tawag ng kaniyang maestro. Marahan namang tumayo si Xavandra. “The famous nursery rhyme, Mary Had a Little Lamb is true. Mary actually had a little lamb. It is based on a true story wherein Mary helps an old church to raise money by selling wool from the lamb.” “Very good. Next!” masiglang sabi ng kanilang maestro bago muling magtawag ng iba. Pagkatapos ng kanilang recitation sa naunang subject ay mayroon nanaman sa sumunod. Hindi maalala ni Xavandra kung nakapag-review ba siya ngunit nagpapa-salamat na lang siya at kahit papaano ay mayroong naiwan sa isipan niya. Bagaman nalulungkot pa rin ay pinilit ni Xavandra na maging aktibo sa klase. She’s smiling and actively participating in the class, laughing with her friends and classmate but deep inside, she’s still feeling sad. Every day, she missed her father, and then she’ll cry suddenly. She keeps on feeling her father’s embrace, it’s warm and protected. Xavandra's sigh and the voice of her instructor was the thing that brought her back to reality. “Ano-ano ang walong probinsya na kinakatawan ng walong sinag ng araw sa banderang inistilo ni General Emilio Aguinaldo? tanong ng guro. “Miss Elcazar,” “Manila, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Batangas at Cavite.” “Very good,” the instructor complimented. Xavandra smiled before sitting back. And suddenly, her father’s voice echoed in her mind. The proudness in her father’s voice echoed in her mind that it almost made her cry. She closed her eyes and reminisces the moments where her father is still alive. Xavandra feels so sad every time she thinks about her father dancing her in her eighteenth. It has been her dream but since her father left them, that dream will just remain a dream. The bittersweet feeling lingers in her heart while she’s watching her classmate who’s dancing in her eighteenth with her father. Xavandra doesn’t want to feel envious but she couldn’t help it. She loves her father very much and losing him is like losing half of her soul. Her dead dream is to dance with her father…again like they did when she was seven. Papa, I miss you. Por favour ven en mis suenos y baila conmigo. Please dance with your princess…
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
muito boeno
26/06/2023
0Wala lang
12/08/2022
0thenk
07/08/2022
0Tingnan Lahat