logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 9

Capitulo 9
Xavandra shook her head for the nth time. Her friends keep on insisting that she and Rusten had a thing even before. No matter how hard she tried to explain that they are just best of friends, her friends don’t believe her. As much as she wanted to think like her friends, she couldn’t because she doesn’t want to assume things.
“We don’t have a thing, girls. And we’ve been off of communications since the last time I remember.” She then simply winced at the thought that their communication is slowly dying. “Don’t worry because I will let you know if we become a thing. For now, believe me, we don’t have any ‘thing’ or that we are romantically attached.”
“If you say so,” they said in unison and the topic immediately changed.
Kanina pa niya kasama ang mga kaibigan at kanina pa sila tumatawa matapos ang usapan nila tungkol kay Rusten. Masaya siyang makasama muli ang mga kaibigan at inaasahan niyang sa oras ng kagipitan ay ito ang mga maaasahan niya kaya naman ay maayos siyang nakikisama sa kanila. Naniniwala si Xavandra na kung ano at paano ang trato mo sa ibang tao ay iyon din ang babalik sa’yo.
Napuno lamang ng tawanan at biruan ang naging paglabas nilang magkakaibigan kung saan ay biniro pa siya ng iba na doon lamang sila magtrabaho sa kanilang pag-aari na siya naming sinakyan lamang ni Xavandra. Nang maisipan na nilang umuwi ay nagka-yayaan na silang umuwi kung saan sabay-sabay silang lumabas sa naturong maliit na kainan sa bayan. Nagkaniya-kaniya ng alis ang lahat habang si Xavandra naman ay nagcommute na lang para hindi na maabala si Manong Juan—ang kanilang family driver.
Napasilip si Xavandra sa kalangitan na kulay pastel na. Napakaganda niyon lalo na at humahalo na ang kulay ng papalubog ng araw. Papa? Como estas? I miss you.Bulong niya habang nakatitig sa kalangitan. Pinanood lamang ni Xavandra ang kalangitan habang nasa byahe siya at mini-memorya ang ganda niyon. Hindi niya maiwasan ngunit sa tuwing titingin siya sa kalangitan ay para niyang nakikita ang mga magulang niya. Para silang kalangitan, palagi lang nariyan at nakamasid sa kanila, kay ganda at kay payapa.
"Salamat po, Manong," pasasalamat niya sa tricycle driver ng makababa siya.
Ang mataas na gate na nagsisilbing arko sa kanilang malawak na bakuran ay palaging nakabukas sapagka’t labas-masok ang mga truck ng deliveries at iba pang trabahante. Hindi naman nag-aalala si Xavandra sa safety ng lugar sapagka’t well safe naman iyon. Bago makatuloy sa parte ng El Casa ay mayroon pang gate na naroon. Bago naman makatuloy sa kanilang mansion ay mayroon ding gate na hanggang dibdib.
Kahit sa kabilang parte pa ang El Casa ay natatanaw pa rin ang ganda niyon sa kinaroroonan ni Xavandra. Dahil organize ang El Casa ay lalong naging maganda at kanais-nais iyon sa paningin. Ang malamig na hangin ng dapit hapon ay yumakap kay Xavandra kung napahinto siya sa paglalakad kasabay ng marahang pagkabog ng kaniyang dibdib. Huming siya ng malalim at tsaka tumingila sa kalangitan na bahagyang natatakpan ng iilang matatayog na puno. Tumambad kay Xavandra ang mga dahong nagsasayawan sa saliw ng malamig na hanging dapit hapon. Ang munting kabog ng hindi mapangalanang emosyon ni Xavandra ay naroon pa rin ngunit pinili niyang maging positibo. Ngumiti siya at muling nagsimulang maglakad.
Ilang metro pa ang kailangang lakarin ni Xavandra mula sa kanilang gate patungo sa mismong mansion kaya naman ay masayang nilakad ni Xavandra ang kalawakan ng kanilang bakuran habang tinitignan ang bawat parte niyon hanggang sa matanaw na niya ang mansyon. Ngunit hanggang tanaw na lamang siya dahil hindi na siya hinayaan ng mga pulis na makapasok doon.
Naiwang gulong-gulo si Xavandra at hindi makapaniwala habang kaharap ang mga pulis. Mariin siyang pumikit at kinakalma ang kaniyang sarili. Hindi maintindihan kung bakit…bakit mayroong pulis sa kanilang mansion at kung bakit hindi siya pinapasok ng mga ito.
“What!? This our mansion! Let me in! Where’s my Mama?” nawawalan ng pasensya na tanong ni Xavandra sa pulis na kanina pa siyang pinipigilan na makakapasok.
Nang hindi siya sagutin ng pulis ay napatingin siya mga trabahanteng gaya niya ay nasa labas lang din ng mansyon. Ngunit nang Makita siyang nakatingin sa kanila ay bigla na lang silang umiwas ng tingin na animo’y mayroon siyang dalang malalang sakit. Hindi lang iyon dahil ang sumunod na ginawa nila ay nagbulungan na. Hindi makapaniwalang napatitig si Xavandra sa mga trabahanteng naroon sa labas ng kanilang mansyon habang sumusulyap sa kaniya at tsaka magbubulungan. Marahan siyang napailing at tuluyan ng nagdikit ang kilay niya dahil sa nangyayari kung kaya’t muli siyang nagpumilit na pumasok ngunit hindi siya hinayaan ng pulis. Halos magwala siya, bagay na ngayon lang niya nagawa ng biglang marinig ang sigaw ng pamilyar na tinig.
“Xavandra!” si Yaya Marsia na lulumuhang dumulog sa kaniya.
“What’s happening Yaya? Nasaan ang Mama ko? Si Tito Sandrino? Si Nanang?” sunod-sunod na tanong niya ngunit pag-iling lamang ang naging sagot ni Marsia.
“Hija, nasa presinto ang Mama mo,” saad ng pulis na may malungkot na tingin sa kaniya.
Hindi makapaniwalang natawa si Xavandra ngunit walang sigla bago basahin ang pangalan ng pulis na nagsalita. “Excuse me, Sir Vidal, but why she’s there?”
“Because she’s a criminal,” a sophisticated voice of a woman answered her question.
Matapos marinig ang tinig ay dahang-dahang nalipat ang tingin ni Xavandra sa babaeng iyon. She’s beautiful…beautifully sophisticated. Pulang-pula ang labi nito at kay puti ng kaniyang balat. Sa likod ng babae ay isa nanamang pulis na tinawag ni P.O Vidal na captain. Hindi na binigyang pansin pa ni Xavandra ang dalawang pulis at muli na lang binalik ang tingin sa babae. Pinakatitigan niya iyon na tila ba isini-siksik niya sa kaniyang isipan ang itsura nito. Hindi iyon ang ugali ni Xavandra ngunit sa pagkakataong iyon, pagkakataong iyon, tila iyon ang pinaka dapat niyang gawin.
“And a criminal belongs to that place,” dagdag ng babae.
“No,” may diin na sagot ni Xavandra sa kabila ng halo-halong nararamdaman niya.
The woman gracefully laughs. “She is…a…criminal,” sambit niyang pinagdiinan pa ang huling salita. “And I’ll gonna make sure that she’ll pay for killing my husband.”
“Grace,” untag ng kapitan. “Kailangan ng dalhin sa morgue ang bangkay.”
Tunay na nasindak si Xavandra sa uri ng tingin ng babae matapos nitong tumingin sa Kapitan at magbalik tingin sa kaniya. Galit ay naroon at nag-aapoy, nagawa niyong panindigin ang balahibo ni Xavandra sa kaniyang buong katawan. Ngunit bago pa man tuluyang tumalikod si Grace ay nagawa pang makipaglaban ng tingin ni Xavandra sa kaniya. At hindi lubos akalain ni Xavandra na iyon ang huling itsura na tatandaan niya sa tanang buhay niya.
“Mama…M-Mama…Nooo!!!” sigaw ni Xavandra nang bangkay na ng ina ang madatnan niya sa presinto.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    SilvaBernardo

    muito boeno

    26/06/2023

      0
  • avatar
    Zam Ora

    Wala lang

    12/08/2022

      0
  • avatar
    Mel Esquivel

    thenk

    07/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata