logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

11 /Panaginip/

Nothing can beat the joy feeling of walking down in the isle.
Ang saya ko dahil sa wakas, ang pangarap ko noon ay nagkakatotoo. Nakangiti ako habang may luhang umaagos sa aking mga mata. Hindi ko na iyon pinahiran pa dahil nakasuot ako ng balabal.
Ang saya ng mga tao sa aking paligid. Mabagal ang aking paglakad na para bang pinakiramdaman ko ang moment. I am not going to let the day pass without me feeling this moment. Matagal ko na itong pangarap, at ang matupad ito ay ang sarap sa pakiramdam. Bahagya akong huminga ng malalim at nagpalabas ng hangin upang maibsan ang aking naramdamang kasiyahan.
Papalapit na ako sa altar, nakita ko na siya.
Ang mga ngiti niya, ang gwapo niya sa ngiti niya.
Ang linis niyang tignan sa kaniyang black suit. Nakita ko siyang naka ngiti habang nakipag-kausap sa kaniyang katabi. Nang lumingon siya sa akin ay agad ko rin siyang nginitian. Napawi ang kaniyang ngiti at pinagmasdan akong mabuti, di ko siya makita ng maayos dahil sa balabal. Pero alam ko sa akin siya nakatingin.
Alam ko... unti-unti siyang ngumiti.
When I took a step, biglang nag-iba ang paligid. Ang mga tao ay nagkagulo.
May nagsigawan. May nag-aaway, may nag-iyakan habang may binubogbog.
Naghalo ang kaguluhan, ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bigla ring sumakit ang pisngi ko, nakaramdam rin ako ng likido na umaagos mula sa gilid ng aking ulo. Hinawakan ko ito, ramdam ko ang pagka-basa ng aking palad. Marahan kong tinignan ang aking kamay na nanginginig. Laking gulat ko nang makita ko ang kulay pulang likido, dumudugo ang ulo ko!
Napatingin ako sa aking harap at hinanap siya. Ngunit di ko siya mahanap. Napa lingon ako sa aking paligid nagbabasakaling mahagip ng aking mga mata ang mukha niya pero hindi! Hindi ko siya nakita.
Sinubukan kong lumakad ngunit hindi ako makagalaw, parang sinemento ang aking mga paa dahil sa bigat. Bigla ko ring naramdaman na may kadena palang nakasabit sa aking leeg.
Tumingin ako sa aking likuran kung saan nanggaling ang puwersang humihila sa akin. Likod ng lalaki at babae lang ang nakikita ko, di ko alam kung kanino dahil sa liwanag na nanggaling sa labas.
Pero isa lang ang alam ko, ang kadenang naka sabit sa aking leeg ay nakadugtong sa isa sa kaniyang mga daliri sa kaliwang kamay. Sa tuwing pagkilos o pag-hakbang nila ay nakakahakbang din ako na tila ba sa kaniya lang ako umaasa upang makakilos. Para akong alipin na hinihila ng kaniyang may-ari.
Tumigil sila sa gitna ng pinto at lumingon sa akin ang lalaki. Pilit kong nilalabanan ang liwanag upang makita kung sino siya ngunit, ngiting may halong kasamaan lang ang nakita ko. Sumakit bigla ang puso ko at napa-upo ako sa sahig ng simbahan. Nagulat ako dahil wala na pala ako sa simbahan, sa pag-upo ko kanina ay napadpad ako sa isang sementeryo. Nakaharap ako sa isang burol na may isang puntod. Hindi ko alam kung bakit ang sakit ng puso ko, umaagos ang luha ko habang nakatitig sa lapida sa aking harapan.
Humahagulhol ako sa pag-iyak.
Ang sakit ng puso ko, napag-tanto ko rin na may mga pasa pala ako sa aking paa at kamay.
Bigla ring kumidlat at kumulog, bumuhos ang napakalas ng ulan. Wala akong nagawa kun'di ang umiyak lang.
Ang bigat sa pakiramdam. Ang gulo ng utak ko. Di ko alam kung anong gagawin ko.
Biglang humihip ang hangin dahilan upang mapa-yakap ako sa aking sarili. Dahil sa pagod na naramdaman ng aking kabuoan ng aking katawan ay humiga ako sa tabi ng burol. Ramdam ko ang pagpikit ng aking mga matang kanina pa gustong pumikit.
———
Napadilat ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Alarm lang pala, mag aalas syete na. Tumayo ako at dumiretso ng banyo. Naghilamos ako at napatingin sa repleksyon ng aking sarili sa salamin.
Nananaginip na naman ako.
Napabuntong hininga na lang ako dahil don. I smiled to my self.
Kinuha ko ang toothbrush ko at nag sipilyo nalang ng ngipin. Nag shower na rin ako upang makapag ready for the day, baka bigla lang susulpot si Nica dito, dadalhin niya na naman ako sa mall na hindi naliligo. Hindi naman ako mabaho kahit kakagising lang, sadyang ang lagkit sa feeling nang hindi naliligo.
Habang nag s-shower ako ay bigla kong naalala ang panaginip ko. Anong klaseng panaginip yon? Siguro may kinalaman na naman ang pinag-daanan ko noon, given the fact na umattend ako ng kasal kahapon.
Napangiti nalang ako ng bahagya, ngiting may halong kalungkutan at kasawian.
Nagpatuloy ako sa pagligo at nagbihis ng white tank top at black fitted na jeans.
Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower at sinuklay iyon upang maging maayos. Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko ang wallet, phone at susi ng sasakyan para di na ako babalik pa mamaya dito sa kwarto.
Naninigurado lang ako na dadalhin ang susi baka hindi mag-dadala si Nica ng sasakyan, ang hassle mag commute. Dumiretso ako ng kusina at saka gumawa ng salad upang pang-agahan.
Gumawa rin ako ng tea at nag hiwa ng avocado. Lumabas ako ng bahay at umupo doon sa may table na kaharap ng gate. Mag-aalas osto na at ang sariwa ng hangin kahit ramdam mo ang init ng panahon. Buti nalang may mga halaman ako kahit papaano. May puno rin sa labas ng gate, sa tabi nung daan.
I sighed. This is so refreshing.
Kahit masama ang panaginip ko, ang ganda naman ng gising ko.
My life is so peaceful... right now...at least.
I drank my tea and smiled a little. Maybe I am moving, maybe I am doing my best to move forward...yes I am, because if hanggang ngayon ay hindi pa rin ako umuusad, baka wala ako dito. So yes, I am moving. Even though it's taking me long, it's okay as long as I am moving.
I was wrong, I thought I haven't move an inch but realizing where I am today, I know...I am assured...that I am moving.
Nag-inat ako ng mga kamay at napangiti sa aking paligid. It's okay to still feel the past at all, it's okay. I understand you now, Violet. I'm sorry for making you rush into healing. Please take your time, it's okay to still feel the pain. I know you can do it, kung pakiramdam mo hindi ka umuusad. Mali ka, dahil ikaw ay umuusad. Take one step at a time. You can do this, we can do this.
Huminga ako ng malalim at ngumiti, kung may makakita sa akin ngayon baka mapagkamalan akong baliw dahil kanina pa ako laging ngumingiti dito.
Kinain ko ang avocado, at niramdam ang tamis nito. This is perfect, I ate my salad too. I feel like it cleanse my entire soul. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, maaliwalas ang isipan ko. Walang mabigat na dinaramdam ang puso.
Pagkatapos kong kainin ang lahat ay pumasok na ako ng bahay. Inilagay ko sa sink ang aking pinaggamitan at hinugasan ang mga ito.
After doing the chores, ay uminom ako ng tubig for hydration. I was on my way to water the plants pero biglang umulan. Kay bilis lang nito, parang dumaan lang. So instead, nagpunta nalang ako ng sala at pina-on ang aircon upang 'di ako maging haggard. Nag check na rin ako ng phone, pampalipas lang ng oras. Mag-aalas nuebe pa naman, maaga pa.
Nag check ako ng social media. Nakita kong may post si Lee sa kanyang ig account. It's a beach photo na may nag-susurfing. May caption rin itong, “See you Siargao!” with matching emoticon with heart eyes. Napatawa naman ako sa comment ni Belle. Binasa ko lahat dahil na mention rin naman nila ako.
@BelleFleur: sabi ni Nica di ka daw kasama haler.
@LeeeluvieLee replied to @BelleFleur: Excuse me, ako ang nag suggest na mag Siargao tayo hmp!
@BelleFleur: May kasalanan ka kay @VictoriaViolet kaya di ka namin isasama.
@LeeeluvieLee replied to @BelleFleur: Che! Miluvs @VictoriaViolet, are you still mad at me? :<<<
Napa-iling na lang ako. Nag tipa rin ako ng message upang maireply kay Lee.
@VictoriaVioet replied to @LeeeluvieLee: Sarap mo pa ring iuntog sa pader.
Nakita ko namang napatawa sila sa akin lalo na si Belle. Di na ako nag reply pa at nag out nalang ng ig. Dahil mukhang wala pa naman si Nica, kaka text pa nga lang sa akin na kakagising niya lang. Naisipan ko nalang na mag surf sa fb. While scrolling on my newsfeed, nakita ko ang issue patungkol sa amin ni Lito.
“Manuel, girlfriend reveal?” yan ang nakalagay. Anong girlfriend reveal, sabing di niya ako girlfriend. I'm not assuming anything, sadyang picture ko lang talaga ang nakita ko.
May nakita rin akong isang post ng isang news page. Baka fake page lang, ganito kasi ang nakalagay.
“Manuel receives backlash from netizens after posting a tweet regarding his girlfriend issue...”
Dahil ayaw kong magkaroon ng sakit sa ulo, early in the morning. Kahit may kinalaman sa akin ang balita, ay di ko nalang ito pinansin. Instead nag out nalang ako ng fb at naisipang matulog nalang muna.
Pagka gising ko, nakita kong may missed calls si Nica at Lee sa akin. Tatawagan ko na sana pabalik si Nica ngunit bago paman 'yon ay narinig kong may nag door bell. According to my monitor, si Nica iyon. Kaya walang pag-alin alangan, I opened the door for her.
“Girl I'm sorry, alas nuebe na talaga ako naka gising.” bungad niya sa akin. She looked at her wrist watch. “11:40 na, let's go. Let's eat lunch first, I know some Japanese restaurant around the city.”
Kinuha ko ang wallet at phone ko. Di ko na dinala ang susi ng kotse kasi dinala na niya ang kotse niya. Nag double check muna ako kung na lock ko na ba lahat, at nang matapos ko 'yon ay dumiretso ako sa sasakyan.
Pinaharurot niya naman iyon papunta sa restaurant na kanyang sinabi. We ordered wanu beef, plano sana naming mag eat all you can but since we are out of time nag one serving lang kami.
After eating lunch, we waited for some minutes to get some rest, also so we can relieve our stomach.
Mga labing tatlong minuto ang nakalipas ay dumiretso kami sa mall. When it comes to shopping, si Nica lang talaga ang mahilig. Especially when it comes to these things, kahit may mga swim wear naman ako sa bahay at papaano ay meron rin naman akong pwedeng susuotin for our trip to Siargao, ay gusto niya talagang bumili ng bago.
I mean I shop naman minsan but not like her. She is very fond of things like clothes, shoes and jewelries, and I bet because she was once a model. So she's good and she very likes it when it comes to fashion.
I can't stop her though, it's her life and it's her money. It's her happiness, and as long as my friends are happy doing things that aren't illegal then there is nothing I should be worry about.
They always supports me, they are always there for me when I was on my lowest. So the only thing that I could give back to them is, friendship. And when I say friendship, that includes all. The love, security and support.
“Violet this will look good on you.” si Nica habang ipinakita niya sa akin ang isang white na beach dress. It's the same as what I am wearing at the moment. Tank top white floral dress na below the knee. It has slit in the back so maybe if susuotin ko yan then I am not going to wear any bra anymore since it is already padded.
It looks nice for me, nag suggest si Nica na sukatin ko kaya pumasok ako ng fitted room. After some minutes, I heard 3 knocks on the door.
“Violet, may I come in?” I said yes to Nica as a response. Pag pasok niya ay namangha siya sa akin.

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    Kath Solasta

    it was so gooooddddd

    19/01

      0
  • avatar
    Airish Joy Monsales Rafael

    gandaa

    06/12

      0
  • avatar
    Dhale Balcorta

    nice

    04/05/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata