logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

After You Walked Away

After You Walked Away

Blaire


First Encounter

“Andiyan na pala ang pinsan ko. Jake! Jakey! Here!” sigaw ni Sarah at kumaway para makita sila ng binatang tinatawag na kadarating lang. Namumula na ang pisngi ng babaeng kaharap niya dahil sa dami ng alak na nainom. Tila wala narin itong pakialam sa paligid. Ibang-iba ang itsura at gawi nito sa Sarah na nakilala niya kani-kanina lang.
Medyo malalim na ang gabi at nasa isang bar siya noon. Ang dahilan: Job interview “daw” niya. At ang babae na nagsama sa kaniya sa bar na iyon ay walang iba kundi si Sarah Cristobal.
"Paano ba ako nauto ng babae na itong sumama dito?" lihim na pagalit niya sa sarili sabay tingin sa relo.
“Ayan na si Jake! Siya ang maghahatid sa’yo Anna!” pukaw ni Sarah sa atensyon niya.
Sinundan niya ng tingin ang lalaking itinuro ni Sarah na pinsan daw nito. Paglingon niya ay hindi niya napigilan ang humanga sa lalaking papalapit sa kanila. Tunay na napanganga siya! Noon lang siya nakakita ng ganoon kagwapong nilalang. Mukha itong modelo na lumabas sa isang magazine! Matangkad, tama lang ang kulay ng balat--hindi maituturing na maputi ngunit hindi rin maitim, messy ang buhok na bumagay sa matangos na ilong at makapal na kilay. Maninipis ang mapupula nitong mga labi. Kahit medyo madilim ay agaw-pansin ang kagwapuhan nito. The man walked confidently at hindi nakaligtas sa kaniya ang pagsulyap dito ng mga kababaihang nasa bar din ng mga oras na iyon. Iyon nga lang, nakakunot-noo ito at tila galit habang papalapit sa kanila.
Siya naman ay parang na-hipnotismo sapagkat nakalapit na ang pinsan ni Sarah sa kanila ay nakatitig parin siya dito. Napansin siguro nito ang tingin niya, tumikhim ito at saka palang siya natauhan. Napayuko siya sa pagkapahiya. Naramdaman naman niya na napangiti ni Sarah sa harap niya.
“Jake, meet Anna!” pakilala sa kaniya ni Sarah.
“Hello Jake—“
“What are you doing here?” galit na tanong ni Jake kay Sarah na hindi siya pinansin manlang. “Kanina pa kita tinatawagan. Why did you run away? Dean is so worried about you! Kanina ka pa namin hinahanap. I’ll call him,” dire-diretsong litanya ng binata na bakas ang iritasyon sa mukha. Sumulyap ito ng tingin sa kaniya at napakunot lalo ang nakakunot na nitong noo. Tila galit din ito sa kaniya!
Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa mga tingin ng lalaki. Nakasuot siya ng formal dress ng mga oras na iyon dahil kagagaling lang niya sa isang job interview ng umaga. At nitong hapon nga ay nakilala niya itong si Sarah na siyang nagdala sa kaniya sa lugar na iyon.
Kinuha ng binata ang cell phone nito sa bulsa at tinawagan ang sinabi nitong “Dean”.
“Oh! My future husband is worried about me, huh?” Sarah snorted. Mukhang lasing nanga ito at sa tingin ni Jake sa kaniya ay tila siya ang sinisisi nito.
“Of course, he is!” sagot ng binata pero sa kaniya parin nakatingin. “Papunta na daw si Dean dito.”
Nakaramdam siya ng awkwardness sa paligid. Ang sabi ni Sarah ay papakiusapan nito ang pinsan niyang ito na ihatid siya pauwi. Parang gusto nalang niyang lumipad pauwi kung ito ang maghahatid sa kanya. Sa itsura nito ay malabong mangyari na ihatid siya nito ng ligtas. Mukhang gusto siya nitong ilibing ng buhay sa tindi ng pagkakatingin sa kaniya!
“Why are you here Sarah? At nakuha mo pang maglasing!” singhal muli ni Jake sa pinsan.
“Look Jakey! I’m doing a job interview here!” tumatawang sagot ni Sarah at itinuro pa siya. Wala na ito sa sarili at nilamon na ng alak ang katinuan.
Napalingon ang binata na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Lalo siyang napahiya sa sinabi ni Sarah. Marahil iniisip ng Jake na ito na isa siyang baliw. Sino nga ba naman ang matinong a-attend ng job interview sa isang bar?
"Ikaw nga diba!" sagot ng utak niya. Sa totoo lang ay gustong gusto na niyang tumakbo o sumuot nalang sa ilalim ng lamesa hanggang sa makaalis ang mga kaharap. Napansin niyang nakatingin parin sa kaniya si Jake na tila naghihintay din ng explanation mula sa kanya.
“Ahh..ehh..” Hindi niya maisip kung paano ipapaliwanag dito kung bakit siya naroroon para sa job interviews daw niya umano.
Naalala niya kung paano siya napunta sa sitwasyong iyon. She was at Manila Bay after her job interview. She didn’t know if she got the job. Madaming beses na niyang narinig iyong linya na “tatawagan nalang namin kayo” mula sa mga HR na kumakausap sa kaniya. Nagugutom na siya sa tagal niyang naghintay na ma-interview ngunit mukhang bigo parin siya na matanggap sa trabahong iyon. Inabot na siya ng alas tres ng hapon at hindi pa siya nagtatanghalian. Isang buwan na siya sa Manila, nagpapasa ng resume online at kapag may tawag para sa interview ay pumupunta agad siya. Sinalo lang niya ang apartment na tinuluyan ng kaniyang pinsan matapos itong mag-board exam. Isang taon kasi ang kontrata nito ngunit anim na buwan lang ito naglagi doon, kung kaya nagpasya siyang pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho. Naupo siya sa isa sa mga upuan, and then she saw her.
Across her is a very beautiful lady. She is dressed casually pero hindi maipagkakaila na kakaiba ito. “Mukhang yayamanin!” aniya sa isip habang pinagmamasdan ang babae. Mala-porselana ang balat nito, pang-modelo ang katawan at nagkukulay golden brown ang alon-alon na buhok nito kapag tinatamaan ng sinag ng araw. Ngunit may napansin siya dito--malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa kalawakan ng dagat. For a moment ay inakala niyang tatalon ito sa dagat kaya agad siyang napatakbo at madiing hinawakan ito sa braso.
“Waag!! Miiss! Maghunos-dili ka! Wag kang tatalon!” malakas niyang sigaw na nakaagaw ng atensyon ng mga tao sa paligid.
Napamaang sa kaniya ang babae na tila napahiya. “What makes you think I would do that?” aniya.
"Mali ba ako? Akala ko tatalon eh," bulong niya sa isip. “Ahh..A-akala ko kasi..ahh, s-sorry Miss..ang lungkot mo kasi tingnan,” napapahiyang sagot niya.
Napatitig sa kaniya ang babae. Maya-maya ay ngumiti ito ngunit bakas parin sa mga mata ang lungkot. “What is your name?” tanong nito at mataman siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Anna. Anna Cruz,” sagot niya na nakadama ng pagkailang sa ginawa ng babaeng pagtingin sa kaniya. Matapos ang ilang minuto ay ngumiti ang dalaga at nagsalita. “You are very observant, Anna.”
“Bakit ka ba malungkot?” tanong niya. Sa isip ay pinapagalitan niya ang sarili. "Anong ginagawa mo Anna? Why are you having this conversation with this stranger?" Ilang minuto ang lumipas at akala niya ay hindi na sasagot ang babae ngunit bigla itong nagsalita muli.
“He doesn’t love me,” malungkot na sagot nito.
Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Aha! Love problem pala! Sobrang ganda naman nito para hindi mahalin.
“Sino namang baliw na lalaki ang hindi ka mamahalin? Sa ganda mong iyan, mukha ka namang matalino—“
Tumawa lang ang babae sa mga sinabi niya. “Anna, hindi ka ba natatakot? People don’t usually talk to strangers. Baka scammer ako. Or modus ko ito—“
“Ha? Naku! Wala kang makukuha sakin!”
"Paano nga kung modus ito? Wag naman!" bulong niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa dalaga dahil naalala nila ang sabi ng iba na huwag daw titingin sa mata.
Malakas na tumawa ang dalaga. “Anna, you’re very funny. Hmm, are you looking for a job?” at tumingin sa mga papel na hawak niya. Mga resume iyon na ipinapasa niya sa mga establishments tuwing matatapos siya ng job interview para naman hindi masayang ang paglabas niya ng apartment. Kailangan na talaga niyang makahanap ng trabaho para masimulan na niyang makapagpadala ng pera sa probinsya.
“You are interesting. Come with me. I have a job offer for you kapag nakapasa ka sa interview ko,” sabi ni Sarah na hindi hinintay ang sagot niya.
Nagdadalawang isip siya. Hindi naman niya kilala ang dalaga para agad na maniwala dito. Lalo pa at kasasabi lang nito na baka scammer ito.
Narinig niyang nagbuntong-hininga si Sarah bago nagsalita. “My name is Sarah Cristobal. I am a manager in our company. You can search for me on the internet if you are in doubt.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Kung totoo iyon ay swerte siya! Agad niyang kinuha ang cell phone, binuksan ang data at hinanap ang pangalan na sinabi ng babae na kaharap. Agad namang lumabas ang detalye nito.
"Sh*t! Totoo nga! Manager nga ito," sigaw niya sa isip.
“So, hindi ka pala talaga naniniwala? Do I really look like a scamm—“
“Ano naman ang trabahong offer mo sakin, Maam Sarah?” aniya na hindi makapaniwala sa opportunity na dumating. Hindi na niya palalampasin ang pagkakataong iyon. Maswerte siya na may isa pa siyang job interview at hindi sayang ang paglabas niya. Sana lang ay ma-impress niya si Sarah Cristobal!
“I haven’t hired you yet,” taas kilay nito. “Come with me.”
Hindi na siya nagdalawang isip pa at dali-daling sumunod kay Sarah.
“Sana naman Lord pumasa na ako sa interview niya. Nahihiya na ako sa tiya ko. Gusto ko ng makatulong sa kanila,” dasal niya.

Komento sa Aklat (348)

  • avatar
    PalomarJessa

    i love the story it reflect me for who i am ..

    03/08/2022

      0
  • avatar
    Juncel Mahilum

    hlw

    23d

      0
  • avatar
    EnojasShayne

    the story is very nice

    25d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata