logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 9

Love is a thorn. Even in ancient times, love is always a thorn in our hearts.
Mahapdi na ang mga mata ni Sister Jhe sa ka-iiyak. Ngayon lang niya naranasang tila mabibingi sa sobrang katahimikan gayong sanay naman siya sa tahimik na mundo sa loob ng kombento.
Namaluktot siya sa pagkakaupo sa kanyang higaan at niyakap ang mga binti. Isinubsob ang mukha sa kanyang mga tuhod habang umaalog ang mga balikat dahil sa panibagong silakbo ng pag-iyak. Hawak niya ang rosaryo pero hindi man lang siya makapagsambit kahit isang misteryo.  Malalim na ang gabi at hindi siya makatulog. Wala rin siyang nagawang matino roon sa klase niya sa mga bata kanina pagkat ang isip niya ay nakatuon lang kay Vhendice.
She knew he was there, outside the glass panel leading to the balcony of her room right now. She can feel him. She's been chased down by this demon. She has nothing to offer to him and yet her heart is beginning to betray her. Klaro sa kanya kung anong tamang sagot para sa alok ng binata pero bakit sobrang sakit?
Tinuyo niya ang basang mga pisngi at bumaba ng kama. Banayad siyang naglakad patungo sa balkonahe at maingat na binuksan ang pintuang salamin. Vhendice is sitting in the floor, leaning on the tinted glass wall. Nakatingala ito sa buwan at mga bituin sa langit. Ang isang kamay ay nakapatong sa tuhod nito at hawak ang rosary na ibinigay niya.
"Uuwi ako bukas ng Izubo. Kakausapin ko si Sister Therese at susubukan kong magpaalam kung pwede akong magbakasyon ng dalawang buwan. Hintayin mo na lang ang tawag ko," pahayag niyang namamaos ang boses.
Mula sa mga bituin ay ibinaling ng binata ang paningin sa kanya. "Sasamahan kita bukas."
"Vhendice!" gigil niyang sambit. "Tama na, pwede ba? Go home and rest. Tatawagan kita kung papayagan ako ni Sister Therese. Huwag mo naman akong pahirapan. Kung may makakakita sa iyo rito, buong kongregasyon namin ang masisira. Kahit isa kang Andromida, tandaan mo, may mga bagay na hindi saklaw ng kapangyarihan ng apelyidong iyan."
He stood up, pressing the sharp edge of his nose. But not conceding down. "I understand, still, I'm going to escort you back to Izubo tomorrow. May kailangan din akong i-follow up doon." Hindi na ito naghintay na kontrahin pa niya. Mula sa balkonahe ay mistulang isa itong malaking pusang bumababa ng gusali.
Her heart is sinking inside her when she returned to her bed and tried to catch a nap. His handsome face never faded away from her constitution and his pleading eyes haunted her whenever she tried to close hers. This isn't a normal concern anymore. She is getting astray and she has trouble finding her way back.
Para siyang magkakasakit kinabukasan nang bumangon at sumali sa morning prayer. Hindi siya makatingin ng deretso sa Blessed Sacrament. At sa meditation ay nakatulog siya. Ginising na siya ni Sister Luke. Ang mga kasamahan niyang mga madre ay nagtataka at nag-aalala sa kanya pero wala siyang lakas ng loob na sabihin ang katotohanan.
Higit na mas mabigat kasi ang kanyang pananagutan kaysa kay Vhendice dahil malinaw naman sa kanya ang batas at patakaran nila sa kongregasyon. Naduduwag siya at natatakot na baka magdesisyon ang delegate superior na ilipat na naman siya sa mas malayong lugar. Malayo kay Vhendice. Habang iniisip niya iyon, parang may namamaga sa puso niya.
Nagpasalamat siya at hindi siya inusisa ni Sister Luke nang magpaalam siyang uuwi muna ng mother house nila sa Izubo para kausapin si Sister Therese. Pagkatapos niyang ayusin ang module para sa klase sa susunod na linggo'y nagtungo siya ng chapel para sa mid-morning prayer. Katatapos niya lang magdasal nang matanaw niyang pumasok ng chapel si Vhendice. Ang lalaking ito, hindi talaga siya mahintay roon sa labas.
Itiniklop niya ang luhuran at binitbit ang office book at ang prayer booklet. Dumapa siya sa harap ng Blessed Sacrament bago tinungo ang kinaroroonan ng binata.
"May kukunin pa ako sa kwarto ko," sabi niyang nagpatiuna palabas ng chapel.
"I'll wait here." Sumunod ito sa kanya sa labas.
"Kumain ka na?"
"I had black coffee and sandwich in the car." He smiled, refining the rough curve of his lips.
Tumango siya at tumuloy sa kombento. Tinanaw ang gawi patungong library at ang corridor na may mga estudyanteng nagkukulitan at nagkukwentuhan. Malamang ay hindi nagtataka ang mga taong makita roon si Vhendice dahil may mga magulang din namang nasa waiting area at naghihintay sa mga anak. Bukod sa karamihan sa mga guro ng academy ay secular.
Sinalubong siya ng lalaki at kinuha sa kamay niya ang paper bag na naglalaman ng mga delicacies ng La Salvacion para pasalubong niya roon sa mga madre sa mother house. Pinagmasdan niya itong nauna patungo sa sasakyan. Bumakat sa suot nitong blue dryfit shirt ang mga masels sa balikat nito pababa sa likod.
"You have short hair, like above the shoulders?" tanong nito pagkabukas ng pinto para sa kanya.
Inirapan niya ito at hindi sinagot ang tanong. Ano namang pinagsasabi nito? Sumampa siya sa loob ng sasakyan at tiniyak na maisuot ng maayos ang seatbelt. She had trauma from the other day when he almost made her heart explode.
"I had a dream." He continued after getting himself behind the steering wheel and maneuvered the car on the highway. "You don't have that veil, your hair is short but it suits you perfectly."
"Bunga lang iyon ng imagination mo." Hinawakan niyang maigi ang kanyang bag.
"Perhaps, bacause you were naked, you only have the Iris covering your flesh but then the wind blown them off away and then I saw everything. I had to have cold showers at 2 in the morning because of it."
Nag-apoy ang pisngi niya. Ang bastos talaga ng lalaking ito. Ibinaling niya sa labas ng bintana ang paningin.
"Magdadasal ako. You might as well join me," aniya para matigil ito sa kalokohan.
Sa mahabang biyahe patungong Izubo ay wala siyang ibang ginawa kundi paulit-ulit na magdasal. Hindi niya binigyan ng pagkakataon si Vhendice na saksakan ng kung anu-anong karumihan ang utak niya. Naitindihan naman niyang normal lang dito ang makamundong mga bagay dahil sa uri ng buhay mayroon ito at sigurado ilang babae na rin ang dumaan sa mga kamay nito.
Hindi siya nagpahatid sa lalaki hanggang sa kombento. Ayaw niyang maglikha ng usapin ang presensiya nito roon lalo na sa mga kapitbahay nila, kaya sa eskina na siya bumaba at naglakad na lang. Pero nakabuntot sa kanya ang sasakyan ng binata.
***
Hindi mapakali si Vhendice, isang araw pa nga lang ang nakalipas mula nang ihatid niya sa Izubo si Lenlen. Inaabangan niya ang tawag nito pero nag-aalala rin siya baka naghihintay lamang siya sa wala. Nilinis niya ang ibabaw ng kanyang desk at ipinatong doon ang mga paa.
He attended the meeting of the council thirty minutes ago. Wala rin siyang napulot dahil lumilipad ang utak niya. He needs to secure the copy from the secretary general later for reviews of topics on the record. Over the years, he's been serving as the deputy chairman of the Andromida Conglomerate while personally handling the 14 companies assigned to him.
However, he has to delegate some major responsibilities to his trusted subordinates otherwise the Reapers Guild will be compromised. He is dividing his time equally as Haydees also demands too much because of their clients. Natambak na naman ang nasa listahan niya. Siguro mamayang gabi kailangan na niyang bawasan.
Ibinaba niya ang mga paa at umayos ng upo nang marinig ang mga katok mula sa pintuan. Seconds later and it opened sending in his sister in-law, Melanie. She is carrying the baby girl he saved from his last mission. The one he adopted as his own starting that night when the baby lost her parents.
"Here's your little princess and she's too cute with her dress we bought yesterday. Say hello to daddy!" Ikinaway-kaway ni Melanie ang maliit na braso ng bata.
Tumayo siya. Sinalubong ang mga ito. "Kayo lang ba? Where's Ramses?" Hinagkan niya sa ulo ang hipag at sa noo ang bata.
"Ayon, pinagbantay ko muna sa kambal. Gustong-gusto naman niya iyon. Kahit buong araw pa siyang nakatunganga roon sa mga anak niya, ayos lang sa kanya."
Natawa siya sa angal ng hipag. Kahit naman siya tuwing napasyal doon sa bahay at nakita ang makukulit niyang mga pamangkin, parang ayaw na niyang umalis.
Kumapit sa kanya ang bata, inaagaw ang kanyang pansin at ang laki-laki ng ngiti. "Hey, delly-dolly, how you doing, hm? You missed daddy?" Tinangay niya ito patungo sa couch para roon makipaglaro.
"Ang bibo niya," sumunod sa kanila si Melanie. "Naayos mo na ba ang mga papeles para sa legal adoption niya?"
"It's done. I have the court order as well and the approval of the DSWD. Her name has changed too. Amythest Andromida." Humagikgik ang sanggol nang pupugin niya ng halik sa tiyan.
"She's lucky to have you as her father, Vhens." Pinisil ni Melanie ang kanyang balikat.
He sighed. "For now, maybe. But someday, she will resent me for killing her real father. Iyon ang bagay na hindi ko pwedeng itago sa kanya. Kapag nagkaisip siya at kaya na niyang umintindi, sasabihin ko sa kanya ang katotohanan."
Tumango ang hipag. "Akin na siya, ipapasyal ko pa siya sa ibaba."
"Sasamahan ko na kayo, I have finished half of my work here and I needed a break too." They went out of his office.
Habang nasa corridor ay tumunog ang cellphone niya. Sumikdo ang kaba sa puso niya nang makitang landline number iyon. Si Lenlen. Ibinigay niya muna ang bata kay Melanie at sinagot ang tawag.
"Vhendice here," he held his breath.
"Uuwi ako ngayon ng Rio Verona para makita ang mga magulang ko. Pinayagan akong magbakasyon ng dalawang buwan at bilang bahagi ng exposure ko, pagbibigyan kita sa request mo. Iyon lang. Bye."
The words freeze at the tip of his tongue. Even his breathing. Narinig na lang niyang tila may nabasag. Sinipat niya ang cellphone. The screen is totally broken because he was not able to control the force from his hands while holding it.
"Damn it! Damn! Hellow, Lenlen?"
"What happened?" Lumapit si Melanie.
Damn! The cellphone is really done. He looked at it mesirably. Trying to tweak some keys but the screen stayed black. Mukhang umabot sa loob ang durog. Maaayos pa kaya ito ni Yamraiha? Hinulog na lamang niya sa bulsa ng pantalon ang basag na cellphone at kinuha ang anak kay Melanie.
"Is it broken? Anong tawag ba iyon?" Curious na usisa ng babae.
Ngumisi siya. "That's a call from my future wife." Pagmamalaki niya at binalingan ang bata. "You'll have a new mommy soon, ang galing ni daddy di ba?"
Si Melanie ay natatawa sa kanya.
He did it. Sapat lang ang dalawang buwan para mailatag niya ang pundasyon ng relasyon nila ni Lenlen. Kahit limitado ang panahon titiyakin niyang silang mag-ama ang pipiliin nitong makasama.
Masigla niyang ipinasyal ang anak kasama si Melanie at hindi na siya bumalik ng opisina. Pagkahatid niya sa dalawa sa mansion ay lumipad siya patungong Rio Verona para abangan doon si Lenlen.
Pagdating niya sa bayan ay bumili siya ng flowers sa isang shop at iilang pasalubong para sa pamilya ng dalaga. Pasasalamat na rin niya sa utang na loob niya sa mga ito dahil sa pagligtas sa kanyang buhay noon.
Banaag ang gulat at pagkamangha sa anyo ng mag-asawang Quilang nang makita siya sa labas ng pintuan ng bahay.
"Good afternoon," bati niya sa mga ito.
"Vhendice Andromida," sambit ni Jerson na tila namamalik-mata habang si Jenna ay nanatiling nakatulala.
"Ano ba iyan, mas mabilis ka pa sa kidlat, Vhendice. Nandito ka na agad?" Umagaw ang malamyos na boses ni Lenlen na kapapasok lamang ng gate.
"L-lenlen, anak? Lenlen!" Nahimasmasan si Jenna at dinaluhong ng yakap ang dalagang bagong dating. Pati si Jerson ay naluluhang sumalubong.
Naging emosyonal ang buong pamilya. Sabi ni Eddie sa kanya matagal nang hindi nakauuwi si Lenlen at mula nang ilipat ito sa kombento sa Izubo ay hindi na rin madalas nakadadalaw ang mga magulang ng dalaga.
"Doon tayo sa loob, Vhendice, halika, pasok!" Masayang nagyaya si Jenna habang akay nito si Lenlen na nakatingin sa kanya at may matamis na ngiti sa labi.
Ah, damn it. This feels intoxicating and good to be true. Sana totoo ito at hindi panaginip. Bumuga siya ng hangin para paluwagin ang naninikip na dibdib. Pagdating sa loob ay ibinigay niya sa mag-asawa ang biniling gifts. Those were Rolex pure gold for Jerson and a diamond necklace for Jenna.
"Maraming salamat, Vhendice, pero ang mamahal naman nitong mga regalo mo sa amin," naiiling na pahayag ni Jenna.
"Just a token of gratitude. Kulang pa iyan kung tutuusin kapalit ng buhay ko noon na niligtas ninyo." And he handed the flowers to Lenlen. "Here's for you."
"Salamat," inamoy nito ang mga Iris.
Iniwan sila ng magulang ng dalaga sa sala para makapag-usap habang hinahanda ng mga ito ang hapunan.
"You told me you comply with my request, that means you're my girlfriend now," he stated like joking but he is serious.
"Ang alam ko, magiging girlfriend mo lang ang babae kapag sinagot ka niya sa panliligaw mo."
"But you agree to date me, right?" apila niya.
"To accompany you, iyon lang. Iba ang sitwasyon natin. Walang halik. Walang yakap. Platonic relationship, naintindihan mo?"
"Lugi ako."
"Ayaw mo?"
Nang yumuko ito para muling amuyin ang bulaklak ay sinalubong niya ng halik ang mga labi nito.
"Fine, as long as I can steal a kiss." Ngisi niya at pilyong kumindat.
Lenlen's cheeks turned bright like over-riped tomatoes.

Komento sa Aklat (47)

  • avatar
    Arlene

    Hello!!! Thank you sa pagshare ng story mo.... Galing!!! Klap Kalp!!! Sino kasunod? Excited na ako... hehehehhe... Keep it up!!! Unahin mo ung may mga asawa na sa story na to... hehehhe... Censya ka na... Demanding ba? Excited lang ako sa mga story mong gagawin.... Basta!!! Go lang ng Goooooo!!!

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Chillxcold

    it's so good and intense,first time kong makapagbasa ng ganitong plot na madre ang babaing bida.Keep it up po author😊😊

    21/12/2021

      0
  • avatar
    Mark Dharyl Halili

    Every so often a love story so captures our hearts that it becomes more than a story-it becomes an experience to remember forever. The Notebook is such a book. It is a celebration of how passion can be ageless and timeless, a tale that moves us to laughter and tears and makes us believe in true love all over again . . .

    21/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata