logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

“Where are you right now? You are nowhere to be found. I came from Quezon to Makati only to find you. I tried to look for you in any place that we often visited.” Paghihimutok ni Ardel Ybañez mula sa kabilang linya.
Hindi niya in-open sa kanyang mga kaibigan ang tungkol sa pag-alis niya. Hindi rin siya nag-paalam sa mga ito. Biglaan naman kasi ang flight niya. Now, he was in the province of South Cotabato. Kanina pa sumidhi ang inis niya maliban sa kadahilanang hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ‘yon ay bihira naman ang sasakyan na dumaan.
From General Santos City, he took a yellow bus to Koronadal City, where an elderly guy he met in the public terminal informed him that he should be boarded a van bound for Lake Sebu South Cotabato.
Habang patuloy na pinunasan niya ang napapawisang noo ay tumingin siya sa kanyang paligid. Although it was his second visit, his first was when he was ten years old, the place had now completely lost its familiarity for him.
What a ten-year-old boy recalls of his Mother’s hometown after having grown to love cities?
He had no recollection of the place. His being accustomed to city life made that place rather different for him. While he was looking around, images of tall buildings, shopping centers, fast food joints, billboards, neon lights, trains, multi-lane roads, and street lights flashed through his thoughts. Now, what met his eyes are enormous trees and talahib.
How on earth did he manage to survive there for a month? Ang perang ibinigay sa kanya ng Daddy niya ay sapat lang sa three weeks allowance. Kinuha kasi ng mga ito ang mga ATM niya. His Mom promised him that he only stays with his grandparents for one month.
“Wala ka bang balak kausapin ako, Cairo?Kung hindi lang ako pumunta sa bahay n’yo at tanungin si Mino ay hindi ko alam na pumunta ka ng South Cotabato. That province wasn’t familiar to me.” Ardel exclaimed.
Neither him. Inaamin niya na hindi siya malapit sa kamag-anak ng Mommy niya. Kasi wala siyang komunikasyon sa mga ito.
Kung si Mino ay excited na excited sa tuwing tumatawag ang Lola nila ay taliwas naman iyon kay Cairo. Ayon sa Mommy niya ay wala raw signal sa Sitio Sekwel.
Bago ang flight niya ay idinitalye ng Mommy niya sa kanya ang buhay sa Sekwel. Malayo raw ito sa bayan. Dapat sa paglalarawan na ng Mommy niya tungkol sa buhay sa isang Sitio ay umayaw na siya. Nagulat nga siya nang bumaba na siya ng eroplano kung bakit pumayag siya sa gusto ng Mommy niya.
Alam niyang mahihirapan siya dahil sa tanang buhay niya ay hindi siya marunong mag-adjust. Pero babalik at babalik pa rin sa isip niya ang sabi ng Mommy niya na isang buwan lang siya ro’n. This time susubukan niya ang tinatawag nilang ‘pagtitiis’ after all pagbalik niya ng Makati ay malaking reward ang naghihintay sa kanya. He was forced, and when he returns he’ll be more demanding.
“Ardel, si Tristan, kamusta?” he asked to change the subject. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kay Tristan kung nakalabas na ito sa hospital. It’s been one week. Gusto niyang tawagin ito noong paalis na siya ng Makati pero sa huli ay desido siyang huwag abalahin ito.
Ang natanggap niyang impormasyon mula sa kanyang Mommy ay kahit hindi naman kritikal ang kalagayan ni Tristan ay hindi pa raw ito gumising.
“Nasa hospital pa rin. Don’t worry lalabas din ‘yon ‘pag okay na ang nabaling kamay nito.”
He heaved. “Sana nga, ‘eh.”
“Pupunta ako ngayon sa hospital. Bibisitahin ko siya. I’ll end up the call muna hah.”
“Balitaan mo ako tungkol kay Tristan mamaya.”
“Roger that, Cairo. Take care riyan. Tandaan mo iba riyan sa Makati. Hampaslupa’t sutil ka pa naman. Bye.”
Huminga siya nang malalim. Ang problema niya ngayon ay ang tricycle na maghatid sa kanya sa Sekwel. Kanina pa siya ro’n at wala man lang dumaang tricycle. Kung mayro’n man ay mga motor iyon at hindi man lang siya napansin ng driver.
Ang sabi kasi ng Mommy niya ay kapag nasa bayan na siya ng Lake Sebu ay magpapahatid siya sa tricycle patungo sa Sekwel. He’s been waiting for darn two hours. Nakatayo siya sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. He checked his wristwatch. Napagtanto niyang malapit nang mag-alas kuwatro ng hapon.
Damn, mahinang mura niya. Napansin niya ang impong na naglalakad at may dalang tiklis na may lamang sariwang talbos ng maberdeng gulay. Sinulpayan siya ng matanda. Nais niyang itanong kung nasaan ang Sekwel subalit dahil sa isiping baka hindi siya naintindihan nito ay binawi niya ang nais niyang itanong.
Kagyat na nahahabag si Cairo nang makitang walang suot na tsinelas ang matanda. May galis ang paa nito. Nilapitan niya ang matanda.
“Lola, saan po kayo uuwi?” magalang na tanong niya.
Tumingin ito sa mukha niya at eksakto rin namang tumingin siya sa mata ng matanda. Hindi niya alam at bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng awa. He never felt that before. Dahil nga sa pagiging suwail niya ay wala siyang oras upang bigyan ng sariling kahulugan ang salitang ‘simpatiya’.
“Saan po kayo uuwi, Lola?” he asked again. Pakiramdam niya kasi ay parang nahihiya ang matanda kaya muli niya itong tinanong. 
May sinambit ang matanda sa mahinang boses nito na kasabay ng pag-angat nito ng tiklis na may lamang gulay.
Umiling si Cairo. “Pasensya na Lola, hindi ko po batid ang winika n’yo.” Napatingin siya sa basket kaya nagkaroon siya ng ideya. “Iyo bang ilalako ang mga gulay na iyan?”
Ngiti lang ang sagot ng matanda sa sinabi niya. Halatang hindi pa rin nito batid ang sabi niya.
Tumingin siya sa paligid at nagbabasakaling may dumaan na maaring magsalin ng mga sinabi niya sa matanda. Fortunately, a man about thirty years old driving a motorcycle stopped beside them.
“Sir, may problema? Pwedi taka buligan.”
Now, Cairo is more confused. But that dialect and tone seem familiar to him. Hiligaynon? Maybe because her mother occasionally speaks in that dialect. He almost overlooked the fact that her mother is Tboli and can speak Hiligaynon. Cairo, however, is not able to speak nor understand any Hiligaynon or Tboli words.
Tinanong siya nito kung may problema. Iyon lang ang naintindihan niya. Cairo Velasco asked him if he could speak Tagalog. The man nodded and that was a relief.
He smiled. “Si Lola kasi, eh, di ako naiintindihan. Pweding pasalin ng mga sinabi ni Lola, Kuya.”
Ngumiti itong bumaling sa matanda at tinanong ito sa diyalekto nila. Sigurado siyang Tboli ‘yon. Pamilyar kasi sa kanya pero hindi naman niya naiintindihan. Muli siya nitong hinarap.
“Maglako raw ng gulay, sir.”
Hinarap niya ang matanda. “Lola magkano po lahat ‘yan?”
Isinalin iyon ng lalaki sa diyalekto ng matanda. “Sampung piso raw ang isang putos, sir,” iyon ang salin ng winika ng matanda. “Bibili pa po ba kayo?” dagdag na tanong nito.
“Ah, hindi kuya.” Hinarap ni Cairo ang matanda. “Lola, ito po limandaang piso. Bigay ko po ‘to at nang sa mailako n’yo sa iba ang gulay na ‘yan, para malaki ang kita n’yo.” Ngiting sambit niya.
Masigla ang ngiti ng matanda nang magkasalubong ang mga mata nila. At nagpapahiwatig ng pagsasalamat ang buong mukha nito.
“Maraming salamat daw sir.”
Tumango siya. “Walang anuman po. At malapit alas-kuwatro na po Lola baka uulan mamaya kaya siguro ay mas mabuting umuwi na po kayo.”
He gave her a bear embrace. Being new to it, it felt odd to him. He never hugs his parents. He never hugs anyone at his age. When he was a paslit, perhaps, was the last time his parents hugged him.
She whispered something. He was confused and unable to understand what the old woman was saying in her hushed tones. Papalayo na ang matanda ay minamasdan pa rin niya ito. Nang wala na ito sa kanyang paningin ay hinarap niya ang lalaki. Nagpasalamat siya sa lalaki.
“Taga rito ka ba sir?”
He shook his head. “Makati po. Pero hometown ni Mommy rito. Pweding magtanong, Kuya? Kanina pa ako rito at wala pa ring tricycle.” Napakamot siya sa ulo. “Hmm... saan po ang Sekwel?”
Ngumiti ang lalaki. “Ah, hindi naman talaga lokal na transportasyon dito ang tricycle, sir. Motor po rito. At Habal-habal driver po ako. Kung gusto n’yo ihatid kita sa Sekwel. Mga Ten minutes po ang biyahe.”
“Talaga Kuya?” That was a relief.
“Oo naman. Pero hindi kita maihatid doon mismo sa Sitio. Hindi po maganda ang daan patungo roon. Kaya kailangan mo maglakad ng dalawang minuto bago makarating doon.”
“Okay po. Siya, ako si Cairo. Ano po ang ‘yong pangalan?” kanina pa kasi nag-uusap at hindi man lang niya naitanong kung ano ang pangalan nito.
“Tadeo po, sir.”
Tumangong ngumiti siya. Mabait nga ang mga taga-roon. Hindi niya alam kung makita nito sa mga mata niya ang isang pagkukunwari. His eyes never lie. Bakit ba niya iniisip na babasahin siya ng Habal-habal driver na si Tadeo? Mukhang nahihiya nga itong nakikipag-ugnayan sa kanya.

Komento sa Aklat (847)

  • avatar
    ireaderchris

    Super scary

    10d

      0
  • avatar
    NavarroMateo

    roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox hhhhhhhhhhhhhhhjjjjjjjjjjjjjjggggtttttttttttreerrdddfvhhhhhbjjjjjkjuijuytreeeghjkjytrefbnhgfhrufkjcudoej8vidjfokejdofjdkdoroejvkfojforkjrogjkfkjdkjcoejjdojfjdoofjfofkjfododcoodjfoodjfodkkffopdkdofpfkfkfofodoofofofofofofofokfodofofkfofjfjofofkfififjfifjfififojf9dkxidjjxoxoxodjdofkfkfpfjgoofkfpfkrpogofkfofoorororororororofoof

    12d

      0
  • avatar
    ConcepcionKathleen

    subrang ganda nito.

    13d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata