logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

DAHAN-dahan niyang idilat ang mga mata. Ang unang nakita niya ay ang kisame ng kanyang silid. Tumagilid siya at tumambad sa kanya ang oras sa maliit na orasan. Malapit na palang mag-alas siyete ng gabi. Parang kanina lang niya ibinagsak ang sarili sa kanyang kama simula nang dumating sila galing sa hospital.
Hindi si Carlos Velasco ang dumating para sunduin sila sa halip ay ang kanyang magaling na kapatid ang nagsundo sa kanila ng Mommy niya sa hospital. Wala siyang imik sa loob ng sasakyan. Habang ang mommy niya at si Mino ay masayang nag-uusap. Pinaka-ayaw niya sa lahat kapag ang usapan ay hahantong sa trabaho.
Ang bagay na iniiwasan niyang iyon ay parang bolang ibinato sa pader na tumalbog pabalik. Kararating lang din ni Mino mula sa Cebu dahil sa isang seminar na ginanap ng company kung saan ito nagtrabaho. He has no choice but to close his eyes. Pagod man ang katawan niya pero sa oras na ‘yon ay hindi siya dinadalaw ng antok at ‘yon ang bagay na kinaiinisan niya.
Dahan-dahan siyang bumangon dahil nakaramdam siya ng gutom. Kaya marahil wala siyang lakas ng katawan ay dahil hindi pa siya kumain. Bigla niyang nasapo ang kanyang ulo nang biglang nandidilim ang kanyang paningin. He felt giddy. Pero saglit lang ‘yon at nawala rin ang paghihilo’t pandidilim ng kanyang paningin.
Humakbang siya sa may pinto at lumabas. Pagdating niya sa ibaba ay eksaktong oras na para kumain sila. Dahil nagugutom siya ay wala na siyang pagpilian pa kundi sumabay sa kanyang parents. Wala siyang imik habang kumakain.
Hindi rin siya tumingin sa kanyang Daddy. Ang sabi ni Mino ay hindi sila masundo ng Daddy niya kanina dahil on business meeting pa ito. He forgot that Carlo Velasco was the busiest father in the world.
“Are you okay, Cairo? ‘Wag mo sabihing na-trauma ka!” simula ni Carlos habang nagsasalin ito ng tubig sa baso nito. Napupuna kasi nito ang pagiging tahimik ni Cairo at tila wala sa sarili ang anak.
Hindi man siya nakatingin nang diretso sa mga ito pero alam niyang tinapunan siya ng tingin ng Mommy niya at si Mino. Para bang hinihintay siya ng mga ito na magsalita. Siya lang kasi ang walang imik habang ang mga ito ay nag-uusap. Usual conversation and damn it disgusted Cairo.
He nodded. “Yeah.”
Carlos shrugged. “Good to hear that. Kilala mo ba ang binangga n’yo?”
Cairo dropped the table knife on his plate. “Binangga? It’s nabangga Dad, accident nga diba.”
“I don’t ask your opinion, young man. I’m asking kung kilala n’yo ang naging biktima ng pagiging galawgaw n’yo. What did you feel after? You left trauma embedded in a nine-year-old boy.”
Hindi niya alam kung bakit nanginginig bigla ang mga daliri niya. Ang katanungang nasa kanyang isipan ay ang tungkol sa kondisyon ng bata. Sino ba ang kasama ng batang ‘yon? Kamusta ang kasama nito? Ang bata may sugat ba ‘to? He wanted to ask those questions, but he was unable to open his mouth and speak. He was alarmed and terrified.
“I guess let’s call it a night, Dear,” mahinang sambit ni Cecilia, “or, let’s talk about that after dinner.”
Pero hindi nakinig si Carlos at nanatiling nakatingin sa nakayukong si Cairo. “That pallid face, Cairo, ay may mas ikalala pa ‘yan. Ang naging biktima ng pagiging reckless n’yo sa pagmamaneho ay hindi ordinaryo. Anak ni former Mandaluyong mayor na si Edward Lagdameo.” Nakaguhit sa buong mukha ni Carlos ang pag-aalala.
“So, ano ba naman kung anak ‘yon ni, Lagdameo?” kalmadong pag-usisa niya.
“You are not aware of this former mayor Lagdameo. Kaya nitong gamitin ang salapi’t kasamaan nito para lang matumba ang kaaway nito. I talked to him, hindi nito tinanggap ang bayad sana sa pinsala ng sasakyan at maging gasto sa hospital ng anak at ang driver nila na nabali rin ang kamay nito katulad ni, Tristan.”
He completely lost his appetite now. Hindi na rin itinuloy ng mga ito ang pagkain. He looked at Mino. Walang imik ito na nakatingin sa plato nitong may pagkain pa. “So, iniisip mong pwedi kaming sundan ni Lagdameo na iyon?”
Tumango si Carlos. “Posible. Hindi natin alam ang tumatakbo sa isip ng isang tao lalo na sa katulad ni Lagdameo, sa dami pa namang bad records ng taong ‘yon.”
“Hijo,” Mom said lowering her voice. “Naalala mo pa ba ang binanggit kong supresa kanina sa hospital?”
Tumango si Cairo. His mom suddenly breaks into a conversation ay marahil gusto nitong salungatin ang Daddy niya.  “And I think ito ‘yon?”
His mom shook his head. “I— I just...”
“Mom booked a flight for you yesterday.” Mino chimed in. 
“A flight?”
Tumango ang Mommy niya. Tumahimik na rin ang Daddy niya. Cairo hates him.
“I’m not surprised by it. You’re only squandering money. How many times did I pass up the chance? Ayaw ko ngang mag-aral sa ibang bansa.” Tumayo siya. He’s the subject of the entire conversation. Was he the special dish on that table? The identical scene from a few days ago or the same scene ever since. “Kay Mino naman n’yo iyan i-offer. Sigurado ako matutuwa si, Bro.” He intentionally raised his voice.
“Talk politely, Cairo. Hindi mo kailangang pataasin boses mo sa harap ni, Mom at Dad.” Mino clenched his fists on his lap. “Muntik ko na palang makalimutan na ikaw pala ang anak ni, Mom at Dad na palaging nagbibigay ng sakit ng ulo.”
Tumawa siya nang mapakla. “Ikaw pala ang paboritong anak ni Mom at Dad. No wonder. Wait lang, puro ka trabaho, Bro. Give time to yourself sometimes. Working so hard to be lauded by our neighborhood and Dad gets all the credits. Halos nakalimutan mo na nga ang girlfriend mo. Malay ko isang araw ay lalaki na ang ipakilala mo sa’min.”
“You assh*le—” bigla itong tumayo at humakbang na sana papalapit kay Cairo. Pero pinipigilan ito ng daddy nila. “Palibhasa kasi ay wala kang ibang iniisip kundi ilalagay sa kahihiyan ang pamilyang ito. You didn’t even know the word ‘work’.” Mino grits his teeth habang pinipigilan nito ng daddy nila na makalapit kay Cairo.
“I’m decent, Cairo. Never am I like you. Kung sinu-sinong babae ang ginagalaw mo para lang matawag na lalaki. Your definition of being a man is outdated. You assh*le.”
Tumayo na rin si, Cecilia. “Please... Cairo and Mino. Hindi n’yo kailangan batuhin ang isa’t-isa ng mga ganyang salita.”
Mino heaved. “Sorry po, Mommy.” Matalim ang tinging ibinigay nito kay Cairo bago ito tumalikod at nagdadabog na palakad palayo.
Cairo too turned his back and slowly walk away.
“This isn’t sending you abroad, Cairo.” Habol ni Cecilia sa anak.
Cairo stopped as if waiting for his Mom upang ipagpatuloy ang sinabi nito.
“We decided to send you to my province. You can stay there one month or less nakadepende na ‘yon sa’yo.”
“St*pid idea. Ano namang gagawin ko ro’n, beat up boringness? The hell. Isa pa ay hindi ako close sa pamilya mo, Mom, Dad family neither.”
“Language, Cairo,” Carlos warned.
“South Cotabato is a good place. Ang Lola’t Lolo mo ay sigurado ako na masaya ang mga ‘yon kapag makita ka nila. Noong ten years old ka pa lang nang huli ka nilang nakita.”
“At paano kung ayaw ko?”
“Please, Cairo. Ayaw ko ng makakita o makarinig ng pangyayari na katulad ng nangyari sa inyo ni, Tristan. Kahit ngayon lang, Cairo, please, makinig ka naman sa akin. Alam ko na simple lang ang buhay sa probinsya. But you’ll learn a lot.”
Umiling siya. “At paano kung ayaw ko?”
“Ikaw na rin ang nagsabing hindi ka close sa family ko sa province, that’s true, and this is your chance para makilala sila at nang malaman mo ang uri ng buhay na mayro’n sila.”
He smirked. “Ang layon mo ba ay ipalayo ako sa nakilala kong mundo? Ito ba’y hinggil sa mga nagawa kong mga mali, at ilayo ako sa mga taong iniisip ninyong masama ang impluwensiya?.”
Hindi na muling magsalita ang mommy niya tanging ang malakas na pagbuntong hininga na lang nito ang narinig niya. Umiiyak na pala ito. “But I’ll think of it—one condition I’ll drop college in the meantime. Increase my weekly allowance once naka-uwi na ako.” Nagsimula siyang muling humakbang at may ngiti ang nakaguhit sa kanyang labi habang umakyat sa hagdanan.

Komento sa Aklat (847)

  • avatar
    ireaderchris

    Super scary

    10d

      0
  • avatar
    NavarroMateo

    roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox hhhhhhhhhhhhhhhjjjjjjjjjjjjjjggggtttttttttttreerrdddfvhhhhhbjjjjjkjuijuytreeeghjkjytrefbnhgfhrufkjcudoej8vidjfokejdofjdkdoroejvkfojforkjrogjkfkjdkjcoejjdojfjdoofjfofkjfododcoodjfoodjfodkkffopdkdofpfkfkfofodoofofofofofofofokfodofofkfofjfjofofkfififjfifjfififojf9dkxidjjxoxoxodjdofkfkfpfjgoofkfpfkrpogofkfofoorororororororofoof

    12d

      0
  • avatar
    ConcepcionKathleen

    subrang ganda nito.

    13d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata