logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

“Salamat, Doc, makauwi na rin ang anak namin...”
Ang boses na narinig niyang iyon ay may halong tuwa at may bahid na pag-alala. Batid niyang boses iyon ng kanyang Mommy. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata. Nakaramdam din siya ng sakit ng katawan.
He wanted to open his eyes. Gusto niyang malaman kung nasaan siya. Gusto niyang malaman ang rason kung bakit tila nawalan siya ng siyamnapu’t limang porsiyentong lakas ng katawan. Ano bang nangyari?
Nang muling niyang magunitain ang boses na ‘yon kanina at ang sinabi nito ay dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata. Ang puting kisame, ang kurtinang sumayaw sa ere, at ang malabong mukha ng kanyang Mommy ang sumalubong sa kanya. His gaze darted over the space as if seeking something or ensuring his whereabouts.
He realized he was in the hospital. Hindi niya mawari ‘yon kanina kung bakit siya naroon. Pero nang maalala nang buo ang nangyaring aksidente ay kaagad niyang hipuin ang kanyang ulo. Palagay niya kasi ay may malaking sugat siya sa kanyang ulo pero wala naman.
“Gising ka na?” Hinaplos nito ang kanyang kaliwang balikat.
“It’s been three days anak. Naalala mo pa ba ang nangyari? Thank God, at hindi critical ang condition mo, you have hemorrhage and bruising.”
He heaved profoundly and looked at his Mom. Was he in a comatose state if he slept for three days? It didn’t seem to be because he constantly heard his Mother’s voice and recognized it as hers. He was confused about the precise moment when he regained consciousness, though.
“What about—”
“Tristan’s hand was broken, and he was now confined on the fourth floor. However, If you’re talking sa taong nabangga n’yo, Cairo, let’s talk about that at home.” Mabilis na sambit nito na pumutol sa nais sana niyang sabihin. “Your Dad is on the way. Mamaya’t lalabas ka na rin.”
Paano kung sa kasamaang palad ay hindi nakalaligtas ang taong nabangga nila at namatay ito? Paano kung lulan nito ang pamilya nito? Cairo was currently experiencing a pinch of remorse and conscience.
Tahimik na nahiling niya na walang masamang nangyari sa kung sinumang lulan ng sasakyang nabangga nila. Kung nakinig sana si Tristan ay hindi sana nangyari iyon.
“I have to deduce twenty-five percent from your weekly allowance,” she said straightforwardly kasabay nang pagtayo nito at humakbang ito sa mesa kung nasaan nakalapag ang mga preskong prutas. Nagbabalat ito ng mansanas at sintunis.
Walang imik na minamasdan niya ang ginagawa ng Mommy niya. Kailangan ba talagang bawasan ang allowance niya? Ang laki naman ng twenty-five percent na deduction. “Is that supposed to be a good joke, Mom? Or, that was my punishment?”
Nilingon siya nito. “Cairo, ang gusto ng Daddy mo ay fifty percent.”
He simpered.“Why Dad is so mean?”
“And if he asks about your manners?” Inalok ni Cecilia ang anak ng prutas para kainin pero ayaw ni Cairo. “Ni minsan ba nakinig ka sa daddy mo o sa akin?”
“Mom, I’m not okay. Ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yan.” Never does he feel pleased whenever the conversation is all about him. “Dad was pretending as if he cared about me. He cared too much about Mino. Because he credited Dad for his achievements. Mino will probably make the Velasco family great.”
His mom sighed 
Tumingin siya nang diretso sa buong mukha ng Mommy niya gusto niyang makita na nasasaktan ito sa sinabi niya pero bigo siya. Wala man lang itong reaksiyon sa sinabi niya. Sa tingin niya ay parang sanay ang mga ito sa isiping attention seeker siya.
That was right. Attention seeker nga siya. Pero nakukuha ba niya ang atensiyon na palagi niyang inaasam? Palagi siyang bigo. Ni minsan ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal sa kanya ng parents niya. Palaging si Mino ang lumalabas sa bibig ng Daddy niya. Whenever his Dad talks to his business partners ay si Mino palagi ang binabanggit nito.
At kapag siya naman ang binabanggit ng Daddy niya ay pawang mga nagawa niyang mali ang babanggitin nito. ‘Yong attention na ibinigay sa kanya ay taliwas sa inaasahan niya. Kung mag-aral siya siguro nang mabuti ay kaya rin siyang ipagmalaki ng kanyang Daddy. Pero dahil may bisyo siya at palaging involved sa mga awayan ay parang ikinahihiya siya nito.
Muli niyang tinapunan ng tingin ang Mommy niya na nakatingin din ito sa kanya habang ngumunguya ng sintunis. Hindi sa lahat ng oras ay kinakampihan siya ng Mommy niya. Alam niya iyon. Dahil mas mahal ng mga ito ang nakakatandang kapatid niya.
“Cairo, you misinterpret your Dad. He cared about you the same. Walang magulang na naghahangad ng hindi mabuti para sa kanyang anak.”
“Let’s just say—You and Dad.”
“That’s a mean thing to say, Cairo,” saway nito. “Ikaw nga itong palaging nagbibigay ng sakit ng ulo sa’min. Soon after being a parent, ay malalaman mo rin.”
“And once I become a parent, sorry, Mom, hindi ko po tutularan ang pamamaraan n’yo. I mean being unfair.”
His Mom’s eyebrows arched. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Cairo.” Tumayo ito at lumapit sa patient bed kung saan siya nakahiga. “You don’t understand your Dad and the nature of his work, Mi dios, Cairo.” Napameywang si Cecilia.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. “Naiintindihan ko si Daddy. I understand that he didn’t love me.” He gave a bit rueful laugh while his eyes closed tightly. “Enough talk, Mom, gusto ko ng umuwi at nang makahinga sa loob ng silid ko. I hate this place.”
Cecilia Velasco sighed. “We have a surprise for you, Cairo.”
He smirked. “I could hear the sigh and knew it wasn’t good. If that involves sending me abroad, I will never be satisfied with that, so I should probably drop out of engineering school.”
Walang imik na muling umupo si, Cecilia. Napailing ito habang minamasdan ang nakahigang anak.
“Please wake me up, Mom, kapag narito na si Daddy, I’ll take a few minutes' naps.”

Komento sa Aklat (847)

  • avatar
    ireaderchris

    Super scary

    10d

      0
  • avatar
    NavarroMateo

    roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox hhhhhhhhhhhhhhhjjjjjjjjjjjjjjggggtttttttttttreerrdddfvhhhhhbjjjjjkjuijuytreeeghjkjytrefbnhgfhrufkjcudoej8vidjfokejdofjdkdoroejvkfojforkjrogjkfkjdkjcoejjdojfjdoofjfofkjfododcoodjfoodjfodkkffopdkdofpfkfkfofodoofofofofofofofokfodofofkfofjfjofofkfififjfifjfififojf9dkxidjjxoxoxodjdofkfkfpfjgoofkfpfkrpogofkfofoorororororororofoof

    12d

      0
  • avatar
    ConcepcionKathleen

    subrang ganda nito.

    13d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata