logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Five

"Saji… ayos ka lang?" bulong na tanong ni Rhian habang naglalakad sila.
"Oo naman, ba't mo natanong?"
"Kasi si ano… yang pinsan ko… hindi ko naman alam na darating yan ngayon… I mean after 3 years." Wika pa ni Rhian. "Sinabi ko pa man din sayo na di na kayo magkikita ditto kasi di naman yan umuuwe. Tapos biglang dumating."
"Ayos lang yun Rhian, don't worry… hindi naman forever na maiiwasan ko ang pinsan mo. Basta as long as walang nangyayaring… alam mo na, everything will be fine."
Hanggang sa makarating na sila sa may palayan kung saan dadaanan nila iyon para makapunta sa kabilang dulo kung nasaan ang batis.
"Wait, wait, wait." Pigil ng babae kaya napatigil silang lahat sa paglalakad. "Don't tell me we're going to walk there?" tanong pa niya sabay turo ang pilapil na siyang dadaanan nga nila.
Napatingin si Saji sa ginang tapos ang ginang naman ay tumingin kay Dylan, para ito na ang sumagot sa tanong ng kasintahan niya.
"Yeah," sagot lang ni Dylan na parang wala lang sa kanya.
"Are you kidding me?" tanong pa ng babae at nagtaas ng kilay kay Dylan.
"They ask you a while ago if it's okay with you to wear those heels and you said it's fine, so what's the problem now?" tanong pa ni Dylan na parang walang concern man lang sa kasama.
"But---." wika pa ng babae.
"Ang arte ah," bulong ni Rhian na halatang nainis.
"Pagpaa-paa-in mo nalang anak, kesa madulas siya diyan, kawawa naman." Suhestiyon ng ginang na parang naiinip.
"Take off your shoes." Baling nga ni Dylan sa babae.
"What???" gulat nanaman na tanong ng babae. "I'm not gonna walk there with my bare foot. I just went to a foot spa before coming here." Reklamo niya.
"Ang arte talaga, buhatin mo na nga lang Dylan." Wika pa ni Rhian.
"I still have my arm injured from my accident last week. Katatanggal lang ng casts noong dumating kami dito." Sagot pa ng lalake.
"Anong aksidente yan? Ba't hindi namin alam?" alalang tanong ng ginang.
"Nahulog lang sa hagdan 'nay, nothing serious." Sagot muli ng lalake. Saktong tumunog ang cellphone ni Saji kaya linabas niya iyon para basahin.
"Sinong nag-message?" tanong ni Rhian sa kanya.
"Si Mart, gutom na raw ang mga bata." Sagot ni Saji.
"Naku, kung ganun ay kailangan na nating bilisan." Wika ng ginang at nagsimula muli silang maglakad.
"Wait!!!" sigaw pa ng babae kaya napatigil ulit sila. "How about me? I don't want to talk in there."
Napabuga nalang ng hangin si Saji at iniwan muna ang basket na dala-dala tiyaka tinanggal ang bota. Pinapanood lang siya ng iba na angtataka.
"Here, wear this." Abot niya ng bota sa babae.
"No way, I'm not gonna wear that kind of thing. What's that anyway?" Maarteng tanggi pa ng babae.
"Miss, if you'll gonna walk there with those heels, it will not be comfortable for you and there's a tendency you'll trip and fall to the rice field, or worse you might get injured. So, if you don't want to walk there bare footed, you have to wear this." Paliwanag niya na medyo naiinis na. "Gutom na ang mga bata at hindi ko sasayangin ang oras para sa mga hinaing mo." Malakad na bulong niya sa sarili habang tinutupi ang pantaloon.
"Paano ka naman anak?" tanong naman ng ginang na tumingin pa sa kanya na concern.
"Ayos lang mamang, kaya ko namang maglakad ng nakapaa. Nagawa ko naman naman na po noon." Sagot niya lang ng seryoso.
"Pagdating talaga sa mga bata Saji, wala kang pinapalampas. Kaya mahal ka ng mga yun eh." Wika pa ni Rhian. "Hey you… just wear that one or else we'll gonna leave you here." Baling nito sa babae.
"Fine," Sagot lang ng babae na napipilitan.
"Aba, napilitan? Pasalamat ka nga pinahiram pa yan sayo eh." Inis na wika pa ni Rhian dito.
"Rhian," sita lang ng ginang.
Sinuot na nga nga babae ang bota at tinulungan pa siya ni Dylan na suutin iyon. Tiyaka sila nagtuloy sa paglalakad. Hindi na hinintay nila Rhian at Saji ang iba dahil iniisip nila ang mga bata, baka kasi gutom na ang mga ito. Kaya naman nakarating sila doon sa may ilog agad. Naiwan ang ginang at ng lalake dahil inaasisahan pa nila ang kasama nitong babae.
"Taliah, you want to play with us?" Napatingin sila sa banda ng bata sa ilalim ng puno nang marinig ang tanong na iyon ni Wayne. Kanina pa kasi si Wayne sa tabi ng batis kasama ang mga ibang empleyado na tinuturuan itong humuli ng alimango, pero hindi sumasama sa kanila si Taliah. "Halika, manghuli tayo ng crabs."
Umiling lang si Taliah at tumakbo papunta sa lolo nito tiyaka inub-ub ang ulo sa dibdib ng ginong na parang nagtatago lang.
"I didn't do anything mommy," wika agad ni Wayne kay Mart na ang akala ay papagalitan siya ng ina.
"I know baby," sagot naman ni Mart sa anak. "Don't worry; Taliah is okay… she's just shy to play with you, don't force her if she really don't want to, okay? Now go and get a crab again. Later, we're going to eat na, alright?"
"Okay po," wika naman ng bata at muling bumalik sa may gilid ng batis kasama sila manong Rene.
"Apo, gusto lang naman nilang makipagkaibigan sayo. Wag kang matakot sa kanila ha?" wika pa ng ginong sa apo nito.
"Taliah, baby, come here, I'll fix your hair." Aya naman ni Rhian sa bata maya-maya.
Hindi naman humindi si Taliah at nagpakandong kay Rhian.
"Alam mo baby, kung lagi kang ganito… magiging loner ka forever. Hindi naman magagalit ang daddy mo kapag makipagkaibigan ka. Wayne is also my baby, kasi anak siya ng kaibigan ko. Kaya don't be afraid to make friends with him. Kung awayin ka man niya… ako na mismo ang magagalit." Tuloy pa ni Rhian habang tinitirintas ang buhok ng bata.
"Mommy, mommy." Sigaw ni Wayne at patakbong lumapit sa kinaroroonan nila. "Mommy look, nakahuli ako ng crab." Masayang wika nito at pinakita kay Mart yung nahuling baby crabs.
"Baby, you're just like that crab, still a baby… maawa ka naman anak." Nakangiting wika naman ni Mart sa anak at natawa pa pagkatapos.
"Ikaw naman Mart, proud na proud nga ang anak mo na ipakitang may nahuli siya, dini-disapoint mo naman agad." Sita tuloy ng ginong sa kanya. "Nakahuli nga daw e, dapat sinabi mong masaya ka, mamaya niyan madisapoint pa ang bata."
"Di naman po sa ganun, naaawa lang ako sa crab. Anyways baby, pakawalan mo na muna yang baby crab, hintayin mo nalang na medyo lumaki siya ha, tiyaka mo siya huliin." Bawi pa ni Mart sa anak.
"Okay po mommy," sagot naman ni Wayne at tumakbo ulit pabalik sa batis.
"Okay done," wika pa ni Rhian matapos ayusan ang bata. "See… you're prettier." Wika pa nito nang iharap niya sa kanya ang bata.
"Hey guys!!!" bati ng babae kaya napalingon kami agad sa kanila.
"Sino naman yung malakas ang bunga---?" udlot na tanong sana ni Mart nang makita ang dalawang kararating, kasama ang ginang.
"Pasensiya na, ngayon lang kami… may gusto kasing sumama." Singit ng ginang na ang tinutukoy ay yung kasintahan ng anak niya. Kinuha na niya ang basket mula sa anak para madala sa kinaroroonan ng mesang pahaba na gawa sa kawayan.
Habang inaayos ni Saji yung mga pagkain na nilapag ng ginang sa mesa ay napatingin siya sa kamay ni Taliah na nakahawak sa damit ni Rhian sa tagiliran… para kasing biglang humigpit yung hawak nito nang dumating ang tatay nito. Napatingin naman si Saji kay Rhian na napatingin din sa sa kanya. Alam niyang nagtaka siya sa reaction ng bata at alam niyang alam nito kung bakit.
"Its okay baby…" bulong ni Rhian sa bata at yinakap ito.
'Ano bang meron? Ano bang relasyon meron ang bata at ni Dylan? Bakit parang takot na takot ang bata nang dumating ang tatay niya? Tiyaka diba dapat ay nang makita niya ang ama ay nagtatakbo na siya para yakapin ito? Ba't parang lalo pang siniksik nito ang katawan na kulang nalang ay magtago sa loob ng katawan ni Rhian? Ano ba talagang meron?' tanong pa ni Saji sa isip habang tinutuloy ang pag-aayos ng pagkain sa mesa.
"So what do we have here?" tanong pa ng babaeng kasama ni Dylan.
"Paulit-ulit?" bulong pa ni Rhian.
"We're just having a little picnic." Ang ginong na ang sumagot.
"Babe, what kind of place is this?" baling pa ng babae kay Dylan na kapit-kapit parin niya.
"Lugar kung saan hindi ka na makakalabas ng buhay." Bulong ni Mart, bulong na rinig ng lahat.
"I'm sorry, what?" tanong ng babae kay Mart na nakataas pa ang kilay. "What did she say babe?" baling pa nito kay Dylan na kanina pa napapalingon sa paligid na parang tinitignan kung may nagbago sa paligid, sa lugar na kinalakihan.
"I don't know…" inosenteng sagot ni Dylan at tumingin kay Mart. "Ano bang sinabi mo, Mart?"
"Wow, kilala mo pa pala ako Dylan? Tagal narin nating di nagkita a… nice! Mata-touch na ba ako? Thank you naman kung ganun. Anywyas, wala naman akong sinabi." Mahabang sagot nito. "Pero sino naman yang kasama mo Dylan? Bago mo?"
Nang magreply si Saji dito kanina na malapit na sila ay sinabi rin nito na kasama nila si Dylan at ang kasintahan nito kaya hindi na sila nagulat nang makita ang lalake.
"Yeah," pakilala niya. "Her name is Stromie,"
"Aw, bagay sa kanya ang pangalan niya ha… parang isang malaking bagyo lang na dumating." Biro pa ni Mart kaya napatingin ang iba sa kanya nang pabanta. "Ooops, did I say that out loud?" takang tanong nito na kunwari ay di sinadyang sinabi iyon. "Sorry."
"Okay lang di naman niya naintindihan." Sagot naman ni Dylan pero seryoso parin ang mukha. "Pero bakit parang inis ka sa kanya. Wala naman siyang ginawa sa inyong mali."
"Hindi naman sa naiinis kami, Dylan. Wala naman kaming karapatang mainis sa kanya agad dahil hindi pa naman namin siya kilala ng maayos. Siguro, more on bad vibes lang yung naramdaman ko sa aura niya. Kanina pa kasi nakakapit sayo na parang tuko, akala mo naman may mang-aagaw sayo dito. Tiyaka kung kilala mo pa talaga ako Dylan, alam mong ayaw ko sa mga ganyang klase ng tao. Yung tipong malalandi ba? Sorry for the term pero… basta. Huwag mo nalang pansinin ang mga sinasabi ko, total sabi mo ay hindi naman niya naiintindihan." Prangkang sagot ni Mart.
"Intindihin niyo nalang, laking ibang bansa kasi." Paumanhin pa ni Dylan. "Tiyaka, ganyan lang talaga yan may pagka-arte,"
"Bakit si Saji? Laking Australia rin naman pero hindi ganyan kung umasta?" Punto ni Rhian at nang mapagtanto ang sinabi ay agad ring bumawi. "Tiyaka si Charles, lalo na iyon, anak mayaman pa. Prinsesa kung baga, pero hindi naman ganyan kaarte."
"Kumusta naman ang trabaho mo anak?" Singit na tanong ng ginong para ilihis ang usapan.
"Ayos lang po 'tay, mabuti nga po at nakakuha ako ng leave ngayon para magkapag-bakasyon." Sagot pa niya.
"At natantong ngayon pa?" tanong pa ni Rhian dito na parang may halong hinala.
"Tapos nang ma-set up ang pagkain. Halina kayo at kumain," singit ni Saji nang maiayos niya na ang mesa. "Alam kong kanina pa kayo gutom."
"Oo nga anak eh." Wika pa ng ginong at ngumiti sa kanya sabay hawak sa tiyan. "Naku parang gusto ko nang kumain agad, niluto mo ba yung na-miss kong specialty mo anak?"
"Po? Hindi po eh." Sagot ni Saji na napakamot ng batok. "Hindi na po kasi kami nakaluto ni mamang kanina, kaya sila manang nalang po ang nagluto."
"Naku Carlos, wala ka rin namang sinabi kay Saji kanina na ipagluto ka niya ng adobo. Kaya gumawa nalang siya ng juice. Alam mo naman yan, hindi mapakali kung hindi nakakatulong." Sita ng ginang sa asawa. "Sige na anak, tawagin mo na ang iba doon sa may ilog, lalo na ang bata." Baling ng ginang sa kay Saji. "Baka kanina pa nagugutom ang mga yun."
"Sige po," sagot niya nalang at lumabas sa may kawayang cottage at lumapit ng konti sa may ilog. "Manong Rene, tara po ditong lahat at kumain po muna tayo." Sigaw niya sa kanila. "Wayne baby… that's enough. You can continue that later. Let's eat first." Baling niya naman sa bata.
"Mamita!!!" masayang bati pa ni Wayne sa kanya at patakbong lumapit sa kanya. "Mamita look, manong Rene helped me catch a crab," proud na wika nito at pinakita ang nasa isang colorless container.
Iyon ang pinaglagyan nila ng nahuling mga maliliit na alimango.
"Really? Good job baby," wika naman niya at tinapik ang buntunan nito. "Now you're all wet, tara na doon para makapagbihis na ka na muna so that you won't catch a cold." Kaya tumakbo nanaman ang bata palapit sa ina para magbihis.
"Miss Saji… naku, long time no see po." Bati ni manong Rene ng makalapit sa kanya.
"Oo nga po eh, kumusta na po kayo manong? Sila aling Trinidad po kumusta? Hinihika parin po ba si bunso?" tanong niya pa. Isa siya sa mga nagtratrabaho sa palayan. Kung sina mang nestor sa manggahan, siya naman sa palayan.
"Ayos na po siya Miss Saji, nawala na po yung hika niya. Siya nga po ang kilala dito sa lugar na champion pagdating sa swimming eh. Salamat po sa pagtulong sa kanya noon." Wika pa niya.
"Wala po iyon, sabi kasi sa akin ng isang kaibigan na nakakatulong daw ang paglangoy sa pag ehersisyo sa bandang puso. Lalo na sa mga taong may hika." Sagot niya pa. "Tara na po at kumain," at tumingin siya sa ibang kasama ng lalake. "Tara na po doon."
"Sige po Miss Saji, ii-ihaw po muna namin itong mga isdang nahuli namin kanina. Pandagdag po sa pagkain natin." Wika ng isang kasama ni manong Rene.
"Nanghuli po kayo? Naku… masarap nga iyan, sana may kamatis at sibuyas pa para mas lalong sasarap." Wika pa niya na halatang natakam sa pagkain.
"Alam po naming namiss niyo ito miss Saji, kaya po namitas na po kami sa bakuran namin ng kamatis at sibuyas." Wika pa ni manong Rene.
"Talaga? Naku natatakam na po ako." Masayang wika pa niya ditto.
Sinet-up na nila manong Rene ang pag-iihawan sa medyo malayo para hindi sila mausukan. Ang iba naman ay nagsimula nang kumain.
"Babe, I remember you said you have a daughter. Where is she now?" tanong bigla ni Stromie na yung juice lang na ginawa ni Saji ang iniinum, ayaw daw kasi nitong kumain dahil walang kubyertos na dinala.
Napatingin si Saji sa katabi niya, sina Rhian at Taliah. Biglang yumakap si Taliah kay Rhian at tinago ang mukha o inub-ob ito sa katawan ni Rhian.
"Its okay baby… wag kang matakot, I'm not going to give you to them." Bulong pa ni Rhian dito. Napatingin naman si Dylan sa dereksyon ng bata.
"She's there with my cousin Rhian," sabay turo sa kanila.
"Ow… is she that shy?" tanong pa ng babae.
"Hindi, ayaw lang niyang makita mo ang maganda niyang mukha. Baka raw kasi ma-insicure ka." Singit pa ni Mart kaya siniko na siya ni Saji. "Bakit ba? Totoo naman, ayaw kasi ng bata na makakita ng taong tuko."
"Oo hija, mahiyain ang batang yan." sagot nalang ng ginong sa babae.
"What?" tanong pa ng babae na kumunot pa ang noo.
"'Tay, hindi po siya nakakaintindi ng Tagalog," singit ni Dylan. "He said she's shy that's why…" baling nito sa babae. Tumango naman si Stromie.
"Sosyalin o pasosyal lang?" tanong na bulonh pa ni Mart.
"Mart, tigil na." sita na ni Saji sa kanya.
Matapos ang kainan na napahaba dahil sa kwentuhan… nagpahinga lang sila saglit tiyaka nagtampisaw na sa batis. Hapon na nang bumalik sila sa bahay at dumeretso agad sa kanya-kanyang kwarto para mag-shower at magbihis. Halos lahat sila ay pagod kaya napaaga ang tulog.

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    Jarred Custodio Labana

    good work

    18d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    sndbdbdnnskejebsnsnsjjdjdjddndnbdbdhdjdjjddjrenebrbdbdbndbdbdndjskekekendndnbfnbfnrieowkwnenenrndndndndbndnrnnnnnnnnnnnnnnnnnejjdjdjdhdjfnfnfnfjfjfjfjfjjfjfnndjdkskekejrjndndnfndnnfdkrkrkkrkrkrkrkrjrjjrnrnrnndndndjdjndnfjfnfnfnnfnfnfnnfnfnfnndnnenenrnrrnfnndndnfnrnrnfnrnnrnfnfjdjfndnrnrnrndndjdjdndndndnndndndnndnfndndfjfjjrjrnrnsoowowowjenenndddjdddjjdjdj me know if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺 😭 nnnsnsnsnndndndnndn on the news and mama not sure ka na na na song lyrics to Tripan nakikisa

    19/07

      0
  • avatar

    so beautiful 💕

    16/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata