logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 13: Tree house

Sarap hambalusin ng mesa ang mukha nitong kaibigan ko na nakaguhit pa rin sa mga labi niya ang nakakaasar na ngiti.
Medyo may mangilan ngilan naring estudyante ang nandito. Probably to eat breakfast na hindi nila nagawa sa bahay nila.
"Sweeeetttheeeart"
Mariin akong napapikit sa boses na umalingawngaw sa loob ng cafeteria. Kahit hindi ko na lingunin ang taong iyon kilalang kilala ko na ang boses niya. At isa pa iisang tao lang rin naman ang tumatawag sa'kin non.
Siguro'y nagliliwaliw na ang mga mata niya ngayon kung saang banda ako nakaupo.
Tamaan sana siya ng kidlat para hindi na tuluyang makalapit sa'kin.
Ang sama ko.
Tumingin ako sa paligid. Lahat sila nakatingin sa'kin. Or maybe sa likod ko. Kaya walang atubiling lumingon rin ako.
Damn! He found me!
"Sweetheart"
Nakangiting saad niya habang nakapang himulsa. Umubo ng peke si glim dahilan para dumako ang tingin ko sa kanya.
"Who's this kid?"
"I'm not a kid."
Glim and I were both caught off guard. Upon hearing his deep manly voice. May diin ang salitang iyon na may kasamang pagbabanta. Na parang kapag inulit mo pang tawagin siyang bata ay tiyak hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sa'yo.
Napailing nalang ako ng umiwas si glim ng tingin sa lalaking tinawag niyang bata. Ang lakas ng loob takot naman pala.
Nang balingan ko ng tingin ang magaling na lalake. Nakangiti na ulit siya sa'kin. Napangiwi si glim dahil doon.
Umagang umaga ang lakas ng amats ng isang 'to.
"I'm Gabriel by the way. And you are..."
"Glimmer"
Tipid na sagot niya. Siguro'y hindi pa rin nakaka get over sa pag-iiba ng ugali ng lalaking kaharap niya.
"Gab. Anong ginagawa mo dito?"
Pigil inis kong sabi sa kanya. Habang parang walang pakeng tumabi ito ng upo sa'kin. Kung hindi ako nagkakamali nasa ikasampung baitang pa lamang siya ng junior high. Base na rin sa uniform na suot nito na magkaibang magkaiba sa uniform ng college. Pwera sa logo na naka dikit sa gilid nito. Parehas lang naman. Nasa kabilang building sila kasama na ang senior high.
"Is it wrong when I only want to see you sweetheart?"
Halos maubo si glim sa iniinom niyang juice. Sino ba naman kasi ang hindi. Sana pala uminom ako ng tubig para saktong naibuga ko sa pagmumukha niya.
"Gab you should go back. Your classes might start within five minutes. Ma la-late ka."
As much as I wanted to kick his ass out of this cafeteria. Kailangan ko paring umaktong civil sa harap niya. Saka ayokong magmukhang bully sa harap ng mga estudyanteng nandito.
Isa pa baka aakalain nilang inaapi ko ang batang 'to.
Binalingan ko siya ng tingin at nakatitig lang siya sa'kin. Kapag ganitong seryoso ang mukha niya aakalain mo talagang mature na siya. Pero kapag nakangiti naman maiinis ka nalang dahil para siyang bata na niregaluhan ng isang pack ng lollipops.
"Don't be like that."
Biglaang sabi niya. Si glim tahimik lang namang nakikinig.
Seryoso pa rin yung mukha niya.
"What?"
"That. Na nag-aalala ka sa'kin. Hulog na hulog na nga ako sa'yo e. At alam ko namang wala kang balak saluhin ako. Kaya 'wag mo nang dagdagan pa ang mga bagay na mas lalong ikinakahulog ko sa'yo."
Parehong napaawang ang bibig namin ni glim dahil sa sinabi niya. I never thought na ganito siya ka determined kapag gusto niya ang isang babae. Gosh! What do I do?
"The first time I saw you walking around the school corridors. My heart skipped a beat. I knew right then I found my girl. I like you. I really d-----"
Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng may humila sa kanya palabas ng cafeteria.
Huli na ng mapagtanto ko na wala na siya sa harap ko at tuluyan na ngang nakaladkad noong taong humila sa kanya. Hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang sinabi niya. I know how straightforward he is but I didn't really expect him to confess earlier. We've just met yesterday.
Tiningnan ko si Glim. Nakangiti na naman siya ng nakakaloko.
"Really? Hindi ka ba nauumay sa kakangiti?!"
"Hindi ka ba magtatanong kung sino yung poncho pilatong kumaladkad kay gab?"
Hindi ako sumagot.
Hindi naman kasi ako interesado.
"Zero dragged him outside."
She said as she shrug her shoulder na parang hindi rin niya alam kung bakit pero yung ngiti sa labi niya kabaliktaran naman noon ang ipinapahiwatig.
----------------
Matapos ang napakaboring na klase. The bell rang for lunch break. 2 subjects lang naman ang meron kami sa afternoon kaya susulitin ko yung oras ko sa pagbabasa sa library.
I told glim na mauna nalang sa cafeteria at doon nalang ako hintayin.
Mother nature called me.
Hindi paman ako tuluyang nakalapit sa cr ng mapansin ko ang pamilyar na pigura na nakasandal malapit sa pinto.
Umurong yata yung plano ko sanang umihi.
Kunot na kunot ang noo niyang nakatitig sa sementadong tinatapakan namin ngayon. Malalim yata ang iniisip niya dahil hindi man lang niya naramdamang may nakatingin sa kanya.
Alam ba niyang pupunta ako dito? Para kasing kanina pa siya nakatungo sa kinasasandalan niya.
Saka palang siya nag angat ng tingin ng medyo nakalapit na ako sa kanya.
I gulp as he stared at me with a blank expression. Nangyayari ito sa tuwing pakiramdam ko galit siya o di kaya ay hindi masaya.
"Can we talk?"
He's back being a cold Prince. I nodded. Nauna siyang naglakad habang nakasunod lang naman ako sa kanya.
'You're the boss huh'
Pang-aasar ng utak ko. Hindi ko rin naman ito ini-expect. Sanay akong ako ang sinusunod but the situation right now isn't the right time para pairalin ko ang pagiging bossy ko.
We really need to talk.
May sasabihin rin naman ako sa kanya.
Lumiko siya sa likod ng building. Nagdadalawang isip pa ako kung susunod ba ako sa kanya o hindi. Siguradong wala nang ibang tao doon.
Paano kung nagpaplano na pala siyang e murder ako?
Paano kung----
"Can't you walk slower than that"
Sarkasikong sabi niya. Bakas rin sa mukha niya ang inis. Siguro dahil nga sa bagal ng paglalakad ko. I really keep my distance away from him baka kasi maglabas siya bigla ng baril o kutsilyo. Tapos tuluyan na nga akong e murder dito ng walang nakakaalam. Oh!no!
I rolled my eyes on him as I cross my arms.
"Pwede naman kasi tayong mag-usap doon. Bakit kailangan pang pumunta dito"
"Don't worry. I won't hurt you"
Double meaning ata iyon dahil bumilis ang tibok ng puso ko. Ayokong mapansin niya ang epekto ng sinabi niya kaya tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
----------
"You're..... planning to murder me really don't you?"
Habol hiningang sabi ko sa kanya na may bahid ng inis. Kanina pa kami naglalakad. Kanina niya pa rin sinasabi na malapit na.
Pero pakiramdam ko ilang milya na ang nilakad namin. Nag e-enjoy yata siyang pahirapan ako.
Lumapit siya sa'kin kaya medyo napaatras ako. Tumalikod siya saka yumukod. I just stared at his back with a confused look.
Gusto niya bang masahiin ko siya?
Sa isipang iyon mas lalo akong nainis.
Really he wants a massage in the middle of this fucking Forest!
Scratch that middle. Dahil wala pa pala kami sa gitna ng kagubatan. I'm just overreacting.
"Come on Shasha don't just stare my back."
"Well what do you want me to do with that? Kick you with a high level of speed?!"
Galit na sabi ko sa kanya. At hindi ko na mapigilang sumigaw.
Nakakainis na kasi siya sobra!
Tumayo siya at humarap sa'kin. Gusto niya mang pigilan ang tawa niya ay huli na dahil napahagalpak na siya ng tawa.
"Gusto ko lang na pasanin ka. Dahil bukod sa alam kong masakit na ang paa mo. Ayoko rin makitang nahihirapan ka."
He said as his laughter subsided. Umiling iling ako bilang sagot.
"I can still walk."
Pero dahil sadyang matigas ang ulo niya. Tumalikod siya at yumukod ulit.
"Stop being so stubborn."
"Look whose talking. Sabi ko kaya ko pang maglakad."
"Shasha come on."
Bakas na sa boses niya ang pagpipigil rin ng inis.
"Mabigat ako."
Tanging sabi ko nalang.
"Ayaw mo naman sigurong abutin tayo ng gabi dito diba?"
Balik na sabi niya. Kung pareho kaming magmamatigas aabutin nga naman kami ng gabi. Tapos baka pag nagpumilit pa ako na 'wag niyang pasanin. Baka tuluyan na niya akong iwanan dito.
Pareho kaming tahimik habang nilalakbay niya ang daan papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan.
I hate how I love to smell his natural scent. Ang bango niya.
I hate how comfortable I am on his back. Habang nakaalalay naman ang dalawa niyang kamay sa bandang tuhod ko para hindi ako mahulog.
'Simple. But sweet.'
Ang swerte ng magiging girlfriend niya.
Biglang sumagi sa isip ko ang imahe ni Faye.
Faye being Zachi's Girlfriend.
Napahigpit ang hawak ko sa leeg ni Zachi dahil doon. Hindi ko gusto ang pamilyar na nararamdamang biglang umusbong mula sa loob-loob ko.
"As much as you wanted to kill me. Not here Shasha. Hayaan mo munang ipakita ko sayo ang lugar na iyon."
Biro niya. Muntik ko na nga siyang masakal sa higpit ng pagkakakapit ko sa leeg niya.
"Sorry.... Not sorry"
Natawa siya ng kunti sa sinabi ko. Hindi ako nag so-sorry nino man kahit pa na kasalanan ko. Gaya nga ng sabi ko. Ginagawa ko iyon hindi sinasabi.
"You're really different."
"Different how?"
"I don't know. I just find you quite different from the other girls out there. Ibang-iba ka sa lahat."
"Why does I think you're describing me like I'm such one of those aliens"
Tumawa na naman siya sa sinabi ko. Totoo. Talagang habang sinasabi niya na kakaiba ako. Yung imahe ng alien ang unang pumasok sa utak ko.
"See? The way you think. You're really different."
"Is it bad?"
"No. That makes you who you really are. Sanay ako na walang pakialam sa ibang tao. Wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko. Kahit mga kaibigan ko sanay na rin sa ugali ko. And I thought habang buhay na akong ganoon but when---"
Nanatiling nakalutang sa ere ang isipan ko habang hinihintay na tapusin niya yung sinasabi niya.
Pero hindi na siya ulit nagsalita pa. I didn't even wanted to ask. Ayokong isipin niya na nanghihimasok ako. Kaya kung ano lang yung sasabihin niya. Iyon nalang muna.
"We're here"
Sabi niya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Agad nanlaki ang mga mata ko sa isang matayog at malaking punong Narra na may wood circle stairs pataas.
Oh!my..
Castle.
Syempre joke lang.
Kitang-kita ko pa dito ang glass window sa taas.Excited na akong makita yung kabuuan ng Tree House sa itaas.
May katamtamang kalakihan lang naman.
Ang lawak ng ngiti ko.
Yung pagiging childish ko lumabas ata. Gusto ko pa tuloy magtatatalon sa tuwa. Take note hindi pa nga ako nakaka akyat. Paano pa kaya kapag nakita ko na yung kabuuan ng lugar sa itaas.
"I'm glad you like it."
"No I love it."
Nakangiting sabi ko sa kanya. Iniabot niya yung isang kamay niya sa'kin.
"Take my hand. I'll take you to the moon"
Tumawa ako sa sinabi niya.
"Playing romantic eh?"
"Who wouldn't? A girl like you deserves everything. Everything including the whole universe."
Pareho kaming ngumiti sa sinabi niya.
Ayoko mang aminin.
At gusto ko mang itago.
'Kinilig ako sa sinabi niya'.

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    レジル ブ バンドジョ

    ♥️♥️♥️

    2d

      0
  • avatar
    CruzAtasha

    😽😽😽😽😽

    28/07

      0
  • avatar
    Allan Canaria

    I'm so happy

    19/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata