Dalawang araw na ang nakalipas pero wala pa ring paramdam si Lara, nag-aalala na ako sa kaniya. Gosh! Naiistress ako sa babaeng 'yon. Hindi pa naman pwedeng maistress ang mga buntis! Tumigil muna ako sa bintana at nagmuni-muni, tiningnan ko rin ang orasan at nakitang ala una na ng hapon. Umupo na lang ako sa kama ko dahil napapagod na ako sa kakalakad paikot dito sa kwarto. Wala naman kasi akong magawa eh, ayaw ko rin namang lumabas. Hindi ko rin alam kung nandito pa ba sa bahay si Jacob o wala na. Gusto ko sanang mamasyal sa labas pero nagdadalawang isip ako dahil kailangan ko pang magpaalam sa kaniya. Nahihiya nga ako sa kaniya eh. Wow! Himala lang dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay pero ngayon ay atat na atat na akong lumabas, at kapag naboboring naman ako ay nagpipinta na lang ako. Tama! Magpipinta na lang ako. Tatayo na sana ako pero naalala kong wala pa pala akong gamit. Bumuntong hininga na lang ako at wala na akong ibang choice kun'di ang magpaalam kay Jacob o kahit na sinong tao ang narito na lalabas muna ako. Bibili na lang siguro ako tapos kukunin ko ang ibang gamit sa bahay. Napangiti ako. Excited na ako! Sa sobrang excited ko ay agad na akong nag-ayos. Nang matapos ako ay dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng kwarto ko at nagdadasal na sana wala si Jacob dito. Hindi naman ako tatakas, magpapaalam naman ako. Pero ayaw ko lang talagang kay Jacob magpaalam dahil baka sumama pa 'yon, nakakahiya kaya. Hindi naman sa nag-aassume ako na sasama talaga siya, naninigurado lang ako. Pagkabukas ko ng pinto ay sinilip ko kaagad ang sala kung nandoon ba si Jacob. Napahinga na lang ako nang maluwag nang makitang wala siya roon. Whew! Buti naman. Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig at maghanap na rin ng kasambahay para sa kanila na lang ako magpapaalam. Pagdating ko sa kusina ay kumuha agad ako ng tubig sa ref saka sinalin iyon sa baso. Inilibot ko ang paningin ko habang umiinom ng tubig at wala akong nakita ni isang tao. Hinugasan ko muna ang pinag-inuman ko at pumunta na lang sa sala, baka sakaling may makita akong tao pero wala rin. Saan na naman pumunta ang mga kasambahay rito? Bakit parang walang tao ang bahay na ito? Sinubukan kong pumunta sa labas baka sakaling may makita ako kahit driver man lang dahil sabi nga ni Jacob kung aalis ako ay sabihan ko lang ang driver ko. Wow, sosyal na ako ngayon. Dati pataxi-taxi lang ako, ngayon may driver na! Pagdating ko sa labas ay agad akong naghanap ng driver o kahit sino. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakitang medyo malawak din pala rito sa labas at malinis, pero wala naman akong makitang kahit isang tao. Napakamot na lang ako sa ulo. Kanino ako magpapaalam? Wala naman akong number ni Jacob. Alangan namang umalis na lang ako? Hmm... pwede rin naman, tapos sasabihin ko na lang kay Jacob na walang tao rito kaya umalis na lang ako. Tumango-tango ako sa sariling naisip. Wala naman sigurong problema kung aalis ako. Babalik din naman ako agad o 'di kaya... ay hindi na? Palabas na sana ako ng gate pero natigil lang nang may biglang nagsalita sa likuran ko. "Where are you going, woman?!" inis na sabi nito. Halos mapatalon naman ako sa gulat at napaharap sa kaniya bigla. Nagulat ako nang makita ko si Jacob. "I-Ikaw pala 'yan. Ginulat mo naman ako." Bumuntong hininga ako. Binalewala ko ang inis sa boses niya. Napakunot naman ang noo niya at matalim akong tiningnan. "Where are you going? Tatakas ka?" medyo napataas ang boses niya dahil siguro sa galit. Nginiwian ko siya. "Hindi—" "Then what are you doing here? 'Di ba sabi ko sa 'yo kapag lalabas ka ay magpapaalam ka sa akin?" galit pa rin niyang sabi. Kahit na nakakaramdam na ako ng kaba ay hindi ko naman hinayaang mapansin niya iyon. Buti na lang ay magaling akong magtago ng mga emosyon. "Hindi naman ako tatakas. Wala lang kasi akong nakitang tao kaya lumabas na lang ako," paliwanag ko sa kaniya. Nanatili ang matalim niyang tingin sa akin. Tumingin lang ako sa koko ko at nilaro-laro ang kamay ko para hindi ko siya matingnan. Nakakatakot kasing tumingin sa mga mata niyang galit. Mas lalo namang kumunot ang noo niya at inilagay ang kamay sa bewang niya. "Hindi ba ako tao?" Kunot noo ko rin siyang tiningnan dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Ha?" "Hindi ba ako tao? Sinabi mo kasing wala kang nakitang tao kanina." "H-hindi naman kasi kita nakita kanina at hindi ko rin alam na nadito ka pala. Akala ko umalis ka," sabi ko sabay iwas ng tingin. Totoo naman kasing hindi ko talaga siya nakita kanina. "So, if I'm not here aalis ka na lang nang hindi nagpapaalam?" naging strikto ulit siya. Unti-unti na akong nakakaramdam ng inis sa kaniya. Pinagkrus ko ang aking mga braso at tinaliman ko rin siya ng tingin. Nawala na ang kaba ko dahil napalitan na iyon ng pagkainis. "Hindi naman sa gano'n. Wala lang kasi talaga akong nakitang tao kaya lumabas na lang ako. Saka pakialam mo ba kung aalis ako? Wala naman akong utang sa 'yo!" Pumikit siya nang mariin at hinilot ang noo na para bang inis na inis na siya sa akin. Humugot siya nang malalim na hininga at pinakalma ang sarili. "Where are you going?" kalmado na niyang tanong Halos gusto ko na siyang irapan. Mukhang kumalma na ang dragon. "Sa bahay lang at may bibilhin na rin." "Anong gagawin mo sa bahay mo at anong bibilhin mo?" kumunot na naman ang noo niya. Kumunot din ang noo ko. Ang dami niyang tanong. Kahit na naiinis pa rin ay sinagot ko na lang siya dahil para na rin hindi na ako maboring "Mga gamit lang sa pagpipinta," simple kong sagot. Tinitigan muna niya ako sandali bago tumango. "Wait here," sabi niya at umalis na saka pumunta siya sa likod ng bahay. Kumunot naman ang noo ko. Anong nasa likod ng bahay? Maya-maya pa ay bumalik siya na nakasakay na sa mamahalin niyang kotse. So, garahe pala ang nasa likod ng bahay. Huminto siya sa harap ko at lumabas siya para pagbuksan ako ng pinto. Nagdadalawang isip pa akong pumasok. "Get in," sabi niya dahil ang tagal kong pumasok. Pumasok na lang ako at hinintay niyang makabit ko muna ang seatbelt ko bago niya sinarado ang pinto. Umikot siya at sumakay na rin sa driver's seat. Pumreno lang siya pagkatapos ay bigla nang bumukas ang gate. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong nakitang tao. Pero nang paglabas namin ay may guard pala sa labas ng gate at siya na rin siguro ang nagbukas. *** Sa labas lang ako nakatingin habang nagmamaneho siya. Medyo mahaba-haba na naman ang binyahe namin. Ngayon ko lang napagtanto na kung mag-isa lang akong umalis kanina ay baka naligaw na ako. Buti pala at nandito si Jacob. Nang nakarating kami sa bahay ay agad na akong pumasok sa loob, nakasunod naman siya sa akin. Inilibot naman niya ang paningin sa buong bahay ko at ako naman ay dumiretso sa aking kwarto para kunin na ang mga gamit. Paglabas ko ay nakita ko siyang tinitingnan ang mga paintings ko, medyo marami-rami na rin kasi ang naipinta ko at ang iba ay naibenta ko na, pero ang mga hindi nabenta ay dito ko na lang dinidisplay sa bahay. "Ikaw ang nagpinta nito lahat?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa mga paintings ko. "Oo," simple kong sagot. Tumango lang siya at bumaling sa akin. "Tapos ka na?" Tumango ako sa kaniya. Nang nasiguro kong wala na akong naiwang gamit pangpinta ay umalis na kami sa bahay at dumiretso na sa mall para sa mga gamit na bibilhin ko. Hindi naman kailangang sa mall bumili dahil mahal doon, pero sabi lang niya sa akin ay siya na raw ang magbabayad at hindi raw pwede sa mga maliliit na pamilihan dahil siksikan doon at bawal naman ako kaya pumayag na lang ako na sa mall na lang kami mamili. Sinamahan niya rin ako sa pamimili. Alam kong bored na bored na siya dahil halata naman sa mukha niya. Binilisan ko na lang ang pamimili ko. Pagkatapos naming bilhin lahat ay dumiretso na kami pauwi dahil sabi niya bawal akong mapagod. Kanina pa kasi kami palakad-lakad at medyo mahaba rin ang byahe namin pabalik. Sinabi ko nga sa kaniyang sa bahay ko na lang ako manatili pero sinamaan lang niya ako ng tingin kaya tumahimik na lang ako at hinayaan siya. "Sa susunod kung lalabas ka sabihan mo ako. Kung walang kasambahay rito ibig sabihin nandito lang ako," sabi niya pagkauwi at pagkapasok namin sa bahay niya. "At kung wala naman ako ay tawagan mo ako." inilahad niya sa akin ang kamay niya. Kumunot naman ang noo ko nang tingnan ko ang kamay niyang nakalahad sa akin dahil hindi ko nakuha ang gusto niyang iparating. Gusto niyang makipagholding hands? Pumula naman ang pisngi ko dahil sa naisip. Gusto niyang makipagholding hands? At talagang dito pa talaga? Hindi pa nga kami tuluyang nakakapasok dahil nasa bandang pintuan pa lang kami nakatayo. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid at nakitang wala namang ibang tao ang narito maliban sa amin. Nahihiya kong nilagay sa likod ng aking tenga ang iilang takas kong buhok. Pagbibigyan ko lang siya dahil ayaw ko namang mapahiya siya sa akin. Ayaw kong makipagholding hands sa kaniya pero nakakahiya naman sa parte niya kung tatanggihan ko siya. Kaya pagbibigyan ko na lang.
Sa namumulang pisngi ay dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa kamay niya. Naramdaman ko na natigilan siya nang naglapat ang mga balat namin. Nang inangat ko ang tingin ko sa kaniya ay nakita kong nakakunot na ang noo niya. "What the fuck are you doing?" hindi makapaniwalang tanong niya na ikinatigil ko. "I am asking for your phone. Give me your phone." Nanlaki naman ang mga mata ko at parang napapaso na binawi ang aking kamay sa kaniya. Siya naman ngayon ay may nakakalokong ngisi na sa labi. Shit! Nakakahiya! Nakakahiya! Dali-dali ko namang inabot sa kaniya ang cellphone ko at hindi ko na lang siya tiningnan dahil nakangisi pa rin siya. Uminit nang husto ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Kung ano-ano pa ang iniisip ko, cellphone ko lang pala ang kailangan niya! Holding hands amputa! Medyo tanga ako sa parte na 'yon, ah. Shitt! Inabot na niya sa akin ang cellphone ko nang matapos siya sa ginagawa niya. Hindi ko siya tiningnan nang kinuha ko iyon. "Gusto mo pa lang makipagholding hands, mamaya na lang dahil may gagawin pa ako," mapang-asar niyang sabi. Umawang ang labi ko. Umalis siya na tumatawa pa rin at iniwan niya akong pulang-pula ang pisngi dahil sa sobrang kahihiyan. Shit, lupa kainin mo na ako!
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
good very lovely
03/12/2024
0Yuo
03/10/2024
0thanks
08/08/2024
0Tingnan Lahat