logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

Sinusubukan kong tawagan si Lara para sana magkwento sa kaniya pero lagi na lang siyang 'cannot be reached'.
Ano na bang nangyayari sa babaeng 'yon?
Nandito ako ngayon sa isa sa mga kwarto rito sa bahay ni Jacob at nakahiga lang sa kama, bagong gising lang din ako. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko rito, hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya pa ako dinala rito na pwede namang doon na lang sa bahay ko. Pwede naman siyang bumisita roon, hindi ko naman siya pagbabawalan.
Bumuntong hininga ako.
Hinawakan ko ang tiyan ko at pinakiramdaman si baby, magfo-four weeks na rin siya. Matagal pa siyang lalabas pero mahal na mahal ko na siya. Paano pa kaya kung lumabas na siya, sisiguraduhin kong wala siyang mararamdaman na kulang at hindi ko rin hahayaan na maging tulad siya sa akin na lagi na lang mag-isa at konti lang ang kaibigan. I mean, iisa lang ang kaibigan.
Gusto ko kapag lumaki siya ay maging palakaibigan siya. Hindi katulad ko na lagi na lang nakakulong sa bahay na parang bampira na takot sa liwanag.
Napahinto lang ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok at binuksan nito ang pintuan. Nagulat ako nang makita si Jacob. Natigilan ako at napatitig sa kaniya.
"Let's eat," sabi niya at lumapit sa kama saka umupo sa gilid ko. Bumangon naman ako at tiningnan siya.
Pwede ko ba siyang tanungin?
Kumunot ang noo ko.
"Bakit mo ba ako dinala rito?" tanong ko sa kaniya.
Blangko lang ang kaniyang itsura habang tinitingnan ako. Bumuntong hininga rin siya.
"Because I'm the father of your child,"
Tinitigan ko talaga siya habang nakakunot ang noo ko. I don't understand him. Ano namang connect no'n? Ano naman ngayon kung siya ang ama ng dinadala ko. Hindi naman niya ako kailangang dalhin dito. I just don't get him.
Nalilito ko siyang tiningnan at nakuha niya naman 'yon kaya nagpatuloy siya.
"And I have the responsibility that's why I brought you here to keep the baby safe," seryoso ang kaniyang boses.
Napatango-tango naman ako. Yup, naiintindihan ko siya sa parteng iyon. Pero hindi naman na kailangan ito. Bakit? Ano pa ba ang ibang dahilan?
"And... of course, you're my responsibility too."
Natigilan ulit ako. Kunot noo ko siyang binalingan, seryoso pa rin ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.
Bakit naman ako naging responsibilidad niya? Hindi ko naman siya kailangan 'no.
"Are you done asking? Let's eat," pinal na ang kaniyang boses saka tumayo na rin.
Marami pa sana akong gustong itanong pero tumango na lang ako.
Gutom na rin ako eh.
Sabay kaming lumabas ng kwarto saka tumungo sa kusina. Naamoy ko naman ang paborito kong adobong manok kaya naman ay agad na nangasim ang bagang ko. Lumapit agad ako sa lamesa at bago ko pa mahila ang upuan ay naunahan na ako ni Jacob. Tumingin ako sa kaniya pero dumiretso na siya sa kaharap kong upuan. Nagkibit balikat na lang ako at binalewala ko na lang 'yon. Umupo agad ako at inayos ang sarili. Tinitingnan ko ang bawat pagsandok ng kanin ni Jacob sa plato ko pagkatapos ay nilagyan niya rin ng adobong manok. Gusto ko siyang padaliin sa kilos niya dahil gusto ko na ring matikman ang ulam.
Hindi ko alam kung siya ba ang nagluto nito pero hindi na iyon importante. Ang importante ay mabusog kaming dalawa ng anak ko.
Subo lang ako nang subo ng pagkain. Buti na lang 'di ako nabubulunan. Nang maramdaman kong nakatingin sa akin si Jacob ay medyo nailang ako kaya nagdahan-dahan na ako.
Baka kasi isipin niyang patay gutom ako. Hindi naman ako gano'n. Minsan lang naman. Pero dahil lang iyon sa pagbubuntis ko.
Kaya lang ay hindi pa rin niya tinatanggal ang titig sa akin dahilan kaya mas lalo akong nailang at nahiya.
Iniisip na ba niyang patay gutom talaga ako?
Kahit na naiilang ay tiningnan ko na siya.
"Bakit?" tinago ko ang pagkailang sa aking boses at hindi naman ako nabigo.
Umiling lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.
Weird.
Pagkatapos naming kumain ay pinalinis na ni Jacob sa mga katulong ang aming pinagkainan. Ngayon ko lang din napansin na may katulong dito, hindi ko kasi sila nakita no'ng dinala niya ako rito.
Umupo na muna kami sa sofa ni Jacob dito sa sala, hindi masyadong malaki pero okay na rin. Tahimik lang kaming nanonood ng palabas sa TV. Ilang na ilang ako pero hindi ko pinapahalata dahil baka kung ano pang isipin niya at umalis na lang, eh di mas lalong nakakahiya na wala ang may-ari ng bahay.
Habang nanonood kami ay napatingin sa akin si Jacob, tiningnan ko rin. Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko siya kayang tingnan.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya at nasa harapan pa rin ang paningin.
"Sinong kasama mo sa bahay niyo?" tanong niya sa akin out of the blue.
"Wala, ako lang. Bakit mo naitanong?" tanong ko rin pabalik sa kaniya. Binalingan ko siya pero agad ding nag-iwas ng tingin. Hindi ko talaga siya kayang tingnan nang matagal.
"Wala? You mean... wala kang kasama sa bahay mo kahit isa? Kahit kasambahay man lang?" binalingan ko ulit siya at nakakunot na ang noo niya ngayon. "Paano kung may mangyari sa 'yo roon tapos wala kang kasama? You are pregnant, Sashira, for goodness sake," sabi niya sa akin na parang tatay ko.
Halos irapan ko na siya pero pinigilan ko lang. Why are you so worried, Mr. Cuevas?
"Sanay naman na akong mag-isa sa bahay palagi. At bumibisita rin naman palagi si Lara sa akin doon at minsan din ay doon siya natutulog, kaya okay naman ako," sabi ko at nilaro-laro na lang ang kamay ko para may mapagtuunan ng pansin.
"Tsk. Eh, nasaan na si Lara? Bakit wala siya rito? At sigurado ka bang babalik pa si Lara rito?" tanong niya na ipinagtaka ko naman.
May binulong pa siya pero hindi ko na naintindihan. Nagtataka ko siyang tiningnan.
Paano niya nalamang wala si Lara? May kinalaman ba siya kung bakit wala si Lara dito?
Nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto. Nagsimula nang kumabog ang puso ko dahil sa kaba. Parang ang pinaparating niya kasi sa sinabi niya ay wala na si Lara at hindi na babalik pa!
"Anong ginawa mo kay Lara!" sigaw ko sa kaniya at akmang sasabunutan ko na sana siya pero nahawakan niya naman ang mga kamay ko.
"Chill, pregnant woman. I didn't do anything to her. I'm just asking. Relax, baka makunan ka," natatawang sabi niya.
Pilit kong binabawi ang kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya kaya hindi ako makawala.
"Bitawan mo nga ako!" patuloy pa rin ako sa pagpiglas kaya binitawan na niya ako at tinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Sinasabi ko sa 'yo kapag may nangyaring masama kay Lara, kakalbuhin talaga kita!" inis na sabi ko sa kaniya pero tinawanan lang niya ako.
"Ow, so this is what pregnancy about. Mood swings," manghang sabi niya at bahagyang tumawa. "Cute," dugtong pa niya na ikinatigil ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. Talagang nang-aasar pa siya ha? Iniwas ko na lang ang tingin ko nang hindi nawala sa labi niya ang mapang-asar na ngiti.
So, ano 'to? Close na kami? Hindi ako natutuwa.
Narining ko siyang tumawa pero mukhang pinipigilan lang niyang tumawa nang malakas. Binalingan ko siya at tiningnan ulit nang masama kaya napatigil siya at sineryoso na lang ang mukha. Inirapan ko na lang siya.
"So, hindi ka talaga pwedeng umuwi sa inyo dahil ang kasama mo ay knowhere to be found. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay dito ka talaga titira," tuluyan na nga siyang naging seryoso. Hindi ko na mahagilap ang mapang-asar niyang awra kanina.
Umawang ang labi ko. Hindi ito pwede! Kaya ko naman ang sarili ko kahit mag-isa ako. Ilang taon na kaya akong naninirahan na mag-isa lang.
"But I told you, kaya ko ang sari—" pinutol na niya ang sasabihin ko na ikinainis ko.
"No buts, Sash, this is my house so you need to follow my rules. We already talked about this, ako lang ang susundin mo," seryoso niyang sabi kaya napatahimik na lang ako. "And don't do anything stupid here when I'm not around, because I will know, Sash. I have many eyes wherever you are."
Bahagya akong kinabahan sa paraan ng pagkakasabi niya, parang may halo iyong pagbabanta.
Pero hindi niya ako masisindak sa mga ganiyan-ganiyan niya. Wala siyang karapatan na utos-utusan ako.
Pinagkrus ko ang aking mga braso at hinanda na ang sarili para sa mahabang speech ko para sa kaniya. Para maintindihan niya na hindi ko siya kailangan.
"For your information, Mr. Cuevas, ilang taon na akong naninirahan na ako lang mag-isa. Menor de edad pa lang ako ay ako na ang bumubuhay sa sarili ko, wala akong katulong. Bata pa lang ako—"
Lalo akong nainis nang patulin na naman niya ang pagsasalita ko.
Bastos!
"I don't care if you're living alone when you're still young. It's different now, Sashira. You are carrying my unborn child," ramdam ko ang inis sa boses niya. "Sundin mo na lang ang mga sinasabi ko. Huwag nang matigas ang ulo."
"Tss," tanging nasabi ko na lang.
Tinikom ko na lang ang bibig ko at nilibot ang tingin sa paligid. Ang sabi niya kanina ay marami siyang mata kung nasaan man ako.
Tss. Ilan ba ang mga mata niya?
Umirap ako sa hangin at naghanap ng CCTV sa paligid. Napansin niya ata ang ginagawa ko kaya nagsalita ulit siya.
"There's no CCTV here but I have my ways, Sash," seryoso pa rin niyang sabi. Hindi na lang ako nagsalita dahil lagi naman niya akong binabara. Umayos na lang ako ng upo. "You can do whatever you want to do but if you want to go outside, call me or you can call your driver. But don't do stupid shits. Understand?"
Tumingin ako sa kaniya. "Kailangan talagang updated ka?" tanong ko sa kaniya, nanatiling magkakrus ang mga braso.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Of course. It's for the baby, anyways."
Bumuntong hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Paano kung kailangan kong bumanyo? Kailangan sabihin ko pa sa kaniya?
Gosh, Sashira! Malamang hindi. Psh!

Komento sa Aklat (67)

  • avatar
    Jhet Rabago Delacruz

    good very lovely

    03/12/2024

      0
  • avatar
    Jusfer Damaso

    Yuo

    03/10/2024

      0
  • avatar
    TernidaLeanzel

    thanks

    08/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata