Nang makasakay kami sa loob ng taxi ay agad niyang chineck kung nabasa ba ang likuran ko. Mukhang nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang hindi iyon gaanong basa. He immediately handed me his handkerchief para mapunasan ko ang aking mukha. “Sorry, wala akong dalang towel.” nahihiyang turan niya bago umayos sa pagkakaupo. Tumango lang ako at tinanggap ang panyo na hawak niya. Okay na ‘to kaysa wala. “Saan po tayo, Sir?” Saglit siyang bumaling ng tingin sa akin bago tumingin sa driver. “Sa UST Hospital po.” mabilis niyang sagot saka binuksan ang kaniyang bag at may inilabas na folder doon. “Dadaan lang tayo sandali sa UST, pagkatapos ihahatid na kita sa inyo.” marahan niyang sambit. Hindi niya inaalis ang kaniyang tingin sa akin. Bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang hitsura lalo na nang mapatingin siya sa buhok ko na nabasa ng ulan. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil sumandal na siya sa glass window ng taxi at saka pumikit. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya habang nasa byahe. Hindi ko alam kung bakit nagkataong nandoon siya sa labas ng gate kanina. Paano niya ako nakita kanina eh napakaraming tao sa labas ng San Beda? Hindi lang naman ako ang nag-aabang doon. At bakit kung kailan umuulan saka siya susulpot? Noong unang beses naming magkita umulan din, tapos ngayon… “Don’t stare. I can’t sleep if someone is staring at me.” aniya habang nakapikit. Agad naman akong nag-iwas ng tingin saka ibinaling na lamang ang aking atensyon sa mga sasakyan at iba pang tanawin na makikita sa labas ng taxi. Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya. Paano naman niya nalaman na nakatitig ako sa kaniya eh nakapikit siya? Napasimangot na lamang ako saka kinuha ang compact mirror sa loob ng bag ko upang tingnan ang sariling hitsura. Muntik ko nang maitapon ang sariling salamin nang makitang gulong-gulo ang buhok ko. Dinaig ko pang nakipagsabunutan sa hitsura ko. Sinubukan kong hagilapin ang suklay sa loob ng bag ko ngunit wala ito roon, marahil ay naiwan ko sa drawer ko sa office. Kung minamalas ka nga naman! Wala akong ibang nagawa kundi bumuntong-hininga na lamang. Ilang sandali rin lang ay nakarating na kami sa UST. Kukuha pa lang ako ng pera sa wallet nang makitang nag-abot kaagad ng bayad si Alistair sa driver. Mabilis siyang bumaba at isinuot ang kaniyang backpack kaya nagmadali na rin ako at sumunod sa kaniya. Sa sobrang laki ng hakbang niya ay kinailangan ko pang bilisan ang lakad ko para lang maabutan siya. Ngunit nang makita niyang hinihingal ako ay agad niyang binagalan ang paglalakad. Gusto ko sanang magpaiwan na lang sa labas kaya lang baka magtagal siya sa loob. Hindi ako sanay na mag-isa lang sa isang lugar lalo na at hindi ko naman kabisado ang lugar na ‘to kaya sumama na lang ako sa kaniya. “Upo ka muna rito.” aniya sabay turo sa mahabang upuan na may nakalagay na waiting area. Tumango naman ako saka sinunod ang sinabi niya. Masakit na rin kasi ang paa ko at basang-basa pa iyon kaya mabuti nga kung uupo at magpapahinga muna ako. Nakita kong pumasok siya sa isang opisina habang bitbit sa kaniyang kaliwang kamay ang folder na kulay orange. I was planning to close my eyes to rest for a bit kaya lang nakita ko rin siya agad na lumabas ng opisina kasama ang isang may edad na babae na nakasuot ng medical white coat at may nakasabit na stethoscope sa batok nito. Nag-usap pa sila sandali bago lumingon sa kinaroroonan ko. Bigla tuloy akong nahiya. The doctor is talking to Alistair at ngumiti saka kinurot pa siya sa tagiliran. Paulit-ulit lamang na umiling si Alistair sa sinasabi ng doctor na ngayon ay tumatawa na. It’s as if she’s teasing him onto something. Kumunot naman ang noo ko at saka umiwas nang tingin dahil ayokong ma-curious sa pinag-uusapan nila. Ini-stretch ko na lamang ang binti ko na bahagyang sumasakit na. “Alissa.” Marahan akong lumingon nang marinig kong tinawag niya ako. Nakasimangot pa siya habang papalapit sa kain kasunod ang Doctor na babae. Agad akong tumayo para bumati sa doctor. “Magandang gabi po, Doc.” Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam ng awkwardness bigla. “Good evening. I’m Freya Dizon, Alistair’s mom.” she said as she offers her left hand for a handshake. Napatingin muna ako kay Alistair bago tanggapin ang kamay ng kaniya ina. She smiled at me saka marahang pinisil ang aking kamay. Hindi ko naman alam ang ire-react ko kaya ngumiti na lang ako. “Are you my son’s girlfriend?” inosenteng tanong nito sa akin “Ma!” he said with frustration, para bang nahihiya dahil sa sinabi ng kaniyang ina. Natawa lang ako dahil sa reaction niya. Mabilis akong umiling “I’m Alissa Valeria, Alistair’s… uhm… I mean we both know each other so, acquaintance?” Hindi ko intensyon na maging patanong yung kinalabasan ng pagpapakilala ko. I kinda felt guilty when I saw Ali frowned. May mali ba sa sinabi ko? Tama naman ah. We’re mere acquaintance. Hindi naman kasi friends at mas lalong hindi lovers kaya… acquaintance. Naguguluhan akong bumaling sa kanilang dalawa. When his mom suddenly burst out a laugh, pakiramdam ko nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko may mali akong nasabi kaya pareho silang natahimik. “So, you are Ali’s acquaintance? Hindi kayo friends?” tanong nito. Muli akong tumingin kay Alistair. “Are we friends?” diretso kong tanong sa kaniya. Now he looks mad. Bakit ganoon ang hitsura niya? Nagtatanong lang naman ako. His mom laughed again, mukhang tuwang tuwa na makitang ganoon ang hitsura ng kaniyang anak. She seemed to enjoy what is happening. “Let’s go, Alissa.” inis niyang saad saka nauna nang maglakad. Hindi man lang siyang nagpaalam sa Mama niya. Hala! Bakit parang galit siya? Anong ginawa ko? “Hey!” tawag ko sa kaniya ngunit hindi pa rin niya ako pinapansin. Magkasalubong pa rin ang kaniyang kilay hanggang makalabas kami ng ospital. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya wala akong choice kundi habulin siya kahit na masakit na ang paa ko. “Galit ka ba?” muling tanong ko. Hindi pa rin niya ako nililingon. Nang makarating kami sa bus stop ay saka siya huminto. Mabuti naman at naisipan niyang dito na mag-abang ng sasakyan at least kapag umulan, hindi na ako mababasa ulit. Wala na ring gaanong tao sa labas marahil ay dahil umulan kanina, pero may iilan pa ring mga estudyante na kalalabas lamang galing sa ng UST. Marami pa ring mga jeep na dumadaan pero magta-taxi na lang ako. Pakiramdam ko kasi hindi ko kayang sumakay ng jeep pag gabi dahil hindi ako sanay at natatakot ako dahil madilim na. Muli ko siyang tinitigan. Hindi naman niya siguro mapapansin na nakatingin ako sa kaniya dahil abala siya sa pagsulyap-sulyap sa mga sasakyang dumadaan. May ginawa ba akong mali? Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang siyang nainis sa akin. At some point, nagui-guilty ako. Ang weird nga eh, kasi nagui-guilty ako pero hindi ko alam kung ano yung exact na kasalanang ginawa ko. “Let’s go, Alissa.” Mabilis niyang tawag sa akin. Napansin ko naman kaagad ang humintong taxi kaya mabilis akong kumilos para makasakay na. Akala ko sasakay rin siya kaya nagulat ako nang isinara niya kaagad ang pinto nang makapasok ako. Okay lang naman sa akin pero bakit pakiramdam ko masama talaga ang loob niya? “Alistair!” Mabilis akong dumungaw sa bintana. Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay, naghihintay sa sasabihin ko. “Can we be friends?” nakangiting tanong ko. He suddenly looked away, pero agad din niyang ibinalik sa akin ang tingin. “No.” mabilis niyang sagot saka tumalikod at naglakad papalayo. OUR last conversation still haunts me kahit ilang linggo na ang nagdaan. Hindi pa rin maalis ang pagkainis ko sa kaniya. Ako na nga ang nag-offer ng friendship eh. Hindi ko naman sinasabing wala siyang karapatang tumanggi, it’s just that, nakakainis lang dahil direct to the point niyang sinabi na ayaw niya. “Problema mo? Para kang iritang-irita dyan.” Puna sa akin ni Janelle habang kumakain kami sa isang Chinese Restaurant. I sighed heavily and shook my head. “Eh ano? Bad recit? Iinom na lang natin ‘yan, sagot ko. Tara sa condo!” mabilis na yaya ni Maureen na mukhang excited pa. Today is Thursday, nagkataong holiday bukas kaya nagdesisyon kaming magkita tatlo upang kumain sa labas. Mag-iisang buwan na rin halos bago kami muling nagkita. At magdadalawang linggo na ring hindi ko nakikita si Alistair. Muling akong napasimangot nang maalala ang lalaking iyon. Kung nasaan man siya, sana madapa siya. “Ano ngang problema? Lalaki?” tanong ni Janelle sabay subo ng pagkain. Tumawa si Maureen sa narinig. “Si Alissa? Mamomroblema sa lalaki? Paano? Eh boyfriend nga wala siya eh.” saad nito saka lumingon sa akin, tila pinag-aaralan ang reaksyon ko. “Hindi ka sure.” nakangising saad ni Janelle kay Maureen. Mabilis na kumunot ang noo ni Maureen dahil sa tinuran ni Janelle. “Bakit may hindi ba ako nalalaman?” Mabilis akong umiling at saka sinamaan nang tingin si Janelle na ngayon ay tumatawa na. “Bakit pakiramdam ko may tinatago kayo sa akin?” Maureen crossed her arms in front of her chest. Hindi siya nagsalita at tila naghihintay sa paliwanag namin. Pero anon gang ipapaliwanag ko, eh wala naman talaga. “Pakiramdam mo lang ‘yon, girl.” saad ni Janelle saka muling sumubo ng pagkain. Janelle knows nothing about what happened. Ang alam lang niya ay yung nangyari noong umattend kami ng basketball match. Mukhang hanggang ngayon ay sini-ship niya pa rin ako kay Alistair. Tahimik na lamang akong napailing sa isang tabi. Hindi naman kasi pala-kwentong tao at wala rin akong planong ikwento sa kanila ang nangyari dahil panigurado aasarin lang nila ako. Pagkatapos naming kumain, nagdesisyon kaming dumaan muna sa mall dahil may bibili raw sila ng damit para sa kanilang acquaintance party. Sumama na lang ako dahil plano ko ring dumaan sa Fully Booked para bumili ng mga libro. Sumobra kasi yung allowance na binigay sa akin ni Dad last week. Hindi rin naman ako masyadong magastos kaya ‘pag may natitira, pinambibili ko na lang ng libro o hindi kaya ay iniipon ko. Pagkatapos nilang makabili ay nagpaalam na rin kami sa isa’t isa. Dumiretso na ako sa parking lot dahil kanina pa rin naghihintay roon si Kuya Basti. “Wala ka ng ibang lakad, Ma’am?” tanong ni Kuya Basti bago paandarin ang sasakyan. Umiling lamang ako saka humilig sa bintana ng kotse para umidlip. The entire week is tiring. Bukod sa mga classes, marami ring gawain sa organization dahil malapit na ang Sports Fest. Hindi rin naman ganoon kadali asikasuhin lahat dahil marami pang kailangang papirmahan at kailangan din naming ipaalam sa Dean kung saan ang magiging location ng event ngayong taon. Dati raw kasi ay sa Boracay ginanap ang Sports Fest sabi ni Trisha. Napagkasunduan namin na this time, baka pumili na lang kami ng lugar na mas makakamura kami sa gastos. Hindi rin kasi ganoon kalaki ang budget ng org. May mga nag-suggest na mag-Coron na lang daw kaya lang masyadong malaki ang kakailanganing budget. Zoe, one our officers, suggested a place in Occidental Mindoro called Inasakan. Ang sabi niya maganda raw ang place at hindi gaanong mahal ang entrance fee at puti rin daw ang buhangin ng beach kagaya ng sa Boracay. Hindi pa naman kami nakakapag-decide dahil kailangan din naming pag-isipang mabuti. We have to know if the place is safe as well. Baka ia-assign ko na lang si Kian at Rae para i-research ang lugar. I heavily sighed when I remember I still have lots of paperworks to do in most of my subjects. Mabuti na lamang at holiday bukas kaya may oras para gumawa ng mga reports. Nang makarating kami ng bahay ay mabilis akong umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ko. Hindi na ako nag-abala pang hanapin sa helper ang mga magulang ko dahil nasanay na akong palagi silang wala sa bahay. Mas madalas na kasi sila sa Architectural firm ngayon dahil kailangan ng magbabantay. Kamamatay lang kasi ng care taker ng firm na nagsisilbing guard na rin ng lugar. Medyo nahihirapan pa sila Mom sa paghahanap ng panibagong papalit kaya pansamantala, doon muna sila ni Dad. May isa akong kapatid na lalaki na mas matanda sa akin ng ilang taon, he’s a civil engineer, pero naka-base siya ngayon sa Cebu at halos isang beses na lang sa isang buwan kung umuwi. Kaya nasanay na akong helper na lang ang kasama sa bahay. Mabilis kong ibinaba ang gamit ko sa study table saka mabilis na ring naligo at nagbihis. Bumaba lamang ako saglit upang magtimpla ng kape at umakyat na rin kaagad upang simulan na ang mga gawain. It was 3 am in the morning when I decided to rest. “OH, anong nangyari sa inyo?” bungad ko kina Aldwin dahil parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kanilang mga hitsura. Kalalabas lang nila sa second subject kay Attorney Venturina. Samantalang ako ay kagagaling lang sa meeting kasama ang iba pang mga president ng ibang organization na ginanap sa mini auditorium sa fourth floor. Tiningnan ako ni Bryse saka nagkibit-balikat at itinuro si Roman. “Bad recit, bad trip si Prof.” nakasimangot na saad ni Roman na hindi mapakali at mukhang may iniisip. Magtatanong pa sana ako nang biglang ulit siyang magsalita. “Mali ba talaga yung sinabi ko guys?” tanong niya kina Aldwin. Nagkatinginan lang sina Bryse at Mayelle. “Ang tanong sa akin ay What are the requirements or requisites to become a testator? Ang sabi ng civil code “the testator must be of sound mind” tapos ang sinagot ko is “The testator must have sound mind.” Parehas lang naman ‘yon eh.” Reklamo niya “Bakit? Pinatayo ka ba niya buong isang oras?” tanong ko. “Hindi lang ‘yon, naglitanya pa siya na ang pangit daw ng grammar ko. Nilait-lait niya ako, Ali.” paliwanag ni Roman habang nakahawak sa kaniyang dibdib, mukhang naiiyak na. Agad namang lumapit sa tabi niya sa Aldwin. “Swerte mo nga pinatayo ka lang eh. Si Aldwin nga pinalabas sa klase ni Attorney Enriquez. Naalala niyo ‘yon no’ng first term?” natatawang saad ni Mayelle “Oo nga, grabe talaga. Sobrang ‘lala talaga no’n dahil nag-word vomit na lang ako. Sa sobrang pikon ni Attorney, ayun pinalabas ako. Isang oras din ako nakatayo sa labas ng room no’n. Nakakahiya nga dahil dumaan pa yung crush ko na third year. Bawas pogi points tuloy.” Naiiling na saad ni Aldwin habang tinatapik ang likuran ni Roman. Napangiti naman ako. Alam ko naman na pinapagaan lang nila ang loob ni Roman. Dito sa law school, hindi mo kailangan ng mataas na grades. Ang kailangan mo ay yung mga kaibigan na makakasama mo at hindi ka iiwan kahit lagi kang olats sa recitation. “Bad recit lang ‘yan, makapal mukha mo ‘di ba?” dagdag pa ni Aldwin. This time, ngumiti na rin siya habang marahang pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngi. “Oh, ayan. Mabuti naman at ngumiti ka na. Hayaan mo na si Attorney Venturina. Bawi ka na lang next recit, okay?” saad ko saka tinapik ang kaliwang braso niya. Ngumiti naman siya saka tumango. “Hindi ka ba sasama sa amin ngayon? Magye-Yellow Cab kami. Early celebration ng birthday nitong si Bryse. Hindi naman kasi tayo pwedeng lumabas next week kasi hectic na ang schedule dahil malapit na ang exam.” sabi ni Mayelle habang inaayos ang strap ng suot niyang backpack. Marahan akong yumuko at alanganing umiling. “Pasensya na Bryse ah. Gusto ko sanang sumama kaya lang, marami pang pending reports na kailangang matapos sa office eh.” “Ano ka ba, ayos lang. Magpapainom ako after ng exam. Bawi ka na lang sa amin. Magte-take out na lang kami ng Pizza para sa’yo. Si Aldwin na lang maghahatid sa office niyo mamaya.” saad ni Bryse sabay tapik sa balikat ko. Mabilis silang nagpaalam sa akin dahil baka maubusan sila ng space sa Yellow Cab. Marami rin kasing kumakain doon lalo na kapag lunch time. Ako naman, naglakad na papuntang office. Dire-diretso lang akong pumasok sa loob hanggang makarating sa cubicle ko. “Kanino ‘to?” gulat kong tanong ng makitang may paper bag na nakapatong sa table ko. Saktong lumabas naman si Rae sa CR kaya napatingin ako sa kaniya. “Uy! Buti dumating ka na. May dumaan dito kaninang anghel, hinahanap ka.” aniya nang nakangisi “Huh?” kunot-noo kong tanong. “Bigay ng manliligaw mo. Yung matangkad na gwapo. Yung anak ni Attorney Altamirano” Mas lalong lumawak ang ngiti niya saka kumindat pa sa akin. Tumaas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. Dahil nacurious ako masyado sa kung anong laman, mabilis kong tiningnan ang nasa loob ng paper bag. May dalawang tupperware sa loob. Yung isa may lamang carbonara, yung isa naman ay may lamang lasagna. Nang makita kong may note sa ilalim ay agad ko iyong kinuha at binasa. “I don’t want us to be just friends. I want us to be more than that” -Ali Wait, what?
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
nice
27/01
0mabuting construction workers
01/01/2025
0wc too you
14/12/2024
0Tingnan Lahat