logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 3

“Sige, Pres. Punta muna akong canteen.” mabilis na paalam ni Kian sa akin.
Tumango na lamang ako saka muling pinagmasdang maigi ang taong nasa harapan ko. I surveyed his looks. He is wearing an all-white nursing uniform at may nakasabit pang name tag sa bulsa na nasa kaliwang parte ng kaniyang dibdib. Mukha naman siyang malinis sa kaniyang suot. Hindi rin nakatakas sa pang-amoy ko ang amoy ng kaniyang pabango na pamilyar na sa akin.
“Hinuhusgahan mo ba ako?” kunot-noo niyang tanong saka sumandal sa divider cabinet na naghahati sa cubicle ko at cubicle ng vice president ng organization.
Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil marami pa akong kailangang asikasuhin.
“Paano ka nakapasok dito?” mabilis kong tanong saka naglakad patungo sa table ko at inilapag ang envelope na dala ko.
He immediately showed me the paper bag he was holding.
“Hahatiran ko lang ng baon si Dad.”
Yes, his dad of course. Attorney Altamirano. But what is he doing here? Here inside our office?
“Paano mo nalamang dito ang office ko?” I asked blandly as if I wasn’t curious at all.
“I saw your picture in the bulletin board outside. Ang laki nga ng pangalan mo sa labas eh. Alissa Valeria.” aniya saka ngumisi
Sinamaan ko siya nang tingin nang makitang tatawa-tawa siya. What is he laughing at? Yung picture ko ba sa labas ang pinagtatawanan niya?
“May nakakatawa ba?” inis kong tanong.
“I just found it odd.” aniya na tila nag-iisip.
Umupo pa siya sa bakanteng monoblock chair habang matamang nakatitig sa akin.
“Na?”
“Na pareho tayo ng nickname.”
Agad akong napairap sa sinabi niya. So? Ano naman kung pareho kami ng nickname? Sa dami ng Alissa at Alistair sa mundo panigurado marami rin sa kanila ay “Ali” ang nickname. Masyado naman yata niyang pini-personal.
His mouth curved into a smile when he saw mny reaction.
“Hindi kaya, destined tayo para sa isa’t isa” seryosong sabi niya.
I laughed automatically. What a nice joke! I shook my head and winced.
“Malala ka na.” napailing na lang ako saka muling sinuot ang aking back pack saka nagmadaling lumabas ng opisina.
“Oy, teka sandali!” aniya saka mabilis na humabol.
Nauna akong naglakad but I can sense him following me.
“Feeling ko talaga, destined tayo. Kasi ‘di ba, nagkita tayo sa AU, tapos binigyan mo ako ng tubig at gamot. Tapos dinala mo pa ako sa hospital. Tapos Prof mo pa Dad ko. Tapos—“
Bigla akong tumigil sa paglalakad saka marahas siyang nilingon. Ang daldal!
“Have you ever gotten slap in the mouth?”
Mabilis niya namang tinakpan ng palad ang kaniyang bibig saka umiling. Mukhang natakot naman siya sa sinabi ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad dahil nasa third floor pa yung library.
Napabuntong hininga na lamang ako nang maalalang inaayos pa yung nag-iisang elevator na malapit sa opisina. Napakamot na lamang ako ng batok saka nagsimula nang umakyat ng hagdan. Bata pa lang ako, ayoko nang umaakyat sa hagdan. Madali kasi akong hingalin sa tuwing napapagod. Kaya noong lumipat kami ng bahay agad kong pinili yung kwarto na nasa first floor lang.
Ngayong nasa second floor pa lang ako hinihingal na ako. Napahawak ako sa dibdib ko at marahan hinagod iyon.
“Okay ka lang?” tanong ng nasa likuran ko.
Hindi ko na siya pinansin kahit kanina pa siya nakasunod sa akin. Pakiramdam ko maha-high blood lang ako kapag kinausap ko pa siya. Hindi ko naman alam na makulit ang lalaking ito. Noong unang kita ko sa kaniya, akala ko, siya yung tipo ng lalaking hindi mahilig magsalita. Mukhang na-scam yata ako ng hitsura niya.
“Oo, Ali, okay lang ako.” aniya sa sarili.
Mukhang malala na nga talaga ‘to pati ba naman sarili kinakausap. Narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa kaya binilisan ko na lang ang paglalakad. Ngunit agad din akong napahinto nang makitang masasalubong namin si Attorney Altamirano na kalalabas lang sa faculty office.
“Alistair, anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ng kaniyang ama.
Tila hindi makapaniwala na nasa harapan niya ang kaniyang anak. Bumaling pa sandali sa akin ang propesor at ngumiti.
Tahimik lang akong nakamasid. Hindi ko alam kung tama bang aalis na lang ako bigla o mas makabubuti kung hihintayin ko munang matapos ang usapan nilang mag-ama.
Mabilis na inilahad ni Ali ang paperbag kay Atty.
“Lunch.” tipid niyang sambit.
Masayang tinanggap ni Attorney Altamirano ang paperbag na may lamang pananghalian. Tila kumikinang pa ang mga mata nito habang chini-check kung ano ang nasa loob niyon. The happiness in his face is so visible. Ngayon ko lang yata nakitang ngumiti si Attorney.
Palagi kasi itong naka-poker face kapag nasa klase. Kakaiba ang aura niya ngayon. Magaan tingnan. Magaan sa pakiramdam.
“Thanks, Aurel. Anyway, I’ll get going, I still have my class.”
Lumingon pa ito sa akin saka muling ngumiti bago naglakad papalayo. Nakita ko naman ang pagbabago sa hitsura ni Alistair nang umalis ang kaniyang ama. Agad nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at napalitan ng pagkunot ng noo habang nakamasid sa amang naglalakad palayo. Kumunot din ang noo ko. I was confused. Nang tumingin siya sa akin at nang makita niya ang reaksyon ko ay agad siyang ngumiti.
“Do you have a free time?”
Marahan akong umiling. He seemed to understand kaya tumango na lamang siya at umayos na sa pagkakatayo.
“I owe you a treat. Pa-thank you na rin sa pagtulong mo sa akin last week.”
“Hindi na. Okay na ako sa simpleng thank you. Hindi mo na ako kailangang ilibre.”
Sumimangot naman siya dahil sa sinabi ko. He put both of his hands on the pocket of his pants. Sumandal siya sa dingding at tumingin sa akin.
“Pero gusto ko.” pagpipilit niya.
Pinagtaasan ko na lang siya ng kilay.
“Kulit mo ‘no, Aurel?”
He plastered a smile on his face.
“That’s my second name… and I don’t like it. Just call me Alistair.” aniya saka tumalikod na at naglakad. Akmang tatalikod na sana ako nang bigla siyang sumigaw.
“Kapag di ka busy ah!”
Hindi ako sumagot. Bakit ba kasi ang kulit no’n? Hindi naman sa ayaw ko, kaya lang sobrang busy sa law school.
Buti nga at paminsan-minsan may oras pa kami magkuwentuhan kahit na maraming deadlines. Maswerte na kung makakatulog ka ng limang oras sa isang araw. Malas mo naman kung hindi. Wala kang choice kundi pumasok dahil malaking kabawasan sa grades ang pag-absent.
Malas mo kung terror ang Prof mo sa bawat subject, malas mo rin kung laging nagpaparecit ang Prof. Pero hindi naman lahat puro disadvantages, marami ka ring matututunan. Isa na roon ay kung paano maging responsible sa mga priorities mo. Dito mo rin mararanasang magbasa ng case habang umiiyak kasi minsan talagang wala nang pumapasok sa isip mo.
At kahit ilang beses kang mapahiya o sigawan ng Prof dahil wala kang maisagot sa recit, wala kang choice kundi pasukan nang paulit-ulit ang klase niya hanggang sa matapos ang term. Titiisin mo yon lahat kung gusto mong maka-graduate. Law school is harsh but professors are harsher. That’s the reality of being a law student.
“MAY ipinadala nga palang invitation ang Junior Bedan Law Circle youth org. May event sila na gaganapin sa main auditorium sa Monday.” dinig kong anunsiyo ng second year law student na si Trisha na Treasurer ng aming org.
“Akala ko ba para lang sa mga third year at fourth year law students ‘yon?” kunot-noong tanong ni Karlo na saglit na napatigil sa ginagawa nitong report.
Si Karlo ang secretary at isa sa mga pinakamasipag na miyembro ng org. Isa rin siya sa mga kilalang law student sa buong San Beda College of Law dahil sa pagiging active niya sa mga youth organization activities.
“Eh bakit daw pati tayo invited? alam mo ba ang reason ate Trish? mandatory ba ‘yan?” curious na tanong ni Kian na huminto muna saglit sa pagbabasa.
Napangiti ako nang makitang halos lahat ng officers ay narito. Wala kasing klase kapag Friday pero required pa rin na pumirma sa mga attendance sheets bilang patunay na pumasok ka sa school. Friday is org day for those law students na member ng specific organization. Marami rin namang mga law student sa San Beda ang walang kinabibilangang org. Sila yung mga estudyante na nakikita mong nakatambay sa library or canteen kapag Friday. For them, Friday is case readings day.
“I’m not sure if mandatory. Pero alam niyo naman ang JBLC, masyadong demanding. Baka masira ang image natin kapag hindi tayo sumipot.” paliwanag ni Trisha habang ni-rereview ang kaniyang digest pool.
“Sino nga ulit ang President no’n?”
“Hindi ba si Simon Javier? Yung may crush kay Pres?”
Napaangat ako nang tingin nang marinig ang sinabi ni Kian
“Hoy, chismis ‘yan.” saad ko sabay bato ng ballpen sa kaniya mabuti na lamang ay nakaiwas siya.
“May proof kami ‘no. Sus! Alagang-alaga ka nga no’n nong acquaintance party last August.” dagdag pa niya
“Ay true ‘yan. Hindi ba niyaya ka rin no’n sumayaw?”
I swat my hand in the air to stop them pero mas lalo lang nila akong inasar. Baka naman sadyang mabait lang dahil pareho kaming President ng org. Masyado naman yata nilang in-assume na may gusto si Simon sa akin.
“Kaya pala may pa-invitation ang JBLC kasi gusto makita ng President nila ang President natin.”
“Sorry na lang siya, may bebe na ang Pres natin.” pang-aasar na saad ng bagong dating na si Rae.
Pare-parehong kumunot ang noo namin dahil sa sinabi nito. Maging siya mismo ay naguluhan din nang makita ang reaksiyon namin.
“Yung anak ni Attorney Altamirano, hindi mo ba ‘yon bebe? Nakita namin kayo no’ng Monday na magkasama.”
Lumingon ako kay Kian na mabilis namang umiling.
“Wala akong sinabihan.” agap niya.
Sasagot sana ako para i-deny kung ano man yung iniisip nila pero hindi ko na nagawa nang magtanong bigla si Trisha.
Wait! Naguguluhan ako. Sino ulit?”
“Yung anak ni Atty. Altamirano.” sagot naman ni Rae saka palipat-lipat na tumingin sa amin ni Trisha.
Trisha’s jaw almost dropped.
“Oh bakit ganiyan ang reaksiyon mo?” tanong ni Kian.
Trisha shook her head repeatedly.
“He really went here?”
“Oo. Binisita niya pa nga si Alissa rito sa office.” sagot ni Kian.
Natahimik naman si Trish at saglit na nag-isip. Bakit parang may alam siya na hindi namin alam? Nang mag-angat siya ng tingin at nakita ang reaksiyon namin ay agad siyang umayos sa pagkakaupo. She even cleared her throat before speaking.
“Some of the law students here know what exactly happened a year ago. First year kami noon noong una naming nakilala ang anak ni Atty. Altamirano dahil palagi siya nitong hinahatiran ng lunch. His son is a nursing student in Arellano University under the International Nursing Program. We noticed back then that he really admire his father being a lawyer. Palagi rin siyang pinagmamalaki ng kaniyang ama sa amin. But then magde-December na no’n nang biglang pumunta sa faculty office sa third floor yung anak ni Attorney at nagwala roon. We don’t know the exact reason or issue that time pero nagulat na lang kami dahil hindi na ito bumalik dito kagaya nang laging ginagawa. Then we heard na naghiwalay na si Atty. at ang asawa niya because of adultery issues at yung anak niyang lalaki ay pinili na sumama sa Mom niya. Kaya nagulat ako no’ng nabanggit ni Rae na pumunta rito yung anak ni Attorney Altamirano. Akala ko kasi hindi na siya babalik dito kahit kailan dahil hindi naman sila okay ng Dad niya pero baka nagkabati na… I don’t know.”
Lahat ng nasa opisina ay natahimik. Walang ni isa ang naglakas-loob magsalita. I can’t help myself but to think about what happened way back on Monday. Kaya ba biglang nagbago ang hitsura niya noong tumalikod ang Dad niya?
“Nililigawan ka ba ng anak ni Attorney Altamirano, Ali?”
Tanong ni Trisha nang kami na lang ang natitirang tao sa loob ng office.
Umiling ako.
“No. I don’t think so.”
She smiled at me.
“Good. Mahirap magkaroon ng karelasyon na may family issues. Enough na ang stress na binibigay ng law school.”
She said before leaving.
Inayos ko muna ang sariling table bago ako nagdesisyong umuwi na. Malapit na ako sa gate nang biglang mag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa. Nang makita ko na si Dad ang tumatawag ay agad kong pinindot ang answer button.
“Dad.” bungad ko.
“Alissa, hindi ka masusundo ni Basti ngayon dahil hinatid niya kami sa event na a-attend-an namin ng Mommy mo sa Rizal. Can you commute? Pero kung hindi mo kaya, hintayin mo na lang si Basti pero baka alas otso ka pa niya masundo dahil traffic.”
“No, Dad. Kaya ko naman po mag-commute.” mabilis kong saad.
“Okay. Take care. Do you have umbrella? Nagsisimula nang umulan dito.”
Napatingala ako kaagad sa langit nang marinig ang sinabi ni Dad.
“Wala pa naman ulan dito—ay shocks!”
Nagmadali akong naghanap ng masisilungan dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“Dad, I have to go. Be safe sa biyahe.”
Mabilis kong pinatay ang tawag at inilagay ko kaagad sa loob ng bag ang cellphone ko para hindi ito mabasa. Nagpalinga-linga ako para paligid para maghanap ng pwedeng silungan kaya lang puno na lahat ng waiting sheds sa paligid dahil uwian na ng mga estudyante.
I was hopeless. My longsleeves and slacks are getting wet at pati ang loob ng sapatos ko pakiramdam ko ay basa na rin. Mas lalo akong nanlumo nang maalalang nasa loob ng bag ko ang libro sa Introduction to Jurisprudence. Kabibili ko lang ng librong iyon tapos mababasa agad?
Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng palibot ng aking mga mata. Ang malas naman! Papaiyak na ako nang biglang may tumabi sa akin at naglagay ng jacket sa ulo ko.
Bahagya akong nagulat nang makita ang taong nakatayo sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin bago ako mabilis na inayos ang jacket sa ulo ko para masigurong hindi ako nababasa.
“Tara.” saad ni Alistair saka mabilis akong hinila patungo sa taxi na nakahinto sa tapat ng gate.

Komento sa Aklat (150)

  • avatar
    Anna Faith

    nice

    27/01

      0
  • avatar
    LoayonAnaliza

    mabuting construction workers

    01/01/2025

      0
  • avatar
    AcederaJedan

    wc too you

    14/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata