logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7:

Hide’s POV
Tamad akong nakaharap sa aking laptop dahil sa sobrang daming gawain. Ilang araw ko ring iniwan
kay Chairman Mile na dapat ay obligasyon ko. Hindi ko pa nakikita ang aking mga magulang kaya berepikadong sasalubong sila sa akin kapag tinangka kong lumabas ng kwarto. Wala naman akong pagpipilian kun’di harapin sila at madahilan nang magdahilan hanggang makumbinsi.
Nawala ang atensyon ko sa laptop nang bumukas ang pinto. Niluwa niyon si Serious na nakasuot ng formal attire. Nakasisigurado akong kasama na naman siya sa mga importanteng pinupuntahan ng aming pamilya. Isa ring dahilan ang pagkamatay ni Seek kaya mahigpit sila sa aming dalawa. Tila kami naging limang taong gulang na dapat pinapaalam ang gagawin at dapat pang bantayan. Sa ganoong pamamalakad nila, ayos lang sa akin. Naiintindihan ko naman.
“Thanks for teaching me about my subject. I got a perfect score. I know you’re tired but you still chose to teach me. You’re the best, kuya.” Ngumiti siya sa akin ng pilit. Isang araw pa lang ang nakalilipas simula nang ilibing ang kapatid ko kaya apaketadong-apektado pa rin siya hanggang ngayon.
“Tungkulin ko ‘yon.” Pinatay ko ang aking laptop bago ngumiti sa kaniya. “Aren’t you leaving yet?” Tila kasi natigilan siya habang ang mga tingin ay nasa akin lamang.
Nabalik siya sa huwisyo at tumingin sa kawalan. “Have you been with your girl for a few days?” Napataas ako ng kilay sa kaniyang tanong. Mabilis muli siyang nagsalita para baguhin ang aking reaksyon. “You have a scratch on your neck. A woman’s scratch.”
Napakama ako sa aking leeg. Nangunot ang noo dahil may mahaba ngang kalmot. Isang babae lang naman ang nakasama ko sa iilang araw. Wala naman akong matandaan na kinalmot ako nito. Hindi ko rin naramdaman pero kung kalmot nga ito ng babae, sa kaniya ito galing.
“Don’t mind it.” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. “I need to face our parents. Handa naman ako sa sermon nila. Let’s go.” Sinarado ko na ang pintuan at naunang naglakad.
Nasa likuran ko si Serious. Nakuha nitong magsalita. “Mom will ask where you got your scratch. Magagalit siya sa ‘yo.”
Hindi ko siya nilingon. Tinuloy ko lang ang pagtahak sa sala. “Edi sasabihin ko I had sex with woman.”
“What?!” Napangiti ako sa kaniyang reaksyon. Pinantayan niya ako para hawakan sa dalawang balikat. “Seriously? Kaya mong sabihin iyan kay mom? Kuya Seek is afraid to tell mom that he kissed a girl. Nakatatakot si mom, kuya.”
Napatitig ako rito. “Magkaiba kami ni Seek.”
“I see.”
Hindi na kami nagtalo nang makita namin sina dad at mom na nakaupo sa sala. ‘Gaya ni Serious, maayos din ang kanilang damit. Mukhang may importante nga silang lakad.
“You’re late.” Si dad ang unang nakakita sa akin. Sa sinabi niya, nakuha akong tingnan ni mom. “Let’s talk about what you did. Wala ka ng ilang araw. You left all the work to Chairman Mile. You just came home from the Philippines, you’re doing something we don’t know about.”
Prente akong sa sofa. Sisimsimin ko sana ang kapeng nasa harapan ni mom ngunit ayaw niya niyon kaya nagpakuha ako sa isang katulong. Hinarap ko si dad. “Miss ko lang ang Pilipinas kaya nakukuha kong magbonding with my friends. Wala rin sina Hide at Cure, right?”
“You even left your car at the bar.” Blanko ang mukha ni mom na nakatingin sa akin pero mahinhin ang kaniyang pananalita. “For what reason?”
“Because I’m drunk? I forgot, sorry.” Ngumiti ako sa kaniya ng matamis. Napaikot siya ng mga mata dahil kilala niya ang sarili niyang hindi niya ako matitiis. Dumating naman na ang kape ko at mabilis itong sinimsim.
“Hindi mo ba naalala ang kapatid mo?” Mukhang ang pinupunto ni dad ay wala ako nang ilibing ang aking kapatid. “Since he died, you haven’t looked at him anymore. Sein also said, may kasama kang babae sa oras na ‘yon, your secretary. They said you treated her rudely. Is it true?”
“Ah, my Secretary Arison? I fired her. Walang alam sa gawain.” Palihim akong bumuntong-hininga.
“Ysreal Arison?” Tanong ni mom na halatang inaalala ba ang binanggit niyang tanong. “She has been Seek’s secretary for two years. She helped Seek a lot for our company so why did you fire her?” Kilalang-kilala rin pala ni mom ang babaeng iyon. Mukhang kakampihan nila ‘yon kapag nagkataon. “Did she do something bad?”
Ngumiti na lang ako ng peke. “I’m looking for new secretary now. Don’t worry, mom, I can handle our company. Hindi ko sasayangin ang inumpisahan ni Seek.”
“Good to heard that.” Pormal na tumayo si dad. “Let’s go, son, honey.”
“Wait, mom!” Sabay-sabay kaming napatingin kay Serious. Hinintay namin ang sasabihin. “Look at kuya’s neck. He has a scratch galing sa babae.”
Ngumisi siya sa akin kaya sinimaan ko ito ng tingin. Agad akong humarap sa aking mga magulang para magpaliwanag. “Wala naman po akong nabubuntis kaya wala ito.”
“Mabuti.”
Nang tumalikod ang aming mga magulang, dinilaan ako ni Serious dahil natutuwa sa kaniyang pagsusumbong. Napasimangot na lang ako at bumalik na sa kwarto. Nalinga ako sa kama dahil nakita ko ang litrato ni secretary. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong makahahanap ako ng ebidensya sa kaniya. Dalawang araw na rin kaming nagkikita.
Mabilis kong inasikaso ang aking sarili dahil kailangan ko pang pumasok. Trenta minuto pa ang lumipas nang matunton ko ang Laur Enterprises. Matatamis na ngiti agad ang nakuha ko sa mga babaeng empleyado, ako naman ay panay ngiti sa kanila. Tinahak ko na ang opisina, pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Reid. What he doing here?
Hindi ko siya tinanong. Dire-diretso ako sa lamesa at nilapag doon ang bag ko. Umupo ako sa swivel chair at hinihintay sabihin ang kaniyang pakay. Mukhang siya naman ang may kailangan.
“Si Ysreal...” Iyong mamamatay tao na naman?
“Oh, anong mayroon sa kaniya? Malinis na ba ang kamay?” Pabalang kong tanong. Hindi pa rin kami ayos ni Reid dahil sa kaniyang pangingialam. “Saan mo ba dinala ang babaeng iyon?”
“Bakit? You will kill her?”
Tinitigan ko siya. “Maaalahanin ka kaya alam kong sa hospital mo dinala. Papatayin ko? Of course, iyon naman talaga ang pakay ko, hindi ba? Masarap pumatay ng mamatay-tao sa ospital. Advantage sa victim, ilang hakbang na lang ang morgue sa kaniya.” Pabagsak kong nilapag ang ballpen at tumayo para pumunta sa mga libro.
“Limang taon tayong nagkahiwalay kaya hindi ko alam ang bago sa ‘yo.” Iyan na naman ang boses niyang seryoso. Diyan ako naiirita. “I didn’t know you could kill a person.”
“I can.” Kinuha ko ang makapal na libro at tiningnan ang mga pahina nito. “I’ll combine you with my secretary.”
“Nice, joke. I’ll rate later.” Tumayo siya habang nakatingin sa wrist watch. “Kung gusto mong bisitahin ang babaeng iyon, magtanong ka kay Cure. Wala kang gagawing masama. Hindi ko tinotolerate mga mali mong ginagawa. Remember that, Mr. Hide Laurier.” Humigpit ang hawak ko sa libro nang kalmado siyang lumabas. Kainis talaga ang lalaking iyon.
Muli akong umupo sa swivel chair at tinuloy ang pagbabasa sa kinuha kong libro. Sa paglipat ko sa isang pahina, bumungad sa akin ang isang litrato. Kinuha ko ito para tingnan, nakita ko si Seek na matamis ang ngiti. Napangiti na lang din ako. Nawala lang ‘yon nang makita si secretary na nasa kaniyang tabi. Sa likuran nila ay si Chairman Mile. Si Chairman Mile ang nagpatabi ng mga gamit ni Seek, tinanggal pati mga litrato rito sa opisina. Mukhang naiwan ang isang ‘to.
Kusang humawak ang kamay ko sa cellphone para tawagan si Chairmain Mile.
“Hide?”
“Let’s talk, Chairmain Mile.” Pinatay ko ang tawag. Kinuha ko ang litrato saka sinara ang libro. Nakatitig lamang ako rito. Hindi katagalan, bumukas ang pintuan.
Mabilis siyang naupo sa harapang upuan. “What is it, Mr. Laurier?” Pormal ang kaniyang pagtatanong.
Hinarap ko ang litrato. “Saan kinuha ‘to?”
Nag-iba ang kaniyang reaksyon nang makita ito, sumagot din ng totoo. “In the park. Alam kong nagtataka kayo dahil hindi naman pumupuntang park si Seek. Nakaraang taong kuha pa iyan, may kapatid si Ms. Arison. Napilitin kaming samahan ang magkapatid mamasyal. Bakit niyo tinatanong ang litratong iyan?”
“Baka kasabwat ka ng babaeng iyon.” Tinago ko ang litrato. “Salamat.”
Tumango na lamang ito at lumabas ng opisina.
Ysreal’s POV
Napag-alaman ko lang na nasa ospital matapos kong ilibot ang aking mga mata. Walang lakas ang katawan ko para tumayo kaya nananatili akong nakahiga rito. Sa huling pangyayaring iyon, hindi ko na alam ang nangyari. Nagising na lang akong nandirito. Tumingin ako sa aking gilid, nakita ko ang isang papel. Dahan-dahan ko itong kinuha at binasa ang nakasulat.
‘Magpagaling ka. Hindi sa kinakampihan ko ang maling ginawa sa ‘yo ni Hide, ang gusto ko huwag ka nang magsumbong sa mga pulis. Umiwas ka na lang sa kaniya para hindi ka masaktan. Kilala mo naman ang Laurier Family, hindi ba? Mahirap silang kalaban. Kapag kinalat ni Hide na hawak niya ang prime suspect, lahat ay maniniwala sa kaniya. Kaya nilang baguhin ang sitwasyon. Kaya ka nilang idiin para sa ‘yo malipat ang dapat sa kaniya. Hindi kita matutulungan kapag si Tita Victoria na ang nakalaban mo. Aaminin kong natatakot din ako sa kaniya. Iyon lamang, don’t forget your med, Ms. Arison. You’re safe now.
— Reid.
Sa tutuosuin, may punto siya. Tinago ko na lang ang sulat na ito. Tatayo sana ako nang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Fail nang makita ako. Mukhang natuwa siyang mulat ang aking mga mata.
Nilapag niya ang kaniyang mga dala. Naiiyak ako nitong nilapitan. “Oh my God, thanks to God na gising ka na.” Yinakap niya ako. Sabi na nga alalang-alala na ito. “Apat na araw ka na raw dito sa hospital sabi ng lalaking nagdala sa ‘yo rito. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo para mabundol ng sasakyan, huh? Wala raw siyang kilalang kamag-anak mo kaya ako na lang ang nilapitan. Kung alam mo lang, halos mamatay na ako kaka-alala sa ‘yo. Hindi ko na ito pinaabot sa lola mo baka kasi ma-stress lang.”
Binanat ko ang labi ko para ngumiti. “Salamat.”
“Next time, be careful. I don’t know where to look for you. Paano kung napuruhan ka? What can I explain to your grandmother? Sa akin ka niya binilin, nasa ospital na nga ang kapatid mo. Huwag mo nang sundan.”
“I’m sorry.” Tinaas  ko ang aking pulsuhan. “Sinabi ba ng lalaking iyon kung saan ko ito nakuha?”
Sunod-sunod siyang tumango. “Nahiwa raw iyan sa bakal nang tumalsik ka. Ingatan mo sarili mo. Ako kinakabahan sa ‘yo.”
Tumango na lamang ako rito. Wala na kaming naging usapan dahil sinubuan na lang ako nito ng dala niyang pagkain.
TATLONG araw na ang lumipas, maayos na ang aking katawan. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung saan hahanap ng trabaho. Hindi p’wedeng tumambay lang ako sa apartment, wala akong budget sa pang-araw-araw. Nandito ako sa palengke, naglibot na ako ngunit walang tumatanggap sa akin. Puro resto at karinderya ang aking pinagtatanongan. Nakapapagtaka lang dahil walang tumatanggap sa akin. Kagagawan na naman ba ito ng demonyo? Kilala niyo na kung sino ang tinutukoy ko. Laking pasasalamat ko ngang hindi ko siya nakikita.
Muli akong naglakad para magtanong. Tinutulungan din ako ni Fail maghanap gamit ang pagtatanong sa kaniyang mga magulang. Mabait naman kasi ang parents ng kaibigan ko. Hindi p’wedeng asahan ko lang ang kaibigan ko kaya ito ako ngayon, kahit babad na sa init, nakukuha pa ring maglibot.
Nang makaramdam ako ng gutom, huminto ako sa karinderyang palagi kong kinakainan. “Adobo at isang kanin.”
“Oh, hija? Pumayat ka, ah? Anong nangyari sa ‘yo? Dati ay araw-araw kang kumakain dito. Matumal ka na.” Nilapag niya sa lamesa ang pagkaing sinabi ko.
“Wala kasing trabaho. Kailangang maghanap.” Simple kong sagot at nag-umpisa nang kumain.
“Huling punta mo rito ay putlang-putla ka. Aligaga rin.”
“Wala po iyon.”
Hindi na siya nagsalita. Naramdaman niya sigurong tamad ako makipag-usap. Nang matapos akong kumain, naglapag na lang ako ng bayad sa kaniya. Hindi na ako nagpahinga, naghanap na naman ako. Sa pagliko ko sa sa isang eskinita, napahinto ako dahil may isang lalaking prenteng nakasandal sa kaniyang sasakyan. Nasa akin ang mga tingin kahit nakausot ng shade. Mukhang ako ang pakay niya.
“Need work, Ms. Arison?” Hinubad niya ang kaniyang shade. Kita ko na ang kagwapuhan nito. “Actually, kanina pa kita nakitang paikot-ikot. I just want to help you.”
“Anong trabaho, Cure?” Tatlong hakbang lang naman ang layo namin kaya rinig niya ang aking pagtatanong.
“Hmm?” Napaisip siya. “Be my collection.”
“Collection?” Sumama ang tingin ko sa kaniya nang maintindihan ko ang kaniyang sinasabi. “Ayoko.” Agad na nanghusga ang aking isip. Pareho ba silang isip bata ni Hide?
“Binibiro ka lang.” Ngayon, seryoso na ang mukha niya. “Maid sa bahay. We’re hiring. Nahihirapan ang aking parents na maghanap, hindi sila madaling magtiwala.”
Dapat ang itanong ko sa kaniya ay tungkol sa trabahong ino-offer niya kaso iba ang lumabas sa aking bibig. “Pumupunta ba sa inyo si Hide?”
“No, takot siya sa pusa. I have three cats.”
Kusa akong ngumiti sa nalaman. Tumango ako para isakay niya ako sa aking sasakyan. Mukha naman kasing mapagkakatiwalaan ito kaysa sa kaibigan niyang sinasaltik.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    LongasaRachelle Ann

    ang Ganda po kaso medyo naguluhan lang ako sa kwento Yung flow medyo nakakamad pero Yung ending maganda

    17d

      0
  • avatar
    PallarMateo

    very interested

    09/07

      0
  • avatar
    Boss Vin Wapo

    good 👍

    26/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata