logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

DESPERATELY INLOVE

LUNES NG UMAGA.
May nabasang message ang mama ni Storm sa cellphone nito. Alam niya na galibg ito kay Ashy kaya binura agad ito. Kinuha kasi nila ang cellphone nito nubg malaman ang relasyon nila.
Na hindi puwedeng matuloy dahil kailangan niyang pakasalan si Girlie. Si Storm ay anak bg mama niya sa ibang lalake. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa asaw niya ngaun, kailabgang isakripisyo niya ang kaligayahan ng anak.
***************
Nagmamadali si Storm na ayusin ang mga gamit niya para sa pagkijuta nila ni Ashy. Hindi pwedeng mahalata ng mga kasama niya sa bahay na aalis siya.
Nang biglang bumukas ang pintuan sa kawarto niya. Huli na ng itago sana niya ang bag nito.
"Storm? Ano to?" Sabay tingin sa mga damit na nakakalat sa kama niya. Alam na niya ang ibig sabihin nito pero hindi niya pinahalata ang tungkol dito."Aalis ka?"
"Ma, you know the reason why I need to do this. Ma, please. Hayaan mo nalang akong umalis." Paki-usap nito sa ina.
"Storm, mula bata ka itinuring ka ng anak ng tito Arman mo. Lahat ng responsibilidad ng isang ama siya ang umako. Wala siyang hiniling na kapalit, ngaun lang, bibiguin mo pa ba siya?" Pagsusumamo nito.
Totoo nga naman kasi. Si tito Arman na niya ang kinamulatan niyang ama. Itinuring siya nitong parang tunay na anak. Oo at sariling anak kung ituring niya ito. Ngaun kailangan nito ang tulong niya upang hindi mawala sa kanila ang kumpanyang nagbigay sa kanila ng magandang buhay, magagawa ba niya itong biguin?
"Ma, lahat naman kaya kong gawin. Lahat ng gusto niyong gawin ko. Pero yubg akuin ang responsibilidad na hindi sa akin, yung isakripisyo ko ang buong buhay ko, ma, hindi ko naman yata kaya yun. Mahal ko si Ashy ma, siya yung babaeng gusto kong makasama habang buhay. Hayaan niyo naman akong lumigaya." Paliwanag nito. Alam niyang masasaktan niya ang mga magulang niya. Pero hindi niya kakayanin na matali sa isang taong hindi na niya mahal.  Napa-upo nalang siya sa kama at itinuloy ang pag-aayos sa mga gamit niya.
"So kaya mo? Kaya mong iwan ang pamikya mo para sa isang babae lang? Kya mong iwan lahat ng kinamulatan mo para makasama ang babaeng hindi mo naman alam kung kaya ka ngang ipaglaban? Hindi ka nga sigurado kung kaya ka niyang piliin over her family," pa-alala nito sa kanya.
"Ma, kung anuman ang desisyon ko, napag-usapan na namin to. Sigurado ako na hindi niya ako bibiguin, hindi siya yung tipo ng babae na paasahin lang ako sa wala." Pagmamatigas niya.
"Sige Storm, gawin mo kung ano ang gisto mo. Malaki ka na,alam mo na ang tama at mali. Pero sisiguraduhin ko sayo, babalik ka dito na bigo. Dahil hindi ka kayang ipaglaban ng babaeng ipinaglalaban mo. At kung sakali mang mabigo ka, laging bukas ang bahay na ito para bumalik ka. At sana sa pagbalik mo maisip mo ang halaga ng pamilya na muntikan mo ng talikuran." Yun lang ang sinabi ng mama niya at lumabas na ito sa kwarto niya.
Nang ma-ayos na ni Storm ang mga gamit niya ay umalis na ito. Kailangan niyang magmadali dahil hindi niya hahayaang si Ashy ang maghintay sa kanya.
Pagdating niya sa meeting place nila ay hindi maipaliwanag ni Storm kung ano ang mararmdaman niya. Sa wakas ay makakasama na niya ang babaeng gusto niyang makasama sa pagtanda. Isa, dalawa,tatlo, apat na oras. Wala pa ring Ashy na dumating. Sinubukan niya itong tawagan pero cannot be reach na ang number nito. Nagsimula na siyang magtaka. Dumating ang hapon,magdidilim na at wala paring Ashy na dumatin sa tagpuan nila. Natanong niya sa sarili niya kung anong nabgyari, nagbago ba ang isip ni Ashy at bigla siyang hindi sumipot? Wala n siyang nagawa, sa inis niya ay itinapon niya ang celphone na hawak niya.
Sa sama ng loob niya sinubukan niyang pubtahan ito sa bahay nila pero wala kahit isang tao doon. Lalo siyang nanlumo. Saan pa niya hahanapin si Ashy.
Para siyang pinagsakluban ng langit ng mga panahong yun. Wala siyang naging choice kundi ang umuwi. Uuwi siya ng bigo. Uuwi siya na walang napatunayan sa sarili niya. Ang dami niyang tanong, pero kanino, sino ang sasagot sa mga tanong na ito?
"Bakit ka bumalik," puna sa kanya ng mama niya na nuon ay nasa sala pa pala.
"Masaya na ba kayo ma?" Mariin na tanong nito sa mama niya. Hindi siya makatingin dito dahil nagkatotoo ang sinabi nito na uuwi siya nang bigo.
"Walang magulang na ikatutuwa ang kabiguan ng anak niya, pero kung yang kabiguan mong yan ang magtuturo sayo kung aling landas ang dapat mong tunguhin, siguro nga ikatutuwa ko," matapat na sagot nito habang nakatibgin ito sa kanya.
"Gusto ko ng magpahinga ma, I know this time hindi ako mananalo sayo," pagsuko nito.
"Go on son, you can have the whole night to rest.. restwell dahil sa mga susunod na ara kailangan mo ng magdesisyon sa dapat mong harapin na buhay. Buhay na dapat para sayo." Makahulugang sagot nito sa anak.
Hindi na ito umimik at dere-deretso na itong umakyat sa kwarto niya. Magpapahinga siya, pero nkapagdesisyon siya na bukas ay pupubtahan niya si Ashy, gusto niyang malaman ang dahilan kubg bakit hindi ito sumipot sausapan nila. Bakit niya ito nagawa sa kanya?
Miss na miss na niya ito. Gustong-gusto na niya itong makasama, sabik na sabik na itong mayakap siyang muli, matikman ang matatamis nitong labi at maangkin ang katawan nito na unang nagibg kanya. At higit sa lahat yung pangarap niya na makasama niya ito habang-buhay at makabuo ng masayang pamilya. Ngunit paano nga ba ito mangyayari, kung sa mga oras na iyon ay hindi nga siya nito sinipot. Ni hindi nga niya alam kung nasaan ito. Kung gusto pa hga ba siya nitong makasama. Ohh, ayaw niyang isipin pero sumasagi ito sa isip niya. Hindi kaya ginagantihan siya nito dahil sa nasaktan niya ito nuon? Pinaasa labg ba siya nito????
***********
Nang mga sandaling iyon. Tuliro naman Si Ashy..  Nagulat sila sa sinabi ng dokyor dahil ngflat line ang papa niya. Kinailangan nilang magdesisyon agad-agad. Kaikangan nilang dalhin sa ibang ospital ang papa niya sa mas malaking ospital dahil nga kailabgan na itong maoperahan sa mga oraa na iyon.
Iyon nga ang ginawa nila. Ngunit hi di pa ito dun natatapos ang lahat. Nagdesisyon ang mga doktor na dalhin ang pasyente sa ibang bansa dahil kulang parin sa gamit ang ospital.
Mabuti na lamang at may pasaporte na sila agad kaya mabilis lang nkakuha ng ticket.
Hindi na alam ni Ashy ang mararamdaman jiya bg mga oras na iyon. Ni hindi niya masabihan si Storm, ni hindi na siya makapagpa-alam dahil hindi ja rin nito matawagan ang numero niya.
Naisip niya na baka nagalit na ito sa hindi niya pagsipot sa usapan nila. Pero sa ngaun mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng papa niya.
"Ma, ano kaya kubg ako na lang ang sasama kay papa,maiwan na lang po kayo para makapagpahinga po kayo dito," hinawakan niya ang mama niya sa balikat. Gusto na sna niyang iwan na lang ito dahil ayaw niyanas lalo pa itobgag-alala.
"Hindi anak, sasama ako sa inyo. Hindi rin naman ako makakapagpahibga rito hanggat hindi ako sigurado na okay ang papa mo. Gusto ko pa ring makasama siya at maalagaan," tugon ng mama niya. Wala na siyang nagawa pa kundi isama na lang ito.
Lumipad nga sila papuntang Amerika. Kailangan na nilang madala agad ang papa niya doon para maisagawa agad ang operasyon.
Sa awa ng Diyos ay matagumpay na naisagawa ang operasyon..Kailangan lang magpalakas ng papa niya at puwede ba silang umuwi.. Ilang araw pa ang hinintay ni Ashy bago sila mkabalik ng bansa. Ilang araw na din siyang lutang sa kakaisip kubg kumusta na si Storm. Kung galit ba ito sa kanya? Ano na kaya ang nabgyari dito, wala na kasi itong balita sa kanya dahil hindi naman na niya ito matawagan pa.
Lingid sa kaalaman ni Ashy, nagpabalik-balik si Storm sa bahay nila ngaunit hindi na niya ito nakita. Hi di rin naman alam ni Jem kung nasaan siya dahil hindi naman niya ito nasabihan sa sobrang pag-aalala niya sa papa nito.
"Jem baka naman alam mo kung nasaan siya." Paki-usap nito minsang makita niya ito sa unibersidad na oinapasukan nila.
"So ibig mobg sabihin hindi natiliy yung plano niyong magtanan?" Gulat na tanong nito sa kanya.
"Hindi nga, kung natuloy kami ss tingin mo ba andito ako ngaun?" Sagot naman nito.
"Hindi kaya nagbago ang isip niya,"
"Imposibleng magbago ang isip niya Jem, kung magbabago ang isip niya sana sinabihan niya ako kaso wala ehh." Himutok nito, bagsak ang balikat habang kausap ang kaibigan.
"Pinuntahan ko na rin siya sa bahay nila, kaso wala talagang tao dun," sabi pa nito na parang batang nagsusumbong.
"Alam mo Storm wala talaga akong alam, ang huli naming pag-uusap eh nung sabihin niyang yun nga magtatanan kayo, after nun wala na. Tinatwagan ko nga diko makontak ehh." Seryosong paliwanag nito sa kanya.
Wala na nga itong magawa pa, wala talgang alam ang kaibigan niya.
Sobrang nasaktan si Storm sa mga nangyari. Nagsisimula ng sumama ang loob niya rito dahil sa wala man lang itong pasabi sa kinaroroinan niya. Rumehistro na sa isip niya na ginantihan lang talaga siya nito at wala siyang planong seryosohin kung anuman ang pinag-usapan nila.
Natutong uminom si Storm, hindi lang basta inom. Wala na yatang gabi na hindi ito naglalasing.
"Bro, tama na.. Gabi na ihahatid na kita sa inyo. Hindi mo na kayang magmaneho.,"alok ni Mark sa kaibigan. Ito ang algi niyang kasama kapag umiinom siya at nagibg role na nga nito ang ihatid siya tuwibg nalalasing siya.
"Kaya ko pa bro. Wala pa to," sagot niya na halatang lasing na nga sa tono ng pananalita nito.
"May bukas pa naman bro," sagot nito.
"Wala ng bukas,.....wala na bro  sira na..pinaasa niya lang ako... Bro tatanggapin ko naman ehh kung ayaw sana niya sa akin, hindi ko siya pipikitin. Peri sana sinabi niya. Sana man lang sinabi niya sa mukha ko mismo na ayaw niya sa akin. Hindi yung ganito na oo siya ng oo tapos ano? Wala pala.. siya naman pala tong mahina ehh, hindi niya ako ioinaglaban bro. Duwag siya, duwag.." hinagpis nito..habang hawak-hawak ang bote ng beer at ayun ibibato bga niya ito. Agad naman siyang inawat ng mga bouncer sa club. Humingi naman ng pasensiya si Mark sa kaibigan at iniuwi na nga niya ito.
Pagdating nila sa bahay nila pinagbukasan sila ng pintuan ng mama nito.
"Tita," bungad nito ng makita jiya ang papa jito na nasa sala din ng pras na iyon,"Tito, hinatid ko na po si Storm sobrang lasing na po kasi," paluwanag niya.
"Salamat Mark," tugon ng mama nito saka inalalayan si Storm na umakyat sa kwarto niya.
"Tita, Tito una na po ako,"paalam nito sa dalawa.
"Sige iho salamat ulit ingat ka," sagot naman ng mga uto sa kanya.
Pagkarating sa kwarto niya.
"Storm, what do you think are you doing with your life? Ito ba ang epekto sayo ng babaeng 'yun? Ang sirain ang buhay mo? Ang maging miserable ka? Look at you!" Pasigaw na sabi ng mama niya sabay hawak sa noo niya.
"Hayaan mo na muna ako ma, I want to be alone I can manage," ngising sagot nito na hindi na alam kung kaya pa nga ba niya.
"Umayos ka Storm, hindi sa lahat ng oras ay kaya kang intindihin ng mga taong nakapaligid sayo. May mga dapat tayong asikasuhin hindi yang paglalasing mo," galit nga talaga ang mama niya.
Ioinikit na lang nito ang mga mata niya.
"Let him rest, bukas mo na kausapin," narinig niyang sagot ng papa niya.
"Kaya lumalaki ang ulo niyan dahil hinahayaan mo lang saginagawa niya, ialng araw na yang umuuwi ng lasing," sagot ng mama niya rito.
Kung sa ama-amahan niya ay wala naman talga siyang masasabi dahilabait talga ito.., kaya unti-unti ay naisip niyang gantihan rin ito ng kabutihan.... Kakayanin nga ba niya? Enough na ba ang sama ng loob para talikuran niya ang babaeng minahal niya ng sobra.?

Komento sa Aklat (185)

  • avatar
    Krislam Catabijan

    how to heal

    08/04/2023

      0
  • avatar
    Joshua Gabato

    good story

    25/02/2023

      0
  • avatar
    Yrene Lei

    ang ganda ng story

    13/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata