logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 8

Hindi pa man sumisilay ang araw sa silangan ay nasa sala na si Tiden. Bihis na bihis siya. Kumurap ako at kinusot ang mga mata.
Totoo bang nakikita ko si Tiden? As in, si Tiden? Aba, alas-tres pa ng madaling araw, a?
"Ang aga mo naman," paos kong reklamo. Kakagising ko lang kasi.
Ginising ako ng isang katulong dahil naghihintay daw 'yong kaibigan ko sa sala.
Mukha ngang tulog pa si Mama.
Ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang ayos ko. "Nagising lang nang maaga. Ten minutes drive lang ang EGL sa CFM, so what do you expect?"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Humikab pa ako at pinaling ang ulo sa kaliwa. Gusto ko pang matulog. Ang aga naman ng isang 'to.
"Rishell," pukaw ni Tiden. Umungol lang ako at akmang hihiga sa sahig pero naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa katawan ko. "Rishell, uy. Matutulog ka ulit?"
"Mmm... antok pa 'ko," bulong ko. Tuluyan kong sinandal ang katawan sa kaniya kaya bahagya siyang napaatras sa gulat.
Narinig ko ang buntong-hinga niya. "Sabagay, alas-tres pa naman."
Naramdaman ko nalang na lumutang ako sa eri. Parang binubuhat niya ako. Kaso, sobrang bigat ng talukap ko na halos hindi ko na mamulat. Kaya, hindi na ako nag-usisa at hinayaan siyang buhatin ako.
"Tulog ka nalang ulit. Babantayan kita."
Umungol ako bilang tugon. Naramdaman kong binaba niya ako sa malambot na higaan. At pinatong ang ulo ko sa matigas pero komportableng unan.
Tumagilid ako at hinayaan kong lamunin ulit ng dilim ang diwa ko.
Nagising ako sa mainit na hanging tumatama sa gilid ng ulo ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata at mukha ni Superman ang una kong nakita.
Napakurap ako sabay balikwas ng bangon. Napatingin ako sa lalaking nakaupo habang nakahalukipkip at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Si Tiden. At para yatang natutulog siya.
Teka, nakaunan ako sa hita niya?
Huminga ako nang malalim at nagbaba ng tingin sa mukha ni Superman na nakaimprinta sa T-shirt ni Tiden. Pinaningkitan ko 'yon ng mata bago nagpasyang tumayo at magtungo sa kusina.
Nagtaas ako ng tingin sa wall clock. Pasado alas-siyete na ng umaga. Sobrang liwanag na nga sa labas at rinig na rinig ko ang tilaok ng manok at ingay ng gangis sa kakahuyang nasa likurang bahagi ng bahay.
"Miss, may gusto ba kayong ipaluto?" tanong ni Husea pagdating ko sa kusina.
Umiling ako. "Pancake na lang."
"Sakto. Kakaluto lang ng pancakes. Tiyak na mainit-init pa 'to, Miss. Masarap ipares sa kape o gatas."
"Coffee na lang din."
Tumango siya at ngumiti nang matamis bago nagmadaling maghain ng pancakes at magtimpla ng kape. Nilibot ko ang tingin.
Siya lang yata ang tao rito sa kusina. Umikhim ako nang ilapag niya sa gilid ng platito ko ang kape. "Ikaw lang? Nasa'n si Jemima?"
"Ay, Miss, umuwi na sa kanila. Tapos na raw po ang trabaho niya rito."
"Talaga? Hindi nagpaalam sa akin?"
"Sa Mama niyo lang, Miss."
"Ah." Tumango ako at umiwas ng tingin.
Nagpaalam naman siya para asikasuhin ang nilulutong adobo. Sumimsim ako sa umuusok pang kape at nilapag ang tasa sa mesa.
"Good morning, Rishell."
Napalingon ako sa nagsalita. Gising na si Tiden at nakaimprinta na naman sa labi niya ang isang malapad na ngiti.
Muli kong binaling ang tingin sa tasa.
"Morning," ganti ko.
Naglakad siya palapit at naupo sa tabi ko. Ininguso niya ang pancake. "Ikaw ang nagluto?"
"Hindi." Umikhim ako. "Gusto mo?"
Tumango siya. Tinawag ko si Husea para maghain ng panibagong pile ng pancakes pero tumanggi si Tiden. Aniya, siya na lang daw ang maghahain at abala pa si Husea sa adobo.
"Nakahanda na ba gamit mo?" tanong niya habang iniikot-ikot ang kutsara sa loob ng tasa. Sumulyap pa siya sa akin.
"Hindi naman ako magtatagal doon kaya pwede na siguro ang T-shirt at shorts na lang. Saka, sobrang lapit lang ng CFM dito kaya hindi ko na kailangang mag-impake pa."
"Nakapagpaalam ka na sa Mama mo?"
Sumimsim ako ng kape at kumagat nang bahagya sa pancake. "Hindi. Pero sabi ko nga, hindi ako magtatagal. Uuwi rin ako bago ang sunset. Doon na lang ako manananghalian."
Tumango siya. Kumagat siya ng pancake. "Yong Papa mo, hindi magagalit?"
"Seriously?" Nakangisi akong bumaling sa kaniya. "Ikaw nga dapat ang magpaalam in behalf of me. Ikaw ang nag-aya."
"Ako? Hindi, a. Si Ariel."
Napairap ako. "If I know, gusto mo naman." Natawa siya sabay kuha ng cellphone sa bulsa. May hinanap siya sa contacts. Nangunot ang noo ko at napaikhim. "Sino tatawagan mo?"
"Papa mo."
"Ha? No, hindi pwede. Tulog pa 'yon. Wag mong istorbohin. Alam mo namang pagod 'yon sa trabaho."
"Text ko nalang."
"Okay."
Ilang segundo siyang nagtipa sa keypad at muling sinuksok sa bulsa ang cellphone. Naningkit ang mga mata ko nang may mapagtanto. "Pa'no mo nalaman number ni Papa?"
Napatitig siya sa akin, saka natawa. "Binigay mo no'ng huling summer. Hindi mo naalala?"
"Ah." Hindi. Hindi ko naalala. Pero hindi na ako nag-usisa sa kaniya at humigop nalang sa kape.
"Kailangan ko nang bumalik bago mag-alas otso," sabi niya.
"Sige. Bihis na muna ako."
Tumayo ako at patakbong tinungo ang sala. Umakyat ako sa hagdan papunta sa kuwarto ko. Nahagip ng tingin ko ang Xiaomi at naalala ko si CareLikeGoldFish.
Hindi ko pala na-reply-an ang reply niya sa posts ko. Hindi ko alam ang sasabihin at nakatulugan ko na lang ang pag-iisip ng kung anong dapat i-reply.
Nagpunta ako sa banyo at naghilamos. Tapos, nag-toothbrush bago pumasok sa walk-in closet. Ilang segundo rin akong nakatitig sa bikinis. Hindi ko alam kung anong magandang isuot.
Kailangan kong maging maganda ro'n, kahit pa halos hindi ako napapansin ni Levi, kung mapapansin niya nga ako. Nando'n pa naman si Nicole. Hmm...
Kumuha na lang ako ng isang pares tapos sinuot. Nagsuot na rin ako ng short at T-shirt. Kumuha rin ako ng roba kahit alam kong may extra sa resort. Hindi ako sanay na gumagamit ng roba na hindi akin.
Bumaba ako ng hagdan na naka-T shirt at shorts. Nakasampay naman sa balikat ko ang roba at isang simpleng tsinelas ang gamit ko.
Naka-tie into ponytail ang buhok ko para hindi hassle. Isang pink gloss lang ang in-apply ko sa labi para magmukhang fresh-looking.
Hindi rin naman ako sanay maglagay ng kolorete. Isa pa, pool ang pupuntahan ko kaya balewala rin kung maglagay ako ng foundation sa mukha.
"Your beautiful," puri ni Tiden nang tumayo ako sa harap niya.
Ngumisi ako. "English ka nang english. Anyare?"
"Bawal ba?" Natawa siya. "Gusto ni Manager na i-improve ang English ko. Preparation daw para sa world tours sa susunod na taon."
"Aba, pang-inte na pala ang skills mo, Tiden?"
Ngiti ang sinagot niya. Siya na mismo ang nagkawit sa kamay ko sa braso niya at sabay kaming lumabas ng main door. Nasa entrada ang Kia Carens. Sa tingin ko, ito rin 'yong kotseng gamit nila kagabi.
"Kaninong kotse 'to?" tanong ko.
"Kay Levi. Hiniram ko lang."
"Buti naman, lisensya na kayo."
"Bago pa 'yong SP. 'Yong kaniya lang yata ang matagal na. Twenty-one years old na kasi."
Tumango na lang ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad akong naupo sa passenger seat. Umikot siya sa harap at pumasok sa driver's seat.
Sumulyap siya sa akin bago pinaandar ang kotse papunta sa gate. Bumusina pa siya sa guwardiyang sumaludo sa glass window ng kotse.
"Sa CFM lang kayo buong weekend?" tanong ko.
Dahan-dahan niyang inikot ang manibela. "May planong magpunta sa Ablayan Peak at Ili Rock sina Levi at Nicole. Ayaw nga ni Levi pero talagang persistent si Nicole kaya pumayag na lang si Levi. Alam mong parang puwet ng manok bibig no'n. Putak nang putak."
"Uy, bad ka. Judgemental ka masyado."
"Totoo naman. Naririndi na nga kami, pero tinitiis na lang namin. Alang-alang kay Levi." Sumulyap pa siya sa akin saglit bago niliko ang kotse. "Sana nga... ikaw na lang ang nasa pwesto niya. Kung pwede lang sana, Rishell."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Aminin mo na kasi, maganda ang boses ko."
"May sinabi ba akong panget ang boses mo? Kung alam mo lang kung paano natigilan si Levi nang marinig ka niyang kumanta sa harap ni Manager."
Dahan-dahan akong napatingin sa gawi ni Tiden. Natigilan si Levi? Pero naalala kong nakasaksak ang earphone sa tainga niya noon. Imposibleng marinig niya akong kumanta.
Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana.

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

    Β Β 0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

    Β Β 4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

    Β Β 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata