logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Sinabi ko kay Papa na hindi na kailangan ni Gerard na ihatid ako sa Argao, kaso ayaw niya magpatalo. Pinagtulakan niya ako sa kotse. E, mas okay lang naman na mag-jeep papunta sa University.
Sumandal ako sa sandalan at humalukipkip. Sinandal ko rin ang ulo sa headrest ng passenger seat at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Bukang-liwayway na.
"Miss, dala niyo ba 'yong nasa likod?" tanong ni Gerard.
Sumulyap ako saglit sa kaniya bago binaling ulit ang tingin sa labas ng bintana. "Oo. May problema ka ro'n?"
"Wala naman, Miss." Umikhim siya. "Napapansin ko nitong nakaraang mga araw na hindi ka naman nagdadala ng mabibigat sa Unibersidad. Nakapagtataka lang ngayon."
Nagusot ang mukha ko. "Wala ka nang paki ro'n, okay?" Lumunok ako. "Pag sinabi kong project ko 'yon, hindi ka na magtatanong?"
"Project na mga libro, Miss?"
Napasinghap ako at napabaling sa gawi niya. "Pinakialaman mo mga gamit ko? How dare you!"
"Hindi naman, Miss. Napansin ko lang sa gift wrapper na nakabalot sa mga libro."
Umirap ako at humalukipkip. E, wala akong makitang box sa kuwarto ko kaya diniretso ko na lang. Hindi naman kasi ako informed na chismoso pala 'tong personal driver ni Papa. Aba, hindi kami close para makialam siya sa mga gamit ko. Ngumuso ako at tumingin ulit sa labas ng bintana.
Nakita ko ang naka-yellow cross line sa main road ng Arbor. Huminga ako nang malalim.
Ilang araw na rin nang maganap 'yong usap-usapang krimen sa Baranggay Arbor. May pinatay daw at tinago ang biktima. E, wala namang nakitang ebidensya ang mga otoridad, at wala rin silang makitang katawan ng biktima kahit hinalughog na nila ang lugar, maging isandaang kilometro mula sa crime scene.
Umiling ako. Ano bang pakialam ko do'n? Wala naman akong kinalaman, pero... nakakatakot kasi minsan.
Nasa main road ng Arbor ang duguang kalsada, at nasa Arbor din ang El Grande Lat. Ibig sabihin, sobrang lapit lang sa amin.
Bumuntong-hinga ako habang papasulong ang kotse papunta sa El Pardo. Iniisip kong baka gino-good time lang ng dalawang taong tumestigo 'yong mga pulis.
Taga-Baclayan daw ang mga 'yon at balita ko, lasing daw ang mga 'yon nang makita nila ang duguang kalsada. Baka... mga adik 'yong tumistego? Umiling ako.
Hayst, nadapuan na siguro ako ng tsismosa syndrome at kung anu-ano na 'tong sinasabi ko. Pero kasi... narinig ko 'yon kay Aling Pechay na isa naming chismosang kasambahay.
Hayst. Tigil na, Rishell. Umiling ako, bumuntong-hinga, at muling tumingin sa papaakyat na araw sa silangan. Mukhang pasado alas-cinco y medya na yata.
Pansin kong mas bumilis ang takbo ng kotse. Sabagay, hindi mabigat ang trapiko sa Boljoon.
Halos wala nga kaming kasabayan sa kalsada, pwera sa ilang PUJ at malalaking truck na naghahatid ng mga gulay at prutas sa ibang Munisipalidad. Mabuti na lang, Wrangler Rubicon itong dala ni Gerard kaya hindi masyadong delikado kung tumakbo sa gilid ng malalaking truck dahil madaling makita sa side mirror. E, four lanes naman kasi ang kalsada.
Nag-stop over kami ni Gerard sa isang fast food sa sentro ng Alcoy. Nag-drive thru nalang kami dahil malapit nang alas-sais. Kailangan pa naming dumaan sa Dalaguete bago marating ang Argao. Napabuntong-hinga ako sabay kagat sa burger.
Lumunok ako at bumaling kay Gerard. "Agahan mo kasi next time. Mali-late ako dahil sa 'yo, e."
"Miss, naghintay ako ng isang oras bago kita nakitang bumaba sa hagdan. Hindi ko kasalanan."
Ngumuso ako. "Ako pa sinisi mo?"
Tumango siya. Aba! Pinaningkitan ko siya ng mata bago inis na kumagat ulit sa burger. Itong driver ni Papa... hindi marunong magsinungaling! Hmmp!
PABALANG kong sinara ang pinto ng passenger seat. "Salamat!" sarkastiko kong sigaw kay Gerard, at aba naman, nakuha pa niyang ngumiti at kumaway sa akin.
Huminga ulit ako nang malalim at inirapan siya. Hindi kami bati.
Nag-martsa ako papasok sa gate ng Cebu Technological University - Argao Campus. Marami nang estudyante sa loob ng gate, at nakita ko na naman ang tatlong palapag na main building kung saan naka-engrave ang logo ng Unibersidad.
"You know, Gen, I don't have time for boyfriends."
Naningkit ang mga mata ko nang makita ang dalawang babaeng papalapit sa pwesto ko. Humalukipkip ako at tumayo sa daanan ng dalawa. Napahinto sila at napatingin sa akin. Tumaas ang kilay ng babaeng nagsalita kanina. "Oh, Gen, look who's here."
"I can see her clearly, Jam."
Huminga ako nang malalim at ngumiti nang peke sa kanila. "Have you seen my latest books? I've got Ara's new sexy series."
Tumayo nang maayos si Jamaica at ngumisi sa akin. "Do we look like we care, Larica? And..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You look pathetic in that cardigan and high-waist. Why don't you wear our uniform? That will do good to your looks." Natawa pa siya bago inaya si Generica na magpatuloy.
Nilampasan nila ako.
Napalingon ako sa dalawa at naningkit ang mga mata ko. Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. Wala namang problema rito, a? Saka, ito kaya 'yong taste ni Levi pagdating sa girl's fashion. Bagay naman sa akin.
"Rishell!" Napatingin ako sa lalaking tumatakbo palapit sa akin. Hingal siyang huminto sa harap ko sabay ngumiti nang malapad. "Kumusta? Kailan babalik si June at Tiden?"
Si Benji. Hindi ko kaibigan.
"Hinahanap mo sila?" tanong ko.
Tumango siya.
"Sa Youtube. Hanapin mo ang Vine," sabi ko at nilampasan siya. Narinig ko ang reklamo niya pero nagtuloy-tuloy na ako papunta sa main building. Malapit na rin kasing mag-seven at hindi ko gustong ma-late kay Prof Waye. Terror kasi 'yon.
Naghintay ako ng isang oras at kalahati bago natapos ang unang examination test sa araw na 'to.
Dahil break time, dumiretso ako sa locker room. Doon ko nilagay ang paper bag na sisidlan ng apat na librong binalot ko sa gift wrapper. Nagulat na lang ako nang pagsara ko sa locker ay nakita ko ang mukha ni Benji. Na naman.
Bumuga ako ng hangin. "Hahanapin mo na naman sina June at Tiden?"
"Rishell naman. Ka-block ko mga 'yon pero simula no'ng maging miyembro ng banda, hindi ko na sila ma-contact. Sabihin mo na kasi kung saan ko sila makikita."
"Sinabi ko na 'di ba? Sa Youtube."
Nangunot ang noo niya. "Hindi, Rishell. Gusto ko silang makainuman minsan. Personalan. Hindi 'yong net lang."
"Aba, bakit ako ang hinahapan mo?" Umirap ako at humalukipkip. "Mukha ba akong lost and found?"
"Rishell... sige na. Fanboy ako ng Vine!"
"Tsk. Bakit nga ako? Anong kinalaman ko sa kanila?"
Napakamot ng batok si Benji. "Die hard fan ka ng Vine, kaya imposibleng wala kang contact sa kanila. Isa pa, inlababo si Tiden sa 'yo. Hindi ka matiis no'n dahil kokontak at kokontak 'yon sa 'yo."
"Ah, talaga." Kumunot ang noo ko. "Hindi ko talaga alam kung saan sila makikita. Okay? Bawal i-disclose ang location nila dahil dudumugin sila ng fans. Nakasaad 'yon sa contract. Isa pa, number lang ang meron ako. Kaya numero nalang an ibibigay ko sa 'yo. Okay na tayo?"
Mabilis akong kumuha ng pirasong papel sa notebook at sinulat ang number ni Tiden. Kabisado ko na lalo't sa last number ko ay palagi siyang nagti-text at tumatawag. "Heto," sabi ko.
Tinanggap niya 'yon. "Pero... akala ko close company mo ang Vine?"
"Sinong maysabi?" Hinilot ko ang sentido dahil sa sinasabi niya. "Hindi ko sila close, okay? Binibigyan lang ako ng VIP ticket ni Tiden kapag may concert. Saka, ni hindi ako nakakapunta sa dressing room para magpa-picture sa kanila dahil sa malalaking bouncers. Ni hindi ako kilala ni Levi..." Humina ang boses ko sa huling sinabi.
Umikhim siya. "Hindi ka kilala ni Levi? 'Di ba 'yon yung vocalist ng banda? Saka ka-schoolmate natin dati?"
"Siya nga. O, ano? Okay na ba tayo? Kasi, alam mo, gusto ko nang pumunta sa canteen?"
"Teka, Rishell. Nagtataka lang ako. Kakilala at kaibigan ka naman nina Tiden at Jun, pero bakit hindi ka pinakilala sa kasamahan nila? Saka pwede naman nilang i-excuse ka sa mga bouncers dahil nga kilala ka naman nila."
Sumimangot ako at humalukipkip. "Hindi mo kasi alam. Inaya ako ni Jun na sumali sa banda pero tinanggihan ko siya. Tapos, nalaman kong naging vocalist si Levi, at nakaka-shock 'yon kasi hindi naman mahilig sa banda 'yon. Kaya nag-try ako pero tinanggihan na ako ng manager dahil nando'n na raw si Nicole. Kaya naging fan na lang ako.
E, hindi ko naman gustong gamitin 'yong pagkakilala ng dalawang miyembro sa akin para lang mapalapit kay Levi at sa buong Vine. Hindi ako oportunista, no?"
Tumango-tango siya at napahawak pa sa baba na parang nag-iisip. "Kaya pala. Sige, Rishell. Salamat sa numerong 'to," ngiting sabi niya at walang salitang umalis na lang basta-basta.
Mariing nagdikit ang mga labi ko sabay talikod para sana magpunta sa canteen pero natigilan ako nang makita si Jamaica at Generica na masayang nagkukwentuhan sa bench malapit sa lockers ng Education. May hawak silang mga milkshake sa kaliwang kamay habang nakapatong sa mga hita nila ang sandamakmak na notes. Wow. May oras pa sila para magdaldalan sa lagay na 'yan.
Napabuga ako ng hangin at naglakad sa kabilang exit. Pupunta na lang ako mag-isa sa canteen. Okay. Sanay naman akong mag-isa kaya walang bago.
Mabilis kong kinain ang in-order kong Bingo at nilagok ang C2 bago nagpunta sa sunod na subject. Nakakatamad na nga. At nakakasakit na ng ulo. Kumikirot na nga ang utak ko dahil sa unang subject pa lang, natuyo na ang utak ko sa mga questions. Gusto ko ngang puntahan sa Faculty si Prof at itanong kung na-discuss namin 'yong mga question.
Umiling ako. Malamang, sasagutin lang niya ako ng malaking... self-study because I am just your professor and not teacher, my job is to assist you and not to discuss the lessons, understood?
Napalabi ako sa naiisip. Prof naman kasi... hindi lahat biniyayaan ng skills pagdating sa memorization at analytical. O, isama na natin ang critical thinking. Bakit? Kasalanan ba na mas lamang ako sa reading comprehension? At masama ba kung maging creative kaysa critical? Aba naman, wala akong naalalang batas na nagsasabi niyan. Hmmp.
PARANG binugbog ng sampung kamao ang utak ko habang lupaypay akong nakaupo sa upuan. Kasalukuyang tumutunog ang school bell --- hudyat na tapos na ang examination test sa araw na 'to. Tatlong magkakasunod na buntong-hinga ang pinakawalan ko at langong ngumiti sa white board. Men, buhay pa ako! Yes!
Isang araw nalang at matatapos na ang kalbaryo ko... naman! Galing! Makaka-relax na rin sa wakas. Huminga ako nang malalim at ngiting humalumbaba.
"Rishell Joy Larica."
Nagitla ako at nilibot ang tingin sa paligid. Wala nang tao. Pagtingin ko sa harap, nakita ko si Prof Gina na nakatayo sa likod ng professor desk. Nakakunot ang noo niya. "Wala ka bang planong lumabas, Miss?"
Napakurap ako. "M-May plano, Prof. Pasensya po hehe." Mabilis kong kinuha ang shoulder bag at patakbong lumabas ng classroom.
Ngiti akong dumiretso sa hallway kung nasaan ang mga lockers. Binuksan ko ang akin at kinuha ang paper bag kung nasaan ang mga libro sabay sara at lock.
Pakanta-kanta akong naglakad palabas ng building. Napapatingin pa ang nakakasalubong ko sa akin sabay bulong sa kasama. Edi wow. A flock of chismosas.
Agad kong nilabas ng Xiaomi at tinawagan si Gerard. Sinabi ko sa kaniyang hindi na ako magpapasundo dahil pupunta pa ako sa fishing port. Magbu-bus na lang ako patungong Cebu City.
Tutol siya noong una pero in-add call ko ang number ni Papa at nagpaalam. Siniguro kong na-merge ang tawag para malaman ni Gerard na with consent ang pagpunta ko sa Port.
Ayun, na-plantsa naman. At ngayon, nakaupo ako sa bus habang nakasaksak sa tainga ang headset at nakasandal ang ulo sa headrest ng upuan. Hayst. This is what they call freedom.
Nagising akong nasa South Bus Terminal na. Agad akong bumaba at naghanap ng Jeep na maghahatid sa akin sa CTU Main Campus. Maglalakad na lang ako papuntang Pier 1 mula roon. Pero sa totoo lang, pwede ko namang lakarin 'yong CTU mula rito pero tinamad ako, e. Kagigising ko lang kasi.
Tumayo ako sa waiting shed at naghintay na may dumaang Jeep. Kaso, kadalasan sa dumadaan ay puno na at walang bakante. Kaya naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa may humintong itim na sasakyan sa harapan ko. Bumaba bigla 'yong glass window ng sasakyan at nakita ko ang mukha ni Engineer Lyndon.
'Yong pakialamerong lalaki.
Inabot niya ang lock ng passenger seat at binuksan iyon mula sa driver seat. "Hop in," aya niya sa akin. Walang ngiti.
#061620.11.08P
#030421.

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

    Β Β 0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

    Β Β 4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

    Β Β 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata