logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Ikalawang Pahina

June 30, 2008
6:21 p.m
Dear Diary,
Tatlong linggo. Tatlong linggo na ang nakakaraan magmula nung lumipat ang Clay na iyon sa sk'welahan namin. Tatlong linggo na namin siyang kaklase at higit sa lahat, tatlong linggo ko na siyang katabi! At heto ang mas nakakainis, ang dali nilang naging close ni Marky kaya parang tatlong linggo na rin siyang naging parte ng aming barkada! Ewan ko ba, kung bakit naiirita ako sa existence niya gayong wala naman siyang ginawang masama sa 'kin, well, maliban nga lang do'n sa panaka-nakang pagtitig niya sa akin. Basta! Ayoko sa kan'ya dahil naghuhuramintado ang puso kapag nasa malapit siya.
Last day na ngayon ng buwan ng Hunyo. Bawat isa sa amin ay pinaghahanda ni Gng. Asuncion ng isang marker at ½ illustration board para sa gagawin naming reconciliation. Ito ang ginagawa namin every last day of the month kaya nakaka-excite. Lalagyan ng tali ang illustration board at isasabit ito sa likod ng bawat estud'yante upang doon malayang maisulat ng kan'yang mga kaklase ang kanilang saloobin o gustong sabihin sa naturang mag-aaral.
Naghugis bilog kaming magkaklase at sinimulan ng magsulat sa likod ng isa't-isa.
***
"SIGURADUHIN niyong nakapagsulat kayo sa likod ng lahat ng kaklase niyo, okay? Dahil bibigyan ko ng marka ang lahat na positibong nakasulat diyan sa inyong mga illustration board," paalala ni Gng. Asuncion na tila nilamon lang ng tawanan at kantyawan ng mga kaklase ko.
Napansin kong marami ang nag-uunahang makalapit kay Clay. Sa halos isang buwan na naming magkaklase, doon ko napatunayan na hindi lang siya sa loob ng aming seksiyon matinik sa babae kundi pati na sa buong sk'welahan. Kinahuhumalingan talaga siya ng maraming babae lalo na nung sumali siya drum and lyre corp. ng paaralan bilang isang drummer. Aaminin kong gwapo naman talaga siya, hindi ko nga lang gusto 'yong pagtitig niya sa akin dahil parang ano mang oras ay malalagutan ako ng hininga.
"Pahiram mo nga muna 'yang g'wapo mong katabi!" biglang banat ni Jenny sa likod ko dahilan para mapasigaw ako sa gulat ng slight.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko, ipahiram mo muna 'yang gwapo mong katabi sa iba nating kaklase. Makatingin ka kasi parang gusto mong paliparin ang pagmumukha ng mga babaeng 'yon na nag-aagawan kay Clay sa sobrang talim at sama," sabay turo niya sa kinaroroonan nila Clay.
Ano?
Nanlalaki ang mga matang humarap ako kay Jenny na agad niyang pinigilan dahil nagsusulat pala siya sa likod ko.
"Jenny, anong naisip mo nang makita mo akong ganoon ang tingin sa mga babaeng 'yun?" hindi ko alam kung bakit 'yon ang tinanong ko sa kan'ya.
"Iniisip ko na may crush ka kay Clay," prenteng aniya matapos magsulat sa likod ko at pumunta naman sa harap ko saka iniharap sa 'kin ang likod niya.
"May crush agad?" natatawa kong balik tanong. Pambihira nga naman oh!
"Oh edi, nagseselos nalang."
"Jenny naman!"
"Bakit? Wala na akong ibang naisip na dahilan maliban sa dalawang 'yon. At saka, akala mo hindi ko napapansin 'yang pag-iwas-iwas mo kay Clay, ha? Ever since naging kaklase natin siya, naging katabi mo pa, kahit kailan o kahit ni isang beses hindi mo siya kinausap. Tuwing magkakasama naman tayong apat mag lunch, ang tahimik mo. Ano 'yon hindi siya welcome sa grupo natin? Kaya kung ako sa 'yo, makipag reconcile ka na sa kan'ya," mahabang aniya na ngayon ay nakaharap na sa 'kin.
"Bakit naman ako makikipag reconcile sa kan'ya? Wala naman kaming pinagsamahan,"
"Okay sige, palitan nalang natin ang salitang 'reconcile' ng 'friendship'. Isipin mo na ito 'yong start ng pakikipagkaibigan mo sa kan'ya,"
"What? No!"
"Edi iisipin ko nalang na may crush ka talaga sa kan'ya,"
Puta naman 'tong si Jenny eh! Napapikit nalang ako sa pagkayamot. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Clay, nakita kong si Marky nalang ang nagsusulat sa kan'yang likod habang nagtatawanan pa silang dalawa.
"Sige na, punta ka na! Kung ayaw mong isipin kong may crush ka kay Clay," nakangising turan ni Jenny na tinulak-tulak pa ako papunta kay Clay.
May magagawa pa ba ako?
Maglalakad na sana ako papunta sa kan'ya nang biglang magsalita si Gng. Asuncion.
"I think you're all done, you can now go back to your seats!"
Mabilis namang nabalik sa p'westo ang mga upuan at lamesa na inilagay namin sa gilid kanina upang magkaroon ng malaking espasyo sa gitna. Walang imik akong naupo sa aking upuan. Maya-maya lang umupo na rin si Clay. Alam kong alam niya rin na pareho kaming hindi nakapagsulat sa illustration board ng isa't-isa.
Paano ba 'to? Ako ba dapat ang unang maglalahad o umabot no'ng illustration board niya?
Napasulyap ako kay Jenny. Nandidilat ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin habang sumesenyas ng, 'go kausapin mo na!'
Mariin na naman akong napapikit saka dahan-dahang lumingon kay Clay pero bago paman ako makapagsalita ay kaagad niyang hinablot ang illustration board ko at inilapag sa mesa ko ang kan'ya.
Ano namang isusulat ko rito? Nang mapatingin ako kay Clay ay kasalukuyan na siyang nagsusulat sa illustration board ko.
We're friends :) Ay hindi! Hindi naman niya ako inayang makipag-kaibigan.
We're now okay. Oh? Kapal ko naman kung ganoon, 'di ba? Ano kami magkasintahan na nag-away?
Huwag mo na akong titigan! Tapos hindi pala talaga ako 'yong tinititigan niya. Assumera ang dating, self!
Pinapatibok mo ng malakas ang puso ko. Baka naman isipin nito na may crush ako sa kan'ya. So, not that.
Ugh! Ano ba talaga?
"Here," natigil ako sa pag-iisip kung anong isusulat sa illustration board niya nang iabot na niya ang akin.
Dahil sa nataranta ako, hindi ko na alam kung ano 'yong naisulat ko roon saka nagmamadali ko itong isinauli sa kan'ya. Kinuha ko na rin ang illustration board ko at walang sabi-sabi na inilagay ito sa likod ng aking upuan. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa 'kin matapos mabasa 'yong isinulat ko roon.
Teka, ano nga ulit 'yon?
---
NANG MAG-LUNCH BREAK na ay sobrang ingay namin sa canteen. Itong si Marky at Jenny kasi isa-isang binabasa 'yong mga nakasulat sa illustration board nila.
"Sana bawasan mo na ang iyong pagkamaldita," basa ni Jenny. "Marky! Alam kong ikaw ang nagsulat nito! Aminin! Aminin!"
Tawa ng tawa si Marky. Siya lang naman kasi ang nang-aasar ng maldita kay Jenny kaya parati siyang suki ng mga hampas at sapak nito.
"Eh, ikaw Crissy?" biglang baling ni Jenny sa 'kin na ikinataas ng kilay ko dahil nagawa na naman niya akong tawaging 'Crissy'. Alam kong may pinaplano na siyang ikakapahamak ko. "Ano 'yong isinulat mo sa illustration board ni Clay?" patuloy niya na may kakaibang sulyap kay Clay.
Sabi na eh!
"A-ano..." ano nga ulit 'yon? Hindi ko na matandaan!
Naramdaman ko ang pag-angat ng tingin ni Clay sa 'kin kaya mas lalong hindi ko matandaan kung ano nga ba 'yong isinulat ko sa illustration board niya. Kainis!
"Ano eh.. ah.." napapakamot nalang ako sa batok dahil hindi ko na talaga maalala.
"I hate you,"
Sabay kaming napalingon kay Clay nang sabihin niya iyon. Gago! Para sa 'kin ba 'yon? Eh, mukhang para sa 'kin nga kasi na sa akin ang tingin niya.
"Anong sa---"
"Iyan 'yong isinulat niya sa illustration board ko,"
Seryoso?!
"Uh-oh!" si Marky.
"What?!" si Jenny na balik sa 'kin na naman ang tingin.
Pero teka nga, seryoso? Iyon talaga ang isinulat ko? Bakit hindi ko matandaan na isinulat ko 'yon?! Baka naman inakala niya lang na sa 'kin ang penmanship na iyon? Marami pa naman ang namamatay sa maling akala.
"Patingin nga? Baka naman nagkakamali ka lang," Sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa kong makipagtitigan at makipag usap sa kan'ya.
Agad naman niyang inabot iyon sa akin at halos lumuwa na 'yong mata ko nang mabasa ang sariling sulat-kamay. Waaahhh! Ako pala 'yong gago!
"Seriously, Crissa?" nakangiwing sabi ni Jenny matapos rin niyang mabasa ang isinulat ko ngang I hate you.
"Ano rin bang isinulat ni Clay sa illustration board mo?" tanong naman ni Marky.
Oo nga, 'no? Ano rin kaya ang isinulat niya roon? Wala sa sarili kong hinablot sa ilalim ng mesa ang illustration board at sa hindi malamang dahilan, biglang tumambol ng malakas ang puso ko nang dumako ang paningin ko sa isang sulat-kamay sa pinakadulo. Hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong sa kan'ya iyon galing dahil sa lahat ng kaklase ko, siya lang ang mahilig gumamit ng mamahaling sign pen.
Paulit-ulit ko pang tiningnan kung tama ba itong nababasa ko. Wari'y hindi ko maipaliwanag kung bakit parang nasisiyahan ang loob ko sa dalawang simpleng salita na ito.
Maganda ka :)
***
Hindi ko na alam diary kung bakit ganito mag react ang puso ko sa isinulat niyang iyan. Lahat naman siguro sinasabihan niya ng maganda diba? Pero bakit ganito ang puso ko? Ayoko sa pakiramdam na ito. Ayoko! Maaari mo ba akong tulungan na ikandado itong mahadera kong puso?
Crissa

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    Ashley Nicha Agustin Cuerdo

    good

    08/06

      0
  • avatar
    pagagonganRaiyyana

    its so good I want to graduate and this up helps me alot

    15/05

      0
  • avatar
    Ashley Riponti

    This story is so nice

    13/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata