logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

Rain. I've always hated the rain everytime it will fall on my face. I was silently wishing for the heaven not to give rain anymore on earth because tons of people die yearly out of heavy rainfalls. It was too toxic and irritating as well as the pollutions. I wish I could stop the rain. I wish I have the ability to stop the clouds from being so heavy. I just hate it when it's raining specially that I can't go outside today.
"Hindi titila iyan kung maghapon kang nakaabang." pang-aasar sa akin ni Kuya habang nakaupo ako sa harap ng bintana at pinagmamasdan ang basang paligid.
I stood up from my position and placed my arms on the window. Mariin kong pinagmasdan ang paligid. I couldn't see it well because of the rain. Pati ang magandang tanawin sa labas ay natabunan na ng ulan.
"Kuya? Pupunta pa kaya iyong lalaki rito?" I asked him unconsciously. Natatandaan ko kasi na sinabi ng lalaking tumulong sa akin kahapon na babalik siya kinabukasan para hiramin ang kabayo. I was definitely waiting for him. Gusto kong magpasalamat dahil hindi ko iyon nagawa ng maayos kahapon.
Natatandaan ko na tinawag niya akong maarte. He must think that I am not used with muds and dirts because I am from the city. Tingin niya sa mga taga-Manila ay maaarte. That's a stereotype. Hindi naman lahat ng mga taga-lungsod ay ganoon. Gusto ko sana iyong sabihin sa kaniya.
"Bakit? May gusto ka ba sa lalaking iyon?" tumayo si Kuya at kunot-noong lumapit sa akin. I heaved a deep sigh. Heto na naman tayo sa mga hinala niya sa akin.
"Wala, Kuya. Magpapasalamat lang ako. At saka ang rude mo sa kaniya kahapon. Tinulungan lang naman ako e." pangangatwiran ko. Hindi na yata maaalis kay Kuya iyong pagiging strikto niya sa akin. He's always like this when it comes to boys. Kaya nga nasusungitan din sa kaniya si Johann sa tuwing sa bahay kami gumagawa ng mga school projects.
"Nagpasalamat ka na 'di ba? Tama na iyong isang beses. Hindi mo kailangang magpasalamat ng paulit-ulit." napatungo lamang ako. Kuya Gilbert is like a father to me. Pinupunan niya lahat ng pangangailangan ko sa isang ama. That is the reason why I didn't became insecure to my classmates everytime I would see them together with their father. Si Kuya lang sapat na para sa akin. Hindi na ako maghahangad ng higit pa.
"You are such a soft girl, Anastacia. Huwag mong hayaang abusuhin iyan ng mga tao."
He teaches me a lot of things in life. I've learned how to be thrifty from him dahil iyon ang nakikita ko sa kaniya. I've learned not to be judgemental and be rational at all times. Kuya is not judgemental. But when it comes to boys na palaging umaaligid sa akin, hindi niya maiwasang maging paranoid. He think that I might engage in a early relationship that I wouldn't be able to finish my studies.
"I won't, Kuya." I told him. Hindi ako mapapagod sabihin sa kaniya ito. I don't want to disappoint him. Ngumiti siya at saka binuhat ako. Yumakap naman ako sa leeg niya. He always treats me so sweet. Thirteen na ako pero parang bata niya pa rin ako kung ituring.
"Huwag ka munang lumaki ha?" he always told me that. He said he don't want me to grow up. He wants me to stay as a kid. He wants me to stay as his soft girl Anastacia. Magkaiba kami. I want to grew up fast kasi gusto ko ng makapagtapos kaagad para matulungan ko na sila ni Mama. That is my greatest goal in life. To have the diploma in my hands and have a stable job to help them. Gusto ko rin na ipagpatuloy ni Kuya ang college niya. It's still not too late for him to study.
Nang ibaba ako ni Kuya, natuwa ako nang makita na hindi na umuulan. Mabilis akong pumasok sa kusina at muling nagpaalam kay Mama na lalabas. Naabutan ko silang dalawa ni Lola na nagbabalat ng saging na saba. Si Lolo naman ay nakatayo doon at kumakain ng saging.
"Saan ka ba, Anastacia? Lalabas din ang Lolo mo, gusto mo bang sumama?" nakangiti akong tumango kay Lola. Tumango rin sa akin si Mama kaya mas lalo akong naging excited na lumabas.
Lumapit sa akin si Lolo at inakay na ako palabas. Ngiting-ngiti ako dahil gusto ko na ulit maglibot kahit katatapos pa lang ng ulan. May dalawang linggo pa naman ako bago magsimula ang klase. Hindi iyon sapat para maging pamilyar ako kaagad sa lugar na ito. Pero at least makakakita na rin ako ng maaliwalas na tanawin kumpara sa lugar na kinalakihan ko.
"Gusto mo bang sumama sa pastulan, apo? Marami akong mga alagang kabayo at kalabaw doon."
"Totoo po?" tumango siya sa akin. Mas lalo akong natuwa. Doon ko naalala ang isa sa pinakagusto kong gawin sa buhay ko. "Gusto ko po sanang matutong sumakay sa kabayo." gustong-gusto ko talagang maranasang sumakay sa mga kabayo. Palagi akong nakakita ng nga picture na ganoon lalo na sa Baguio City. Nakakapanood din ako ng mga horseback riding competition na mas nae-enjoy ko kaysa sa panonood ng basketball.
"Sigurado ka? Hindi ka ba matatakot?" umiling ako. Kapag kasi gustong-gusto ko ang isang bagay, hindi ako natatakot na subukan iyon. Gusto kong maranasan ang bagay na iyon. Gusto ko ring sumama palagi kay Lolo sa tuwing magpapastol siya ng mga alaga niyang kabayo.
Bigla kong naalala ang lalaki na tumulong sa akin kahapon. Bitbit niya ang isa sa mga kabayo ni Lolo. Siguro ay sanay na sanay na siyang sumakay sa mga kabayo.
"Lolo, iyon pong lalaki kahapon hindi ba ang sabi niya babalik siya ngayon para hiramin si Abacus?" pinagmasdan kong maigi si Abacus nang tumigil kami sa tapat ng kuwadra. May isa pang kabayo na nakakulong sa tabi niya.
"Si Kahel ba? Palagi talaga iyong pumupunta rito para hiramin si Abacus. Siya rin ang palaging nagpapaligo sa kabayong ito." nagtungo si Lolo sa kulungan ng isa at binuksan iyon. Inilabas niya ang isang kulay brown na kabayo. Kulay puti naman si Abacus. Puting-puti ang balahibo at pinong-pino. Ngayon ko lamang napagtanto na maganda nga talaga ang kabayong ito.
"Bakit po si Abacus lang ang hinihiram niya?" muli kong pinagmasdan si Abacus. Kumakain siya ngayon ng damo.
"Sa kanila talaga si Abacus, apo. Ibinenta lang ng tatay niya sa akin. Eh alam naman ng lahat ng mahal na mahal ng batang iyon si Abacus kaya pinapayagan kong hiramin niya. Siya na rin ang nag-aalaga sa kabayong iyan."
Napatango ako. Kaya naman pala. Gusto ko sanang magtanong kay Lolo kung bakit ibinenta ng tatay niya si Abacus. Wala ba silang ibang kabayo bukod kay Abacus?
"Oh? Heto na pala si Kahel." bigla akong kinabahan nang marinig ang pangalang iyon. Kahel. It sounded so soft. So soft for a name. Narinig ko ang mga yapak niya mula sa mga tuyong dahon. Kinakabahan naman akong lumingon lalo na at naabutan niya akong pinagmamasdan ang kabayo niya.
"Hijo, ito nga pala si Anastacia, apo ko. Nagkita na kayo kahapon 'di ba?" napilitan akong humarap sa kanila kahit nahihiya ako. Nasalubong ko kaagad ang kunot-noong mukha ni Kahel. Napababa ako lalo ng tingin lalo na sa hiya.
"O-opo, Lolo." ako na ang sumagot dahil halatang wala siyang balak magsalita. Kunot-noo lamang siyang nakatingin sa akin saka papunta sa kabayo niya.
"Anastacia, ito nga pala si Kahel." tumango ako at alanganing ngumiti kay Lolo. Bumaling ang tingin ko kay Kahel at ngumiti sa kaniya subalit hindi man lamang niya ako tinugon. Tipid lamang siyang tumango saka naglakad papunta sa kabayo. Umatras ako para bigyan siya ng daan.
"Kumusta po si Lola Corazon?" pagka-usap niya kay Lolo. Nanatili naman akong tahimik sa harap nila.
"Naroon ang Lola Corazon mo sa itaas. Halika at samahan mo muna kami ni Anastacia sa pastulan. Pagbalik natin ay paniguradong luto na ang meryendang niluluto ng Lola niyo." pinagmasdan ko si Kahel habang inilalabas niya si Abacus sa kulungan. Manghang-mangha ako sa kaniya kung paano niya napaamo ang kabayo. Hindi hamak na mas malaki ito sa kaniya subalit kaya pa rin niya itong pasunurin.
Hinimas-himas niya sa ulo si Abacus. Umatras naman ako papalayo sa kanila dahil parehas na silang may dalang kabayo.
"Sasakay ka, apo?" mabilis akong tumango kay Lolo. Lumapit ako sa kaniya subalit kaagad napaatras nang sumipa-sipa ang kabayo niya.
"Lolo..." parang galit ang kabayo. Lumapit si Lolo sa kuwadra at binigyan ito ng mga damo. Mataas ang kabayo kaya hindi ko rin alam kung kakayanin kong sumampa rito.
"Doon ka na lang kaya kay Abacus sumakay? Mas kakayanin mong sumampa roon." napatikom naman ang bibig ko sa sinabi ni Lolo. Kinutkot ko ang aking kuko sa daliri dahil sa kaba.
"Dito na lang po." napatingin ako kay Kahel na nakasakay na ngayon kay Abacus. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Para talagang galit siya. Kinakabahan din ako sa mga tingin niya. Para bang may nagawa akong masama. Siguro hindi rin magandang ideya kung sa kaniya ako makikisakay lalo na at hindi naman kami lubos na magkakilala. Nahihiya rin ako sa kaniya. Ni isang beses ay hindi niya pa ako nginingitian.
"Kumapit kang maigi." tinulungan ako ni Lolo na makasampa sa kabayo. Mabuti na lamang at nagawa ko rin ng tama. Ang akala ko ay sasampa rin siya subalit nanatili lang siya sa ibaba. "Kumapit ka lang sa buhok para hindi ka mahulog." sinunod ko ag sinabi niya. Mabilis akong kumapit sa kulay itim at makapal nitong buhok sa batok. Hinawakan ni Lolo ang lubid ng kabayo kaya nagsimula na itong lumakad ng mabagal.
Pilit kong itinatago ang matinding saya na nararamdaman ko. Sa wakas ay nakasakay na rin ako sa kabayo. Ito ang unang pagkakataon na nagawa ko ito. Sa susunod ay gusto ko namang maranasan kung paano sumakay ng mag-isa rito.
Malawak na damuhan ang dinaanan namin. Hindi ko naman maiwang pagmasdan si Kahel lalo na at nasa unahan namin sila ni Abacus. Gusto ko rin sanang makasakay sa kabayo niya pero sa tingin pa lang niya sa akin, alam kong hindi niya ako papayagan.
Itinali ni Lolo ang kabayo sa isang patay na puno sa gitna ng malawak na damuhan. Nakita ko naman si Kahel na mabilis na bumaba mula sa kabayo niya. Tatalon na sana ako subalit napagtanto na masyado iyong mataas para sa akin.
"Diyan ka na lang sa itaas, apo." anas ni Lolo. Tumango na lamang ako kahit gusto ko ring bumaba. Saglit naming pinagmasdan ang mga kabayo habang kumakain ng mga damo. Kinakabahan ako sa tuwing bumababa ang kabayo para kumuha ng damo sa lupa. Pakiramdam ko ay mahuhulog ako.
"Dito muna kayo, Kahel. Pakitingnan muna ang apo ko. Pupuntahan ko lang ang mga kalabaw." pagpapaalam sa amin ni Lolo. Kaagad akong kinabahan.
"Lolo..." tinawag ko siya. Ayokong iwanan niya ako rito kasama si Kahel. Hindi ako komportable lalo na at pakiramdam ko ay hindi niya ako gustong maging kaibigan. Parang galit siya sa akin.
"Mabilis lang ako, apo. Babalik ako kaagad." wala akong nagawa kundi ang tumango sa kaniya. Ayoko namang magpumilit kung hindi nga pwede. Baka isipin ni Kahel na nangungulit ako.
Iniwasan kong mapatingin sa direksyon ni Kahel nang umalis si Lolo. Nanlalamig ako dahil na rin sa klima dito. Mahangin at mahamog. Isa pa ay nag-aalala rin ako kung tinitingnan niya ba ako habang nakatalikod ako sa kaniya.
Napabuntong-hininga ako. Madali para sa akin ang makipag-kaibigan lalo na noong nasa Manila pa ako nakatira. Sila ang unang nakikipagkaibigan sa akin kaya hindi ako nahirapang humanap ng makakasama. Bakit ang sabi ni Mama ay mababait naman daw ang mga taga-probinsya? Bakit parang...
Umiling-iling na lamang ako. Gustong-gusto ko na talagang bumaba kaya naman itinaas ko ang isa kong paa.
"Anong gagawin mo?"
Nagulat ako nang marinig siyang magsalita. Nawala ang kapit ko sa kabayo kaya diretso akong nahulog sa damuhan. Napa-aray ako nang maramdaman ang sakit sa aking pang-upo.
Nakita ko naman si Kahel na mabilis tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at tumakbo papunta sa akin. Dinaluhan niya ako at tinulungang tumayo. Hindi naman ako nakapagsalita lalo na nang makita ang galit niyang tingin sa akin.
"Ang sabi ng Lolo mo ay huwag ka nang bumaba. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" galit na anas niya sa akin. Napatikom ang bibig ko dahil sa hiya at kaba.
"N-nagulat kasi ako. Tatalon sana ako-
"Doon ka na lang umupo." painis niyang itinuro ang pwesto niya kanina. Parang iritadong-iritado siya na kausapin ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod dahil baka mas lalo pa siyang magalit sa akin. "Huwag kang aalis diyan ha." utos niya pa. Kunot na kunot ang noo niya sa akin. Animo'y may ginawa akong kasalanan sa kaniya. Tumungo na lamang ako. Natatakot na akong salubungin ang mga tingin niya.
Natahimik na lamang ako habang nakaupo roon at hindi ipinakita sa kaniyang naiiyak na ako. Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking pang-upo subalit hindi ko na iyon inalala pa. Mas nag-aalala ako sa lalaking kasama ko ngayon. Ang hirap niyang pakisamahan.
"Kahel? Ana?" napatayo ako nang dumating si Lolo matapos ang higit trenta minutos. Pinilit kong ngumiti nang tumingin siya sa akin. "Halika na kayong dalawa. Paniguradong luto na ang meryenda natin." ngumiti siya sa aming dalawa. Gumanti naman ako ng ngiti. Napatingin ako kay Kahel na ngayon ay tipid na nakangiti kay Lolo. Nang bumaling siya sa akin ay doon nawala ang ngiti niya. Napalitan iyon ng iritadong tingin.
Iniwan namin ang mga kabayo sa pastulan. Nagtanong pa ako kung hindi ba iyon mawawala roon. Baka kasi makatakas o hindi kaya ay may magnakaw. Ang sabi naman ni Lolo ay walang magnanakaw dito sa lugar nila. Mababait daw talaga ang mga tao rito. Napapaisip tuloy ako kung taga-dito ba talaga si Kahel. Bakit kasi iba siya kung makitungo? O baka naman sa akin lang siya iritado?
Pinaghugas muna ako ni Lolo ng paa bago ako tuluyang umakyat ng bahay. Binagalan ko ang paglalakad at sadyang pinakinggan ang usapan ng dalawa sa hulihan. Pinipilit ni Lolo si Kahel na umakyat muna sa bahay. Nagtago naman ako sa may hagdan at sinilip silang maigi.
Lihim akong napangiti nang makitang tumango si Kahel. Mabilis akong tumalikod upang tuluyan na akong makapasok sa bahay. Nagulat pa ako nang makita si Kuya na kunot-noong nakatingin sa akin.
"Sinong sinisilip mo riyan?" tanong niya. Umiling-iling ako sa kaniya at sadya siyang tinulak papunta sa salas kung saan naroon sina Mama. "Ano ba, Ana?"
"Nagugutom na ako, Kuya." pagpapalusot ko. Mabilis akong umupo sa tabi ni Mama. Umangat ang tingin nila sa akin ni Lola.
"Oh? Asan na ang Lolo mo?" tanong sa akin ni Lola. Inabutan niya ako ng isang bowl at kutsara.
"Nasa ibaba pa po." tumingin na lamang ako sa umuusok na pinaltok. Nilagyan ako ni Mama ng maraming sandok niyon. Umupo naman si Kuya sa harapan ko. Nanunuri pa rin ang tingin niya sa akin. Saktong napalingon ako sa may pintuan at nakitang papasok na sina Lolo.
"Kahel! Narito ka pala!" saad ni Lola nang makita ang dalawa. Lumingon kaagad si Kuya sa may pintuan. Napaiwas naman ako at itinuon na lamang ang paningin sa pagkain. Marahan kong hinipan iyon bago isinubo.
"Magandang hapon po sa inyo." napatigil ako sa pagkain nang marinig kung gaano kagalang ang boses niya. Talaga ngang mabait at magalang siya sa lahat. Pero pagdating sa akin...
"Maupo ka na rito. Saluhan mo kami." palihim akong sumulyap sa kaniya. Nakita kong umupo siya sa tabi ni Kuya. Napatikom naman ang bibig ko nang makita kung gaano kaseryoso ang tingin sa akin ni Kuya.
Nagsimula ang usapan ng mga matatanda. Narinig ko sa pag-uusap nila na nahuli raw ng ilang buwan ang pagtatanim nila ng palay kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito namumulaklak kagaya ng iba. Nanatili naman akong tahimik na sumusulyap kay Kahel paminsan-minsan. Napakapino niyang kumilos. Hindi na rin niya hinihipan pa ang pagkain. Tipid din siyang sumagot sa tuwing tinatanong siya ng matatanda.
"Oo nga pala." ngumiti sa akin si Lola. Umangat ang paningin ko sa kaniya. "Grade 8 din pala itong si Kahel katulad mo, Ana." bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
Grade 8 lang siya? Sa tangkad niyang iyan? Akala ko kahapon magkasing edad kami. Subalit habang tinititigan ko siya, unti-unti kong napapagtanto na mas matanda siya sa akin dahil na rin sa kilos niya. Ang matured niya kung kumilos. Para siyang matanda. Nakakagulat pa rin talagang malaman na magkasing-edad lang kami.
Natuwa naman si Mama sa nalaman. Iniisip niyang magiging magkaibigan kaming dalawa ni Kahel. Iyon din sana ang gusto kong mangyari pero parang imposible. Sa trato pa lamang niya sa akin, halatang hindi niya ako gustong maging kaibigan.
"Sa martes na lang kaya ako mag-apply ng trabaho? Sasamahan ko muna mag-enrol itong si Ana. Baka maligaw iyan doon. Hindi pa naman niyan kabisado sa bayan." suhesyon ni Kuya. Sumulyap siya sa akin saka kay Mama.
"Hindi na, Gilbert. Maaabala ka masyado. Itong si Kahel na lang ang papakisuyuan ko at baka maging magkaklase pa sila." tugon naman ni Mama. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaba o dahil sa hiya. Mas lalo akong napayuko nang sumang-ayon si Lola. Sinabi pa niya na mabait na bata raw si Kahel at mapagkakatiwalaan.
Palihim naman akong sumulyap kay Kahel. Nagulat ako nang makitang nakatingin na rin siya sa akin.
"Pwede namang sa martes na lang, Mama. Baka kung ano pang mangyari riyan sa kapatid ko kung hindi ako ang kasama." sumulyap siya kay Kahel. Parang may ibang ibig sabihin siya sa tingin na iyon. Pakiramdam ko ay iniisip pa rin niya ang nangyari sa akin kahapon. Hindi siya naniniwala na kasalanan ko ang lahat kung bakit ako nahulog sa palayan.
"Okay lang, Kuya. Para masanay na rin akong bumyahe mag-isa." mas lalo akong pinanliitan ng mata ni Kuya. Mabuti na lamang at sinang-ayunan na ako ng matatanda.
"Pabayaan mo na iyang kapatid mo, Gilbert. Malaki na si Ana at paniguradong kaya na niya ang sarili niya. Paano siya matututong magsarili kung palagi kang nakabantay sa kaniya?" Si Lolo.
"Hindi pa magsasarili si Ana. Bata pa iyan, bawal pa magkaroon ng boyfriend." pasimple muli siyang lumingon kay Kahel na nakatingin lang sa pagkain niya.
Dinapuan ako ng matinding hiya dahil sa usapan. Ngayon ay harap-harapan na niyang nasasaksihan kung gaano kastrikto sa akin si Kuya. Baka dahil dito ay mas lalo niya akong ayaw maging kaibigan.
"Si Kahel na ang bahala sa kaniya sa lunes. Mapagkakatiwalaan naman ang batang ito. Matagal na naming kilala si Kahel at wala kaming masasabi sa ugali niya. Paniguradong magkakasundo sila ng kapatid mo." sabat naman ni Lola.
Nagpatuloy ang pag-uusap nila. Nanatili naman kaming tahimik lamang na nakikinig. Doon ko tuluyang naisip kung papayag nga ba si Kahel na samahan akong mag-enrol sa paaralan na pinapasukan niya. Baka ayaw niya rin akong maging kaklase.
Napatungo na lamang ako sa naisip. Nalulungkot ako sa ideya na parang matatagalan pa bago ako makahanap ng mga kaibigan dito.

Komento sa Aklat (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

    ย ย 2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

    01/07

    ย ย 1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

    ย ย 1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata