logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER SEVEN

isay's POV
Pagkagising ko ay agad akong umupo sa higaan ko. Ang sakit ng ulo ko, epekto sigurado ng pag inom ko kagabi. Tinignan ko ang maliit kong kwarto pati na ang repleksyon ng sarili ko sa salamin. Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi. Humikab muna ako at nag unat ng mga kamay bago magpasyang tumayo.
"Ay! Baklang sinto sinto!" Sambit ko ng makita ko si Kendrick sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Alam ko may hang over ako kaya kumurap kurap pa ako para masigurong totoo siya o isa lang siya sa mga imagination ko.
"What kind of expression is that? Parang ikaw lang. So stupid." Sabi niya at tinabig ako sa gilid. Pumasok siya sa kwarto at umupo sa kama.
Pinilig ko ang ulo ko. Totoo ba talaga siya? Minasdan ko siya habang kumukuha ng damit niya sa isang maleta.
Nagkabanggaan kami ng tingin "What? Will you watch me get dressed?" Nakakunot na tanong niya habang nakatingin sa akin. Doon ko naman na realize na bagong ligo pala siya at nakatapis lang ng tuwalya. Literal na napanganga ako at tinakpan ang bibig ko. Mabilis akong lumabas sa kwarto at pumunta sa may sofa.
So ibig sabihin totoo siya at hindi ko imagination lang. Tumayo ako at nagpalakad lakad sa maliit kong sala. Kailan pa siya dumating? I mean paano siya nakapasok? bakit siya nandito? Sigurado ako na ni lock ko ang mga pinto at bintana bago ako umalis kahapon.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng bumukas iyon. Ibig sabihin tapos na siyang magbihis. Hinanda ko ang sarili at tinaas ang Isang kilay, Huminto ako sa harapan niya na naka halukipkip.
"Sabihin mo paano ka nakapasok dito sa bahay ko?" Mataray na tanong ko
Nagsalubong ang mga kilay niya na tinitigan ako. Nakipaglaban naman ako ng titigan sa kanya, maunang umiwas ng tingin talo.
"You don't remember what happened last night?" Tanong nito na medyo nagpakaba sakin. Ano nga ba ang nangyari?
"A-alam ko!" Nautal ako sa pagsisinungaling ko pero kailangan ko iyon panindigan "u-uminom ako kagabi pero bago ako umalis ng bahay sinigurado kong nakakandado ang mga pintuan! Sabihin mo sa'kin ngayon kung paano ka nakapasok dito!" Malakas na sabi ko
"That's right, you drank and got drunk. I'm sure you didn't remember that I picked you up last night just to bring you home. You look like a fool last night with an umbrella sa gitna ng gabi na hindi naman umuulan. Are you really like that when you're drunk? It's embarrassing" Sabi niya na ikina kurap kurap ko ng mga mata. Nangyari ba talaga iyon o gawa gawa lang niya? Alam ko iba ako kapag nalalasing dahil sa mga kwento ng mga kaibigan ko na ang weird ko daw. Kaya nga sinisiguro ko na hindi ako malalasing kapag umiinom ako.
Bumuka ang bibig ko pero walang boses na lumabas sa'kin. Sasabihin ko sana na hindi ako lasing kagabi ng umuwi kaso hindi ko maalala kung paano ako nakauwi. Baka totoo nga sinabi niya na siya ang naghatid sa'kin dito sa bahay.
"O sige, sabihin na natin na hinatid mo nga ako dito sa bahay dahil lasing ako, pero ang tanong ko anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko
"Why? Am I not allowed to come here? I was waiting for you outside for a long time before I decided to pick you up from your work" aagot nito. Napatulis naman ang nguso ko "I thought you would be happy to see me" Sabi pa niya.
"Bakit bawal naba magtanong ngayon?" Pagtataray ko parin sa kanya. Masaya naman talaga ako sa loob loob ko pero kailangan maging consistent ang pagtataray ko
Nakita kong kumurba ang dulo ng mga labi niya at ginulo nito ang buhok ko.
"Go ahead and wash up, you look like a dirty child" Sabi nito at umupo sa may sofa
Pinaningkitan ko naman siya ng tingin bago umalis sa harapan niya at pumunta sa banyo. Habang nag t-toothbrush naisip ko kung saan siya natulog? Mabilis akong nagmumog at lumabas ng banyo.
"May itatanong ako!" Nakataas pa ang kamay ko sa harapan niya
"Go ahead" sagot niya na naka de kwatro, akala mo siya ang may ari ng bahay.
"Sabi mo hinatid mo'ko kagabi dito diba? Ang tanong ko saan ka natulog?" Tanong ko sa kanya.
"Probably here where else can I sleep if not here?" Sagot niya at nginisihan pa ako
"Ah! Diyan sa sofa! Okay okay" Sabi ko naman at pilit na ngumiti
"Do you think I fit here on your sofa? I slept in the room" napanganga naman ako sa sinabi niya. Sigurado kasi ako na natulog ako sa kwarto dahil nagising ako na nasa kwarto. Kung sa kwarto din siya natulog ibig sabihin magkatabi kaming natulog sa kwarto?
Nanlaki ang mga mata ko at niyakap ang sariling katawan. "Anong ginawa mo sa'kin?!" Sigaw ko na kinapa kapa ang katawan. Wala naman akong naramdaman na kakaiba.
Para namang nandidiri na ngumiwi siya habang nakatingin sa'kin. "I think I should be the one to ask you that. Do you know that I haven't slept yet? Ang likot mong matulog kung saan saan dumadapo ang mga paa mo. And you snore like a pig" Sabi niya na ikinaurong ko ng konti. Oo alam ko may pagka malikot akong matulog dahil yun din sabi nila Mama at Lola noong nabubuhay pa sila pero hindi ako humihilik! O baka nga? Hala grabe nakakahiya!
"Nakakahiya naman pala sa'yo no? Dapat kasi diyan mo nalang ako sa sofa pinatulog para mahimbing ang tulog mo sa kwarto" sarkastikong sabi ko
"good you know and by the way, can you cook? I haven't eaten anything since yesterday. I'm starving" Sabi niya
Kung pakapalan lang talaga ng mukha wala ng tatalo talaga sa kanya. Kahit naiinis ay pumunta parin ako sa kusina para magluto ng almusal naming dalawa.
*****
"Kumusta naman pala trabaho mo? Akala ko bumalik kana ng Canada" tanong ko habang kumakain kami
"Everything is fine" sagot niya pagkatapos ay sumubo ito at tumingin sa'kin "I have nothing to do in Canada why would I go there?" Kunot noong sabi niya
"Kasi diba taga doon ka?" Takang sabi ko dahil yun ang sinabi niya noon sa'kin. Tinignan ko siya na abala sa pagkain ng ginisang sardinas.
Tumango siya at muling tumingin sa'kin. "I have a house there but I work here" sagot niya
"Ehh? Pero diba sinabi mo wala kang mapupuntahan noon kasi wala ka namang bahay dito? Paano ka nagkaroon ng trabaho dito kung wala ka naman palang bahay dito? Imposible kasi na may trabaho ka tapos wala kang bahay kahit na inuupahan lang" Sabi ko
"I lied" Sabi niya. Hinihintay ko pa siyang may sabihin pa pero yun lang talaga.
"Bakit ka nagsinungaling sa'kin? Iniisip mo ba na baka perahan kita?" Medyo nanginig na ang boses ko sa tanong ko
"I will tell you everything at the right time, all I want for now is for you to trust me" Sagot niya.
"Trust you? Paano ko pagkakatiwalaan ang isang tao na sinungaling? Kung tapos ka ng kumain iwan mo nalang diyan ang pinagkainan mo at pwede ka ng umalis" Sabi ko na tumayo na bitbit ang pinagkainan ko.
Nagkulong ako sa kwarto at nahiga. Ayoko naman gawing big deal ang pagsisinungaling niya pero bakit ayaw pa niyang sabihin. Kusa ko siyang tinulungan nung gabing iyon at hindi niya ako pinilit. Tama kaya ang hinala ko na baka iniisip niya na peperahan ko siya? Ano ba ang ibang pwedeng idahilan niya at kailangan pa ng right time?
"Isay" tawag sa'kin ni Kendrick habang kumakatok
Umupo ako sa kama at tinignan yung pintuan.
"Paki sarado nalang ang pinto paglabas mo" Sabi ko. Napansin ko naman yung kulay itim na maleta niya na nasa loob pa pala ng kwarto
"Let's talk first" Sabi nito
"Bakit ngayon naba yung right time na sinasabi mo kanina na sasabihin mo ang lahat?" Mataray na tanong ko
"Don't be stubborn, open the door and let's talk" Sabi niya.
Umalis ako sa higaan at kinuha ang maleta niya. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at inilabas ang maleta niya.
"Ayaw kitang makausap umalis kana" Sabi ko. Isasara ko na sana ulit ang pinto kaso ay hinarang nito ang isang paa niya.
"I know it's wrong to lie but I have a reason" sabi pa niya
"Kaya nga sabihin mo kung bakit diba? Palagay ko naman deserve ko malaman ang dahilan mo kung bakit kailangan mong nagsinungaling. Okay lang naman kung yung dahilan mo ay dahil natakot kang perahan kita maiintindihan ko iyon. Yun ba talaga ang dahilan?" Tanong ko. Nakayukong umiling naman siya.
"The truth is..." Tigil nito sa sasabihin niya "nagandahan ako sa'yo" tuloy nito na ikina init ng pisngi ko. Seryoso siya? Sinabi niya talaga iyon? Grabe hindi man lang nahiya.
"Yaaahh!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya. Mabilis kong sinarado ang pinto at sumandal doon. Ang bilis ng tibok ng puso ko daig ko pa ang tumakbo sa marathon.
"Hey!" Tawag ulit niya sabay ang pagkatok
"Please lang lubayan mo muna ako masakit ang ulo ko" pagdadahilan ko kahit ang totoo ay nahihiya lang ako. Bakit ko ba kasi siya pinilit pa magsabi kung ano yung dahilan niya. Paano ko niyan siya haharapin ngayon.
Pero wait! Bakit ako ang nahihiya? Diba dapat siya? Aissst! Sinabunutan ko nalang ang sarili ko.
*****

Komento sa Aklat (199)

  • avatar
    DH IA NE

    wow, love it!

    11d

      0
  • avatar
    LandayongSherlyn

    very nice story

    13d

      0
  • avatar
    Bastatas Chavez Aljun

    nice maganda siya

    28d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata