logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 3

Pagkababa ko sa taxi, agad kong namataan si Carla ang assistant ni mommy na halatang inaabangan ako pero abala siya sa kausap sa cellphone. Nakikita kong namumugto ang mga mata nito. “Baka nabulyawan na naman ni mommy. Tsk, tsk, tsk, kawawa naman.”
Ilang beses na kasi nangyari ang gan’yan, si Carla ang nabubulyawan ni mommy kapag may mga bagay na hindi nagagawa agad si Carla sa kan’ya o may kapalpakan sa iba. Kaya minsan ko nang tinanong si Carla kung bakit nagtitiis siya kay mommy gayong napapagalitan siya ni mommy kahit hindi naman niya kasalanan. And sagot niya naman, mabait ang mommy, may pagkakataon lang daw talaga na hindi naiiwasan ang ganoong pagkakataon. Lalo na umano kapag pressured si mommy sa trabaho dagdagan pa ng stress.
“Carla!” agad kong sambit para makuha ko ang attention niya.
“Sir Miggy, mabuti nandito na po kayo,” nagsasalita siya pero alam kong may kakaiba kasi para siyang nakakita nang multo nang makita ako. Ramdam ko ang tension at tila ba natataranta siya.
“Anong problema? Nasaan si mommy? Kumusta ang lagay ng daddy?” sunod-sunod kong tanong. Nakita kong paglunok niya at saka binalikan ang kausap sa cellphone para sabihang tatawag na lang siya mamaya at nagpaalam sa kausap bago tuluyang tinapos ang tawag.
“Halika po, mabuti pang samahan ko po kayo sa kanila,” ‘yon lang ang sinabi niya at agad siyang naunang maglakad sa akin. Kaya mas nagtataka ako lalo kasi hindi naman ganito si Carla madalas kapag nakikita ako normal na sa kan’ya ang dinadaldal ako at nagkukwento ng tungkol sa trabaho ni mommy o ‘di naman kaya nagkukwento kung saan sila nanggaling. Matagal na siyang naging assistant ni mommy magsasampung taon na din siguro kung hindi ako nagkakamali. Dalaga pa rin hanggang ngayon, kahit chubby siya mabilis siyang kumilos at kaya niyang magmulti-tasking. Para rin siyang si Meynard kung tutuusin kapag nasa sa trabaho. Kabisado na niya lahat ang mga kailangan ni mommy sa araw-araw, mula sa pagkain, vitamins, damit, hanggang sa trabaho at marami pang iba. Dati nagseselos ako sa kan’ya dahil mas madalas pa niyang nakakasama si mommy kaysa sa akin. Pero kalaunan noong naintindihan ko ang ginagawa niya nasabi ko sa sarili kong napakaswerte ni mommy dahil may isang Carla na kasa-kasama niya lagi.
“Teka, Carla, saan ba tayo papunta bakit dito mo ‘ko dinala?” nagtataka ako dahil napakatahimik nang hallway na tinatahak namin saka walang mga kwarto para sa pasyente kaya napaisip tuloy ako.
“Nandoon po kasi ang mommy niyo,” sabay turo niya sa bandang unahan na may nakalagay na katula sa itaas na bahagi ‘Morgue’
Biglang nanlambot ang mga paa ko kaya ako napaluhod. Parang biglang hindi ako marunong maglakad, na parang nalumpo dahil sa nakitang salitang nabasa na tila may sumpang dala. Nanlamig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung bakit takot, malaking takot ang agad na bumalot sa akin. Matindi rin ang kabog ng dibdib ko, nanunuyo na naman ang lalamunan ko. Hindi ko alam ang gagawin hirap akong makatayo sa kinaroroonan ko. Sobrang nanlalambot ang mga paa ko.
Nilingon ako ni Carla nang mapansin niyang wala nang nakasunod sa kan’ya. Kaya Nakita niya ako kung paano nahihirapang huminga dahil sa labis na kabog ng dibdib ko at sobrang panunuyo ng lalamunan ko.
“I’m sorry sir. Hindi rin po namin alam ang buong pangyayari. Basta na lang po kami nakatanggap ng tawag mula sa office ni sir G kanina dahil nakita po siyang nakasalampak sa sahig na elevator at sapu-sapo ang dibdib niya, natulungan naman siya agad ng mga nakakita sa kan’yang mga empleyado para madala sa hospital. Pero idiniklara raw po ng doctor na DOA ang daddy niyo. Dito na rin po kami kanina pinadiretso ng nurse na nag-assist kanina,” mahabang kwento ni Carla habang umiiyak. Pero wala doon ang naging atensyon ko, dahil bumalik lahat sa isipan ko ang naging sagutang namin ni daddy kaninang hapon.
FLASHBACK:
“Kailan pa ito dad? Paano mo nagawa sa amin ni mommy ito?” salitang lumabas sa bibig ko matapos ang ilang minutong pagkatulala ko.
“Iyan nga ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito, kailangan nating pag-usapan ang bagay na ‘yan.” Pagpapaliwanag niya.
“Dad?” tanging nasambit ko. Nakita kong naglalakad papalapit sa akin si daddy.
“Miggy, hindi ko intension na gawin ito sa inyo ng mommy mo. Inaamin ko isang itong malaking mali, isang gabi ng pagkakamali na kahit kalian hindi ko na inulit at wala akong balak na ulitin pa.” ramdam kong puno ng pagsisisi ang boses niya pero hindi ko kayang tanggapin ang mga sinabi niya. Buong akala ko maayos sila ni mommy sa kanilang relasyon at ang aming pamilya kaya malayong magawa ito ni sa kanya sa amin. Pero napakalaking kong tanga dahil kailanman hindi ito sumagi sa isip ko. Malaki ang respeto ko sa kanya at aaminin ko siya ang idolo ko sa lahat ng bagay.
“P-Pero bakit? B-Bakit dad? B-Bakit may ganito? A-Anong nangyari?” Sunod-sunod kong tanong. Nararamdaman kong unti-unti nang napapalitan ang pagkalito ko kanina ng namumuong galit ngayon sa akin.
“Dalawang taon ang nakalipas mula nang ipinanganak ka ng mommy mo. May malaking project kami noon na entry para sa Manila Film Festival kaya abala kami pareho. Madalas hindi umuuwi si Barbara dahil nasa location sila nagsho-shooting. Ako naman may ibang mahalagang bagay din na inaasikaso dito sa Manila. Minsan lang kami nagkikita ng mommy mo. Dumalo ako ng isang pagtitipon ng mga producers noong gabing iyon dahil may importanteng pinag-usapan ang association para sa gaganaping Film Festival. Nagka-inuman pagkatapos ng gabi ng pagtitipong iyon, nagkayayaan ang iilan sa amin na pumunta sa bar para doon ipagpatuloy pag-iinuman. Lasing na lasing na ang karamihan sa amin noon dahil medyo naparami na ang nainom ang iba sa amin bago pa kami pumunta sa bar. Dahil marami ang nakakilala sa amin marami ang lumapit at nakipag-usa,p mayroon ding nagpakilala. Doon ko nakilala si Teresa kasama siya sa grupo ng mga models na nandodoon din noong gabing iyon para magsaya dahil galing umano sila sa isang victory party para sa success ng show nila. Kami ang naging magka-usap habang magkatabi at sa hanggang nilamon kami ng init ng aming mga katawan. Pero hindi na kami nagkita pa ulit matapos ang gabing ‘yon at nawala na rin siya sa isip ko. Kaya hindi ko akalain nang matanggap ko ang card na iyan makalipas ang ilang buwan noong huling pagkikita namin. Sana mapatawad mo ako anak sa pagkakamaling nagawa ko sa inyo ng mommy mo. ’Yan ang dahilan na pinapunta kita dito para sabihin sa’yo lahat dahil alam kong may karapatan kang malaman ang tungkol sa bagay na ‘yan. Patawad kung bakit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magsabi sa’yo. Pero wala akong balak na hanapin ang babaeng ‘yan para iwan ko kayho ng mommy mo. Ipapahanap ko lang para sa kapatid mo. Dahil malaki ang pagkukulang ko sa kanya bilang ama. Matanda na ako, alam kong hindi ko na mababago pa ang tapos nang mangyari. Kaya naisipan kong gawin ang tama na dapat matagal ko nang ginawa.” Mahabang kwento niya. Kitang-kita ko ang panlulumo niya habang punong-puno ng pagsisisi at lungkot ang kanyang mga mata.
“Bakit? Kulang pa ba si mommy para magawa mo ang bagay na ‘yon? Hindi pa ba sapat ang mommy ko para sa’yo? Wala kang kasing sama dad! Niloko mo kami ni mommy! Ang taas ang respeto ko sa inyo at alam mong idolo kita sa maraming bagay kaya hindi ko matanggap na nangyari ang mga bagay na ito!” sigaw ko sa kanya.
“Simula sa umagang nagising akong siya ang kasama ko sa kama pinagsisihan ko ang pagkakamali ko ‘yon. Kaya nga hindi ko na inulit pa!” pagpapaliwanag niya habang papaiyak na rin tulad ko.
“Dapat lang magsisisi ka! At kahit pa nagsisisi ka hinding-hindi kiAt mapapatawad sa ginawa mo sa amin ni mommy, dahil pinaniwala mo kaming isa kang ulirang ama! Pero ang laking hangal ko dahil hindi pala totoo ‘yon! Ang totoo pala isa kang napakalaking sinungaling! Hindi mo inisip ng maigi bago mo ginawa ang bagay na ‘yon! Na ang isang gabing pagkakamali pwedeng sumira sa ilang taon niyo ang pagsasama ni mommy! Na ikasisira sa tiwala namin ni mommy sa’yo! Hate you dad! I hate you!” bulyaw ko uli sa kanya. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa amin sa labas ng opisina ni daddy dahil sa pagsigaw ko.
END OF FLASHBACK
Maka-ilang ulit ‘yong pabalik-balik sa isipan ko. Gulong-gulo ang isipan ko kung ano ang dapat kong gawin. Ang bilis ng mga pangyayari sunod-sunod, hindi ko inasahan na mangyayari ang lahat nang ito na magkakasunod na para bang isang alon sa dagat, sunod-sunod ang paghampas sa akin kahit hindi pa ako nakakatayo galing sa pagkakadapa dahil sa matinding pagkakahampas sa akin sa dalampasigan, may magkakasunod na naming alon para hampasin uli ako.
“Hindi ko alam. Kahit gaano ko pinagsisihan ang mga sinabi ko kay daddy kanina hindi ko mababawi ‘yon at hindi ko na rin maibabalik ang buhay niya. Hindi ko alam na ‘yon na pala ang huli naming pag-uusap na hindi pa naging maganda ang kinalabasan, ang malala pa nasabihan ko siya ng masasakit na salita. Ano kaya ang sasabihin ni mommy kapag nalaman niya ang tungkol sa nangyari kanina? Magagalit kaya siya sa akin? Magawa pa kaya niyang magalit kay daddy gayong nasa loob na nang morgue ang ama kong walang buhay dahil isa na itong malamig na bangkay?”
Nasa ganoong estado ako nang maramdaman kong may mga bisig ang na dahan-dahan ang yumakap sa akin. Kahit nakapikit ako, ramdam ko at kilala ko ang may-ari ng mga bisig na ‘yon hindi ako pwedeng magkakamali dahil kilalang-kilala ko si mommy. Napahagulhul na rin ako nang marinig ko ang malakas na hikbi ni mommy.
“Wala na ang daddy mo! Iniwan na niya tayo anak!” ramdam ko ang sakit sa mga katagang iyon mula kay mommy. Alam kong mahal na mahal niya ang daddy kaya ganoon na lang ang paghhihinagpis niya sa pagkawala ng ama ko.
Hindi ako nakaimik. Takot akong magsalita dahil sinisisi ko ang sarili ko sa mga nasabi ko kay daddy kanina. Hindi ko alam na ganito ang maging kahihinatnan pagkatapos ng mga nangyari sa amin kanina ni daddy. Hindi ko matanggap na iyon na ang huli naming pag-uusap. Hindi ko na siya makaka-usap pang muli. Wala na. Wala nang pagkakataon pa.
Patuloy ang pag-iyak ko sa balikat ni mommy at ganoon din si mommy sa akin. Kami na lang dalawa ni mommy ang maiiwan, wala na ang daddy ko. Hindi ko na siya makakasamang maglaro ng golf sa Mandaluyong. Hindi na kami kompleto sa mga mahalagang okasyon ng buhay namin ni mommy at sa pamilya namin. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap ni mommy na parehong nakasalampak sa malamig ng hallway ng hospital malapit sa pintuan ng morgue kung saan naroon ang malamig na bangkay ni daddy.
“Ma’am, narito na po ang staff ng Heritage Park gusto raw po kayong maka-usap,” dinig kong sabi ni Carla kay mommy habang magkayakap kami. Dahan-dahang kumalas si mommy at tiningala si Carla saka naman niya akong tiningnan muli. Inalalayan siya ni Carla tumayo saka naman nila ako inalalayang makatayo.
Nakita kong lumapit sa amin si Meynard. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala siya pati ang pagdating ng iba, samantalang si mommy lumapit sa mga tauhan ng Heritage Park para maayos na ang labi ni daddy.
“Sir, aalis po muna ako kailangan kong samahan si Ma’am para mamili ng gamit ni Sir G. Pero susunod po kami agad sa inyo doon sa Heritage Park,” pagpapaalam ni Carla sa amin ni Meynard.
Minsan pa akong niyakap ni mommy bago nila kaming tuluyang iniwang dalawa ni Meynard habang hinihintay namin ang mga tauhan na makalabas sa morgue.
Kasalukuyang nasa loob na kami ng sasakyan ni Meynard at siya ang nagmamaneho. Tahimik kaming pareho at parang walang may balak na maunang magsalita sa aming dalawa. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin sa kanya gayong siya lang ang nakakaalam sa huling pangyayari sa amin ni daddy, maliban sa secretary ni daddy na alam kong narinig niya ang pagtatalo namin kanina sa loob ng opisina ni daddy.
Wala na rin akong lakas na kumustahin ang lagay ng nahagip ko kanina na babae maging ang pakikipag-usap ni Meynard doon sa anak. Nakaramdam ako ng matinding pagod pero hindi ako inaantok kahit kanina pa kami naiipit at nagtitiis sa matinding traffic mula sa hospital papunta sa Heritage Park.
Panay buntong hininga lang ang ginagawa ko habang nakasunod kami sa van na lulan ni daddy kasama ang staff ng Heritage Park. Hindi ko pa rin mawari ang mga pangyayari. Ang hirap paniwalaan at mas lalong ang hirap tanggapin na ito ang mga nangyari sa pamilya namin. Parang kailan nag saya pa naming tatlo, nakikita at ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan nila mommy at daddy. Kaya nga ba hirap akong makahanap ng maging girlfriend kasi gusto ko ang tulad sa kanila panghabang-buhay na pagsasama tulad ng mga magulang ko.
Nasa malalim ako ng pag-iisip nang marinig ko ang balita sa mahinang tunog ng radio sa sasakyan ko. Ibinalita ang pagkawala ng aking ama na isa sa mga pinakakilalang producer sa industriya ng pelikula, kilala rin siyang asawa ng isang batikang direktor na walang palya ang pagpatok ng mga pelikula nito sa takilya. Hinahangaan silang dalawa ni mommy dahil maliban sa pagiging magaling sa kani-kanilang piniling propesyon naging maganda rin ang pagpapalaki nila sa akin bilang mga magulang.
Madalas si daddy ang producer ng mga pelikula ni mommy pero may mga ibang pelikula rin siyang pino-produce kapag sa tingin niya maganda ang kalidad ng storya at tiyak na papatok sa takilya. Pero kapag panlaban sa Manila Film Festival mga pelikula lang ni mommy ang tanging pinoproduce niya. Maraming may gusto kapag si daddy ang producer kasi hindi niya tinitipid ang budget basta importante at kailangan sa eksena ng pelikula. Dahil para sa kanya isa ‘yon sa basehan para magiging maganda ang kalalabasan ng isang pelikula kasama ng mga dekalidad na artista na bahagi ng pelikula.
Nakatambay kami ngayon sa may labas ng opisina ng Heritage Park dahil hindi ko gustong pumasok sa loob. Pinili kong dito sa labas maghintay kina mommy dahil mahangin at medyo naging maluwag ang paghinga ko hindi katulad kanina doon sa hospital na hirap na hirap akong makahinga. Panay ang tunog ng cellphone ko kaya minabuting kunin ni Meynard sa akin at siya ang sumagot sa lahat ng tawag at text messages para sa akin. Siya na rin ang nagpost sa mga social media accounts ko tungkol sa pagkawala ni daddy. Habang ako tulalang nanonood siyang abala sa kanyang ginagawa.
Isa-isang nagsidatingan ang mga kamag-anak namin at mga malalapit na kaibigan ng pamilya, maging ang mga kasamahan nila sa industriya. Dumating na rin ang isang kapatid ni daddy na si Tito Manuel, siya ang nakakatatandang kapatid ng daddy. Samantalang ang isa nilang kapatid nasa ibang bansa hindi ko ko alam kung makakuwi o hindi. Alam kong tumawag na ‘yon sa akin pero, dahil wala ako sa tamang wisyo para sumagot sa tawag at mga text messages kaya hindi ko alam. At wala akong alam sa kung sinu-sino ang mga tumawag sa akin at hindi rin ako interesado.
“Hijo, Miggy,” dinig kong sambit ni Tito Manuel habang paplapit sa akin. Agad kaming nagyakapan na dalawa pero wala akong sinabi kahit isang salita sa kanya. Alam kong naiintindihan niya ako.
“Be strong son. I know this is sudden but you have to be strong for your mom. No one expected this has to happened to your dad, to my younger brother. But there’s nothing we can do but to accept the painful truth,” mahinang sabi ni Tito sa akin alam kong naiiyak din si Tito habang sinasabi ang mga salitang iyon dahil halata sa boses niya. Kaya mas lalo akong napaiyak, naiisip kong hindi tulad ng tito ko hindi ko na mayayakap si daddy kahit kailan.
Hindi ko alam kung ilang minute kaming nanatiling magkayakap. Alam kasi ng tito ko kung gaano kami kalapit ni daddy, kaya hirap na hirap ang kalooban ko kung paano tanggapin ang mga sunod-sunod na pangyayari.
Ramdam kong dahan-dahang hinihinas ni tito ang likod ko habang ako parang bata na humihikbi pa rin. Namalayan kong may tumapik sa balikat ko. Nakita kong si tita Beth ang asawa ni tito Manuel. Mula sa pagkakayakap ng tito nalipat naman ako ngayon sa mga pagkakayakap ni tita Beth. Patuloy ang iyakan namin wala akong pakialam kung may maraming makakakita sa aming sa ganitong estado. Wala na rin akong pakialam sa mga camera na nasa paligid dahil maraming mga sikat na mga personalidad ang dumaragsa para makiramay sa pamilya namin nang makompirma nila ang nangyari kay daddy.
Matapos ang madamdaming tagpo namin ng tito at tita ako, hindi nila ako iniwan tinabihan nila ako at tinulungang salubungin ang mga unti-unting parating na mga kaibigan at kakilala ng mga magulang ko at maging ng pamilya namin. May maginlan-ngilan na rin sa mga kamag-anak namin ang dumating maliban sa mga naroon sa ibang bansa.
“Pahinga ka muna hijo. Kami na muna dito ang sasama sa mommy mo,” mahinang sabi ni tito sa akin.
“Okay lang po ako tito. Saka na lang po kapag wala nang magsidatingan,” kasi patuloy ang pagdating ng mga tao kahit inaayos pa ang mga labi ni daddy.
May mga dumating din sa mga naging kaklase ko noong high school at college, maging ang mga kasamahan namin sa kompanya. Nagpaabot na rin umano ng kanyang pakikiramay ang may-ari ng kompanya na pinagtatrabahuhan namin ni Meynard, sa ibang araw na raw ito makakadalaw.
May kausap akong dating kaklase sa college na naging kabarkada ko rin nang may biglang mahinang tumapik sa likod ko. Nang lingunin ko, nakitang kong si tito Rick ang matalik na kaibigan ni daddy.
“I’m sorry for your loss, son,” bungad niya sa akin nang tuluyan ko siyang harapin sabay yakap niya sa akin. Naging malapit din ako sa kanya dahil kay daddy at saka lumaki akong nakikita at nakakasama siya palagi ni daddy.
Habang magkayakap kami may biglang sumagi sa isip ko, na sa tingin ko siya ang pwede kong maka-usap tungkol sa bagay na ito. Malamang nasabi sa kanya ni daddy ang tungkol sa pangyayaring iyon ilang taon na ang nakalilipas.
“Salamat po,” tanging salitang lumabas sa bibig ko. Dahil abala ang utak ko sa kakaisip tungkol sa huling pag-uusap namin ni daddy.
Nauna akong kumalas sa pagkakayakap at tiningnan ko siya direkta sa kanyang mga mata.
“Salamat po sa pagpunta. Pero mas ma-appreciate ko po kung masasagot po ninyo ang iilan sa mga tanong na gumugulo sa isip ko. Alam kong malapit kayo ni daddy noong nabubuhay pa siya, nasaksihan ko ang matagal na ninyong pagiging magkaibigan, kaya malamang po may alam kayo sa mga bagay na ito,” mahaba kong sabi pero sinigurado kong mahina lang ang pagkakasabi ko para walang ibang makarinig sa amin.
Napakunot naman sa mga kilay sit ito Rick matapos marinig mula sa akin ang mga katagang iyon.
“Tungkol saan, hijo?” nagtataka niyang tanong.
Para makasiguro kong walang ibang makarinig sa pag-uusapan namin hinila ko si tito Rick sa medyo malayo sa karamihan. Pero hindi naman masyadong malayo mga ilang metro lang naman ang distansya mula sa maraming taong nag-uusap.
“Ganoon ba ka importnate at ka seryoso ang bagay na para kailangan pa nating lumayo ng konti sa karamihan?” patuloy niyang pagtatanong sa akin, na ni isa wala akong sinagot sa kanya.
“Tito, sabihin niyo sa akin ang totoo kung may alam po ba kayo sa naging one night stand ni daddy ilang taon na ang nakakaraan? At tungkol doon sa naging anak nila ng babaeng iyon?”
Nakita ko ang malaking pagkagulat sa mukha nit ito Rick. Pero malakas ang pakiramdam ko may alam siya sa pangyayari iyan.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata