logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 17: Take Care

I am just looking afar while sitting on the bench.
"Ate, I thought the next time you will see Kuya, you won't let him be with you? I am still wondering." Calvin is in a wheelchair while we are in the garden of the hospital.
"I change my mind," I said, looking nowhere.
"But why? Is there something happened?" Ganun na lamang ang pangamba ng kaniyang mata ng sulyapan ko siya.
"How was your feeling here? I'm kind of free now while doing some stuff here with the director." I change the type of topic because I don't know what to say. Hindi rin naman madaling magpabago bago ako ng isip.
"Why are you changing the topic? I'm already grown up ate. I know you are having hard times after mom died. I will always be here to listen to you, tell me." hindi ako nakaimik at nanatiling tahimik. Yeah, I know that. He's getting older fast. Hindi man halata dahil sa mga kalokohan niya ngunit alam ko iyon.
Tch. Baket ba antagal naman ni Roge?
Sunday morning and we are here in the garden para maarawan naman si Calvin. Ilang araw na ang nagdaan ngunit wala namang naganap na pagbabago. I'll have the meeting with the director about the hospital and another meeting with Hector for information about the incident week ago. Hector told me na nangangamba ang ibang attorneys dahil sa nangyareng iyon. Kung may attorney na mayabang, mayroon rin namang duwag. Pinangangambahan nila na baka pati sila ay madamay dahil ilan lang naman kame na kriminal lawyer sa lawfirm ni tanda. Tch. Nagresign na ako upang bantayan ang kapatid ko ngunit binibigyan pa rin nila ng connection ang pagiging isang dating lawyer ko sa lawfirm na iyon. Nag aral ako ng ilang taon upang maging isang abogado ngunit hindi na mahalaga sa akin iyon. Kung maaari lamang na lumayo n rin ako sa ospital na ito ay akin na sanang ginawa. Ayoko rin namang mapahamak ang kapatid ko kaya naman wala akong magagawa kung hindi bantayan siya ngayon.
"Im sorry Im late. I bought foods for the both of you." bigla namang pagdating ni Roge sa kung saan.
Hindi naman porket nandito si Roge ay gusto ko na siyang makasama. Alam ko ang pagkakamaling nagawa ko noon sa kaniya.
'Lahat ng iyon ay isinasantabi ko para sa iyo, Calvin. Alam kong hindi mo pa mauunawaan sa ngayon. Mas higit na mas matalino ka sa akin kaya mas magiging masaya ako kapag nalagpasan mo ang sakit mo.'
"Maiwan ko na muna kayo ng kapatid ko. The Director called. He wants to meet me. Huwag na kayong masyadong magtagal dito." I said while stretching my arms.
"Hindi ka ba muna kakain? You should it first before going there." hindi ko na siya sinagot pa at tumingin kay Calvin.
"Let see each other later. Don't stress yourself." I said then tap the shoulder or Roge before I go. Nakita ko pang tumingin sila sa direksyon ko ngunit hindi ko na iyon sinuklian pa.
Ilang minuto bago ako nakarating sa opisina ng director at mabilis din naman nila akong pinapasok. Malinis ang silid na iyon at mukha talagang opisina. Nakaayos lahat ng mga gamit at maluwag rin ang pagkakaayos noon.
" Oh your here na Adeline." Ngiting ngiti namang inilahad niya sa akin ang couch sa gitnang bahagi ng opisina upang umupo. Tango lang ang aking isinukli at umupo.
"How are you? Pasensya ka na dahil marami rin akong ginagawa." sabi niya pa.
"I am fine. Why do you want to meet me? Is there something wrong about the hospital matters?" Minsan lamang kame nagkikita kaya naman di mawala sa akin ang pagtataka.
"Hmm about the hospital, okay naman ang lahat even the charity programs." tango tango pang pahayag niya.
"Then why do you want to meet me?"
"Nagquit ka na daw sa lawfirm ni Mr. Adams." sabi niya pa na bigla kina-interesante niya. Tch. Then??
"Yeah. I guess I am back here? Makikita mo na ako kung kailan mo gusto." I said.
" Hmm, okay. That's was good. But how about being a reside-"
"No." napapailing ko pang sabi ngunit isang nagtatanong na tingin lamang ang isinagot niya.
"I told you I am done with my task here. I can't operate here. I am just here for my brother and I guess for the hospital." sunod sunod ko pang sabi sa kaniya.
"Hays. Okay fine. But you need to help me here okay? You won't be in duty but you need to there for observations. I need an eye for the meantime because I am planning to have a vacation. Sakto namang nariyan ka." Tch. Kung hindi lang siya isa sa pinagkakatiwalaan ni Mom ay sugurado akong mas mahirap pa ang gagawin ko rito.
"Okay. Got it. When are you going back?" sabi ko pa na ikinatawa lamang niya.
"Hindi pa nga ako nakakaalis ngunit gusto mo na agad akong bumalik. Hahahahaha." tinitigan ko lang siya hanggang sa siya na mismo ang huminto sa pagtawa.
"Ehem. Two weeks akong mawawala. Don't worry my secretary is here. Siya na ang bahala sa iyo sa loob ng dalawang linggo."
Ilang saglit pa kameng nag usap hanggang sa kailangan na daw siya para sa isang meeting. He wants me to be there too but I declined it because of the meeting with Hector.
Sa isang coffee shop lang kame mag uusap at pagkatapos ay babalik na rin ako sa ospital.
Habang naghihintay, kumain na lamang ako ng chocolate cake with my favorite drink.
Ilang saglit pa ng matanaw ko na siya. I don't really know what we'll talk about this matter dahil madalas akong walang pakialam sa paligid ko noon ngunit siguro nga ay magkaiba na yun ngayon.
"Attorney." nakangiti nya pang sabi bago ko isinenyas sa kaniya na umupo.
"How are you?"
"Tell me what you want para makaalis na din ako agad." sinabi ko iyon habang patuloy pa rin sa pagnguya ng cake na binili ko. Napakamot pa siya sa ulo bago siya sumenyas sa isang staff para mag order. Kilala sya sa coffe shop na ito kaya naman ganoon na lamang agad ang pag asikaso ng ilan sa kaniya.
"Nagmamadali ka ba?" isinandal ko ang aking sarili sa silya at tumingin sa kaniyang gawi.
"How was the case of the father?" Ilang araw lamang ang lumipas kaya naman nangangamba ako na hindi pa rin tapos ang lahat ng nangyare sa kaso ng batang iyon kasama ang kaniyang ama.
"They are now together and everything is done. Matapos noon maraming tumulong sa kanila at pinag uusapan pa rin ng karamihan ang kasong kinasangkutang ng pamilya nila."
"Hmm, okay. Let's go back to our discussion. What do you want to talk about?"
Napabuntong hininga pa muna siya bago nagawang magsalita.
"They are worrying. Some of them resigned. And something changed because the law firm was already well-known because of the last case. You don't have plans to go back?"
Tch. I resigned. Why would I go back there?
"It seems you're not." patango tango niya pang sabi habang hinahain ang pagkaing inorder niya.Nakilala niya ako sa loob ng isang taon ngunit hindi pa rin niya ako kaganoon kakilala.
"Ano naman ngayon kung ganoon nga ang nangyayare sa lawfirm? Dapat nga ay matuwa kayo dahil may mga bagong lawyer at sa tingin ko mas magaling pa sila kung para sa dati." sabi ko naman.
"Haysss fine. Fine. I know you'll say that." natatawa pa niyang komento sa akin.
"Hindi iyan ang inaabangan kong dahilan mo Hector." muli kong kinuha ang aking tinidor at sinimulan muling kumain.
"Tell me, nahanap mo na ba yung babae noong nakaraan?" napatigil ako sa pagnguya ng itanong niya iyon. Hindi na ako magtataka kung mapapagtanto niyang babae nga ang taong iyon.
"Masyado akong busy para riyan. I already assumed that you'll investigate that matter." napatingin pa ako sa paligid at muling ibinalik sa kaniya ang aking paningin.
"Yeah, you're right. I already investigate it. Masyadong malinis ang lahat kaya naman gusto kong malaman kung may nalalaman ka ba kung baket niya ginawa iyon?"
Me? Is he really think I know a thing about that girl? Ang alam ko lamang ay dapat ko siyang hanapin dahil sigurado kong isa siya sa may pakana ng mga litratong isinend niya kay Roge.
"I know nothing. Gusto kong alamin mo rin iyon. Katulad mo wala pa akong nalalaman patungkol sa babaeng iyon ngunit isa lang ang nalalaman ko," sabi ko pa na ikinaalerto naman niya dahil gusto niyang marinig ang susunod ko pang sasabihin.
"Ako ang target niya." marami na akong natanggap na death threat galing sa iba't ibang kaso noon at alam niya rin iyon.
"Ano ang dahilan kaya niya ginawa iyon?" mas interesante pa niyang tanong ngunit nanatili akong nakatitig sa kaniya.
"I am giving you a chance to take care of yourself. I know they are watching me everywhere kaya naman kailangan mong mag ingat." I said seriously na mukhang ikinatakot naman niya. Tch. Anong nakakatakot sa sinabi ko? Pinag iingat ko lang naman siya.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at hinarap siya.
"Make a call if you find something. Hindi kita tinatakot ngunit aasahan kong binigyan na kita ng babala." sabi ko pa bago sinimulang maglakad paalis. Hindi ko kayang gawing pananggala ang sarili ko sa lahat ng kilala ko kaya sanakahit sa isang babala ay matuto rin silang lumaban. Alam ko namang ako ang puno't dulo nang lahat ng ito at ako ang kailangan nila ngunit traydor ang mga kalaban. Lahat gagawin nila para lang makapaghiganti sa hindi ko nalalamang rason.
Sumakay ako sa aking motor bago ipinaharurot iyon paalis.
Natatakot rin ako para sa kanila ngunit hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para protektahan sila. Ayoko silang idamay ngunit ganoon talaga siguro, pilit mo man silang ilayo sa iyo, kalaban na ang kusang maglalapit ng landas niyo.
Patuloy lang ako sapagmamaneho hanggang sa huminto iyon papasok sa parking ng hospital. Wala sa sarili kong tinanggal ang aking helmet at tumingin sa paligid. Ganoon naman ang aking pagtataka ng may pumarada ring motor malapit sa aking gawi.
Hindi niya tinanggal ang kaniyang helmet ngunit ganoon naman ang gulat ko ng itutok niya ang isang baril sa aking gawi.
"What-"
Tatlong magkasunod na putok ng baril ang ipinaulan niya kaya naman agad akong napagulong patago sa isang sasakyan sa aking kanan. Hindi pa natapos iyon dahil ilang ulit pa siyang nagpaulan ng bala bago ko narinig ang pagharurot ng kaniyang motor pa aalis.
"September!" narinig ko naman agad ang boses ni Roge kaya naman kusa na akong lumabas sa aking pinagtataguan at tumingin sa paligid. Nagkalat roon ang mga bantay na itinalaga ko upang magbantay ganoon naman agad ang pagsulpot ni Roge sa isang gilid.
"Hey! Are you okay?" isang nag aalalang tinig ni Roge ang lumapit sa akin ngunit hindi ko siya pinakinggan at tumingin sa direksyon kung saan ko huling nakitang ang naka-motor na iyon.
Tch. Another warning shot again huh? Baket hindi niyo na lamang ako patamaan talaga para matapos na agad agad?
"Nasundan niyo ba?!" sabi pa ni Roge. Hindi ko alam paano siya nakapunta rito ngunit siguro dahil sa tagal ng mga putok na iyon ay nakapunta na sila agad.
"Pasensya na Boss ang bilis ng takbo ng motor niya at hindi na namin nasundan pa." napabutong hininga na lamang ako.
Great. Kanina lamang ay ganoon ang pagpapaalala ko kay Hector na mag iingat siya ngunit ako pa itong muntikan ng magbutas butas ang katawan.
"Lets just go inside." yun na lamang ang aking sinabi at sinenyasan na lamang sila bago nanguna sa pagpasok sa loob ng elevator.

Komento sa Aklat (18)

  • avatar
    John Lester Awayan

    ssue3

    09/08/2022

      0
  • avatar
    Melanie Jimenez Real

    Thank you😘Nice story!

    08/07/2022

      0
  • avatar
    SisdueroKisjane_9

    good

    16/04/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata