logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Braille's POV.
I'm Braille Hantxia 210 thousand years. it is not easy to live for a long time because you're not aware of your life that's gradually losing it's vitality. Not because you're alive you're always happy, sometimes it becomes problematic and sad that you'll just wake up, without a reason. You’re just living on nothing and feels like your just following something you don’t like that you should like, otherwise it will at least kill you in the end.
I'm also a vampire that lives in here, in this world. May kakayahan akong tumakbo nang mabilis, mang-hypnotized, bumasa nang utak, at ang higit sa lahat ang lumakad sa gitna nang tirik na araw. Ako ang masuwerteng bampira na nakakalakad sa isang tirik na araw dahil sa ako ay half werewolf, pero mas pinili kong kumampi sa mga bampira. Ang aking ina ay isang bampira habang sabi nang aking Lola ay ang aking ama ay isang asong lobo, at ng mabuo ako ay tanging ang Lola ko ang bumuhay sa akin at sobra akong nanggagalaiti dahil namatay ang aking ina nang 'di ko alam ang dahilan, at nagagalit ako sa tatay ko dahil sa 'di man lang niya ako inalagaan. Hindi na nak'wento pa sa akin ng aking Lola ang lahat ng detalye dahil alam niyang masasaktan lamang daw ako at di pa raw siya nakapag-move on.
Sumisilip ako sa hardin ng mga asong lobo para tingnan kung may pinaplanong masama ang mga ito ngunit ngayong araw bigla akong nagtaka nang may na amoy akong 'di pangkaraniwang dugo kaya dali dali akong nagtago sa isang puno. Pumitas ito ng Rose Juliet na waring masaya sa nakikita, ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad nito. Unti-unting lumabas ang mga asong lobo at pinalibutan siya nang mga ito, napapatanong ako sa sarili kung tutulungan ko ba ang babae o pababayaang makain. Ang babae ay hindi medyo katangkaran ngunit gumaganda ito sa kaniyang kutis, labi, mata at ilong, at 'di rin mawari ang suot niya dahil sa nakasuot ito nang isang di pagkaraniwang nakikita nang aking mga mata.
Lalabas na sana ako sa punong pinagtataguan ko nang makitang isang pulgada na lang ang layo nito sa kaniya para siya ay makagat ng mga asong lobo, ngunit may biglang sumulpot na bampira at pinagsasaksak ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang bilis at espadang sa wari ko ay yari sa purong silver. Kita rin sa balat nito ang pagkakasugat dahil sa sikat ng araw.
I was amazed at what I saw and maybe he was the key to lose my hatred. Dahil sa mga werewolves na 'yon namatay ang aking ina, nang dahil sa tatay kong warewolf namatay siya! He'll pay for what he did, at hindi ko papayagang may mabuhay pang kahit na isang asong lobo kun'di ako lang!
I immediately went to my place to tell my grandmother what I had seen and what we could we do to benefit that vampire. And I could also see the eyes of anger felt by that warrior vampire. Hindi ko na ito palalampasin, at wala nang kahit na isang warewolf ang mabubuhay sa mundong ito. "Sa amin na ang kapangyarihan!" saad ko sa sarili at napapangiti sa mga naiisip.
Pumunta na ako sa bahay at do'n nakita ko si Lola na naghahanda nang pagkain.
"Oh san ka galing?" seryosong tanong nito sa 'kin.
"Sa lungga nang mga asong lobo La," sagot ko na nagpahinto sa kaniyang ginagawa at masinsinang tumingin sa akin.
"As ussual La, nag-obserba ako," dugtong ko
"Oh tapos?" seyosong tanong niya.
"May nakita akong isang bampira na puwedeng makatulong sa atin."
"Sino naman 'yan? "
" 'Di ko pa kilala ang buong pangalan niya pero pagsisikapan kong mapapanig siya sa grupo natin."
"Mabuti kung gano'n, kailan mo siya kakausapin?"
"I don't know," seryosong saad ko.
"Why?"
"May nangyari kanina kaya 'di dapat ako basta basta kung kumilos at baka may hindi magandang mangyari," paliwanag ko
"Ok, let's eat. Sana lang ay matulungan din tayo niyan na ma-ensayo ang ating iba pang kasamahan."
"Paniguradong matutulungan tayo no'n La," saad ko at ngumiti sa kaniya.
"Pa'no mo nasabi 'yan?"
"Just wait and see La," saad ko na ikinangiti rin niya.
Umupo na ako at nagsimulang kumain.
"Pupuntahan natin mamaya ang mga taong kasapi natin," seryosong saad ni lola habang kumakain.
"Mmm," tanging sagot ko.
"Ba't 'di na lang sila ang papuntahin mo La?", dugtong ko.
"Sa'n naman?"
"Sa backyard na lang natin, atleast don may malaking espasyo na kasya sa lahat at 'di mahahalata nang kaaway ang ginagawa natin dahil sa may malaking pader din doon na nagsisilbing harang para hindi tayo makita," paliwanag ko.
"Good idea, apo," she proudly said and smiled at me.
"Buti na lang at nagmana ka sa akin," mayabang na saad nito.
"Bakit po? Ang ina ko ba'y hindi matalino?" nagugulumihanang tanong ko.
"Let's don't talk about that topic." Naiiritang saad nito na pawang hindi gustong sagutin ang aking maikling katanungan.
"La... I wanna know...," pagpupumilit ko.
"P-please—." Nakataas ang kamay na pawang gustong itigil ko ang pagtatanong. Pinigilan ko na lamang ang sariling magalit dahil sa palagi niyang ginagawa sa tuwing magtatanong ako tungkong sa aking ina.
"Ba't ba ayaw niyang talakayin sa 'kin ang ugali, itsura... at kung ano mang merong katangian ang aking ina? Hindi ba't apo niya ako?" tanging tanong sa sarili ko sa tuwing gano'n ang nangyayari.
Pinagsawalang bahala ko ang nararamdaman at iniisip ko upang hindi masira ang araw ko. Tapos na akong kumain kaya naman nagpasya akong tumayo nang bigla akong tawagin ni Lola nang balak kong pumunta sa backyard.
"Apo! " sigaw nito ngunit 'di amang ako kumibo at nag-stay na lamang ako sa aking kinatatayuan.
"Sa'n ka pupunta?" tanong niya nang maramdamang may gusto akong puntahan.
"Backyard," maikling sagot ko.
"Nagtatampo ka ba apo?" tanong nito na mukhang nahulaan ang aking nararamdaman.
"Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ako sa iyong ina kaya iniiwasan kong pag-usapan siya," explain nito. Tsk unacceptable reason!
Umalis na lamang ako dahil sawa na ako sa mga dahilan niyang paulit-ulit, minsan napapatanong ako kung niloloko ba niya ako na mismong apo niya o pati sarili niya niloloko niya? Patagal ng patagal, di ko na siya masiyadong maintindihan! Apo nga ba niya ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko? May bumabagabag sa isipan at puso ko, pero nakita ko mismo ang nanay ko sa litrato habang hawak hawak ako, kaya apo niya ako! Pero bakit 'di man lang niya masabi sabi man lang ang mga katangiang meron ang aking ina? Talaga bang nangungulila siya o naiinis siya sa tuwing naiisip niya ang aking ina?
"Huwag mong isipin 'yan!" biglang sulpit ni Lola sa aking likuran at pawang nangggalaiti.
"Mahal ko ang iyong ina! Ang a-aking anak..." sigaw nito na pawang gumagaralgal ang kaniyang tinig dahil sa mga luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata.
"Hindi mo alam ang paghihinagpis na nararanasan ko sa tuwing maalala ang sanhi nang pagkamatay ng iyong ina! " umiiyak at galit na saad nito sa 'kin.
"S—," di ko maituloy na paghingi nang tawad.
"Tila nakalimutan mo yatang marunong ako— tayong bumasa nang isipan apo..."
"S-sorry Lola," paghingi ko nang pasens'ya
"Hindi lang talaga ko lang talaga matanggap ang mga dahilan niyo, ilang taon na ang nakalipas ngunit kahit isang dahilan walang pinagbago, at eto ako, gusto ko lang naman malaman ang katangiang mayroon ang aking ina, alam niyong hindi ko siya nakita simula pagkabata," mangiyakngiyak na explenasyon ko.
"Ang iyong ina ay hindi madaling kalimutan apo... Siya'y tulad mo... Kuhang kuha mo ang lahat nang ugali niya..." saad niya habang dahan dahang lumalapit sa akin.
"Kaya kung magtatanong ka kung ano ang mga katangiang meron siya..." dugtong nito hanggang sa tuluyan itong makalapit sa akin.
"Tumingin ka sa salamin at suriin mo ang iyong sarili kasama nang kaniyang litrato, at doon mo mapapatunayan ang mga sinabi kong katulad ka nang iyong ina," saad nito at saka ako niyakap. Gayundin akong yumakap sa kaniya at umiyak sa kaniyang balikat gayundin siyang umiiyak sa akin.
Third Person's POV.
Flashback
Ang mundo nang bampira at werewolves ay masaya, maganda, maligalig at puno nang kapangyarihan. Ang mga asong lobo ang mga ito ay nagiging tao kapag ginugusto nila at sila rin ang nagsisilbing tagapangalaga nang mga bampira, sila ang gumagawa nang paraan upang mapabuti ang mga ito ngunit tiningnan ito nang masama nang ibang mga bampira. Nagkakasundo ang dalawang panig, ngunit sa tingin ng ibang bampira ay mas nasusunod ang panig ng mga asong lobo dahil sa tingin ng iba tama ang mga desisyon at gawaing kanilang ginagawa.
Meet Bolivia isang babaeng may pangangatuwiran ngunit nagagamit niya ang pangatuwirang ito sa masama, sa tingin ng iba siya ay mabait, nasa kaniya rin ang kagandahan, sabihin na nating nasa kaniya ang katangiang panlabas ng isang babae. Si Bolivia ay may tinatagong kapangitan sa kaniyang panloob na katangian, nagbabalak siyang agawin ang kapangyarihang mero'n ang mga asong lobo na sa totoo lang ay nasa mga bampira na ang lahat ng kapangyarihang hinahangad ng mga asong lobo na magkaroon din sila. Ngunit dahil sa kasakiman, nagdulot ito nang isang malaking pagbabago sa kanilang mundo, dahilan para mag-away ang dalawang panig.
Ang mga grupo nang mga asong lobo ay nababahala sa trahedyang dadanasin ng kanilang lahi at ang lahi nang mga bampira. Si Jane ay isang warewolf na naghahangad ng kapayapaan siya ay anak ni pinunong Manuel. Wala nang mahihiling ang ama sa kaniyang anak dahil nasa kaniyang anak na ang lahat ng mga bagay na inaasam ng lahat ng magulang. Siya ay hinahangaan ng lahat ng kalalakihan sa kanilang tinitirhan/kuta ngunit nabihag na ni Zachary ang kaniyang puso,Si Zachary ay isa sa pinagkakatiwalaan ng ama ni Jane, ito ay matikas at mabait, maputi at matangkad, may mapupungay na asul na mata at mga mapupulang labi, matangos na ilong at makakapal na kilay. At kahit na sino ay walang tumutol sa kanilang pagmamahalan.
Habang si Nathan ay moreno, matikas, maputla, may magagandang pulang mata, matangos na ilong at mapupulang mga labi, ngunit siya ay tagahanga at sunod-sunoran lamang sa taglay na kagandahan at paninindigan ni Bolivia, no'ng una ay inibig niya ito nang patago ngunit 'di naglaon ay 'di niya napigilan ang sariling umamin dahil sa takot na baka ay maunahan siya nang iba. At hindi siya nabigo dahil sa matagal niya na palang nabihag ang puso ni Bolivia sa isang simple at pakunwaring tingin ni Nathan.
Ilang taon ang nakalipas nagsilang ng isang maganda at mabait na sanggol si Bolivia at pinangalanan itong Ferlisa, dahil sa para itong hiyas sa kanilang mga mata. Habang si Jane naman ay nagsilang ng isang gwapo at mabait na sanggol, pinangalanan nila itong Randyle.
Ang pag-aaway ng dalawa ay hindi natapos hanggang sa magkaroon ang mga bampira nang pamilya kabilang na dito si Bolivia na nagsulong sa mga bampirang gustong magapi ang mga werewolves.
Dumating ang araw na naging dalaga ang anak nina Bolivia at Nathan, si Ferlisa. Taglay nito ang kagandahang meron ang kaniyang ina ngunit tagalay nito ang kabaitan nang kaniyang ama, kung tutuusin mas malapit si Ferlisa sa kaniyang ama dahil supportado siya nito kahit anong gawin niya. Hindi pinipigilan ni Nathan ang kaniyang anak na gawin ang mga gusto nitong gawin upang mabigyan ito nang kalayaan kahit na nag-aaway pa rin ang panig ng lahi nila at lahi nang mga asong lobo. Samantalang naiinis si Ferlisa sa kaniyang ina dahil sa gusto nitong ipagpilitan ang mga gawaing masama, mga bagay na ayaw niyang matutunan sa kahit na sino lalo na sa kaniyang ina dahil sa totoo lang mas panig siya at ang kaniyang sa mga asong lobo. Sa bawat sandaling mapapagalitan siya nang kaniyang ina dahil sa pagpanig sa tinuturing nitong kalaban ay nandiyan parati ang kaniyang ama para ipagtanggol siya.
Habang si Randyle naman ay naging isang tunay na lalaki, matipuno, matapang at higit sa lahat mabait. Wala ka nang mahihiling sa kaniya at pawang ang katangian ng kaniyang mga magulang ay nasa kaniya.
Masaya si Ferlisa at Randyle sa kanilang kaniya-kaniyang mga buha. Nang biglang nagdeklara nang digmaan ang panig ni Bolivia.
"Maghanda ang lahat sa digmaan!" sigaw ni Bolivia sa kaniyang mga kapanig at pumunta sa kanilang tahanan kung nasaan ang kaniyang mag-ama upang pagsabihan.
"Maghanda na kayo," utos nito sa kaniyang mag-ama.
"Tapos na Ma, " saad ni Ferlisa habang nakangiti.
"Oh ikaw?" tanong nito kay Nathan.
"Tapos na rin mahal," malambing na saad nito. Si Ferlisa ay waring kinilig ngunit napalitan ito nang lungkot ng i-ignore lang ito nang kaniyang ina. Nabasa ni Ferlisa ang kalungkutang nasa mata nang kaniyang ama at niyakap ito upang mapagaan ang kaniyang loob.
"Ok ka lang pa? Pagpasesiyahan na lang natin si Mama marahil ay marami siyang iniisip dahil digmaan," malambing na saad nito sa ama.
"Mmm— marahil nga, oh siya! Nasisigurado mo bang marunong ka na gumamit niyang pana at espada?" tukoy nito sa kakayahan ni Ferlisa. Tinuruan ni Nathan si Ferlisa kung paano gamitin ang pana upang mapagtanggol ang kaniyang sarili.
"Siyempre! Ikaw nagturo sa 'kin Pa," nakangiting saad nito sa ama. At silay nagyakapan na pawang walang iniindang problema.
Habang si Randyle naman ay naghahanda na nang kaniyang sarili lalo na sa mga gamit na kaniyang gagamitin. Siya ay nasa kaniyang silid at nalilito kung anong armas ang dadalhin. Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal niyon ang kaniyang mga magulang na pawang handang handa na sa mangyayaring digmaan.
"Ano nakapaghanda ka na ba anak?" tanong ni Zachary sa kaniya.
"Hindi pa po," sagot naman nito.
"Piliin mo ang armas kung sa'n komportable ka anak," suhestiyon naman ng kaniyang inang si Jane.
"Salamat po," pasalamat nito sa mga magulang at niyakap ang mga ito. Pagkatapos magyakapan ay napagdesisyunan ng kaniyang mga magulang na lumabas at kumustahin ang iba pa nilang kasamahan, pagkalabas ng kaniyang mga magulang sa kaniyang silid ay itinungo niya ang kaniyang paningin sa mga sandatang pagpipilian. Dahil sa suhestiyon ng kaniyang ina ay napadali ang kaniyang pagpili, pinili niya ang espada. Dahil tulad nga nang sabi nang kaniyang ina, mas komportable siyang gamitin iyon.
Ilang minuto lang ay nagsimula na ang digmaan...
"Sugod—!" sigaw ng bawat isa sa bawat panig.
Ang lahat ay determenadong manalo at maangkin ang kapangyarihan...
Bawat tunog ng mga sandata ay rinig na rinig, ang panig ng mga asong lobo ay nagkakaisa. Nakasuot ang mga ito nang baluti upang di matablan ng silver.
Ang bawat isa ay may kapares, isang warewolf at isang bampira ang naglalaban. Bawat tira nalalagasan ang bawat panig, bawat laban may namamatay...
Third Person's POV.
Continuation...
Si Ferlisa at Randyle ang nagkalaban gamit ang kanilang mga espada, ang dalawa ay napatigil at wari tumitingin ng tiyempo para matamaan ang bawat isa.
"Ah—!" sigaw ni Nathan dahilan para mapatakbo si Ferlisa sa kaniyang ama.
Sinaksak niya ang isang asong lobo na katunggali nang kaniyang ama, at dali-daling nilapitan ang ama.
"Pa..." tanging nabanggit ni Ferlisa.
"Itigil niyo na itong kamangmangan ninyo! " sigaw ni pinunong Manuel.
"Ma... Please tama na 'to!" sigaw ni Ferlisa sa kaniyang ina.
"Hindi! Natamaan ang ama mo!"
"Ma... "
Naglabanan ang bawat panig habang si Randyle ay palihim na pumunta sa puwesto ni Ferlisa at ng kaniyang ama, binigyan niya ito nang gamot na makapagpapagaling sa sugat ng ama ni Ferlisa.
"Ba't mo ito ginagawa?" nagugulumihanang tanong ni Ferlisa kay Randyle.
"Ramdam ko ang kabutihan mo at ng iyong ama" sagot nito at umalis dahilan para 'di nakapagpasalamat si Ferlisa sa kaniya.
Natapos ang laban at puro sugatan ang lahat ng mga bampira.
Nasa bahay lang si Ferlisa at binabantayan ang kaniyang ama na nagpapahinga. Nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa niyon ang kaniyang ina.
"Bakit nawala ka sa laban?" seryosong tanong nito sa kaniya. Kaya napatingin siya rito nang masama.
"Kailangan kong tingnan ang aking ama... Ang iyong asawa... " sagot ni Ferlisa.
"Malaki na ang iyong ama," sagot ni Bolivia.
"Ganyan ka ba ka walang pake ina?" pasigaw na saad ni Ferlisa.
"Wala ka bang pagmamahal? Awa? O puso?" dugtong pa ni Ferlisa.
"Wala tayong puso! Pagmamahal? May alam ka ba sa mga sinasabi mo! " sigaw ng kaniyang ina.
"Meron ina! Ikaw ang wala—," saad ni Ferlisa ngunit hindi niya ito naituloy dahil sa malakas na sampal ng kaniyang ina. Napaiyak siya sa sampal na iyo, iyak na may galit sa mga mata.
"Wala ka nga talagang puso... " saad ni Ferlisa at tumakbo palabas ng kanilang bahay.
Narinig ni Nathan ang lahat ng sagutan ng kaniyang mag-ina, at nasasaktan siya sa bawat sagot na sasabihin ni Bolivia.
Oras ng gabi, nasa kalagitnaan ng gabi si Ferlisa. Hindi iniinda ang mga maaaring mangyari sa kaniya, ang tanging iniinda lamang niya ay ang galit sa kaniyang kalooban.
"Tila may iniinda ka nang sama nang loob, " saad ng isang pamilyar na boses. Tumingin at pinakikiramdaman ang paligid ngunit wala siyang maramdaman.
"Sino ka?" seryosong tanong ni Ferlisa ngunit wala siyang nakuhang sagot. Naglakad na lamang siya ngunit may tumakip sa kaniyang bibig, dahilan para mabalibag niya ang kung sino mang nasa kaniyang likod. At don niya nakita ang lalaking tumulong sa kanila nang kaniyang ama.
"Sino ka? " nagugulumihanang tanong ni Ferlisa sa lalaki.
"Randyle," sagot nito.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ulit ni Ferlisa.
"Eh ikaw, sino ka?"
"Sagutin mo muna ang katanungan ko!"
"Pa'no kung ayaw ko?" sarkastikong tanong ni Randyle at dahan-dahang lumapit kay Ferlisa dahilan para mapa-atras ito.
"Ano ba ng kailangan mo!" pasigaw na saad ni Ferlisa.
"Pangalan mo"
"Ferlisa"
"Mmm ok," sagot nito at mabilis na umalis. Umuwi na si Ferlosa sa kanilang tahanan at natulog.
Kinabukasan may nakita siya sulat sa kanilang bintana, kaya kinuha niya ito at binasa.
"Magkita tayo sa hardin naming mga asong lobo," saad sa sulat.
Walang magawa si Ferlisa kaya naman ay pumunta siya rito sa oras ng gabi.
"Nasa'n ka? " pasigaw na tanong ni Ferlisa.
"Nandito," sagot ni Randyle at sa paglingon ni Ferlisa sa may puno. Nakita niya roon ang lalaki.
Simula noon naging magkaibigan sila at 'di kalauna'y nagmahalan ang dalawa kahit batid ang kanilang pagkakaiba at ang pag-aaway ng kanilang lahi.
Sa kagitnaan ng gabi may isang babaeng lumapit sa kaniya.
"Hi, I'm Zamara," pagpapakilala sa kaniya nang babae.
"Anong maitutulong ko sa iyo?" tanong ni Ferlisa.
"Wala naman, gusto sana kitang maging kaibigan. Ano pala pangalan mo?" tanong sa kaniya nang babae. Inobserbahan niya ang babae at sa tingin niya ito ay mabait.
"I'm Ferlisa," sagot niya.
"Alam mo bang napapansin kita sa mga hardin ng mga Asong Lobo," saad nito.
"Shhh... Huwag kang maingay," pagpapatigil ni Ferlisa sa babae.
"Ahh ok, sige bye kita na lang tayo bukas," paalam ng dalaga
"Mmmm," tanging sagot ni Ferlisa.
Simula nang magkakilala ang dalawang dalaga ay naging matalik itong magkaibigan at alam din ni Zamara ang mga ayaw, gusto at sikreto ni Ferlisa. Mapagkakatiwalaan si Zamara at gayundin sa kaniya si Ferlisa. Alam ni Ferlisa ang mga ayaw, gusto at sikreto ni Zamara. Isa na dito ang pagkagusto sa isang bampirang si Duke.
"Ano itong nalaman ko?" biglang sulpot ni Bolivia.
"Ma—"
"Itigil mo ang kagagagahang 'yan! "
"Anong nangyayari rito?" tanong ni Nathan.
"Umalis ka muna Zamara," saad ni Ferlisa sa kaibigan. Sumunod naman ang kaibigan.
"Mali ang ginagawa mo Ferlisa! Alam mong kaaway sila! " sigaw ni Bolivia.
"Hah? Talaga ba ma? Bakit sa tingin ko kayo yung mali? Kasakiman niyo ang iniisip niyo!" sigaw ni Ferlisa sa ina.
"Ano ba Bolivia! Bakit ba nakikialam ka sa kagustuhan ng anak natin?" sigaw ni Nathan sa asawa.
"Anong... Hindi!"
"Ano ba ma! Mahal ko si Randyle!"
"Hindi pupuwede!"
"Pupwede ma! Alam ko na ang lahat! Ikaw ang nagsimula— kayo! Kayo ang nagsimula nitong gulo! At huwag niyo kaming dinadamay diya!"
"Wala kang utang na loob!"
"Ano ba Bolivia! Tumigil ka na! "
"Hindi! "
"Tu-mig-gil ka na—!" sigaw ni Nathan ng biglang nahimatay at naglahong parang papel na nasusunog ang kaniyang ama.
"A-anong nangyayari?" tanong ni Ferlisa at nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha. Nakita niya ang ina na wala man lang luhang tumulo sa mga mata.
"Ikaw ba ang may gawa nito?" nanggagalaiting tanong ni Ferlisa. Hindi ito sumagot pero alam na ni Ferlisa ang ginawa nang ina, alam niyang nag-aaway ang mga magulang sa tuwing umaga. Away na halos magpatayan na ang dalawang magulang pero 'di niya inaasahan ang mangyayari, ang gagawin ng kaniyang ina.
Matapos ang nangyari di na muling nagpakita si Ferlisa sa kaniyang ina at alam ni Bolivia na nasa kuta ito nang mga asong lobo. Ngunit kahit na sinong bampira ay walang may alam kung ano ang nangyari sa kaniya.
End of Flashback.

Komento sa Aklat (457)

  • avatar
    Antonio Cloves Parnoff

    muito bom

    17d

      0
  • avatar
    Udinsarmi

    505

    21/08

      0
  • avatar
    Yunita06Eka

    ⭐⭐⭐⭐⭐

    03/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata