logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Ipinarada ni Cyler sa garahe ang kanyang Suzuki DR-Z400E na may kulay dilaw at itim. Nasa pinakasulok niya ito ipinuwesto dahil nakagarahe na roon ang Blue Subaru BRZ ng nakatatandang kapatid niyang si Courtney, pati ang dalawang ekstrang sasakyan: ang red Mazda CX-3 at puting Ford Everest. Paminsan-minsan ay ginagamit niya ang Mazda sa eskuwelahan, lalo na kapag umuulan.
Napatingin siya sa kaliwang bahagi niya kung nasaan ang malapad na well-manicured lawn na nasa harap ng kanilang mansion. May modernong disenyo ito.
Pansin niyang nakabukas na ang mga ilaw sa loob at sa porch. At pansin niya ring wala pa roon ang dalawang sasakyan na madalas ginagamit ng mga magulang. For sure, late na naman ang uwi ng mga iyon.
Ipinatong na lang niya ang kanyang itim na helmet sa motorsiklo. Pagkatapos ay binaybay na niya ang cobbled stone pathway patungo sa harap ng bahay. Sa magkabilang gilid ng dalawang metrong lapad na pathway ay mga bulaklak na rosas na pula, dilaw, puti, rosas, at asul. Gawa sa puting marmol ang sahig ng porch at sa loob ng kabahayan. Kulay puti ang pader nito na gawa sa bricks, semento, at salamin. Samantalang ang bubong ay gawa sa roof tiles na kulay asul.
Sinalubong siya ng katulong para kunin ang kanyang backpack.
“Ako na, Manang Kiki,” matabang na aniya sa may edad na babaeng naka-bun ang ubaning buhok. Matagal nang naninilbihan si Manang Kiki sa pamilya nila. Ito pa nga ang nag-aalaga sa kanila noon ng kapatid, hanggang ngayon.
“Kumain na kayo ni Courtney. Inihanda ko na ang mesa pagkarinig kong dumating ka na. Sinabi kasi ng guard sa intercom.”
Tumango lang siya sa may edad na babae at pumanhik sa grand staircase. Meron itong wrought iron banister, gawa sa pinakinis na matibay na kahoy ang hawakan.
Isinara na ng katulong ang malaking tarangkahang gawa rin sa pinakamatibay na kahoy at may nakaukit na anghel sa gitna at kadenang bulaklak ang nakapalibot sa gilid.
“Late na naman daw uuwi ang parents n’yo, Cyler,” pahabol ni Manang Kiki habang nasa paanan ng malaking hagdan na gawa rin sa semento at marmol.
“Ano pa nga po ba ang bago, Manang Kiki?” matamlay niyang tugon.
Nilingon niyang saglit ang katulong habang umaakyat. Napailing lang ito at umalis na, nawala papunta sa kusina sa pamamagitan ng double doors sa kanang bahagi. Nagbawi na siya ng paningin nang tumama sa mata niya ang crystal chandelier na nakasabit sa kisame.
He walked on the wide hall towards his room. Sa dingding ay may recessed lighting fixture na asul at kahel nang pasalit-salit at saka paintings. Meron ding floor lighting na kulay dilaw. Wala yatang sulok sa mansion na ito ang madilim.
Nang madaanan niya ang silid ng kapatid ay napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto nito. Nagpatugtog ito ng “Believer” ng Imagine Dragons sa player. Bumalik siya nang paatras at kinatok ito. Tanging ang lampshade ang nakabukas sa loob.
“Court, dinner in five minutes,” sabi niya rito. Ayaw kasi nitong tawaging “Ate.” Isang taon lang naman ang gap nilang dalawa. She was nineteen. Nakita niyang nakahiga itong padapa sa malapad na kama na may cover na printed black and white. Nasa itaas ang mga paa habang may kinakalikot sa tablet. Nakasuot lang ito ng pajama na terno na checkered blue and black.
Lumingon sa kanya ang kapatid. “Not hungry,” sabi nito.
Bumuga siya ng hangin. “Look, it’s only us.”
“I had cake,” anitong hindi na siya tiningnan.
“Nakahanda na si Manang Kiki, okay?”
Bumusangot itong umupo nang naka-Indian position. “I’m busy! May kailangan pa akong tapusin.”
Nanantiya siyang napasulyap sa tablet. “Social media?”
“No! You should know me better! I hate social media! I hate people ranting and posting things about their personal lives like it’s some kind of an open diary!” She exasperatedly combed her hair with her fingers, showing the heart shape of her face.
Nakuha na niyang nagre-research malamang ang kapatid sa paggawa ng website. Software engineering din naman kasi ang kurso nitong kinukuha sa parehong academy na pinapasukan niya.
Umiling na lang siya. “If you don’t want to eat, at least, just be with me. Para naman hindi magna-nag si Manang Kiki.” Umalis na siya pagkasalita. Alam niyang mapipilitan na ito kapag tungkol kay Manang Kiki na magna-nag ang paksa. Hindi sila titigilan ng may edad na babae hangga’t hindi sila kumakain nang sakto at sa tamang oras. Kapag ganoon ay siguro aabutin sila ng mga fifty years bago lulubayan.
Their parents were always busy at expanding their family businesses. Gumagawa ng hotel and shipping empire ang ama at ina kaya palaging wala sa tabi nila. Hindi na niya matatandaan kung kailan sila nagkaroon ng “family bonding.” Kahit weekends, birthdays, at special occasions ay busy pa rin ang parents nila. Tila wala na ngang pahinga ang mga ito basta lang kumikita ng malaki.
“I can’t wait to leave this house,” bulong niya sa hangin.
Plano niyang bumukod pagka-graduate niya ng senior high. Gagawin niya ang gusto niya at aabutin niya nang mag-isa ang pangarap niya. Ipapakita niya sa mga magulang niya, kung interesado ang mga ito, sa kung ano ang kaya niyang gawin na wala ang tulong ng mga ito.
Pumasok na siya sa kanyang silid. Sobrang laki niyon katulad ng kay Courtney. Sobrang tahimik. Pakiramdam niya ay hindi siya welcome. It was like living in a place, where no one wanted him.
Napakalungkot. Nakakainis din.
Hindi naman siya preso pero pakiramdam niya ay ganoon na rin. Gusto na niya talagang umalis doon para wala na siyang alalahaning ibang tao, lalo na ang mga magulang na wala namang pakialam sa kanilang magkakapatid.
Napabuga siya ng hangin pagkalapag ng bag sa ibabaw ng kanyang study table, kung saan may study lamp, mga libro, papel, at ballpen. Nakaayos ang mga ito. Malamang si Manang Kiki ang umayos ng lahat ng iyon upang maging masinop ang silid niya.
“Cyler! I thought we’re going to eat!”
Narinig niyang reklamo ng kapatid.
“I’m coming! Don’t yell like the freaking house is on fire!” inis na pakli niya.

Komento sa Aklat (18)

  • avatar
    Bernz Bernardo

    the story is beautiful

    24/05

      0
  • avatar
    panganibanmarygrace

    good

    13/05

      0
  • avatar
    Dict Dulay Mejos

    dahil sa love nag lakas loob ulit Akong mag mahal

    21/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata