logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 4

Paalis na sana ng university si Bea nang harangin siya ni Ivan na bigla-bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.
Kahit na nakakainis ang pagmumukha ni Ivan at gustong-gusto itong pahalikin ni Bea sa lupa ay umakto pa rin siyang hindi niya ito napansin at walang imik niya itong nilampasan. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo rito ay napatigil na siya sa paglalakad nang wala sa oras dahil sa bigla nitong paghigit sa kaniyang braso.
“Hey‚ wait‚” pigil ni Ivan kay Bea at mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak niya sa braso nito.
Inis na binalingan ng tingin ni Bea si Ivan. “What?” tanong ni Bea sa malamig na boses at tinaasan ng kilay si Ivan para ipakita ritong hindi siya natutuwa sa ginagawa nito at wala siyang balak makipag-usap dito.
“Can we talk?” mahinang tanong ni Ivan habang nangungusap ang mga matang nakatingin kay Bea.
“Wala tayong dapat na pag-usapan‚” malamig pa rin ang boses na sagot ni Bea at sinubukan niyang bawiin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ivan pero bigo siya. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso na para bang wala itong balak na bitiwan siya.
“Please. Just give me five minutes of your time‚” pagmamakaawa ni Ivan na kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ni Bea pagbigyan lang siya nito‚ dahilan upang magsalubong ang kilay ni Bea.
Hindi maintindihan ni Bea kung anong kalokohan ang naiisip ni Ivan. Kanina lang ay halos patayin siya nito sa talim ng tingin nito sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagsampal dito. Tapos ngayon ay narito ito sa kaniyang harapan at nagmamakaawa. Hindi niya tuloy maiwasang isipan na baka bipolar ito o hindi kaya ay sadyang wala lang talaga itong magawang matino sa buhay kaya pinepeste siya nito.
“No‚” mariing sagot ni Bea at muli niyang sinubukang alisin ang pagkakahawak ni Ivan sa braso niya pero katulad kanina‚ ayaw pa rin nitong matinag.
“Please? Just five minutes. Okay‚ okay. Kahit one minute na lang. Just please‚ talk to me‚” muling pagmamakaawa ni Ivan‚ dahilan upang mapalitan ng inis ang kaninang pagkalitong nararamdaman ni Bea.
“I said no!” Hindi na napigilan pa ni Bea na pagtaasan ng boses ang binata dala ng inis niya sa kakulitan nito.
“Bea‚ please—”
“Bea‚ ginugulo ka ba nitong ogok na ‘to?” maangas na tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ni Bea na pumutol sa sana’y sasabihin ni Ivan.
Salubong ang kilay na binalingan ni Bea ang taong nagsalita sa kaniyang likuran. Agad namang umaliwalas ang kaniyang mukha nang mukha ni Lance ang bumungad sa kaniya. Pero bigla rin siyang nataranta nang mapansin niyang sobrang sama ng tingin ni Lance kay Ivan at ganoon din naman si Ivan kay Lance.
Masama ang pakiramdam ni Bea sa mangyayari. Mukhang magkakainitan pa sina Ivan at Lance nang wala sa oras. At kapag hindi siya pumagitan sa mga ito ay malamang na sa basag-ulo mauuwi ang masamang titigan ng mga ito sa isa’t isa.
“No. It’s not what you think‚ Lance. May tinatanong lang siya sa ‘kin‚” pagsisinungaling ni Bea at pasimple niyang inalis ang pagkakahawak ni Ivan sa braso niya para hindi ito mapansin ni Lance.
Ganoon na lamang ang tuwa ni Bea nang matagumpay niya ngang maalis ang pagkakahawak ni Ivan sa braso niya.
“Sigurado ka?” nag-aalala pa ring tanong ni Lance na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ni Bea.
“Yeah. Kaya hayaan mo na siya riyan. Halika na‚” yaya ni Bea kay Lance at bago pa man makapag-react si Ivan o si Lance ay mabilis niya nang hinigit si Lance palayo kay Ivan. Saka niya lang ito binitiwan nang makalabas na sila ng gate.
“Sige‚ Lance‚ una na ako‚” paalam ni Bea kay Lance dahil kailangan niyang makauwi nang maaga para mailabas si Liz at nang tuluyang bumuti ang pakiramdam nito.
Para kay Bea ay mas maganda na lumabas si Liz upang maglibang kaysa magmukmok ito sa apartment. Baka lumuwa pa ang mata nito kaiiyak.
“Hatid na kita‚” alok ni Lance na agad namang tinanggihan ni Bea.
“No need. I can handle myself‚” Bea refused and just gave Lance a reassuring smile so he wouldn’t worry too much.
Bea doesn’t really like the idea of someone worrying over her. She’s old enough to take care of herself. And aside from that‚ she knows how to defend herself from anyone who will try to harm her. She knows a lot about self-defense and the basics when it comes to fighting skills.
“You sure?” paniniguro pa ni Lance na halata namang ayaw pumayag na mag-isang umuwi si Bea sa takot na baka kung mapaano ito.
“Yeah‚” tamad na sagot ni Bea.
Isa si Lance sa rason kung bakit hindi ni Bea magawang kamuhian lahat ng lalaki sa mundo. Naniniwala pa rin kasi siya na may iilan pa ring katulad nina Lance at Harry na mabuti ang intensyon sa kanila ni Liz at hindi sila magagawang saktan sa kahit na anong paraan kahit pa nga alam nila kung paano lalo pa’t kilala na sila ng mga ito simula elementarya at alam na ng mga ito ang kahinaan nila.
“Okay. Sige‚ ingat ka. Just text me when you get home‚” bilin ni Lance kay Bea at bahagya niyang ginulo ang buhok nito.
“Para naman kitang tatay niyan‚” pabirong sabi ni Bea na ikinaasim ng mukha ni Lance.
Noon pa man ay ayaw na ayaw na ni Lance na tinatawag siyang tatay. Mas gusto niya pang tawagin siyang kuya dahil parang kapatid na rin naman ang turing niya kina Bea at Liz.
“Tatay talaga? Hindi ba pwedeng boyfriend?” nakangusong tanong ni Lance.
Marahan na lamang na natawa si Bea sa sinabi ni Lance. “Tss. Hihirit pa e. Siya‚ una na ako. Ingat ka pauwi‚” muling paalam ni Bea kay Lance at mabilis niyang pinara ang papalapit na taxi.
“Yes‚ boss‚” masayang tugon ni Lance na may kasama pang pagsaludo na ikinailing na lang ni Bea bago siya sumakay sa taxi na tumigil sa kaniyang harapan.
Minuto lang ang binilang ni Bea para marating ang tapat ng apartment nila ni Liz.
“Manong‚ ito po ang bayad.” Pagkaabot ni Bea ng bayad sa driver ng sinakyan niyang taxi ay agad na siyang bumaba ng sasakyan at dumiretso sa loob ng apartment nila ni Liz.
“Oh? Ang aga mo yata?” takang tanong ni Liz na naabutan ni Bea na nakahilata pa rin sa kama.
Hindi maipinta ang mukha ni Bea habang pinapasadahan ng tingin si Liz. Mukha itong stress na stress sa itsura nito. Ni hindi man lang ito nag-abalang suklayin ang magulo nitong buhok. Pero mukhang nakaligo naman na ito dahil nakapagpalit na ito ng pambahay at hindi na ito nakapantulog.
“Maaga kasi kaming na-dismiss‚” tamad na sagot ni Bea at pabagsak na umupo sa nag-iisang sopa sa loob ng kwarto.
Nang sandaling lumapat ang likod ni Bea sa upuan ay napapikit na lamang siya at napabuga ng hangin. Ngayon niya lang unti-unting nararamdaman ang pagod sa maghapon.
“Gano’n ba?” walang buhay na tanong ni Liz na halatang walang interes sa kung anumang nangyari sa kanilang eskuwelahan sa buong maghapon na hindi siya pumasok.
“Yup‚” tipid na sagot ni Bea habang nakapikit pa rin upang saglit na ipahinga ang isip at katawan niya.
Namayani ang katahimikan sa buong silid nang hindi na magsalita pa si Liz. Ninamnam na muna ni Bea ang saglit na katahimikang nakapalibot sa kanila bago siya muling nagsalita.
“Siya nga pala‚ magbihis ka‚” utos ni Bea kay Liz habang nakapikit pa rin siya at pinapakiramdaman lang ang paligid.
“Saan naman tayo pupunta?” takang tanong ni Liz na salubong na ang mga kilay habang nakatingin sa direksyon ni Bea.
“Basta magbihis ka na lang‚” tanging sagot ni Bea at hindi niya pinansin ang mga titig ni Liz na ramdam na ramdam niya kahit pa nga nakapikit siya.
“Saan nga kasi tayo pupunta?” medyo naiinis nang tanong ni Liz. “Mamaya niyan‚ ipapatapon mo pala ako sa Manila Bay.”
Natawa na lamang si Bea sa huling sinabi ni Liz. “Ang wild ng imagination mo‚” natatawang komento ni Bea. “Magbihis ka na nga lang.”
“Oo na. Ito na po‚ magbibihis na‚” napipilitang sagot ni Liz.
Dahil nga sa nakapikit pa rin si Bea ay rinig na rinig niya ang mga yabag ni Liz na ngayon ay patungo sa parte ng silid kung nasaan ang closet.
“Bilisan mo!” sigaw ni Bea kay Liz mula sa kinauupuan niya para mas mapadali ang kilos nito.
“Opo! Masyadong excited e.” Sinadya ni Liz na hinaan ang huling sinabi niya pero malinaw pa rin itong narinig ni Bea dahil hindi naman ganoon kalaki ang silid nila para hindi sila magkarinigan.
“Sige ka. Kapag hindi ka pa natapos diyan in five minutes‚ iiwan talaga kita. Mag-isa akong pupunta sa malapit na peryahan‚” pananakot ni Bea kay Liz habang pangisi-ngisi siya sa kaniyang kinauupuan.
Nang hindi magreklamo o sumagot man lang si Liz ay agad na nagsalubong ang kilay ni Bea at napamulat siya nang wala sa oras para sana alamin kung ano nang ginagawa nito. Ngunit halos mapalundag siya sa gulat nang mukha ni Liz ang bumungad sa kaniya pagkamulat niya. Nakaluhod ito sa sahig paharap sa sopa na kinauupuan niya at nakahawak sa sopa sa magkabilang gilid niya habang nagniningning ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya na akala mo ay nanalo ito sa lotto.
“Pupunta tayong peryahan?” tuwang-tuwang tanong ni Liz na wala ng mapagsidlan ng excitement niya.
“Oo nga. Bingi ka? Bingi?” pambabara ni Bea kay Liz.
“Yey! I’m so excited!” tili ni Liz at bigla na lang itong tumayo mula sa kaniyang pagkakaluhod at nagtatatalon sa tuwa sa harapan ni Bea.
Naiiling na lamang na pinagmasdan ni Bea ang pagiging isip-bata ni Liz.
“Kaya nga magbihis ka na at nang makaalis na tayo‚” wika ni Bea para hindi na magsayang pa ng oras si Liz sa pagsasaya.
Mabilis na umayos ng pagkakatayo niya si Liz saka nakangiting bumaling ng tingin kay Bea.
“Hindi na. Okay na ‘tong suot ko. Mamaya niyan‚ iwan mo pa ako e‚” mahaba ang ngusong sagot ni Liz.
Napailing na lang si Bea sa sinabi ni Liz. Malabong mangyari na iwanan niya ito dahil pupunta lang naman siya sa peryahan dahil dito. Saka kung wala namang dinaramdam si Liz ngayon‚ hindi niya talaga maiisipang magpunta sa napakagulo at napakaingay na lugar na ‘yon na dinaig pa ang merkado.
“Ewan ko sa ‘yo. Tara na nga‚” yaya na lang ni Bea kay Liz dahil mukhang hindi naman na niya mapipilit si Liz na magpalit ng damit. Saka ayos naman na ang suot nitong city short at tee-shirt.
“Yey! Pupunta kaming peryahan!” tuwang-tuwang sigaw ni Liz habang nagtatatalon na siya sa sobrang tuwa kaya napangiti na lang din si Bea dahil sa kakulitan niya.
“Where are we going?” pakantang tanong ni Bea.
“Sa galaan!” tuwang-tuwang sigaw ni Liz.
“Where are we going?” muling kanta ni Bea na agad namang sinagot ni Liz.
“It’s gala time!” buong lakas na sigaw ni Liz na tinugon naman ni Bea ng marahang pagtawa.
“Tss. Para kang timang‚” natatawang komento ni Bea sa kabaliwang pinaggagagawa ni Liz.
“Mana sa ‘yo‚” proud pang sagot ni Liz at mabilis na ipinulupot ang braso niya sa braso ni Bea.
“Baliw‚” bulong ni Bea na mukhang narinig naman ni Liz dahil muli siya nitong binalingan ng tingin.
“Likewise‚” masayang tugon ni Liz.
“Ay naku. Ewan ko sa ‘yo. Halika na nga. Baka magbago pa ang isip ko‚” pigil ang tawang wika ni Bea at nagmamadali na siyang lumabas ng apartment habang si Liz naman ay nagpaiwan saglit para ikandado ang pinto ng kwarto at apartment nila.
Nang makalabas sila ng gusali ay hindi na sila nahirapan pang mag-abang ng taxi. Hindi rin nagtagal ang biyahe nila dahil hindi naman kalayuan ang kanilang destinasyon.
Nang sandaling makababa sila ng taxi ay basta na lang hinila ni Liz si Bea papuntang entrance ng peryahan para bumili ng ticket at nang tuluyan na nga silang makapasok.
“Kuya‚ dalawa po‚” parang batang sabi ni Liz sa nagbabantay ng gate at nag-abot siya ng bente pesos dito para sa ticket nilang dalawa ni Bea.
Ilang segundo lang ang lumipas at iniabot na ng lalaking bantay ang dalawang ticket kay Liz.
“Salamat po‚” nakangiting pasasalamat ni Liz sa lalaki bago niya binalingan ng tingin si Bea at basta na lang ulit itong kinaladkad papasok ng peryahan nang wala man lang pasabi.
“Teka lang‚ Liz. Dahan-dahan lang. Saan mo ba kasi ako dadalhin?” pigil ni Bea kay Liz dahil pakiramdam niya ay hihiwalay na ang braso niya sa katawan niya sa lakas nitong makahila sa kaniya.
“Sa merry-go-round‚” parang batang sagot ni Liz na ikinaawang ng bibig ni Bea.
Hindi malaman ni Bea kung seryoso ba si Liz sa sinabi nito o nagbibiro lang ito. Sa dami kasi ng pwedeng sakyang rides‚ nakakagulat na ang merry-go-round pa talaga ang naisipan nitong puntahan.
“Para ka namang bata niyan e. Sa Ferris Wheel na lang tayo‚” suhestiyon ni Bea baka sakaling gumana ito at mapapayag niya si Liz na doon na lang sumakay.
“E gusto ko sa merry-go-round e. Sige ka‚ iiyak ako kapag hindi ka pumayag‚” pag-iinarte ni Liz kaya wala na ring nagawa si Bea kundi ang pumayag sa gusto niya kaysa naman totohanin niya ang banta niya at ipahiya niya si Bea sa harap ng maraming tao.
“Tss. Oo na. Ito na‚ sasama na. Dami mo pang arte e‚” napipilitang sagot ni Bea.
“Yey!” masayang tili ni Liz na parang ngayon pa lang makakasakay ng merry-go-round sa buong buhay niya.
Hindi na nagpumiglas pa si Bea nang muli na naman siyang hilahin ni Liz patungo sa ticket booth para sa merry-go-round na puro bata ang sakay.
“Ate‚ dalawa pong ticket—”
“No‚ ate. Isa lang po‚” putol ni Bea sa iba pang sasabihin ni Liz sa babaeng nagbibigay ng ticket sa mga sasakay ng merry-go-round.
Sa isip-isip ni Bea ay mariin niyang binabanggit sa kaniyang sarili na kahit na anong mangyari ay hinding-hindi siya mapapasakay ni Liz sa merry-go-round kasama ang mga bata. Magkamatayan na. Mas gugustuhin pa niyang mamuti ang mata niya kahihintay rito sa entrance kaysa samahan itong bumalik sa pagkabata.
“Sigurado ka‚ hija?” paniniguro pa ng bantay na natigilan sa ginagawa niya para lamang mag-angat ng tingin at salubungin ang tingin ni Bea.
“Opo‚ isa lang po talaga. Panonoorin ko na lang po ang kaibigan ko rito‚” sagot ni Bea sa babaeng bantay at tipid na ngumiti.
“Ang ibig kong sabihin ay kung sigurado ka bang sa merry-go-round nga sasakay ‘yang kaibigan mo‚” paglilinaw ng babae sa tanong niya.
“Opo‚” tipid na sagot ni Bea habang pigil niya ang matawa dahil sa tanong ng babae.
“E ilang taon na ba ‘yang kaibigan mo?” muling tanong ng babae na binalingan pa ng tingin si Liz at pinasadahan ito ng nanunuring tingin.
“Eighteen. Bakit? Aangal ka?” mataray na sagot ni Liz sa babae na hindi man lang natinag sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya na parang bang nagmula siya sa ibang planeta.
“Hindi po.” Napapahiyang napakamot sa ulo niya ang kawawang bantay at naiilang na ngumiti kay Liz bago iniabot kay Liz ang isang ticket. “Ito na po ang ticket ninyo. Pwede na po kayong pumasok sa loob.”
“Mabuti!” mataray na sambit ni Liz at basta na lang hinablot sa bantay ang ticket at walang sabi-sabi siyang pumasok sa gate na nakapaikot sa merry-go-round.
Pagkatapos ni Liz magpakahibang sa merry-go-round ay sunod nilang pinuntahan ang Ferris Wheel‚ Caterpillar‚ Octopus‚ Vikings‚ Horror House at maging ang isang stall na may nag-ma-magic ay hindi nito pinalampas.
Nang mapagod na si Liz sa dami ng sinakyan at pinuntahan nila ni Bea ay napagdesisyunan nilang pumunta na muna sa isang stall na nagbebenta ng mga pagkain para bumili ng makakain nila. Nang makabili na sila ng pagkain ay napagpasyahan nilang pumunta sa kalapit na park para tumambay at doon na magpahinga.
Hindi pa man sila nakakahanap ng pwesto sa park ay may napansin na si Bea na dalawang lalaking nakatingin sa direksyon nila ni Liz. Ang klase ng tingin ng mga ito ay iyong tipong ikatitili at ikakikilig ng ibang mga babae kung sila ang nasa posisyon ni Bea. But nah-uh! She’s not them. She’s Bea Rose Eclio Rodelas and she’s not attracted to anyone specially to male species.
“Bea‚ kanina ka pa tinitingnan ng mga lalaking ‘yon o‚” kinikilig na sambit ni Liz pagkaupo nila sa isang bench at ininguso pa niya ang mga lalaking tinutukoy niya na kaparehong lalaki na nahuli ni Bea na nakatingin sa kanila kanina.
“So? Ano ngayon?” mataray na tanong ni Bea at pinagtaasan pa niya ng kilay si Liz.
“Mukhang type ka‚” kinikilig pa ring sambit ni Liz at umarte pa siyang nanginginig sa kilig.
Mas lalo pang itinaas ni Bea ang kilay niya sa sinabi ni Liz. “And then?” walang kagana-ganang tanong ni Bea.
“Jowain mo na‚ girl‚” natatawang sagot ni Liz at humahagikhik na tinusok-tusok ang tagiliran ni Bea.
“Tss. Not interested. Iyong-iyo na ‘yang mga ‘yan‚” walang ganang sagot ni Bea saka niya hinayaang lumapat ang likod niya sa bench na kinauupuan nila.
“Ito naman‚ ang high blood. Kain na nga lang tayo. Gutom lang ‘yan‚” nakasimangot na sabi ni Liz.
Umayos ng pagkakaupo niya si Bea at sinimulan na nga nilang kainin ang mga pagkaing binili nila sa isang stall kanina. Pero nakakailang subo pa lang si Bea ng popcorn ay bigla na siyang nawalan ng gana nang sumulpot sa harapan nila ang dalawang lalaking kanina lang ay nakatingin sa direksyon nila.
“Hi‚” nakangiting bati ng dalawang lalaki na ikinaikot ng mata ni Bea.
“Annyeonghasaeyo‚” masayang bati ni Liz pabalik‚ dahilan para mapahilot si Bea sa kaniyang sentido.
Itong ugali talagang ito ni Liz ang problema ni Bea magmula pa noon. Masyado itong friendly pagdating sa mga kabaro ni Adan. Ni hindi man lang muna nito inaalam kung anong pakay sa kaniya ng mga lalaki bago kausapin at kaibiganin ang mga ito.
“Can we join you?” malumanay na tanong ng lalaking may kayumangging buhok.
“Yes/No‚” magkapanabay na sagot nina Liz at Bea na ikinakunot ng noo ng dalawang lalaking kaharap nila.
“Ahm... can we?” tanong ng lalaking may blonde na buhok.
Bago pa man makapagsalita si Liz ay isinungalngal na ni Bea sa bunganga nito ang burger na para sana sa kaniya para hindi na ito makapagsalita pa.
“I said no. So do you mind if I ask the both of you to stay out of my sight?” mariin ngunit kalmado pa ring tanong ni Bea sa kabila ng inis na nararamdaman niya.
“Then‚ can we just get your number instead?” tanong ng lalaking may kayumangging buhok na bahagya nang napapakamot sa batok niya.
Nang mapansin ni Bea na parang may balak na namang umepal si Liz ay kamay niya na ang ginamit niyang pantakip sa bibig nito.
“Sorry but I can’t give you my number‚” diretsahang sagot ni Bea na ikinabigla ng dalawang lalaki.
“Why?” kunot-noong tanong ng may blonde na buhok na para bang hindi nito inaasahan ang sagot ni Bea.
“Do you really want me to answer your question?” walang emosyong tanong ni Bea at pinagtaasan ng kilay ang dalawang lalaki na para bang hinahamon niya ang mga ito.
“Yes‚” walang pag-aalinlangang sagot ng dalawang lalaki na bahagyang ikinangisi ni Bea.
“Then listen carefully.” Pekeng ngumiti si Bea sa dalawang lalaking kausap niya at binigyan niya ang mga ito ng malamig na tingin bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. “I’m not fond of giving my number to anyone especially to a guy. Merely because I don’t want to. Now‚ did it answer your question?” kibit-balikat na sagot ni Bea.
“Ye-Yeah... I think so‚” nagdadalawang-isip na sagot ng lalaking kayumanggi ang buhok habang ang kasama naman niya ay nakaawang na ang bibig sa gulat na para bang ito ang unang beses na may babaeng hindi nagpakita ng interes sa kanila.
“Then‚ goodbye. Just look for another victim. Someone who will be willing to be one of your toys and your girl collection.” Binigyan ni Bea ng nang-aasar na ngiti ang dalawang lalaki bago niya binalingan ng tingin si Liz na ngayon ay naniningkit na ang mga matang nakatingin sa kaniya matapos niyang alisin ang kamay niya sa bibig nito.
“Liz‚ let’s go‚” yaya ni Bea kay Liz at mabilis na hinigit niya ito paalis ng park‚ palayo sa mga lalaking nakakapagpainit ng ulo niya.

Komento sa Aklat (45)

  • avatar
    Joahanna Pedro

    magandang ang pag kasulat ng May akdang ito at naiinganyo ang nakararami sa pagbabasa ng storyang ito!

    13/01/2022

      0
  • avatar
    John Guerrero Sena

    Ganda

    13/07

      0
  • avatar
    Ashley Nicole Bagadiong

    love this story

    27/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata