logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

03

NAGISING si Zada dahil sa gutom at nang nagtungo siya sa kusina para tumingin kung anong pwede niyang kainin ay wala siyang makitang pagkain na hindi kailangang iluto. Nahihiya naman siyang tawagan ang assistant niya dahil sinabi niya ditto na magpahinga na muna ito sa buong araw.
"I hope there's a restaurant or a fast food near here." Wika niya sa sarili at muling umakyat ng kwarto par asana kunin ang mapa ng lugar at tignan kung may malapit ngang kainan doon pero naalala niyang naiwan niya pala iyon sa isang bag niya sa New Jersey kaya napasapo nalang siya ng noo.
Lumabas siya ng bahay at luminga-linga pero kalsada lang ang nakita niya at medjo madilim pa na kung hindi dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga poste ay hindi ito liliwanag. Nang madako ang tingin niya sa kabilang bahay, tanging kapit-bahay na meron siya dahil ang ibang bahay ay medko malayo na sa kanila. Nakaiisip siya ng ideya pero nagdadalawang isip siya kung magdo-doorbell nga siya sa mga ito o hindi na dahil hindi niya naman sigurado kung mababait nga ang mga bagong kapit-bahay niya. Ang kaso ay tumutunog na ang kanyang tiyan dahil hindi siya nakakain ng maayos ng agahan, maging ng tanghalin dahil sa audition at deretso na siyang nakatulog kaya nag-alburoto na ito. Linakasan niya nalamang ang loob niya at nagtungo sa harap ng gate ng kapit-bahay.
"Zada, you can do it." Cheer-up niya sa sarili at muling huminga ng malalim bago pinindot ang doorbell ng isang beses. Ilang sandali lang ay narinig na niyang may bumubukas ng gate para pagbuksan siya. Bumungad nga ang isang dalagita sa kanya.
"Ano pong kaila---?" Udlot na tanong ng dalagita nang makita siya at parang gulat na gulat pa ito nang makita siya kaya napakunot ang noo niya sa pagtataka.
"Uhm, sorry to bother but can I ask you a question Miss?" tanong nalang niya ditto pero hindi man lang sumagot o gumalaw ang babae. "Is there any restaurant or fast food chain near here?" tuloy niya.
"Fate, ba't ang tagal mong bumalik, sino ba yan?" singit ng isang babae at lumapit sa kanila. "Ikaw?" tanong ng babae nang mahina sa kanya. "Wait," wika pa nito at kunusot-sukot pa ang mata na parang tinitgnan kung nammalikmata lang o hindi.
"Hi," sagot ni Zada ditto na nagtataka parin sa reaction ng dalawa. "Sorry for the disturbance but I was just asking her if there's any fast food chain or restaurant near here." Baling niya sa bagong dating.
"Restaurant? Ah… yeah there is, but it's outside the village na eh." Sagot ng babae.
"Okay, so is there any car or taxi passing here?" tanong pa ni Zada ditto.
"If you call the cab company, they will pick you up here because people here have their own cars." Sagot pa ng babae.
"Ow," tango pa ni Zada at napa-pout. "If I walk going there, is it so far?" tanong pa niya.
"Yeah?" takang sagot na ng babae. "Wait, why are you asking about it anyway? Do you have an appointment to the restaurant or…?" tanong ng nito.
"Ah, nothing, I'm just going to eat." Nahihiyang sagot niya. "You know… I just got here." Sagot pa niya. "By the way, is he okay?" tanong pa nito na ang tinutukoy ay ang babaeng titig na titig parin sa kanya.
"Uy," siko naman ng babae dun sa dalagita na bumalik na sa kanyang ulirat. "Sorry about that, we just thought you're someone we knew." Paliwanag ng babae. "By the way I'm Reese and this is Fate…" pakilala pa ng babae.
"Hi, call me Zada," pakilala naman niya dito.
"Hi Zada, how about you coming inside and eat with us, we're actually having our dinner now." Yaya pa nito sa kanya.
"Oh no, it's okay… I'll just go to the restaurant. I don't want to bother anymore." Tanggi niya.
"Okay, if you want to wait for how many minutes for the taxi to come, and then another minutes on waiting for you order. You might be very hungry by then, so okay." Wika pa ni Reese. Napaisip tuloy si Zada sa sinabi nito at nramdaman nanaman niya ang pagkalam ng sikmura niya. "You know what? Just come with us inside, take it as a welcome for you in this neighborhood." Yaya pa ni Reese at giniya siya papasok ng bahay. Si Fate naman ang nagsara ng gate at sumunod narin sa kanila papasok.
"Uh… thanks?" wika nalang niya dahil hindi narin siya makatanggi at gutom na gutom narin siya kaya hindi na siya nag-inarte pa. Pumasok nga sila sa may kusina at nadatnan ang batang kamuntik nang mabangga kanina at isa pang lalake na inaasikaso ang bata.
"O, sino ba yung nag-doorbell at inabot kayo ng matagal doon?" tanongng lalake na hindi man sila nililingon dahil sinusubuan nito ang bata.
"Is it really okay?" tanong ni Zada sa babae nang nasa kusina na sila. Doon naman napalingon ang lalake sa kinaroroonan nilang dalawa ni Reese at pareho ang reaction nito sa reaction ni Fate kanina.
"Come on, have a sit." Yaya pa ni Reese at pinaupo siya sa katapat ng upuan ng lalake.
Kumuha si Reese ng plato at kutsara't tinidor at linagay sa harap ni Zada. At nginitian niya nalang ito ng bahagya dahil kanina pa siya nagtataka sa mga reaction ng mga ito sa tuwing nakikita siya. Natanong niya tuloy sa sarili na baka merong mali para magulat ang mga nakakakita.
"Daddy," tawag ng bata sa lalake kaya napatingin na ang lalake sa bata. "She looks like mommy po, diba po?" tanong pa nito at tinuro si Zada.
"Excuse me? Is he referring to me?" takang tanong ni Zada at tinuro pa ang sarili.
"But tita Reese told me po na hindi po kayo ang mommy ko po, na kamukha lang niyo po ang mommy ko po." Wika pa ng bata kay Zada. Napatingin naman si Zada kay Reese nang nagtatanong.
"It's true Zada, you look like his mom, that's why… if you noticed, our reactions are all the same when we first saw you, right?" paliwanag ni Reese.
"Yeah… do I really look like her… as in… really?" tanong pa ni Zada.
"You look more mature than her." Si Bough ang sumagot kaya napatango nalang siya. "Who knows what she looks like anyway, it's been 6 years."
"What do you mean? 6 years of what? Being abroad?" tanong pa ni Zada na nagsimula nareing kumain habang nakikipagkwentuhan sa mga ito.
"Nope… gone." Sagot pa ng seryoso ni Bough.
"Ow sorry," paumanhin lang niya. "Wait, if 6 years had been pass… how do Ace knew what she looks like?" tanong pa ni Zada.
"I saw their picture po, mommy and daddy's picture po. I think that was before pa po I came into this world." Sagot ni Ace.
"Ace, what did I tell you?" sita ni Bough sa anak. "Don't interfere with adults businesses."
"Sorry daddy," paumanhin naman ng bata at muling kumain.
"A week before her due date, she met an accident so the doctor said that the baby must come out that same day. She gave birth via cesarean section because she's unconscious, then after that day, she was gone." Kwento naman ni Reese.
"You were there too? So you know the mother of Ace?" tanong pa ni Zada.
"Of course, she's one of my best friends." Sagot pa ni Reese.
Nagpatuloy lang sila sa kwentuhan habang kumakain at nagkaroon din ng sandaling katahimikan. Napatingin si Zada sa bata na tahimik lang kumakain mag-isa at napansing ginigilid ang carrot na sahod ng cury na ulam nila.
"You're not eating carrots?" tanong ni Zada sa bata.
Alam niyang parang wala na siyang hiya sa pagpunta doon, the fact na makikikain pa, pero sinabi nalang niya sa sarili niya sila naman ang nag-imbita sa kanya. At sa mga sandaling nakakwentuhan ang mga ito ay pakiramdam niya matagal na niya silang kakilala ang mga ito.
"I eat carrots po if daddy or tita will make it as a juice po, pero I don't like the taste po of carrots pag luto na po." Sagot ng bata at sumubo pa ng pagkain.
Napangiti nalang siya ditto dahil pareho sila ng bata. Hindi rin siya kumakain ng carrots pag naisahog na ito sa mga ulam o pag naluluto ito. Mas gustuhin niya pang papakin ang carrots ng raw o kaya naman ay gawing juice.
"Tita Reese, ano pong name niya? Pwede ko rin po ba siyang tawaging tita? O kaya naman mommy? Total po kamukha niya si mommy ko po." Tanong ng bata kay Reese.
"Buddy, hindi pwedeng tawagin basta-basta ang isang tao ng 'mommy', purket kamukha niya ang mommy mo. Nakakahiya sa kanya." Sita ni Bough sa anak. "Tawagin mo nalang siyang tita Zada, total iyon naman ang pangalan niya."
"Pero daddy, gusto ko lang naman po kasing may tawagin akong mommy, yung mga kaibigan ko po sa school may mga mommy, ako marami lang tita." Wika pa ng bata na napa-pout at napayuko. Hindi nakaligtas kay Zada ang lungkot sa tinig ng bata habang sinasabi nito ang mga iyon, na kahit hindi man deretsang binanggit na naiinggit ito sa mga kaklaseng may mommy, ay ganun ang naramdaman ni Zada.
"You can call me nanay, Ace." Singit na niya ditto kaya napatingin sa kanila ang mga ito. "Nakakaintindi ka ng Filipino?" takang tanong ni Reese sa kanya.
"Of course, my parents taught me how." Pagsisinungaling niya at hindi niya alam kung bakit rin niya nasabi iyon. Minsan hindi niya mapigilan ang bibig.
"Nanay po?" tanong naman ng bata.
"Yup, I think it's no big deal right? I call my nanny 'nanay' before too." Wika pa ni Zada sa bata.
Sadyang natutuwa lang siya sa mga bata at madaling napapalapit ang loob sa mga ito. Siguro ay dahil sa nag-iisa lang siyang anak at ginugusto niyang magkaroon ng kapatid pero hindi siya pinagbigyan ng tadhana kaya sa pamamagitan ng mga bata niya naibubuhos ang pagmamahal niya. Kaya noong nasa New Jersey siya, kapag wala siyang trabaho ay lagi siyang dumadalaw sa bahay ampunan na tinutulungan ng kompanya ng kanyang magulang para tumulong alagaan ang mga batang inabanduna doon. When she's around them, she felt at ease.
"Hindi mo kailangang pumayag na tawagin ka ng bata ng ganun, Zada. Baka may ibang makarinig at akalaing anak mo nga siya… bukod sa nakakahiya sayo, baka may magalit pa." Wika naman ni Bough.
"Magalit? Oh, no, don't worry about that, no one will. And about the nanay thingy, I'm all fine with that. In fact many kids call me mama back in New Jersey, at the orphanage where I'm always visiting." Sagot pa ni Zada.
"Oo nga, pero this time, si Ace lang ang tatawag sayo ng ganoon kung sakali, tiyaka nakakahiya sayo." Wika pa ni Bough kaya tumingin si Zada kay Ace and she can feel the excitement in his face when she told him that he can call her mommy.
"Can I call you nanay na po?" tanong pa ng bata sa kanya.
"Of course, but that is… if your father would like to," sagot nalang niya ditto kaya tumingin ang bata sa ama na parang nakikiusap at maya-maya ay tumingin sa kanya si Bough na parang nagtatanong kung okay lang talaga sa kanyang tawagin siyang mommy at nagkibit-balikat lang siya.
"Fine, you can call her that way buddy, pero Ace… dapat ditto lang sa atin mo siya tinatawag na nanay, pag sa labas, hindi mo siya dapat tawaging ganun kasi baka may ibang makarinig, lalo na ang boyfriend niya, baka mag-away pa sila. Naiintindihan mo ba ako buddy?" tanong pa ni Bough sa bata.
"Opo, opo," tango naman ni Ace. "Yehey may nanay na ako." Masayang wika pa ng bata.
Napatawa naman si Zada sa reaction ng bata at hindi naman naiwasan sila Reese, at ang kanina pa nananahimik na kapatid ni Bough, na si Fate na mapangiti sa reaction ng bata. Matapos nga silang kumain, yinaya muna siya ng mga ito na magkwentuhan sa may sala. Nahihiya naman si Zada na umalis rin agad dahil parang ang dating ay pumunta lang siya doon para makikain. Sa kabilang banda naman ay gusto rin ni Zada iyon dahil ang pamilyang iyon ang magiging kapit-bahay niya.
"Nga pala Zada, gusto mo samahan kita bukas na mag-grocery para sa bahay mo? Sabi mo kasi kanina eh kadarating mo lang kaya hindi ka nakapagluto." Tanong pa ni Reese sa kanya nang nakaupo na sila sa sala.
"Hah? Ow no, before I came this morning, everything in my house were all settled, groceries are in there too." Sagot niya.
"Eh bakit naghahanap ka pa ng restaurant kanina?" takang tanong pa ni Reese.
"That's because… I can't cook." Sagot pa niya ditto na parang nahihiya pa. Napatingin naman si Reese bigla kay Bough na parang nagulat din sa sinabi nito. "I told my assistant to get me a maid but he told me, it's a long process but he'll try to get one and send it tomorrow." Tuloy pa ni Zada sa mga ito.
"Nanay look," singit ni Ace at tumabi kay Zada tapos pinakita ditto ang mga drawing books niya na may mga drawings na ng kung anu-ano.
"Did you draw this?" tanong pa ni Zada sa bata.
"Opo," sagot ng bata na nakangiti.
"Wow, ang galling mo naman." Puri niy ditto, ang kauna-unahang filipino sentence niya na may slang. "Is this your hobby too?" tanong pa nito.
"Opo, I always draw when I can't do anything, like while waiting for my daddy to come home po." Sagot pa ng bata.
"Really? You know my mom told me I used to draw when I was a kid like you, but now I don't know, I never tried again." Kwento naman niya sa bata.
"Bakit po?" tanong pa ng bata.
"I don't know, maybe because I want taking pictures instead of drawing." Sagot pa ni Zada habang binubuklat at tintignan ang mga drawings ng bata doon.
Napatigil siya sa paglipat nang may makitang isang drawing na nakakuha ng kanyang atensiyon, animated drawing iyon ng isang babae at lalake na nakangiti. Magkaharap ang katawan nila pero ang mga tingin ay nakatingin sa harap. Napakunot siya bigla nang nakaramdam ang sakit ng ulo.
"Nanay, okay lang po kayo?" takang tanong ni Ace nang mapansing napahigpit ang hawak niya sa drawing book niya. Napatingin naman sa kanya sina Bough at Reese na nagtaka rin sa tinanong ng bata.
"I'm okay, medjo sumakit lang ang ulo ko, but I'm fine." Sagot niya at ngumiti ditto. "Ace, who are they?" tanong niya kanina ay tinitgnang drawing.
"That's my mommy and daddy, ginaya ko po yung picture nila but I can't, kaya ginawa ko nalang po na ganyan." Paliwanag ng bata.
Napatingin naman sila Reese at Bough sa drawing at biglang nagkatinginan.
"Aaah," tango naman ni Zada.
"You want to see the picture po?" tanong pa ni Ace ditto.
"Sure," wika naman ni Zada kaya agad na tumakbo paakyat ng pangalawang palapag si Ace at mayamaya ay may dala na itong litrato at agad binigay kay Zada.
Parang tumataas ang mga balahibo ni Zada sa mga litratong nakikita sa album na iyon dahil nakikita nga niya ang mukha niya na kasama ng lalake. Tahimik lang sina Reese at Bough sa tabi habang pinapanood silang dlawa ng bata. Then suddenly Zada felt the pain in her head again.
"Are you okay?" tanong agad ni Reese ditto nang umungol siya sa sakit ng ulo.
"I'm sorry, I think migraine is attacking me again, can I go home na?" paalam nalang ni Zada.
"Sure, ihahatid na kita." Alok pa ni Bough dito.
"No need, I can handle it, thanks anyway." Wika pa niya at nagmadali nang umuwe.
Pagkarating na pagkarating niya sa bahay niya ay agad niyang hinanap ang medicine bag niya kung nasaan ang mga gamut niya at ininom iyon tiyaka nahiga sa kanyang kama at sinubukang matulog. Ang buong akala niya ay wala na ang pagsakit-sakit ng kanyang ulo pero ngayon ay bumalik nanaman ito. Matagal-tagal narin nong huling inatake siya ng ganun at wal rin siyang ideya kung bakit. Ang tanging sinbi lang sa kanya ng doctor ay migraine lang iyon at ang mga gamut na niresata nito ay para sa sakit pag inatake siya. Hindi na siya nagpa-second opinion dahil sabi ng magulang niya ay magaling na doctor at pinagkakatiwalaan naman nila ang doctor na tumingin sa kanya.
Sa kabilang banda, simula nang makarating siya sa lugar na iyon ay may nararamdaman na siyang kakaiba na hindi niya maipaliwanag. Nararamdaman sa kanyang sarili at pagkatao na parang may kulang sa kanya pero pilit lang niya iyong binalewala kanina. Unang araw palng niya sa bansa pero pakiramdam niya ay marami nang nabago sa kanya.
---
KANINA pa naghihintay si Linn sa room studio na pinagpuntahan sa kanya para isabak agad sa pictorial at unang araw ng trabaho niya sa magiging boss niya na photographer din. Hindi pa sinasabi sa kanya kung sino ang makakasama niya kaya medjo kabado siya.
"Dao Linn Chan," tawag ng isang babae sa kanya.
"Yeah?" tanong niya doon na tumayo pa sa kinauupuhan.
"This is Jona, she will be your make-up artists from now on," pakilala ng babae sa kanya sa kasama nitong babae na kung tutuusin ay sobrang ganda, mahaba ang buhok, matangkad, sexy, perfect body for a girl and a fashionista.
"Hi," bati niya ditto na nahihiya pa dahil pakiramdam ni Linn ay mas nagmumukhang model pa ang babae kesa sa kanya.
"Ay 'teng, hindi uso sa akin yan," wika ng babae at binaba ang kamay na nilahad niya para ibes-beso siya kahit na nagulat siya nang magsalita na ito dahil boses lalake pero mahinhin ang boses nito. "Gulat ka noh?" tanong ng bakla na natatawa nang hindi parin ito nakaget-over sa nalaman. "Well I got that a lot,"
"And this is Leng, siya naman ang bahala sa mga idadamit mo sa pictorial." Pakilala pa ng babae na napadaan sa kanila at may mga damit na hawak-hawak.
"Hi," nakangiting bati ni Leng. "Ate Mau, siya na ba yung new model? Nice, hindi na ata ako mahihirapan sa pag-adjust ng mga damit." Tuwang wika pa nito.
"Yes, and guys this is Dao Linn, our new model." Pakilala pa nito.
"Linn nalang po," pagtatama niya.
"Ay mas gusto ko yun," approve naman ni Jona sa kanya. "By the way sisteret, yung guy na new model natin? Where is he? Balita ko hunk din yun eh."
"Oo nga noh, where is your partner?" tanong naman ni Mau kay Linn at luminga-linga pa sa paligid.
Saktong may pumasok naman na lalake na gulo-gulo pa ang buhok na basa pa at hingal na hingal kaya lahat ng staff na naghahanda sa studio ay napatingin sa kanya.
"Sorry po late ako." Paumanhin niya in between his breath.
"Olala," nawika tuloy ni Jona pagkakita sa lalake. "Nakasuot lang ito ng shirt at ripped jeans.
"Come here," tawag nalang ni Mau ditto kaya lumapit sa kanila ang lalake who's still catching his breath. "Okay ka lang? upo ka muna ditto oh," wika pa nito na medjo natatawa at binigyan ng monoblock chair ang lalake na naupo naman. "Water here please," sigaw pa ni Mau at agad naming may nagbigay ng tubig sa lalake.
Napatingin naman ang lalake kay Linn habang iniinum minirel water na binigay sa kanya.
"Hot," rinig ni Linn na bulong ni Jona sa tabi niya.
"Okay ka na?" tanong pa ni Mau ditto na napatango lang. "Good, bakit ka ba hingal na hingal diyan?" tanong pa nito sa lalake.
"Tumakbo po ako ma'am, ang tagal kasi ng elevator, eh late na po ako kaya yun." Sagot nito.
"Masyado ka namang pormal, hindi naman ako ang magiging boss niyo. Just call me ate Mau just like everyone else, I will be your manager. Ako ang tatawag sa inyo pag may mga projects kayo o kaya naman ay pinatawag tayo ni Miss Zada at kapag may meeting." Pakilala nito sa lalake. "And as I was introducing Linn kanina, this is Jona; she will be your personal makeup artist. May mga assistant naman siya na makikilala niyo mamaya. And this is Leng, siya ang bahala sa mga costumes or outfit niyo every pictorial so kung hindi kayo komportable sa damit niyo or you want some adjustments, just tell her. And one more thing, kahit na models kayo at pwedeng maging asset ng company, wag kayong pakomportable lang at magreyna-reynahan o maghari-harian ditto lalo pa at ang makakasama natin ay medjo strict. As much as possible gawin natin ang trabaho natin, kasi pag may mali sa inyo, ako ang masisisi. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong pa ni Mau sa dalawang model.
"Ma'am, kami po ba yung dalawang napili para sa CM dito? Hindi po kasi sinabi nong tumawag sila eh, ang sabi lang pumunta agad ditto ngayon." Tanong pa ng lalake.
"Ate Mau nga sabi, ang kulit." Sita nito sa lalake. "Anyway, yup, kayong dalawa nga at mabuti nalang naunahan mo siyang pumunta ditto kundi lagot na tayong lahat. First day na first day eh napakabatugan na, siguradong yan ang magiging first impression niya sa inyo. Nga pala, magkakilala na ba kayong dalawa?" tanong pa niya sabay turo sa lalake at kay Linn. Napatingin naman si Linn sa lalake at ganun din ang lalake tiyaka tumingin kay Mau at umiling.
"Alright, Linn… this is Vincent Watanabe, your partner. Vincent, this is Dao Linn Chan but we can call her Linn." Pakilala pa ni Mau sa dalawa.
"Ako naman po tawagin niyo nalang na Vince," pakilala ng lalake at nakipagkamay kay Linn at kina Mau, Leng, at Jona.
"Good morning everybody," bati ng isang babaeng kapapasok lang na may kasamang lalake.
"She's here," wika lang ni Mau sa kanila.
"Is everybody here?" tanong pa ng babae at naaptingin sa dereksiyon nila.
Napakapit naman si Linn sa braso ni Mau at napayuko nang makita kung sino ang dumating. Nakaramdam nanaman kasi siya ng hiya.
"Ate Mau, sila na ba?" tanong pa ng lalakeng kasama ng babae.
"Yes sir," sagot naman ng babae.
"Sir? Ate Mau talaga patawa, pakilala mo nalang kay Miss Zada ang mga model natin." Agaw nito ng atensiyon ng lahat ng naroon sa room na nakatingin nga sa kanila.
"No need Fred, I already knew them by their name. I picked them myself." Singit naman ng babae na nakangiti. "So Linn and Vince, right? That's what everyone calls you?" baling nito sa dalawa.
"Y-yes ma'am." Sagot naman nilang dalawa pero yung kay Linn ay pabulong at nahihiya.
"Oh please, just call me Zada, don't ever call me ma'am because I'm not a teacher." Wika niya na sinasabihan rin ang iba pang staff. "I maybe the AM here but when we are in our photoshoot, I can just be your friend and photographer so don't be scared of me, coz I'm not gonna eat you." Wika pa niya sa lahat. "They say I'm strict when it comes to work but I'm telling you this. I'm just strict when it comes to time; I don't want tardiness here in my team. But I can guarantee that when we started shooting, it's like we are just playing." Wika pa niya.
Tahimik lang ang buong team habang nakatingin at nakikinig sa magiging boss nilang lahat.
"Alright everyone, let's get started." Wika pa niya at napatingin sa assistant niyang lalake. "Fred, what will be the theme of our photoshoot today?" tanong nito.
"Ang sabi ni ma'am Trix, Parang indorsing the new faces of GF raw." Sagot nito.
"Alright so let's just get started," wika pa nito sa lahat.
"Lika na girl and fafa Vince. Bihis na kayong dalawa." Yaya pa ni Leng sa kanila.
"Oh wait," pigil pa n Zada sa kanila kaay napalingon ulit sila sa kanila. "Who's the makeup artist?" tanong pa nito.
"C'est moi, madame." Sagot naman ni Jona with his French accent. [It's me, ma'am]
"Can you do the makeup natural first? It's like they're not wearing any makeup?" tanong pa nito.
"Sureness madame," sagot nito na napapalakpak pa pero nang mapagtanto kung sinong kausap ay umayos bigla ito. "I mean, ma'am, ay Miss Zada pala." Napatawa naman si Zada sa inasta ng bakla kaya nagtaka ang iba.
"Relax, I'm not gonna eat you, I like you if you'll be more natural." wika pa nito na natatawa pa.
"Okay sabi mo eh," wika naman ni Jona at nagkibit-balikat pa.
"Cool," wika pa ni Zada kaya pumasok na sila Linn sa dressing room.
Ilang minuto lang pinaghintay si Zada at nagsimula na nga ang photo shoot at napapansin ni Zada na hindi gaanong nakakagalaw si Linn dahil para itong naiilang o nahihiya na ewan.
"Linn," tawag pansin niya ditto. "Okay are you comfortable with what you're wearing?" tanong niya na ditto matapos ang ilang shots.
"Po? A-ayos lang po." Sagot ni Linn na nauutal pa.
"Coz if not, you can change clothes where you are comfortable with." Wika pa ni Zada ditto.
"Hindi sa damit siya irritable Miss Zada, sa tingin ko sa inyo." Singit naman ni Vince. "Narinig ko kanina sa dressing room na nahihiya siya sa inyo kasi nag-feeling close daw siya sa inyo nong audit---." Udlot na wika pa nito pero tinakpan ni Linn ang bibig nito.
"Uy, ang ingay mo." Sita nito sa lalake kaya napatawa nalang si Zada sa mga ito.
"Actually Linn, I like that Linn who talked to me that time. Can you just be like that again? It's okay with you guys to feel more close to me, like we're friends here." Wika pa niya sa iba.
Hindi nagsalita ang mga staff na naroon kaya nagsalita nalang ulit si Zada na pilit deneretso ang dilang magsalita ng filipino.
"Gusto ko na habang tumatagal ay nagkakaroon ng frienship sa ating lahat, for our work to be more lighter, na kahit na pagod na tayong lahat, at least we're enjoying each others company. Wag kayong matakot sa akin kasi hindi ako pumapatay ng tao. Besides, I'm not gonna fire you because of that, and to tell you honestly, I'm not the kind of boss who's firing someone just because of little mistakes o dahil naGF-feeling close sa akin. I know you all see me as your boss because I'm the new manager here but there's a time for me to be like that. Kapag sa ganitong bagay, I want you to look at me as a photographer and as much as possible ay isang kaibigan narin." Paliwanag niya pa sa mga ito. "So, can we do that, guys?" tanong pa niya. "Sige na, tuloy nalang natin to, maybe naninibago pa kayo sa akin and I understand." Wika pa niya. "Smile Linn, yung natural smile mo," wika pa nito at tinuloy na nga nila ang photo shoot.
It all turn out to be smooth and after that Zada decided to treat her team a snack for them to get to know each other. Nalaman niyang ang totoong pangaaln ni Jona ay Jonathan, ito ang pinakamasalita sa kanilang lahat at palaging nagpapatawa.
Pansin rin ni Zada na nakikisama narin si Linn sa kulitan ng mga ito. Siya talaga ang mismong namili kina Linn at Vince bilang model niya. Sa kanila kasi niya nakita ang modeling potential na tinatawag at yung eagerness na pagbutihin ang trabaho.
Zada knew about their backgrounds, where they came from and why they join the audition for the next faces of GF. Linn was the only child of her parents but her parents we're already separated and had their own family. Linn was left alone and decided to live on her own without the help of her parents. It's her first time in modeling but she joined some amateur beauty pageants at school and others. Vince came from a big family, his father died because of lung cancer so he became the bread winner and was the one who's working hard for his 5 younger siblings and helping her mother who is a street vendor.
Hindi lang naman iyon ang dahilan ni Zada kaya kinuha niya ang dalawa. Base sa audition nila, sa mga posing nila at paglalakad ay napansin na aagd sila nito. Hindi man gaanong magaling o ka-profesional gaya ng ibang kasama nila, alam ni Zada na may ibubuga naman sila.
Bukod sa mga good looks at body ng dalawa ay alam niyang makakasundo niya rin ang mga ito. Hindi naman siya ganun kagaling din sa pagturo ng posing ng mga models niya noon pero pag alam niyang kampante na ang mga model niya sa harap ng camera ay nakakagawa sila ng pose na ikakaganda ng shoot at nang projects nila.
Buong araw na nasa kompanya si Zada para gawin ang trabaho niya bilang Ad manager at photographer. Maglalabas kasi ang sister-company ng bagong magazine featuring the newest fashion at ang mga models nila sa GF ang mag-iindorso, dagdag pa ang magazine naman na ipapakilala ang mga bagong mukha ng Genuine Fashion, na kung tutuusin ay nangungunang kompanya sa larangan nito dahil sa imaheng “Fresh and Young” na mga modelo. Kinailangang magmeeting lahat ng creative team, kasama siya, para pag-usapan ang tungkol sa lay-out, tema, at kung anu-ano pang gagawin nila.

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    Mila Sulit

    Maganda lahat ng story mo .

    22/03

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    04/11

      0
  • avatar
    AllenañeraRonald

    the difference between an hour ago you heard of yourself 🤔 you have a good 👍 you have a 👍 you have a wonderful birthday and we can do it again soon so I will be to get a tattoo in idol sana mabigyan Moko the best thing ever to go to go with me to the best thing ever you 💬 the difference is y you have you been to bed soon so we have to do the two step verification of you have to do it again next week I will send you have a good night to go to bed now but I'll be to go with y the difference is

    03/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata