logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5: Destructive Eye

Namalayan ko na lamang nakadampi na ang aking mga daliri sa kadenang nakapalibot dito. Namangha ang aking mga mata nang biglang mawala na parang bula ang kadena kasabay nang biglang pagliwanag ng mga simbolong nakaukit sa libro.
Third Person's POV
Nang imulat ni Earl ang kaniyang mga mata ay purong kadiliman ang nakikita niya. Kung Hindi dahil sa nagliliwanag niyang katawan ay iisipin niyang nabulag siya. Ilan pang mga sandali ay lumitaw ang babaeng napakaganda sa suot nitong nagliliwanag na kulay asul.
Nagtataglay ito ng perpektong mukha at napakagandang buhok na parang alon. Hindi magawang makapagsalita ni Earl dahil sa nangyayari. "panaginip lang ba 'to?" sa isip ni Earl. Matamis na ngumiti ang misteryosong babae sa kaniya.
"Panahon na para malaman mo" napakunot ang noo ni Earl sa narinig. "Ang mundong tinatawag niyong Earth ay nalalapit ng mawasak."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang kawakasan ng mundo ay nalalapit na. Kaya ikaw na aking pinili ay dapat nang kumilos." lumitaw sa harap ni Earl ang librong nakita niya sa basement. Kung kanina ay wala itong kalaman-laman, ngayon sa unang pahina ay may nakatintang 'THE COLLECTOR'.
"Anong gagawin ko dito?" naitanong ni Earl pero ngumiti lamang sa kaniya ang babae.
"Nakasalalay na sa iyo ang lahat, nawa ay naging tama ang aking pasya." pagkatapos nito ay lumiwanag pa lalo ang babae kaya napapikit at naitaas ni Earl ang mga kamay para harangan ang liwanag.
Nang ilibot niya ang kaniyang paningin ay napagtanto niyang nasa basement na muli siya. Hawak ang librong ibinigay sa kaniya ng misteryosong babae na hindi niya na makita, binuklat nito ang libro. Sa ikalawang pahina ay mayroong nakatinta kung anong mga dapat niyang gawin bilang isang Collector.
Samantala sa silid kung saan mayroong mga apparatus na nakakabit sa babaeng nasa pagitan nang buhay at kamatayan. Ang kaniyang nakabuklat na mga mata ay sing-itim ng dilim. Ang kaniyang balat ay namumutla din. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Christine Lamar.
"I'm sorry to say this but she do not have the chance to completely wake up," ani ng babaeng Doktor sa lalaking nakatayo lamang sa harap ng kama. "Unless, the someone made her like that remove the cursed on her."
Hindi pa rin umimik ang lalaki, nang may kumislap sa mga mata ng dalaga ay doon lamang siya kumibo. "Dispose her," hindi naman naitago ng babaeng Doktor ang pagkagulat sa narinig.
"Pero Sir, hindi ba pwedeng hintayin nating mawala ang sumpa sa kaniya. Malay mo there's a miracle na mangyayari. After that the information she have ay makukuha natin. At saka the fact that she's one of your loyal and expert espionage it's a big lose in our part kapag pi-pinatay natin siya," salita ng doktora kaya napatingin sa kaniya ang lalaki.
"Talaga ngang totoo ang mga naririnig ko. Napamahal ka na sa dalawang pinakabatang Exorcist, Sonya." ang kaniyang mga tingin sa Doktorang hindi makatingin sa lalaki ay mariin at nagbabanta. "Hindi na mahalaga ang kung ano mang alam niya. She was caught and look what happened to her. There's no chance she will return to normal. Useless should be thrown off. Do you understand Sonya?" pagkatapos nito ay binawi niya ang kaniyang tingin kaya nakahinga ng maluwag ang Doktora nang mawala ang mabigat na aurang pinakawalan ng lalaki.
"Yes Sir," naisagot niya kahit hindi siya sang-ayon sa nais nito.
"If you can't, call Exorcist Eleven. I am sure he's more willing to do the job than you. After all you're just the Doctor. A human without a chance to mutate." muling sinulyapan ng lalaki si Sonya bago tumalikod at gumayak. 
Habang namalayan na lamang ni Sonya na sinundan niya ng tingin ang papalabas na lalaki. "How far will you go just to get what you want Kuya. Hindi mo man lang itinuring na kadugo mo ang pamangkin natin," aniya sa kaniyang isip saka hinaplos ang pisngi ng dalagang kahit na hindi makakilos ay may mga luhang dumaloy sa kaniyang mga mata.
Wala mang kakayahang bumangon at igalaw ang katawan kahit daliri man lang ay naririnig niya ang pinag-uusapan ng nakapaligid sa kaniya. Ginawa niya ang lahat para mapansin siya ng Tito nitong itinuring na niyang Ama subalit kahit na anong gawin niya ay talagang walang pakialam ang kaniyang tiyuhin. Ramdam niya ang kirot at hapdi ng kaniyang puso dahil para bang Isa lamang siyang bagay na kapag hindi na napakikinabangan ay basta-basta na lang itatapon, o mas mabuting isipin ay isa na siyang basura sa paningin nito. "Nawa'y matutong kayong makontento sa kung ano mang natatamasa niyo Tito Chris, dahil sa inyong ginagawa ay sarili niyo lamang ang inyong pinapahamak." lumandas muli ang mga luha sa kaniyang mga mata "Paalam Tita Sonya, salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo sa akin. Kahit papaano ay naramdaman kong magkaroon ng Ina sa iyong katayuan. Patawad dahil ako'y mamamaalam na. I know my life wouldn't be enough para sa mga taong naidamay ko maitago lamang ang sikreto ko pero humihingi ako ng kapatawaran at nawa'y matahimik na ang inyong kaluluwa." saan nito sa kaniyang isip saka tuluyan na siyang bumitaw mula sa pagkakakapit sa liwanag. Ang kaniyang ulirat ay tuluyan ng sinakop ng dilim.
*******************
Drown on my reveries. Hindi ko namalayang tapos na ang last subject this morning. Hindi ko man lang nagawang makinig sa Filipino Teacher namin because of what happened last night. Totoo nga kaya yun? baka naghahallucinate lang ako. I doubt na totoo 'yun kasi paggising ko kinaumagahan ay wala naman 'yung libro saan mang sulok ng bahay. I even go to the basement pero ang laman nun eh mga kartons, antics at kung ano-ano pang bagay na pinaglumaan na.
Hindi ko sinasadyang libutin ng tingin ang loob ng silid-aralan,halos mapako ako sa kinauupuan nang mahagip ng aking mata ang biglang pagkawala ng itim na nilalang sa isang upuang nasa dulo. This is the very thing na ikinakatakot ko from infernal shadows, if they are strong sa gabi ano na lang kaya kung may araw. Mas pulido ang hulma nila at lumalakas ang kakayahan nila kapag umaga.
"You okay early?" malumanay na tanong ni Alexa na kakatapos lang ayusin ang gamit. Muntikan ko nang kasama ko siya. She looks at me as if she's scanning me.
"Y-yeah." alinlangan kong sagot.
"Al Tara na." tawag pansin ng Kuya niyang always nandiyan, always protective. Akala mo naman kung may gagawin akong hindi maganda sa kapatid nito. Alexa waved a goodbye for me before storming out of the room with her big brother.
If you're curious kung ano nang nangyari sa two same sex couple, they are disbanded from all of the activities na meroon ang university. And for Mr. Flores, he was given two weeks to realize what he had done. After that pwede na siyang pumasok ulit.
Again, naiwan akong mag-isa sa apat na sulok ng silid na ito. I never been at the canteen since I'll just waist my time looking for food na wala naman do'n. Isa pa wala naman akong kasama to enjoy the atmosphere at the canteen since no one wants to be friend with me since I have a story. That I am cursed. Ayaw nilang matulad sa mga taong naging malapit sa akin. That Luther won't bother to invite me since I always not giving him the attention he wants. Bakit ko nga ba papansinin 'yon eh hindi ko kilala yun, he's a weird guy I assumed. Maya he's someone with mental disorder pala, my life would be in danger.
Umakyat ako sa rooftop ng school, my comfort zone. Dito ako pumupunta kapag vacant namin, always alone. Pero kapag napagmamasdan ko ang iba't ibang uri ng estraktura mula rito I could feel that I am not the one experiencing this kind of feeling. Lalong-lalo na ang mga taong naglalakad sa ibaba. Some are wise people, simpleng tao,  mayroon namang children of despair–hiding pain and care. Samantalang sa itaas, the white clouds are blowing. Sometimes napakaaliwalas nito pero kung minsan ay sing-dilim ng mga naranasan ko. Napahinga ako ng malalim dahil ayoko ng isipin pa ang nakaraan. Bygone is bygone.
I open my bag and took a certain book from it. Maybe, I should rewind my mind by reading. Sabi nga nila,
'Whether we prefer to be a part of the cheering crowd at the game, in the exclusive company of a pal at the movie, or just pleasantly acquainted with the girl down the street, people are a necessary part of our daily patterns of life. They add zest to our leisure and spice to our work. They demonstrate the importance of friendship and neighborless in our living. But in addition to the living acquaintances of every day there are the almost-as-real friends we meet in books. With our book friends we become someone besides ourselves. Book friends show us worlds beyond our sight, they give us excitement, mystery, and romance–and we can leave them the minute they grow dull'
Tama naman 'diba? I look at the novel I am holding saka gumuhit sa labi ko ang tuwa nang mabasa ang pamagat ng libro. Harry Potter and the Deathly Hallows 2. I'm a potterhead just so you know but I never dreamed to become a wizard like the fantasy it has. Siguro natutuwa lang ako the way the story moves, the plots, at saka the way the actors speaks– Quite astonishing.
Binuklat ko ang libro sa unang pahina at uumpisahan na sanang basahin ang first line ng novel, but a sudden change of plan nang magvibrate ang communicator ko, a message from Fredo the chef. Nang mabasa ang mensahe niya ay madali akong bumaba dahil sa balitang natanggap. Tell me, this is just a dream. I hope I would arrive earlier than her doing such thing again, kakauwi niya lang and she would do whatever she wants. How mischievous!.
Third person's POV
Nang makarating si Earl sa kaniyang manor. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa loob ng mansyon ay naririnig niya na ang hiyawan ng kung sino-sino man ang nasa loob, nagkakatuwaan. "I'm late," sa isip ng binata.
Malakas nitong itinulak ang napakalaking double-deck na pinto dahil sa init ng ulo nito kaya tumama ang mga ito sa pader. Sa lakas ng pagkakabundol ng pinto ay talagang mapapalingon ang sino mang nasa loob. Ang dating malawak, malinis at tahimik na hall ng manor ay halos mapuno ito ng kung ano-ano; mayroong mga mesa na pinaglagyan ng mga pagkain, mayroong mga iba't ibang dekorasyon at napakalaking crystal-like na hugis bola na umiilaw ng sari-saring kulay na nakasabit sa gitnang bahagi. Kulang na lang ay gawin nilang bar ang hall ng kaniyang manor.
"Elizabeth Orcha!" sigaw ni Earl na nanlilisik ang mata nitong hinahanap ang nagngangalang Elizabeth.
Napadako ang tingin ng binata sa pinto ng kusina na nasa kaliwang bahagi lamang nang lumabas ang may katangkarang babae na nanggaling sa loob nito, mapapansin agad ang pagiging fashionista nito na rin sa suot nito na animo'y nasa isang modeling competition. "Yes my dear," halatang wala itong pakialam kung nag-aalburoto na sa galit ang may-ari ng manor. Muling nilingon ni Earl ang buong paligid at pinadaanan din ng tingin ang mga bisita na parang naestatwa na sa kanilang kinatatayuan.
"Clean these mess!" ito ang tanging nabanggit ni Earl pagkatapos ay dere-deretsong naglakad paakyat sa kaniyang kwarto. Ang mga naroroong nagkakasiyahan ay saka lamang nakahinga ng maluwag nang mawala sa kanilang paningin ang binata. Hindi nila maintindihan kung bakit bigla na lamang silang nagpigil ng hininga at nanigas nang makita ang nanlilisik na mata ng binata na para bang nakakita sila ng kapangi-pangilabot na nilalang. Bigla na lamang nanlambot ang kanilang mga tuhod.
Samantala, may lungkot sa mata na nakatingin si Earl sa isang frame kung saan mayroong litrato nilang tatlo ng kaniyang Ama't Ina. Sa litratong ito ay normal pa ang lahat, kung saan hindi pa natutuklasan kung ano mang maro'n sa kaniyang mga mata. Kung saan buhay pa ang mga ito.
Masayang ipinagdiriwang ni Earl ang kaniyang labing-isang kaarawan nang kapanganakan nito. Sa bisig ng kaniyang Ama ay mababakasan ng mga ngiting sinuman ang makakita ay talagang mahahalina sa mala-anghel nitong mukha. Hinipan nito ang mga birthday candle sa kaniyang may kalakihang pirateship cake na talagang ikinataba ng puso ng munting batang si Earl. Noon pa man ay nais na niyang maging isang pirata at maglayag sa karagatan kasama ang mga kaibigan nitong sina Alexa, Rafael at ang pinsang si Elizabeth.
Matutulog na sana si Earl nang biglang makarinig siya ng mga ingay sa labas. Nagtataka siya kung bakit may mga boses siyang naririnig sapagkat lahat ng mga dumalo ay nagsipag-uwian na. Bumaba siya sa kaniyang kama at dahan-dahang lumabas ng kaniyang kwarto.
"I said where's your son!" mababakasan ng inis ang boses ng lalaking may kakaibang suot na pulang roba. Para bang mauubusan na ng pasensya ang lalaki dahil namumula na rin ito. Sa likod nito ay mga nakaberdeng nasa tingin ni Earl ay mga pulis.
"Please 'wag ang anak ko. We can share you our wealth just consider my son 'wag niyo na siyang isali sa mga test subject niyo." pakiusap ng kaniyang ina na lumuhod pa sa harap nito. Gano'n din ang ginawa ng kaniyang Ama. "Hindi niyo naman magagamit ang mystic ni Earl sa pakikipaglaban kaya 'wag niyo na siyang idamay," ani ng kaniyang Ama.
"Kung gayon ang asawa mo na lang Mr. Layson. Malaki ang maitutulong mo Aida." hinila nito ang buhok ng babae dahilan upang sumigaw si Earl mula sa ikalawang palapag.
"Bitawan mo ang Mommy ko!" napahinto naman ang lalaki saka humarap muli para makita ang namumulang si Earl dahil sa galit.
"At ano namang magagawa mo. You're just a child." ngumisi ito pagkatapos ay walang awang sinunog nito ang nanay ni Earl ng buhay kaya ang bata ay halos hindi makahinga ng maayos dahil sa nasaksihan. Sa kaniyang mga mata ay makikita ang paghihirap ng kaniyang ina habang sinusubukang apulahin ang apoy na hindi man lang naaapektuhan ng ginagawa nito, kahit na tumulong pa ang asawang mangiyak-ngiyak sa nangyayari sa asawa hanggang sa tuluyan ng naging abo ang pinakamamahal ay wala silang nagawa. Ito ang naging dahilan kung bakit nawala sa sarili si Earl at hindi nakontrol ang kaniyang galit.
Ang kabila niyang mata ay unti-unting nagpalit ng kulay. Sa isang iglap ay sumabog ang taong humarang sa lalaking kinamumuhian niya ng sobra. Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ni Earl dahil sa hindi inaasahang haharang ang kaniyang Ama para saluhin ang kaniyang atake. Tumalsik ang ilang dugo sa lalaki samantalang kumalat ang lamang loob ng pinakamamahal niyang Ama sa sahig.
"Isang kahanga-hangang abilidad. Isang destructive eye na kapag nahulma ng husto ay maaaring makapangwasak ng isang gusali, bansa at maging isang buong planeta." sumenyas ang lalaki na kunin ang bata at bago pa man makalapit ang mga ito ay tuluyan ng nawalan ng malay si Earl dahil halos masaid ang kakaunting enerhiya niya sa pwersang pinakawalan ng kaniyang mata.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    EstangcoKurt Calvin

    thank you po

    11/04

      0
  • avatar
    LinayRyan

    you are doing better than I expected but I don't think it will be a good

    10/02

      0
  • avatar
    Steve Beceril

    it's good

    22/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata