logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3: Jocund

Third person's POV
Bumukas ang malaking tarangkahan ng silid-pagpupulong at pumasok ang may katandaan nang lalaki, mapapansin ang karangyaan na mayroon ito dahil sa pananamit ng matanda. Nang umupo ito sa pinakagitnang dulo ng lamesa ay umupo na rin ang labing-apat pang naroroon na may matataas na posisyon sa organisasyon.
"Meroon akong natanggap na ulat," panimula nito bago uminom sa kaniyang kupita. Hindi man nakakatakot ang boses nito ay hindi naman sumasang-ayon ang totoong ugali ng lalaki. Halatang ang mga naroroon ay kinakabahan sa anumang ulat ang natanggap ng kanilang pinuno.
"The name Earl Layson ay may katangi-tanging kakayahan. An interesting one." nakahinga nang maluwag ang mga nasasakupan nito na siyang ikinangiti ng matanda na parang pinaglalaruan ang kapwa Exorcist, napansin naman ng mga ito na meroon pa itong sasabihin maliban sa pangalang Earl Layson kaya ang kabang naramdaman kanina ay nanumbalik.
Samantala napabangon ang pinakabata sa kanila na kanina ay nakadukdok ang ulo sa mahabang lamesa ng marinig ang kaniyang code name. "Exorcist Eleven, You know what to do but this time make sure you control yourself. I have a feeling that he's not what we think he is," ani ng matanda.
Tumango ang nasabing Exorcist bilang pagtanggap ng iniatas na mission kahit na labag sa kaniyang loob. "bakit ba sa tuwing meroong pinababantayan ay sa akin lagi pinapagawa, samantalang ang matatandang ito ay nagpapakasarap lamang." sa isip ng binata.
"Exorcist Nineteen, totoo bang nagpatali ka sa isang ordinaryong babae. Alam mo ang mangyayari sa mga sumusuway sa aking mga itinalang batas," lahat ng naroroon ay napatingin sa lalaking nasa katanghaliang gulang na. Napayuko ito at hindi makapagsalita dahil Hindi niya lubos maisip na mabubunyag ang sikreto nito ngayon pang kabuwanan ng kaniyang asawa sa ikalawa nilang anak.
"Magaling Roberto, naitago mo sa akin ng mahabang panahon pero Isa kang mangmang, sayang lang at Hindi na kita mapapakinabangan pa. Alam mong walang sikretong Hindi nabubunyag," saad nito.
Agad na napalayo ang mga katabi ni Exorcist 19 ng banggitin ng kanilang pinuno ang totoong pangalan ng lalaki dahil alam na nila ang mangyayari. Sa isang kisapmata ang tumatakbong nagngangalang Roberto ay bigla na lamang lumiyab pagkaraan ay naging abo. Ito na ang naging katapusan ng kaniyang buhay, Hindi man lamang siya nasilayan ng kaniyang ikalawang anak na malapit ng masilayan ang kasamaan ng mundo.
Naalerto ang lahat ng naroroon maliban sa pinunong prenteng nakaupo lamang. Mula sa abo ay unti-unting nabuo ang pigura ng naka-itim na lalaki.
Kapansin-pansin ang pagiging pormal nito mula sa pagtayo, pananamit, at ayos ng buhok.
"Sino ka at paano ka nakapasok!" tanong ng isang synthesis na hindi tinugunan ng misteryosong lalaki.
"Isa lamang ang posibleng dahilan, our system is hacked!"
"Anong kailangan mo!"
Ngumiti ang misteryosong lalaki bago nagwika, "Paano nga ninyo gamitin ang system, ahhh, ganito pala." itinaas nito ang kanang kamay at nagwika "System call: thermal energy, ball shape. Discharge," simpleng salita nito na sinunod agad ng system.
Tumama ang atake nito sa ginawang barrier ng mga Exorcist pero hindi ito nakayanan ng barrier kaya dere-deretsong tumama sa kanila ang nagliliyab na bolang apoy.
Nang mawala ang apoy dahil sa kakayahan ng pinuno nilang magmanipula ng apoy ay wala na ang misteryosong lalaki subalit isang transparent screen ang nakita nila.
MY LORD CALLS ME WILLIAM AND HE SAYS 'KUMUSTA NA FUNTOM EXORCIST, Nalalapit ng magtapos ang pag-iral ng inyong pinakamamahal na organisyon. Ang inyong masamang hangarin ay aking wawakasan kasama ninyong mga halang ang bituka
Nabasag ang screen pagkaraan ng ilang segundo saka lamang nila napansin ang naging dulot ng atake. Meroon pang napuruhan, halos Wala ng suot dahil nasunog ang robang suot.
Napakuyom ng kamao ang pinuno nila at tuluyang sinunog ang mga naghihingalong Exorcists sa sobrang galit nito. Sa dami nila kanina sa loob ng silid-pagpupulong ay anim na lang silang natira.
*****************************
Napakuyom ng kamao ang pinuno nila at tuluyang sinunog ang mga naghihingalong synthesis sa sobrang galit nito. Sa dami nila kanina sa loob ng silid-pagpupulong ay anim na lang silang natira.
Earl's POV
By the time na pumasok ang teacher namin. Parang mga bubuyog na lumilipad papalayo ang ingay sa loob ng silid.
I wonder kung bakit some of the students has a lot to say sa mga kaibigan nila tuwing nagkikita–parang hindi nauubusan ng sasabihin pero pagdating sa recitations, oral exam, and reporting ay sarado ang bibig; parang napipi. Umupo ang kararating lang na guro bago magsimulang magcheck ng attendance.
Pagkatapos ng Attendance ay tumayo ito dala ang class record papunta sa likod na bahagi na silid.
"Nows the time for your class recitation," wika ni Mrs. Annie C. Balitaan– the teacher for prose and poetry na subject every tuesday night, 7:00-8:00.
With that cue ay agad na pumunta sa harapan si Alexa na katabi ko lamang. She recites the poem na pina-memorized sa amin.
"The Daffodils written by William Wordsworth," panimula nito. I'm amazed how she expresses every word, it's like she really understand what the poet felt ng isinusulat nito. Maging ako ay damang-dama ang ipinahihiwatig ng tula sa tuwing bibigkasin nito ang bawat kataga.
Ipinikot ko ang aking matang hindi natatakpan ng puting tela. Gusto kong malaman kung anong totoong nararamdaman nito. Pagbuklat ko.....
Purple. One of the color sa tuwing gagamitin ko ang ability na meron ang mga mata ko. Purple aura is equal to the feeling of anxiety and agitation caused by the presence of nearness of danger, being pressured, and etc. I believe na she used what she really felt sa umpisa pa lang, and because she's a genius, she manipulated her emotion. Good job m'lady.
I stand on my feet ng matapos si Alexa since ako ang second sitter, next to her. Hindi alphabetical ang process ng recitation, by seat.
"I wander," umpisa ko. I really don't know how to express this poem.
"I wandered lonely as a cloud. That floats on high o'er vales and hills, when all at once....... I saw a crowd, a host of golden daffodils, beside the lake, beneath the trees, fluttering and dancing in the breeze."
The night class ended with a jocund(means joyful) performance of the last sitter. Halos sumakit ang tiyan ng mga kaklase ko kakatawa. Knowing the last sitter, dinadaan lahat sa biro. Nagsimulang magsilabasan ang mga kaklase ko, ang ilan ay halatang inaantok na.
Alexa said a goodbye on me bago nagmamadaling lumabas ng classroom dahil paniguradong nasa labas na naman ang Kuya nitong laging bugnutin. Ayaw na ayaw nitong nakikita akong kasama si Alexa.
Bago lumabas ng silid. I always does kung anong ginagawa ko bago umuwi, check my place kung may naiwan pa ba ako o may basurang nagkalat na alam kong hindi naman akin. Nang makita ang isang yellow paper na crumpled ay yumuko ako para pulutin ito sa ilalim ng lamesa.
"Earl," agad akong napatayo ng biglang binangggit ang pangalan ko. Mabuti na lamang at hindi ako nauntog sa table.
"Yes Ma'am?" tanong ko kay Ma'am. Baka may iuutos. Pansin ko naman na nagtataka ang ekspresyon ni Mrs. Balitaan na kanina'y may kinakalikot sa laptop.
"Pardon Mr. Layson?" ako naman ngayon ang nagtataka. Eh? diba tinawag niya ako. Posible namang hindi siya since kaming dalawa na lang ang naiiwan dito.
"T-tinawag niyo po ba ako?" kinakabahang tanong ko dahil ayokong paniwalaan ang mga teoryang lumalabas sa isip ko.
"Wag mo kong t-tinatakot ng ganyan Earl ha," pagbabanta nito sa akin. Nanginginig ang boses nito nang magsalita. I roam around my head pero tanging kami na lang talaga ang natitira.
Kung hindi si Ma'am, Sino?. Don't tell me minumulto ako! o baka nababaliw na ako sa sobrang boring ng buhay ko!
Naglalakad ako sa pasilyo ng eskwelahan, napa-iling ako ng ilang beses ng maalala ang senaryo kanina. Halos matalisod si Ma'am kanina nang lumabas sa silid dahil sa takot, muntikan pa ngang maiwan ang sling bag nito mabuti na lamang at naipaalala ko sa kaniya.
Napatago ako sa madilim na parte nang makita ang babaeng hindi magkamayaw sa pagtakbo. Mabilis itong dumaan sa pinagtataguan ko. I almost freeze on my feet nang makita ang dahilan ng pagiging dumsel in distress ng babae. Hindi ako pwedeng magkamali. That is an Infernal Shadow ayon na rin sa tawag ng aking lolo dito.
Kinuha ko ang silvery in color na bell. My lolo's gift when I turned eleven eight years ago. Pinatunog ko ito bago pa makagawa ng hindi maganda ang infernal shadow sa babaeng nadapa at hindi na magawang makatayo dahil sa takot.
to be continue.....

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    EstangcoKurt Calvin

    thank you po

    11/04

      0
  • avatar
    LinayRyan

    you are doing better than I expected but I don't think it will be a good

    10/02

      0
  • avatar
    Steve Beceril

    it's good

    22/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata