logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

TULIPS

"May poging attorney sa labas!" Narinig ko si Mimi kaya napalingon ako kaagad sa kaniya.
"Sino kayang hinihintay no'n?" tanong naman ni Cassie.
"Baka ako," kinikilig na sabi pa ni Mimi.
Wala pa ang professor namin kaya naman maingay pa sa loob ng room.
Sinong attorney 'yon? Si Kenny kaya 'yon? Impossible!
Tumayo ako at pumunta sa unahan.
"Oh, bili na kayo ng paninda ko riyan, oh. Murang-mura na abot kaya pa." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Naagaw ko naman ang atensyon nilang lahat.
"Patingin!" sabi ni Sevi kaya naglakad ako palapit sa kaniya pero nakaharang si Mimi.
"Hoy, tabi nga riyan. Harang ka nang harang wala ka namang bango." dire-diretso kong sabi.
"Yuck! Ang bango ko kaya. Cheap mo talaga," mataray niyang sabi.
"Tabi!" hinawi ko siya pero lalo lang humarang.
Papansin talaga ito, sabunutan ko 'to, eh. Ang arte pa.
"May costumer ako kaya umalis ka sa daan ko."
"What if I don't want?" tinaasan niya ako ng kilay.
Petchay ka! Ahitin ko kilay nito, eh.
"Ewan ko saiyo. Ang arte mo," hinawi ko na siya nang todo lakas at lumapit kay Sevi. Ipinakita ko sa kaniya ang mga tinda ko.
"Sa tingin ko bagay ito saiyo," inilapit ko sa dibdib niya ang black na shirt na round neck.
"Sige, bilhin ko," nagbayad na siya agad.
"Sino pa bibili riyan? 'Wag na mahiya.. yohoo," daldal ko nanaman sa kanila. Lumapit si Jerick at tiningnan ang paninda ko.
"Kakabili mo lang, ah? bibili ka nanaman?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Yeah, mahilig ako sa shirts," nakangiti niyang sabi. "Kahit walang brand 'yan okay lang alam ko naman kung bakit mo 'to ginagawa."
"Talaga ikaw!" kinurot ko pa ang baiwang niya. Isa si Jerick sa malapit kong kaibigan halos lahat naman kaibigan ko maliban na lang sa grupo nila Mimi.
"Flirt," nilingon ko si Mimi na ngayon pala ay nasa tabi ko, magkakrus ang dalawang braso.
"Palibhasa kasi wala kang alam sa sales talk puro panlalaki lumalabas sa bibig mo," prangka kong sabi sa kaniya dahilan para lumaki ang mata niya.
"How dare you?" akmang sasapakin niya na ako pero humarang si Jerick.
"Stop that, Mimi," sinamaan niya ito ng tingin kaya naman inis na lang itong umalis.
"Ang bruha talaga n'on. Epal kahit kailan," inis ding sabi ni Cecelia at saka inayos na ang mga paninda ko.
"Thanks, Jerick," ngumiti ako sa kaniya.
"Basta ikaw," ngumiti rin siya.
Dumating na ang professor namin kaya naman nagsi-upuan na kaming lahat at nagpokus sa discussion. Nang matapos ang klase ay nagulat ako sa presensiya ni Kenny. Nakasandal ang kanang balikat sa pader at magkaikrus ang braso at paa.
"Kenny!" tawag ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako nang walang emosyon.
"Don't call me Kenny, Shine is laughing at me," napanguso ako sa sinabi niya.
Ang cute kaya ng Kenny.
Biglang pumasok sa isip ko ang binanggit niyang pangalan. "Sino si Shine?"
"Si-oh, sorry. That's confidential." Lumapit siya sa akin. Rinig ko nanaman ang bulong-bulungan ng ibang tao.
"Ang landi niya, can't you see lahat na lang?"
"Kanina si Jerick ang kaharutan niya sa loob."
"Pokpok."
"Desperada."
Pumintig ang tainga ko sa mga bulong nila akmang lalapitan ko na sila pero nauna nang lumapit si Kenny--Taxon pala, ayaw niya no'n, eh.
"Oral Defamation, 'yon ang pwede kong ikaso sa inyo sa paninirang puri niyo sa kaniya kapag hindi pa kayo tumigil!" asik ni Taxon sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ng mga babae. Biglang nanahimik ang lahat at wala ng ginusto pang magsalita dahil sa takot.
"Mabubulok kayo sa kulungan kapag narinig ko pa ang mga masama niyong sinasabi sa kaniya, Understand?!" nakita ko nanaman ang nakakatakot niyang tingin kahit hindi ako ang sinasabihin ay gumapang ang takot sa buo kong katawan.
Bakit ba ganyan siya?
Ilang ulit ko na iyong tinanong sa sarili ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin masagot. Ang lakas ng dating niya 'yong tipong katatakutan mo talaga kahit nga hindi siya magsalita tumingin lang manginginig ka na sa takot.
"Y-yes," natatakot na sabi ng mga babae.
"Get out of my sight!" inis na sabi ni Taxon kaya nagmadaling umalis na ang mga babae pati na rin ang iba pa.
Nanlaki ang mga mata ko nang ibaling niya sa akin ang tingin.
Petchay!
Nalaglag ang libro kong hawak dahil sa panginginig sa takot.
"Are you okay?" ang mga mata niya ay galit pa rin kaya hindi ko masalubong. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Look at me, nakangiti na ako." Doon lang ako tumingin sa kaniya. Alam na niya kung ano ang kinakatakot ko.
Pinulot niya ang libro ko. Akala ko ay ibibigay niya sa akin pero dinala niya 'yon. Kinuha niya rin ang paper bag na ang laman ay mga paninda ko. Pinilit kong kunin iyon pero nag-agawan lang kami, talo ako.
"I'm sorry, kasi pinuntahan kita kahit sinabi mong hindi na tayo pwedeng magsama," bumuntong hininga siya. "I'm just worried about yo-" napatigil siya sa pagsasalita nang mapasulyap sa leeg ko kaya tinakpan ko agad 'yon.
"Did he hurt you?" tinanggal niya ang kamay ko kaya wala na akong nagawa. Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at pagkuyom ng palad.
"Sinaktan ka niya?!" galit na siya, kunot ang noo at parang anumang oras ay sasabog na.
"H-hindi, ano kasi.." wala akong mahagilap na sagot.
"Fuck that guy!" galit niyang sabi.
"Wala 'to. 'Wag ka na gumawa ng gulo. Okay lang ako. Gusto ko ng tahimik na mundo." Nangingilid na ang luha ko.
"Okay?! Sinaktan ka?! Okay lang?! You're out of your mind!" lalong tumindi ang galit niya nakita ko ang panggigigil niya sa paper bag na dala. "I really can't believe he hurt you! Paano niya nagagawa 'yon saiyo?! 'Wag ka naman magpakamanhid!"
"Please lang 'wag ka na magalit o gumawa ng gulo okay lang talaga ako, promise," itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Pinagtitiisan mo ang gano'ng klase ng lalaki? How dare he to hurt you?! You're crazy to stay at his side!"
"Oo, baliw ako," tumulo na ang luha ko.
"Hiwalayan mo siya dahil baka isang araw mapatay ka niya! Ipakulong natin siya. I will file a ca--"
"No! Please.. 'wag!" tiningnan niya ako nang masama.
"Habang buhay kang magtitiis, huh?!"
Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata.
"Oo!" sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Dahil.." nahirapan akong huminga. "D-dahil mahal ko siya!" Natigilan siya at tumitig sa mga mata ko.
Ilang segundong nagkaroon ng katahimikan, hindi ko alam kung bakit parang may nakita akong lungkot at sakit sa mga mata niya. Nakatitig lang siya sa akin, walang emosyon dahil agad nawala ang lungkot at sakit na nakita ko kanina na para bang sinadya niyang itago.
"O-okay," nagbaba siya ng tingin at hinawakan ako sa pulsuhan. Hinila niya ako pero binawi ko ang kamay ko.
"Please, stay away from me," muli siyang natigilan at tumitig sa mukha ko.
"If that's what you want." Ibinigay niya sa akin ang paper bag at libro ko. Lumuha lang ako nang lumuha.
Ang mawalan ng isang mabuting kaibigan ay masakit para sa akin. Para rin akong na-heart broken. Masakit sa puso dahil sa ilang linggo naming pagsasama wala siyang pinakita sa akin kung hindi kabutihan.
"Just take care of yourself. I'm always text you. You can call and text me anytime, I reply instantly. Just.. take care." Nakababa ang tingin niya habang sinasabi niya 'yon sa akin. "Take care, Vinea Clee."
Sinalubong niya ang titig ko sa kaniya at akmang hahawakan niya ang pisngi ko na kung saan dumadaloy ang luha pero iniwas ko ang mukha ko kaya walang ganang bumagsak ang kamay niya. Umawang ang labi niya na parang may gustong sabihin pero tumikom lang din at basta na lang tumalikod.
Pinanood ko na lang ang paglayo niya. Nakita ko pa ang isa sa mga kaibigan ni Jave, si Revnel Han Sin. Binati niya si Taxon pero hindi niya ito pinansin at nilampasan lang. Tiningnan ako ni Rev na nagtataka kaya ngumiti lang ako sa kaniya. Alam kong hindi niya ako kilala pero kilala ko siya dahil best friend siya ni Jave at nasa circle of friends nila Elle. Gano'n ako ka-solid na JavElle.
Tinahak ko ang hallway, malungkot at nakababa ang tingin. Mabigat ang lakad ko at pinilit na 'wag nang umiyak.
Mr. Horrible.
Tinatawag ko siya sa isip ko. Gano'n nga siguro kasakit ang mawalan ng kaibigan.
Nang marating ko ang bahay ay napatigil ako dahil may nakita akong bulaklak na nakalapag sa tapat mismo ng bahay ko. Nakangiti akong tumakbo palapit doon. Siguro galing nanaman kay Brekley. Kinuha ko iyon at lumapad ang ngiti ko dahil isa iyong tulips, kulay pink at napakaganda. Ngayon lang ako nakatanggap ng tulips dahil ang binibigay ni Brekley ay palaging rose. Hindi ito galing sa kaniya nasisiguro ko.
Pumasok ako ng bahay at umupo sa sofa.
Kanino kaya ito galing? Sino naman magpapadala nito? Hula-hulaan? Admirer? Maganda ba ako? Petchay!
Napangiti ako sa sariling isipin at mas lumapad pa iyon nang maalala ko ang masamang tingin ni Taxon pero napabuntong hininga ako dahil ayaw niyang tawagin ko siyang Kenny tapos end of friendship na kami kaagad dahil nagagalit si Brekley.
Tiningnan ko ang papel na maliit, kulay pink at ang ganda ng disenyo.
From: Mr. H
I like you since the day I hold-up you.

Komento sa Aklat (400)

  • avatar
    Leanida B Nava

    ang ganda po story nabasa ko yung tatlong story ng Family Baider i hope na mailabas na rin ang book 2 ng Z4 The Lost Baider ganda po kase story

    22/12/2021

      0
  • avatar
    LennonCuartel

    it's amazing to read 🥰

    22/06

      0
  • avatar
    _mlbbwhiteroses

    Good

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata