logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

TEXT

"Vinea!"
Napalingon kami ni Kenny kay Brekley. Nagmartsa siya palapit at hinila ako sa pulsuhan.
"Pare, be gentle. Nasasaktan mo na siya," mahinahong sabi ni Kenny. Tumingin siya kay Brekley nang walang emosyon.
"Wala kang pakialam!"
Agad kong hinawakan ang kamay niya para pakalmahin. Nakita ko ang pagbaba ng tingin ni Kenny roon.
"Okay, fine. Sorry pero sana 'wag mong hila-hilahin babae 'yan, eh." Nakita ko ang pagpipigil ni Kenny ng galit, kumuyom na ang palad niya pero pinakawalan din iyon.
"Sabi't wala kang pakialam!" napasigaw na si Brekley kaya naman hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya.
"Sorry, Kenny, aalis na kami." Hinila ko si Brekley pero nagmatigas siya.
"So, Kenny ang pangalan ng lalaki mo?" kinabahan ako sa tanong na 'yon ni Brekley. Para bang napapahiya na ako.
"Excuse me, hindi niya ako lalaki at Taxon Ken Baider ang pangalan ko. You can call me Taxon," madiin
niyang sabi at naglahad ng kamay kay Brekley.
Kahanga-hanga ang pagiging mahinahaon ni Kenny dahil kung tutuosin nakikita ko na ang inis niya.
"Taxon? Hindi bagay saiyo ang maangas na pangalan," ngumisi pa si Brekley. "Wag kang lalapit sa girlfriend ko ulit kung ayaw mong mamatay."
Parehas kaming natigilan ni Brekley nang tumawa si Kenny.
Umiling-iling siya bago nagsalita. "Is it a threat? Oh, come on. Don't talk to me like that."
"Ikaw ang dapat hindi nagsasalita sa akin ng ganyan! Anak ako ng mayor!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nagkakainitan na sila.
"Please naman, Brekley tama na," awat ko.
"Kumakampi ka pa sa lalaki mo!" sigaw niya sa akin at marahas na hiniklas ang sarili sa akin.
"Don't you dare hurt her again. I'm warning you," ma-awtoridad na sabi ni Kenny.
"Sino ka para pagsabihan ako?!" kumuyom na ang palad ni Brekley.
"Taxon," tipid na sabi nito, sarkastiko at saka gumuhit ang ngisi.
"Ang yabang pala ng isang ito!" akmang susuntukin na ni Brekley si Kenny pero humarang ako sa gitna.
"Please tama na, babe." Nagsusumamo kong sabi habang nakaharang kay Kenny. "I'm sorry hindi na ako ulit sasama sa kaniya. Sorry," mas pinalambing ko ang tinig no'n.
Nakita ko ang tiim bagang ni Brekley pero pinigilan ang sarili.
"Pumasok ka na sa kotse," Humawak na ako sa braso niya at tinalikuran si Kenny.
I'm sorry, Mr. Horrible.
Nangilid ang luha ko pero pinigilan ko na 'yon agad. Kaibigan ko na siya tapos ngayon ay iiwasan ko na. Napakabuti niyang kaibigan kaya naman gano'n nalang kasakit ang isiping iiwasan ko na siya para hindi magalit si Brekley.
Nilingon ko si Kenny sa labas ng bintana ng kotse. Hindi nakalampas sa aking makita ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa amin.
Bago pa tuluyang umandar ang kotse ay ngumiti siya, ipinakita sa akin ang beng-beng na hawak niya at isinenyas na ngumiti ako gamit ang mga daliri. Ngumiti na lang ako nang pilit.
"Nakikipag-ngitian ka pa sa kaniya!" inis na sabi ni Brekley bago niya pinaharurot ang kotse.
Nang makarating kami sa bahay ay marahas niya akong ipinasok.
"Kailan ka pa lumalabas na kasama ang lalaking 'yon?!"
"Ngayon lang ibinalik-"
"Ang landi mo!" Itinulak niya ako dahilan para maupo ako sa sofa. "Kapal ng mukha mo makipaglandian! Hindi ka pa nakontento sa akin!"
Nangilid na ang luha ko. Wala talaga siyang tiwala sa akin.
"Hindi ako nakikipag-landian!"
"Kitang-kita ko kung papa'no kayo tumingin sa isa't isa! Hindi ako tanga!"
Napaatras ako nang lumapit siya. "Ang landi mo!" Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.
"Brekley, nasasaktan ako," pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya.
"Talagang masasaktan ka dahil malandi ka!"
"Brek--ley, aray ano ba!" naramdaman ko na ang sobrang higpit ng hawak niya.
"Tandaan mo ito, Vinea. Kapag nakita pa kitang kasama ng lalaking 'yon. Malalagot ka sa akin! Malandi!"
"Hindi nga sabi ako naglalandi. Wala ka talagang tiwala sa akin!" marahas kong tinanggal ang kamay niya. "Bakit ba ganyan ang ugali mo?! Ikaw naman ang boyfriend ko lahat na lang pagselosan mo! Kulang na lang ikulong mo ako rito sa bahay!" tumulo na ang luha ko. Totoo naman lahat na lang nakakapagod din naman.
"Sumasagot ka pa! Imbes na mag-sorry ka huh?!"
Muli niya akong hinawakan sa braso pero nagulat ako nang sakalin niya ako.
"Ayaw ko sa malandi!"
Nahihirapan na akong huminga. "Brek--ley hindi a-ako ahem m-makahinga," ramdam ko ang higpit no'n at unti-unting pagkawala ng hininga ko.
Hinampas ko na ang kamay niya pero ang mga mata niya ay nanlilisik pa rin sa galit. Tumutulo lang ang luha ko. Ang sakit-sakit na ginaganito niya ako.
"Brek--ley," hinampas-hampas ko ulit ang kamay niya hanggang sa matauhan siya.
"Vinea, fuck!"
Umubo ako nang umubo patuloy lang sa paghikbi at hinabol ang hininga ko.
"M-mahal m-mo b-ba talaga ako? Halos patayin mo na ako," pilit kong pinapatahan ang sarili.
Nakita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya. Napasabunot sa ulo at saka nanlulumong umupo.
"Hindi ko sinasadya. I'm sorry, hindi na mauulit," akmang lalapit siya pero lumayo na ako at tumakbo sa isang gilid, niyakap ang tuhod at doon na humagulhol ng iyak.
"Palagi mo na lang sinasabi 'yan," nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang gulity niyang mata na nakatingin sa akin.
"Sorry, nadala lang ako ng selos ko. Hindi ko na uulitin, babe, please," lumapit siya pero sinenyasan ko siyang 'wag lumapit.
"Minsan nagtatanong na ako sa sarili ko kung talaga bang mahal mo ako. Palagi mo akong sinasaktan! Tao ako may damdamin at marunong masaktan!" Nilakasan ko na ang loob ko para masabi iyon sa kaniya.
Ang sakit ng dibdib ko, hindi lang pisikal maging emosyunal sinasaktan niya ako.
"Vinea, I'm so sorry" yumakap na siya sa akin, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang tanggihan ang yakap niya dahil sobrang mahal ko siya.
"Hindi ko sinasadya, babe. Patawarin mo ako, please. I'm so sorry." Ramdam ko ang pagtulo ng luha niya sa likod ko.
Mas nainis ako sa sarili ko nang haplusin ko ang likod niya. "Shh. Okay na."
Sunod-sunod na nag-unahan ang luha ko. Heto nanaman tayo, nagpapakatanga, martyr, at manhid. Kahit nakikita, nararamdaman, at nasasaktan tanggap pa rin nang tanggap.
Hanggang kailan? Hanggang kailan ko balak magtiis sa pananakit niya?
"Mahal na mahal kita, I'm so sorry. 'Wag mo akong iiwan." Tinanggal niya ang pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ko. "Babawi ako, babe. Sorry talaga," tumango na lang ako.
Hanggang kailan ako aasang magbabago ka? Paulit-ulit mo lang akong binibigo.
Tinanggal niya ang mga luha sa mata ko at sinilip ang leeg ko. "Masakit ba? I'm sorry," hinaplos niya ang leeg ko saka dinampian ng halik. "I'm sorry."
Wala akong masabi, 'sorry' hindi na ako naniniwala roon.
Niyakap niya muli ako at iniupo sa sofa. "Anong gusto mong pagkain?" pinalis niya ulit ang mga luha ko kaya ngumiti na lang ako.
Pekeng ngiti.
"Hindi ako nagugutom, eh," malamya kong sabi.
"Vinea, I love you," humalik siya sa noo ko.
"I love you too," kahit ayaw kong sagutin 'yon ay napilitan ako.
Ngumiti siya sa akin. "Sorry na, huh?"
"Okay lang," sinungaling ako. Bumuntong hininga ako pero hindi ko ipinahalata.
Nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi. Akala ko ay dampi lang pero gumalaw siya kaya hinayaan ko na lang. Hinapit niya pa ang ulo ko upang lalo akong mahalikan, nakapikit lang ako at dinadamdam ang halik niya. Naitulak ko siya nang maramdaman ang paggapang ng kamay niya.
"Bakit?" Kunot-noong tanong niya.
"Nagugutom na ako," pagdadahilan ko.
"Sabi mo hindi ka pa nagugutom pero sige. Tara labas tayo."
Lumabas kami at kumain sa labas. Puro mabulaklak na salita ang mga binibitawan niya pero alinman doon ay hindi ako natuwa o kinilig. Isa lang 'yong pagbawi sa kasalanan niya. Malambing at paulit-ulit na 'I love you' kahit ang totoo hindi na ako naniniwala roon.
Kung mahal niya talaga ako iniingatan niya ako at hindi sinasaktan. Pinagkakatiwalaan hindi pinaghihinalaan, inaalagaan hindi binabasura, nirerespeto hindi binabastos, at higit sa lahat tinatrato ako bilang mahalagang babae na minamahal.
Matapos namin kumain sa labas ay umalis na rin siya at nagpaalam. Nahiga ako sa kama, nakatulala at nakatingin sa kisame nang biglang tumunog ang phone ko.
Mr. Horrible calling...
"Hello?"
"Are you okay?" tanong niya. Tumulo nanaman ang luha ko gusto kong sabihing hindi pero hindi ko 'yon magawa.
"Yes, of course," pinilit kong pasiglahin ang tinig ko.
"I'm sorry. Mukhang nag-away pa kayo."
"Ano ka ba wala kang kasalanan doon. Sorry sa nangyari, sorry rin kung hindi na tayo pwedeng magsama next time."
Biglang nanahimik siya. Narinig ko ang buntong hininga niya.
"It's okay, but if you need me. I'm one call away," napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you."
"Anytime. Sige na, pahinga ka na, Blabby."
"Sige ikaw rin, Mr. Horrible," natawa ako sa tawag ko sa kaniya. Bigla ay nakalimutan ko ang sakit na dinaramdam ko.
"Smile, good night," muling lumapad ang ngiti ko nang marinig ko ang masaya niyang tinig.
"Good night," pinatay ko na ang phone.
Buti pa siya nakikita ang halaga ko kahit hindi niya pa ako lubos na kilala.
Inilagay ko ang phone sa sidetable kaya lang kinuha ko rin agad nang marinig na may nag-text.. From: Mr. Horrible I'll meet you in dream land.

Komento sa Aklat (400)

  • avatar
    Leanida B Nava

    ang ganda po story nabasa ko yung tatlong story ng Family Baider i hope na mailabas na rin ang book 2 ng Z4 The Lost Baider ganda po kase story

    22/12/2021

      0
  • avatar
    LennonCuartel

    it's amazing to read 🥰

    22/06

      0
  • avatar
    _mlbbwhiteroses

    Good

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata