logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

RADIATE

"Success is not easy to obtain therefore you need to strive hard."
Nagkaklase kami ngayon kaya todo kinig ako. Syempre nag-aaral akong mabuti. Ito na lang ang mayroon ako. Nagsulat ako ng mga notes at saka diretsong tumingin sa unahan.
Napalingon ako sa gilid ko nang makitang may nag-aabot ng sky flakes. Nakita ko si Jerick, nakangiti at saka sinenyas ang biscuit. Nginitian ko siya bago kunin 'yon.
Marami akong kaibigan lalo na mga lalaki. Malapit ako sa kahit na kanino dahil siguro bungangera ako at masayahin.
Pasimple kong kinain ang inabot niya. Nakangiti akong pasimpleng ngumunguya para hindi mahalata ni Sir.
"Ms. Torrefiel!"
Petchay ka!
Nagulat ako kaya napaigtad ako at kinabahan.
"Yes, sir?" Nanginginig kong sabi.
"Kumakain ka ba?" tanong niya na nakataas pa ang dalawang kilay. "Would you like to share that to us? PG lang?" Nagtawanan ang mga kaklase namin. Ako naman ay nagbaba ng tingin dahil nakakahiya. "May oras ng pagkain at hindi ngayon 'yon."
"Ah, yes, sir, kumakain po siya dahil may ulcer po kasi siya kaya bawal malipasan ng gutom," si Jerick ang sumagot kaya nakahinga ako nang maluwag.
Buti nalang. Ang bait talaga ng mga tao sa akin kaya lang wala naman akong ulcer.
"Ah, okay," muling bumalik si sir sa pagtuturo. "Akala ko PG, eh, sige kumain ka lang riyan."
Nang matapos ang klase ay lumapit ako kay Jerick. "Hoy, salamat. Muntik na akong mapagalitan."
Ngumiti siya sa akin at kumindat. "Wala 'yon," ginulo niya pa ang buhok ko.
Nagpaalaman na kaming magkakaklase bago umuwi.
"Buti hindi ka napagalitan. Prince charming mo talaga 'yong si Jerick," sabi ni Cecelia habang inaayos ang bag niya.
Lumapit ako sa kaniya at yumakap sa braso niya.
Clingy ako, eh.
"Oo nga, siya rin naman nagbigay ng pagkain nagugutom kasi ako, eh," napatigil ako sa paglalakad nang makita si Kenny sa hallway.
Naglalakad siya at diretsong nakatingin sa daan. Kunot ang noo at kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang ilong niyang matangos.
"Si Taxon 'yon, 'di ba?" nakatingin na rin ngayon si Cecelia sa kaniya. "Ang pogi niya talaga. Akalain mo 'yon pinsan pala ni Elle."
"Oo nga," natigil ulit ako dahil naalala kong ibabalik ko nga pala ang pera niya. "Una na pala ako saiyo. Ibabalik ko pera niya."
"Sige, bye," tumakbo na ako agad habang kumakaway kay Cecelia.
"Kenny!" Malakas ko siyang tinawag. Napahinto siya pero hindi humarap sa akin. Mabilis akong lumapit at pumunta sa harapan niya.
"Oh," kinuha ko ang kamay niya at inilapag ang sobrang bayad niya.
"What's this?" kunot-noong tanong niya habang nakatingin sa pera.
"Sobra-sobra binayad mo. Ang laki masyado hindi ko tatanggapin 'yan."
"I give this to you, get it." Ibinabalik niya sa akin ang pera pero hindi ko tinatanggap.
"Ang laki niyan. Grabe ka naman mamigay ng pera pero hindi ko talaga tatanggapin 'yan. Salamat na lang."
Pinilit niya pang ibalik sa akin ang pera pero hindi ko talaga tinanggap kaya napabuntong hininga na lang siya.
"Okay," akmang tatalikod na siya pero hinatak ko nanaman siya.
Wala si Brekley, palagi niya akong hindi sinusundo kaya sanay na akong umuwi mag-isa. Bihira niya akong puntahan dahil marami raw siyang ginagawa. Hindi naman ako sanay umalis mag-isa lagi akong nagyayaya ng kung sinu-sino dahil mag-isa na nga ako sa bahay gusto ko naman sa labas lagi akong may kasama.
"May lakad ka ba ngayon?" nakangiti kong tanong.
Kumunot ang noo niya at nanginig ako nang makita nanaman ang nanlilisik niyang mata. "Hoy, ayusin mo naman 'yang tingin mo. Nakakatakot."
Inayos niya ang tingin pero kunot pa rin ang noo. "This is my usual. You should not be afraid," tumingin siya sa relo at saka inilabas ng phone. "Wait lang."
Lumayo siya ng kaunti sa akin at may kinausap sa phone kaya hinintay ko lang siya.
"I'm free now," sabi niya nang makabalik.
Ibig sabihin kinancel niya ang lakad niya? Woah! Petchay kang lalaki ka. Nakakahiya!
"Where are we going, a date?" ngumisi siya.
Ngumiti rin ako nang makita ang ngisi niya. Marunong naman pala siya noon.
Bakit ba lagi na lang masama ang tingin niya? Kulang na lang umapoy ang tinitingnan niya.
"Hoy, hindi," tanggi ko agad. "Bibili lang ako ng beng-beng libre kita."
"Beng-beng?" kunot-noo niyang tanong.
"Basta," hinila ko na siya at tumakbo.
Mahilig akong manghila tapos tatakbo. Baliw ako, eh.
Narating namin ang isang tindahan.
"Pabili po," lumabas ang tindera. "Pabili po ng beng-beng. Apat na piraso," nakangiti kong sabi at dumukot ng pera.
Nang maibigay sa akin ng tindera ay biglang inabot ni Kenny ang 1,000.
"Hoy ang laki nyan. 10 pesos lang isa nito," tinabig ko ang kamay niya at inabot sa tindera ang 40 pesos.
Inabot ko kay Kenny ang beng-beng. "Tada! Masarap ito. Chocolate, mura pa!" Nakangiti kong sabi.
Tinitigan niya lang ang beng-beng. "Hindi ako mahilig sa matamis," sabi niya kaya kinuha ko na lang ang kamay niya at inilagay roon ang dalawa.
"Tikman mo lang," kinuha ko ulit ang isa at binuksan iyon. Nang lumabas na ang parte ng chocolate ay nakangiti ko iyong isinubo sa kaniya.
Pinagmasdan ko ang reaksyon niya. "Sarap 'no?" tumango siya at ngumuya.
Inilagay ko sa kamay niya ang binuksan ko na. "Favorite ko 'yan."
Binuksan ko na rin ang akin at kinagat ko na. Napapikit ako nang malasahan ang sarap. Ito talaga ang nakakapagpangiti sa akin matikman ko lang masayang-masaya na ang mood ko. Hindi ko alintana ang mga hibla ng buhok kong humaharang sa mukha ko. Hinahayaan ko 'yon palagi, hindi naman sobrang haba ng buhok ko pero madalas talaga ay nakaharang ang buhok ko sa mukha ko.
Nagulat ako nang ayusin ni Kenny ang mga hibla ng buhok ko at nilagay iyon sa gilid ng tainga ko. Napatitig ako sa kaniya, ngayon ko lang napagmasdan ang mga mata niya. Ang ganda pala talaga no'n. Matangos na ilong, magandang porma ng labi, ang buhok ay animo'y laging nakaayos.
Sa madaling salita, ang guwapo niya talaga. Kung titingnan mo siya para siyang celebrity. Bukod sa palaging pormal ang suot niya, ang lakas makadating ng pagsusungit niya.
"Baka matunaw ako," mas lalo akong natulala nang makita ang ngiti niya.
Petchay! Ang pogi niya.
"Artista ka ba?"
"Huh?"
"I mean ano.. kasi.." nagkamot ako ng ulo. "Artista ka ba?"
"No," nagtataka niya akong tiningnan.
"Model?"
"No."
"Talaga?"
"Why?" Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ako.
"Wala. Bagay ka kasi sa modelling."
"Ah," tumango-tango siya at tipid na ngumiti.
"Ngiti ka lang palagi, okay?" ipinakita ko sa kaniya ang malapad kong ngiti. "Mas bagay saiyo, Mr. Horrible."
Bigla ay tumalim nanaman ang tingin niya. "Hoy! Sabi't ayusin mo ang tingin mo nakakatakot. Bukod sa tindig mo, degree mo na attorney pa, lahat saiyo nakakatakot. Ikaw 'yong tipong dapat hindi inaaway dahil baka sa kulungan ang bagsak ng aaway saiyo."
"Mr. Horrible? Really? Kulungan?" sarkastiko niyang sabi. Humawak siya sa dibdib at umaktong nasasaktan. "Ouch."
"Eh, nakakatakot ka kasi tumingin." Inilagay ko ang daliri ko sa tig-kabila niyang pisngi at pinorma iyon upang ngumiti. "Smile!"
Sa wakas ay ngumiti na siya. "Oh, edi mas bagay."
"Bakit ba kasi laging ganiyan ang mata mo. Siguro kung lalaki ang titingnan mo nang ganyan nasuntok ka na. Sa pogi mong 'yan sayang kung magagasgas lang ang mukha mo."
"I'm handsome?" Nakangiti na siya ngayon.
"Oo, hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa salamin?" Kumagat ulit ako ng beng-beng.
"Nakikita," natigilan ako nang punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang panyo niya. "Ang kalat mo kumain, blabby."
"Blabby? Hoy, ano 'yon?"
"Blabby as in talkative."
"Petchay! Hindi naman masyado."
"Petchay?"
"Gulay na petchay, favorite vegetable ko."
"Ang dami mong alam."
"Bakit hindi mo alam ang petchay, huh?"
"I know, but I do not eat vegetables."
"Ohh," ngumiti ako nang malapad. "Lutuan kita minsan para kumain ka."
"Really? Sure," nagtataka ko siyang tiningnan. Lumapad ang ngiti niya na halos pumikit na ang mata.
Parang ang dami niyang hindi alam tungkol sa malilit na bagay o baka sadiyang mayaman lang siya?
Napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang phone ko.
Brekley calling...
"Hello?"
"Where the hell are you?! Hindi ka pa umuuwi nandito ako sa bahay mo!" asik niya kaagad sa akin.
Tumingin ako kay Kenny at sumenyas na saglit lang.
"Nandito sa may malapit lang sa Laurente. Sa tindahan."
"I'll pick you!"
Magsasalita pa sana ako pero ibinaba na niya. Napabuntong hininga na lang ako.
Kailan ba mawawala ang pagsusungit niya na wala naman sa lugar?
"Who's that?" tanong niya habang kumakain ng beng-beng. Mukhang nagustuhan niya.
l
"Boyfriend ko."
Natigilan siya at tumitig sa akin.
"May boyfriend ka pala. 'Yong kasama mo sa Rosa Restaurant," nag-iwas siya ng tingin. "Is that your boyfriend?"
"Oo, bakit? Akala mo ba walang magkakagusto sa akin?" Tumawa ako. "Hindi naman ako pangit 'no? Sakto lang," kumindat pa ako sa kaniya pero nakita ko ang pilit na ngiti niya. "Kainin mo 'yang beng-beng, huh?" tumango lang siya.
"We'll see each other again, right?" Naniniguradong sabi niya.
"Oo naman! Ikaw pa! Bili ka ulit ng mga tinda ko," kinuha ko ang phone ko. "Anong number mo?"
Imbes na sagutin ay kinuha niya ang phone ko. Nang ibalik niya ay nakita ko ang nakalagay 'Mr. Horrible'. Napangiti ako, tanggap niya na nakakatakot siya at nakakakilabot.
"Blabby," sabi niya habang nakangiting nagta-type sa phone niya.
"Kinarer mo ang blabby, huh? Hindi naman ako masyadong madaldal pero okay na rin 'yan. Ang cute ng blabby," tumawa pa ako.
"Mas cute ka."
"Huh?"
"Mas cute ka."
"Inulit pa?"
"Pinapaulit mo, eh."
"Sa sobrang cute mo.." bumulong siya na hindi ko narinig kaya kumunot ang noo ko.
"Anong sinasabi mo?"
"Your smile radiates to my.." ihinawak niya ang kamay sa dibdib at saka tipid na ngumiti.
Anong sinasabi niya?
"'Yong totoo, Kenny, adik ka ba?"

Komento sa Aklat (400)

  • avatar
    Leanida B Nava

    ang ganda po story nabasa ko yung tatlong story ng Family Baider i hope na mailabas na rin ang book 2 ng Z4 The Lost Baider ganda po kase story

    22/12/2021

      0
  • avatar
    LennonCuartel

    it's amazing to read 🥰

    22/06

      0
  • avatar
    _mlbbwhiteroses

    Good

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata