logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CARE

Naglalakad ako sa hallway at naghahanap ng mabebentahan ng mga undergarments na binebenta ko nang makita si Taxon Ken Baider. Tandang-tanda ko ang pangalan niya dahil matandain ako sa pangalan.
"Kenny!"
Malakas na sigaw ko sa hallway nahiya naman ako dahil nagtinginan ang mga tao kaya tumakbo na lang ako para habulin siya.
Kenny ang tawag ko sa kaniya. Nakakatakot kasi kung 'yong first name niya o 'yong second name. Nakakatakot na nga siya tumingin pati pangalan ba naman.
"Kenny, wait!" hingal na hingal akong humawak sa braso niya.
Ipinakita niya nanaman sa akin ang masama niyang tingin kaya nangatog ang tuhod ko.
Ano ba namang lalaki ito akala mo normal lang na ganyan ang tingin niya.
Normal nga lang ba talaga?
"What?" asik niya.
Hindi na ako sumagot at hinila na lang siya palabas ng Laurente buti hindi pumalag.
"Patingin," hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at iniharap sa akin ang mukha niya.
Tumingkayad pa ako dahil mas mataas siya sa akin.
"Aww, meron pa kaunti."
Sinipat-sipat ko pa 'yon pero natigilan ako nang makitang nakatitig siya sa akin kaya naman nahiya ako at binitawan ko ang pisngi niya.
"Sorry, hindi ko talaga sinasadya. Ano bang gamot diyan?" pinilit kong ngitian siya.
Kumunot ang noo niya pero ang masamang tingin ay hindi na nawala. Nakakatakot talaga itong lalaking ito hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip pasalama't siya at pogi siya.
Hindi siya sumagot at akmang tatalikuran ako pero hinablot ko ang balikat niya.
"Sorry talaga," hinawakan ko ang pisngi niya at sinipat ulit. "Sana gumaling na 'yan," napasimangot ako. "Bakit ko ba kasi sinipa 'yon? Kawawa ka naman."
Napailing-iling siya at akmang tatalikuran nanaman ako pero hinila ko nanaman paharap sa akin.
"Gusto mo bang bumili ng mga paninda ko? Hihi," nginitian ko siya nang malapad kaya naman natigilan siya.
"Ano? Bibili ka o bibili ka?" Pangungulit ko.
"Oh, well, alam ko naman na bibili ka kaya ito." Inabot ko agad ang paper bag.
"Mamili ka, dali! Bagong labas 'yan at mura-mura lang abot kaya. Tingnan mo na," lalong kumunot ang noo niya pero dahil pinilit kong iabot sa kaniya ang paper bag ay napilitan siyang tanggapin.
"Kung ayaw mo niyan. Meron pa ako sa apartment," nakangiti kong sabi sana umubra ang pangbobola ko.
"How much is this?" walang gana niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko at ngumiti ulit.
"2,000 lang 'yan. Kung gusto mo pa mayroon ako sa apartment. Tara!" hinila ko ulit siya kaya wala nanaman siyang nagawa.
Malapit lang ang bahay ko sa Laurente kaya naglakad lang kami kaunting kembot lang at nasa apartment na kami.
"Upo ka. Sandali kunin ko lang," iginaya ko siya sa kahoy kong sofa.
Kinuha ko ang mga binebenta kong shirt, short, at undergarments na tinda ko.
"Tada!" Pinakita ko sa kaniya ang mga 'yon.
"Mamili ka. I think bagay saiyo ang puti para magmukha kang anghel lalo kang popogi rito." Dinadaldal ko siya habang pinapakita ang mga tinda ko.
"Underwear?" kunot-noo niyang tanong nang makita ang paper bag na binigay ko sa kaniya kanina.
"Bibilhin mo tapos 'di mo pala tiningnan. Ikaw talaga. Sige mamili ka pa," nakangiti kong sabi.
Itinaas ko ang white na v-neck shirt at ipinatong sa may dibdib niya. "Bagay ito saiyo. Bilhin mo na," marami pa akong sinabi pero natigilan ako nang makitang nakatitig lang siya sa mukha ko.
Bakit ba lagi siyang nakatitig sa mukha ko?
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" pinunasan ko pa ang mukha ko.
Bumuntong hininga siya at saka inilagay lahat ng mga damit sa paper bag. Malaki iyon kaya naman nagkasya lahat.
Bibilhin niya ba lahat? Petchay!
"How much?"
"Bibilhin mo lahat?" Nanlaki ang mga mata ko at nasapo ko ang bibig ko. "Talaga?"
"Yeah," naglabas siya ng wallet at nag-abot sa akin ng sa tingin ko ay 10,000 ang yaman niya naman.
"Ano ka ba! Ang laki niyan. Wait tingnan ko kung magkano," kinumpute ko sa utak kung magkano lahat-lahat.
"4,040," nakangiti kong sabi.
Inilagay niya sa kamay ko ang perang hawak niya hindi niya man lang binilang 'yon kaya napatitig ako roon.
Sigurado akong malaki ito.
"Pero.." nakamot ko ang ulo ko. "Ang laki nito."
"Keep the change. I'm going," tumayo na siya at kinuha ang paper bag.
Pinanood ko ang pagtalikod niya pero hinabol ko ulit siya.
"Salamat. Malaking tulong ito sa akin," nangilid ang luha ko. Tiningnan niya ako nang walang emosyon.
Minsan masama tumingin ngayon naman walang emosyon.
May ganito pa lang tao, iyong tipong hindi mo talaga mababasa ang iniisip at ikagugulat mo na lang na mabuti pala siya.
"Anytime," tumalikod na ulit siya pero hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.
"Thank you so much!" emosyunal kong sabi. Natigilan siya pero nang ma-realize ko kung ano ang ginawa ko ay agad akong nagtanggal ng yakap.
"Sorry. Na-carried away lang ako alam mo naman. Hihi," tiningnan niya lang ako. Naglakad siya pero tumigil din saglit.
"Alagaan mo ang sarili mo," sinabi niya 'yan habang nakatalikod sa akin.
Huh? Ano raw?
Hindi ko siya naintindihan doon. Hahabulin ko pa sana siya pero ang layo niya na. Ang bilis niya.
Ang bait niya. Sana lahat ng costumer ko katulad niya.
'Alagaan mo ang sarili mo'
Anong ibig niyang sabihin?
Napasulyap ako sa salamin sa gilid ng pinto at nakita ko ang sarili ko. Lumapit ako roon at pinakatitigan ang mukha ko. Ang laki ng eyebags ko, mugto ang mata, namumula ang pisngi ko at ang payat ko.
Ito ba ang sinasabi niyang alagaan ko ang sarili ko?
Siguro nga kailangan ko 'yong gawin. Umupo ako sa sofa at binilang ang ibinigay niya nagulat na lang ako dahil 15,000 'yon.
Petchay ka! Bakit ganito kalaki? Nakakahiya! Grabe naman siya. Sobrang yaman niya ba para mamigay ng ganito kalaki?
May kumatok kaya napatayo ako at binuksan ang pinto. Napangiti ako nang makita si Brekley na may dalang bugkos ng bulaklak.
"Brekley?"
Agad siyang yumakap sa akin. "I'm sorry. Patawarin mo ako," bulong niya sa tainga ko.
"Okay lang 'yon," nakangiti kong sabi.
Inabot niya sa akin ang bulaklak. "Salamat."
Magkahawak kamay kaming umupo sa sofa.
Sa isip ko ay heto nanaman at tatanggapin ko siya kahit paulit-ulit na ang sorry niya. Walang pagbabago gano'n pa rin. Tanga nga siguro ako para paulit-ulit din siyang patawarin.
Mahal ko siya, eh.
Napabuntong hininga ako pero hindi ko pinahalata sa kaniya.
"Kumain ka na ba?" malambing niyang sabi at saka ako niyakap sa baiwang.
"Hindi pa," tipid kong sagot at pinilit na hindi ipakita ang ngiwi ko upang magmukha iyong nakangiti.
"Kumain tayo sa labas," mas malambing na ani niya.
"Sige."
Nakarating kami sa Imperial's mall. Ang ganda talaga rito lalo na at ang pamilya ni Jave ang nagmamay-ari nito. Alam ko lahat tungkol sa lalaking 'yon gano'n ako kasugid na taga-hanga.
"Saan mo gustong kumain?" Umakbay siya sa akin.
"Kahit saan basta mura lang."
Tahimik kaming naglakad, natigilan ako nang dalhin niya ako sa Rosa Restaurant.
Petchay! Ito 'yong resto nila Jave!
Napangiti ako nang malapad.
"Dito na lang tayo," pinagmasdan pa ni Brekley ang kabuuan.
Punong-puno ng rosas.
Ang ganda.
Nag-order si Brekley ng pagkain. Hindi niya ako hinahayaang magdesisyon tungkol doon palaging siya ang nasusunod sa kung ano ang gusto niya.
"Ang ganda rito, Brekley," nakangiti kong sabi at saka pinasadahan ang buong lugar.
Sana nandito si Jave.
Inilibot ko ang mga mata ko pero wala akong nakitang Jave.
Dumating ang mga pagkain kaya masaya akong kumain.
"Kumusta ang araw mo? Alam mo ba ang dami kong benta ngayon. May lalaki kasing bumili ng mga paninda--"
"Mamaya ka na magsalita kumain ka muna," kunot-noo niyang sabi.
Napayuko na lang ako at kumain. Gumuhit ang kirot sa dibdib ko. Parang lagi siyang walang interes sa sinasabi ko. Ayaw niyang marinig ang mga kwento ko palagi. Naiingayan o 'di kaya naman hindi siya nakikinig sa akin.
Napalingon ako sa may gawing kanan. Nanlaki ang mata ko nang makita si Kenny na masama ang tingin sa akin. Nasa labas siya ng resto at magkakrus ang braso.
Petchay! Anong ginagawa niya rito?
Tinitigan ko siya. Ako talaga ang tinitingnan niya at masama ang tingin. Hindi ko siya magawang tawagin o kausapin man lang dahil kay Brekley.
Anong problema no'n?
Nakakatakot talaga ang isang 'yon. Hindi mo alam ang iniisip tapos anong ginagawa niya rito? Nilingon ko muli siya pero nakita ko na ang likod niya na naglalakad palayo. Hindi ko maintindihan kung bakit laging gano'n siya tumingin akala mo naman talaga masamang tao. Kung masamang tao siya ang pogi niya naman. Isa pa, attorney na 'yon.
'Atty. Taxon Ken Baider'
Ang ganda ng pangalan niya. Sana minsan makita ko siyang ngumiti hindi 'yong laging nanlilisik ang mata niya. Kala mo palagi akong may ginawang masama sa kaniya wala naman pero ang bait niya dahil binigyan niya ako ng pera. Babalik ko sa kaniya sa susunod na magkita kami sobra-sobra, eh.
Kung hindi lang nakakatakot ang tingin niya baka naging crush ko siya tulad ni Jave.
Pinanood ko pa ang paglayo niya. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking naiiba sa lahat. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kaniya pero isa lang ang nasisiguro ko, misteryoso siya, iyong tipong hindi mo makukuha agad ang ugali niya pati na ang iniisip.
"Sinong tinitingnan mo?" Kunot noong tanong ni Brekley habang sumusubo.
"Ah, wala," tipid akong nguniti.
Nawala na sa isip kong kasama ko pala siya. Lumipad na ang isip ko sa kuryosidad tungkol sa katauhan ni Taxon Ken Baider.
Napatigil ako sa pagsubo nang makita kong dumaan si Kenny. Kunot ang noo at masama pa rin ang tingin sa akin. Tiningnan ko siya pero nagbaba rin ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang masama niyang tingin.
Sunod ay may pumasok, nang lingunin ko ay si Jave kaya nanlaki ang mata ko pero 'di ako nagsalita baka mahalata ni Brekley.
"Taxon, it's a miracle, what are you doing here?"
Nagkibit balikat si Kenny at sumulyap sa akin.
"Following someone."

Komento sa Aklat (400)

  • avatar
    Leanida B Nava

    ang ganda po story nabasa ko yung tatlong story ng Family Baider i hope na mailabas na rin ang book 2 ng Z4 The Lost Baider ganda po kase story

    22/12/2021

      0
  • avatar
    LennonCuartel

    it's amazing to read 🥰

    22/06

      0
  • avatar
    _mlbbwhiteroses

    Good

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata