logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

HEARTBEAT

Napabalikwas agad ako nang magising.
Bakit nasa kwarto ko ako? Sa sofa ako natulog, ah? Nasaan na si Taxon?
Nagmadali akong pumasok sa banyo at nag-ayos ng sarili. Natigilan ako nang makita ko si Taxon sa kusina.
"Yeah, what should I do next? What if she doesn't like adobo? Shine? Ano ba!" Naiirita na siya sa kausap niya sa phone. Naka-apron siya at likod lang niya ang nakikita ko. "Okay, fine. Shine! Patatas?" Nakita kong inilagay niya ang patatas.
Kausap niya pala 'yong Shine. Sino nga ba 'yon? Baka nga girlfriend niya?
Dumiretso ako at sinilip ko ang niluluto niya. Hindi ako mahilig sa adobo pero kumakain naman ako nito.
"Gising ka na pala?" tiningnan niya ako at ngumiti bago niya kinausap muli ang phone niya. Mukhang good mood siya dahil nakangiti siya. "Sige, Shine. I'll talk to you later. Ingat."
Siguro gano'n siya ka-inlove roon sa babae. Ayaw ko magtanong mamaya kung ano pa ang isipin niya.
"Good morning!" malakas kong bati kaya napatakip siya sa tainga niya.
"Hehe. Good morning din. Let's eat"
Wow, ah parang bahay niya kung maka-ano siya riyan.
Saan niya naman nakuha ang niluto niya? Namalengke siguro ito.
"Hindi ba pumunta si Brekley rito?" natigilan siya at tumingin sa akin. "Kasi kung pumunta 'yon mag-aaway nanaman kayo. Alam mo naman 'yon."
"Edi awayin niya ako. Don't care." napasimangot lang ako. Inilapag niya ang adobo at kanin sa harap ko.
Nagkamot siya ng ulo. "Hindi ako marunong magluto. That's why I asked Shine."
"Okay lang 'yon. Salamat at pinagluto mo ako. First time na may lalaking nagluto sa akin. At saka hindi ako maarte kahit ano kinakain ko," tumawa ako bago ko kunin ang plato at kutsara nilagyan ko rin siya.
"Saan mo kinuha 'to? Namalengke ka? Nagpagod ka pa. Para ka namang ewan diyan," pagdadaldal ko habang inaayos ang plato namin.
Imbes na sumagot ay ngumiti lang siya. "Kain ka ng marami."
"Kahit hindi mo sabihin kakain ako! Minsan lang ako kumain ng adobo," sumubo ako at napapikit. "Ang sarap! Ang galing mo! May talent ka sa pagluluto!" Kinurot ko pa ang pisngi niya.
"Kung hindi lang talaga nagagalit si Brekley pwede tayong maging mag-best friend." Nalungkot ako kaagad at naibaba ang kutsara. "I like to be your friend pa naman sana. Astig no'n may best friend akong attorney."
Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang pilit na ngiti niya.
"We can be a best friend pa rin naman, right?" Kinuha niya ang karne ko at hinimay niya iyon at saka ibinalik sa akin. Napatitig ako roon, parang sa unang pagkakataon may nag-asikaso sa akin.
"Thank you," emosyunal kong sabi na halos pangiliran pa ng luha.
"Anytime," ngumiti siya nang malapad.
Lumapit ako at niyakap siya. "I like you to be my best friend talaga bukod kay Cecelia!" Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na nakayakap sa ulo niya.
"Kumain ka na."
Masigla akong kumain. Subo ako nang subo dahil ang sarap nito. "Siguro tataba ako kung palagi mo akong lulutuan kaya lang magsabi ka muna kung pupunta ka rito o hindi kaya sa iba tayo magkita. War kapag nagpang-abot kayo ni Brekley." Bigla ay naalala ko si Brekley.
Nag-away pala kami kagabi pero wala siyang text ni-isa. Hindi man lang tinanong kung nakauwi na ako.
Naging malamya tuloy ang pagkain ko.
"What's wrong?" Kinuha niya ulit ang karne ko at hinimay. Akmang isusubo niya sa akin 'yon pero tinitigan ko lang.
"Ang bait mo naman yata? Hindi ako sanay na sinusubuan ako. Si Brekley hindi 'yan ginagawa." Kinuha ko ang inaabot niya at ako ang nagsubo. May binulong siya na hindi ko naintindihan.
"Anong sini-say mo riyan?"
"Nothing. Kain ka pa," nilagyan niya ulit ng kanin at ulam ang plato ko.
"Thanks."
Sumubo na ulit ako nang marami kaya lang nabulunan ako. Nakita ko ang paglaki ng mata niya at nagmadaling kumuha ng tubig.
"Takaw mo kasi. Okay ka na?" Hinaplos niya pa ang likod ko.
"Hihi. Ang sarap mo kasi magluto." Umupo ulit siya sa harap ko. "Teka, hindi ka ba busy? Hindi ba attorney ka? Bakit lagi kang nasa Laurente?"
"You have a lot of questions. I did not talk too much," masungit niyang sabi at saka sumubo ng kanin.
"Kawawa ka naman bihira kang magsalita pero dapat ngayon magsalita ka ng marami dahil sa daldal kong ito siguradong mahahawa ka," natigilan ako nang ayusin niya ang buhok na humaharang sa mukha ko.
"Hindi ka ba marunong magtali ng buhok?" Lumapit pa siya at inayos ang buhok ko papunta sa tainga.
Ilang beses na akong natigilan sa ginagawa niya. Siguro hindi ako sanay na may taong nag-aalaga sa akin maliban kay Cecelia at Jerick. Kasi si Brekley hindi niya talaga ito ginagawa.
"Hindi ako marunong. Hayaan mong laging nakaharang ang buhok ko sa mukha dapat lang na takpan hindi naman kagandahan."
"Who said that?"
"Ako."
"You look like a princess like Shine Clear."
'Ayon nanaman ang Shine na 'yon. Sino kaya siya? Swerte niya sa boyfriend niya. Attorney na, mabait, at pogi pa.
"By the way, Can I invite you?" uminom siya ng tubig at nilagyan din ang baso ko. Pinanood ko lang 'yon.
Talaga bang maalaga siya? Maasikaso?
"Saan?" Kinuha ko ang baso ko at uminom.
"My birthday, we'll going to Camarines Norte with my friends and family."
"Nako, 'wag na baka magalit si Brekley."
"But its my birthday," nalungkot siya bigla. "I don't want to celebrate it without you," nagbaba siya ng tingin.
Kawawa naman. Paano naman ako magpapaalam sa boyfriend ko? Bahala na nga.
"Jave and Elle would be there."
"Woah! Talaga?" Ngumiti ako nang malapad. Ramdam ko ang saya na dulot ng sinabi niya. "Sige! Sasama ako. Bahala na si Brekley."
Bigla ay nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko iyon.
Brekley calling...
"Hello?"
"I'm going to Hongkong. Isang buwan ako roon."
"Huh? Eh, bakit hindi mo sinabi agad sa--"
"Hindi lahat kailangan malaman mo agad! Bye."
"Per-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Hindi na nga siya nag-sorry ganiyan pa ang sasabihin niya.
Malungkot akong umupo ulit sa harap ni Taxon.
"Smile," hinawakan niya ang pisngi ko kaya napangiti ako. Akala ko hindi marunong ngumiti ang lalaking ito pero nakakabighani kapag nakita mo iyon.
"Sows, ako lang ang nagsabi saiyong ngumiti, eh. Buti bihira ka nang tumingin nang masama, Mr. Horrible."
"Nandyan ka na kasi, Blabby."
"Connect no'n?"
"Connected tayo. Kapag masaya ka masaya rin ako," ngumiti siya nang malapad.
Tinitigan ko lang siya.
Ano raw?
'Connected tayo. Kapag masaya ka masaya rin ako.'
Hindi agad nag-process ang sinabi niya pero nang ma-process ay tumawa ako nang malakas.
"Palabiro ka rin pala, 'no?"
Ngumiti lang siya sa akin. Nacutan ako kaya kinurot ko ang pisngi niya.
"So cute! My best friend is cute!" Sinasabi ko iyon habang pinanggigigilan ang pisngi niya.
"Yeah, do what makes you happy although it's kinda hurt me," napatigil ako at tumawa nang malakas.
"Namumula na! Ang cute mo kasi."
"Cute? Ang cute aso," nakanguso niyang sabi kaya napangiti ako.
Bakit ba ngayon ko lang nakita ang mga reaksyon niya? Ang pogi at ang cute!
"Petchay ka!"
Niligpit ko ang pinagkainan pero nakipag-agawan.
"Ako na kasi," mahinahon niyang sabi at kinuha ang plato.
"Ako na. Attorney ka pa naman tapos maghuhugas ka lang ng pinggan. Sayang naman ang kagwapuhan mo kung taga--"
"You're blabby," tinapik niya ang ulo ko. "Don't talk too much."
"Anong magagawa mo madaldal ako? Ako na kasi maghuhugas."
"Ako na sabi."
"Ako na."
Nag-agawan pa kaming dalawa pero natalo ako.
Sana all nag-aagawan sa paghugas ng plato pero ang ibang magkakapatid diyan halos mag-away pa kung sino ang tagahugas may schedule pa.
Pinanood ko lang siya maghugas ng plato. Kitang-kita ko ang gandang lalaki niya na naka-side view.
Talaga pa lang ang guwapo niya?
Malamang mayaman siya, eh. Kutis pa lang makikita mo na. Isa pa, edukadong tao.
"If I'm an ice I melt," nakangisi niyang sabi kaya napaiwas ako ng tingin.
"Bakit yelo lang ba ang natutunaw?" Natawa siya sa tanong ko.
"Baka tao rin dahil sa titig mo."
"Hoy! Hindi kita tinititigan wala lang talaga akong matingnan," wala sa sariling napangiti ako.
Tumawa siya nang malakas 'yong tipong kitang-kita ko na ang tonsil niya.
Ganiyan nga! Hindi 'yong laging masama ang tingin mo.
"Hoy hindi nga. Para kang ewan diyan libre lang naman talaga ang maging feelingero," pinigilan ko ang ngiti ko para tuloy akong kinikilig na ewan.
"Best friend, really?" tumingin siya sa akin at ngumisi. "I guess, we're perfect with each other."
"What do you mean? Ay petchay! Kaka-english mo nahahawa na ako saiyo!" Natawa ako pero agad natigilan nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya.
'I guess, we're perfect with each other.'
"Anong sabi mo ulit?" Lumapit na ako sa kaniya at itinuon ang kamay sa lababo.
"I hate repeating my lines," nagkibit balikat siya at nilampasan ako upang ilagay ang mga pinggan.
"Hoy, Mr. Horrible, ano nga 'yon?" Natigilan ako nang humarap siya ay kumindat sa akin.
"Hilig mo rin pa lang mang-trip." Hinarap ko siya habang ang gilid ng labi ay nakataas.
"I'm not kidding," nakita ko nanaman ang ngisi niya.
"Ewan ko saiyo!" Kinurot ko nanaman ang pisngi niya.
"Ouch!"
"Ang cute mo!" pinanggigilan ko pa iyon at tawa ako nang tawa habang ginagawa ko iyon dahil ang pogi niya.
Parehas kaming natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko mabawi hindi ko alam kung bakit. Ipinakita niya sa akin ang malawak na ngiti niya.
Parang may kung ano sa dibdib ko, sa buong sistema ko ang masaya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, nakatingala ako sa kaniya dahil mas matangkad siya. Hindi ko alam paano mag-react may kung anong masayang pakiramdam ang gumagapang sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw. Ang tanging nasa isip ko lang ay siya. Kaming dalawa wala ng iba. Ramdam ko ang tila pagbagal ng mundo kahit wala naman talagang gumagalaw. Nabingi na ako sa tibok ng puso ko. Nang ga-hibla na lang ang layo ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Lungkot? Bakit ba palagi ko 'yong nakikita sa kaniya?
Kahit madalas ay tinatago niya ang emosyon hindi pa rin nakakalampas sa paningin ko ang totoo niyang nararamdaman.
"We should not be like this," nag-iwas siya ng tingin at lumayo sa akin.
Halos hindi ako makahinga sa sandaling iyon.
Ano itong nararamdaman ko?
Petchay! Ano't kumakalabog ang puso ko?
Napahawak ako sa dibdib ko. Nakita kong ngumiti siya dahil sa paghawak ko sa dibdib ko.
Tumitibok ba ito dahil sa kaniya?
"I'm going best friend," pinakadiinan niya pa ang salitang best friend.
Tumalikod na siya pero huminto saglit at nilingon muli ako nang malapit na siya sa pinto. Ngumiti siya nang malapad kaya naman lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
Lalo kong pinakiramdaman ang tibok nito kaya nakahawak lang ako sa dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.
Bakit? Anong problema mo heart? Bakit nagwawala ka riyan?
"Don't worry my heart beats the same as you."

Komento sa Aklat (400)

  • avatar
    Leanida B Nava

    ang ganda po story nabasa ko yung tatlong story ng Family Baider i hope na mailabas na rin ang book 2 ng Z4 The Lost Baider ganda po kase story

    22/12/2021

      0
  • avatar
    LennonCuartel

    it's amazing to read 🥰

    22/06

      0
  • avatar
    _mlbbwhiteroses

    Good

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata