logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Back to You

Back to You

inka


one

Masaya akong naglalaro ng bagong bili kong laruan na isang toy car na may remote control. Kakalipat lang namin dito sa bagong bahay namin at abala ngayong naglilipat ng gamit ang parents ko. Masaya naman akong naglalaro dito dahil ang tulin umandar ng laruan ko.
"Baste, huwag kang lalayo ha!" Sigaw ng Mommy ko dahil sa paglalaro ko ay hindi ko namamalayang papalayo na pala ako sa bahay na nililipatan namin.
"Yes Mom!" Sigaw ko naman.
Pinandar ko pabalik ang laruan ko at saka tumabko kasunod noon. Lumagpas iyon ng ilang metro sa bahay na nilipatan namin at bumangga sa gulong ng itim na kotse. Lumapit ako doon para kuhanin ang laruan ko. Baka kasi masira. Lumuhod ako para damputin ang laruan ko at suriin kung may nasira ba. Nakita kong wala naman kaya't agad akong tumayo. Napatitig ako sa isang batang babae na nakadungaw lang sa labas ng bintana ng sasakyan. Napatingin din siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ng malapad. Gusto ko sanang magpakilala pero napawi ang ngiti ko nang titigan niya lang ako.
"Hi," Utas ko habang nakatingin sa kaniya pero tinignan niya lang talaga ako. "Bagong lipat kami. Ako si Baste," Dugtong ko saka ulit ngumiti.
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na tila ba hindi siya naniniwalang nasa harapan niya ako. Sa tingin ko ay pipi ang isang ito.
"Baste, halika na anak!" Sigaw ng Mommy ko kaya't napatid ang pakikipagtitigan ko sa batang babae.

"Opo!" Sigaw ko pabalik bago ako muling bumaling sa batang babae na nakatingin sa akin.
"Aalis na ako, tinatawag na ako ni Mommy," Pagpapaalam ko sa kaniya kahit pa nakatingin lang siya sa akin.
Bago pa man ako nakahakbang ay narinig ko ang mahina at malambing niyang boses.
"Jade," Sabi niya sa akin habang nakatitig pa din.
Napatitig na lang din ako sa kaniya. Hindi siya pipi.
"Baste, anak!" Tawag muli ni Mommy kaya't napabitaw na ako sa pagkakatitig sa kaniya.
Ngumiti na lang ako saka nagsimulang tumakbo papunta sa mommy ko.
"Sino bang kausap mo don? Bakit ang hirap mong tawagin?" Tanong ni Mom habang pinupunasan ako ng pawis habang papasok kami sa bahay.
Tiningala ko siya ng naka ngiti.
"Yung kapit bahay po natin. Si Jade." Sagot ko sa kaniya ng masaya.
Ngumiti sa akin si Mommy at saka ako sinundot sa tagiliran.
"Binata na ang anak ko." Kumento niya pa ng nakangiti.
"Eh, Mommy!" Pagrereklamo ko sa pangaasar niya.
Tumawa naman siya saka ako inakbayan papasok sa loob ng bago naming bahay.
"Hon, let's eat," Sambit ni Mommy kay Dad na kakatapos lang asikasuhin ang paglalagay ng mga inilipat naming gamit.
Ngumiti si Dad saka lumapit sa amin at hinalikan sa noo si Mommy.
"Sure! Tara," Sabi niya saka kami iginiya papunta sa kusina.
We sat and ate there happily just like a normal family.
But. . . That was 9 years ago. The family that I have is completely different now—no. It's ruined.
"This is not gonna work. You'll be moving with us to States! Hindi kita maaaring pagktiwalaan dito!" Galit na turan ng Daddy ko matapos naming umuwi sa bahay.
Kakagaling lang namin para makipag-areglo sa may-ari ng isang convenience store na pinag shop lift-an ko. Walang gana naman akong naglakad palapit sa hagdanan na tila ba wala akong naririnig. Tss! I'm used to his nagging. Kayang kaya naman niyang bayaran yung kinupit kong isang bote ng alak bakit ba nagpapakagalit siya?
"Baste!" Malakas niyang sigaw sa akin kaya't igting ang panga ko siyang nilingon.

"What?" Tipid at walang respeto kong tugon.
Isang malalim na hininga ang inipon niya at saka iyon dahan dahang pinakawalan habang nakapikit at tila ba kinakalma ang sarili niya.
Boring.
Tumalikod ako at napa-ismid na lang na nagpatuloy sa pagakyat papunta sa kuwarto ko. Bakit ba hindi na lang siya umalis at ibahay ang kabit niya—mali, panibagong asawa niya, sa States? Kailangan pa akong isama e alam naman niyang pagti-tripan ko lang ang mga anak niya kay Miranda.
Binuksan ko ang pintuan at saka pumasok sa loob. Malakas kong itinulak ang pintuan ng kuwarto ko para madinig ni Tandang Leon.
Leon Agustin, my dad. The ultimate womanizer. Ilang sekretarya na ba niya ang pinatulan niya? He killed my mom. Para sa akin, siya ang dahilan kung bakit namatay si mom. He's a worthless husband, and a father. Actually, no. He never became one in the first place.
Iritado kong tinanggal ang headphone na naka sabit sa leeg ko at pabagsak na humiga sa kama ko. Walang bwisit na matanda. Walang problema. Itong kuwarto ko lang ang sangtuwaryo ko. Nagpalit ako ng damit at saka umupo sa may bintana. Ipinatong ko nag mga paa ko sa lamesang nasa unahan ko at saka prenteng nag-cellphone doon. Agad ko din namang ibinato sa kama ko ang cellphone ko nang mapagtantong wala akong gagawin sa internet. Ang boring. Mamaya kapag tulog na si tanda ay aalis ako. Kailangan ko munang mag stay dito.
Habang iniisip kung anong kalokohan ang susunod kong gagawin ay napasulyap ako sa labas ng bintana ko. I saw Jade, kapit-bahay ko. Magkatapat ang mga bintana naming dalawa at may kulang limang metro na pagitan.
She's silent and always spacing out. Kaklase ko rin siya pero hindi ko pa rin siya nakakausap mula noong unang araw namin dito dahil kung isusuma ang bilang ng mga araw na ipinasok ko ay mawiwindang ka talaga. Nakasubsob siya sa desk niya na tila tulog na. Gabi-gabi siyang ganiyan. Tanging ang lampshade lang din sa lamesa niya ang ilaw ng silid niya.
Wala akong alam sa babaeng iyan pero palagi ko na ring iniisip kung bakit napakatahimik niya. Noong una nga ay akala ko pipi siya. She has Long-straight-black hair, and a fair skin. Maganda naman siya pero nga lang ay may malaki siyang salamin. Bagay naman sa kaniya. Maganda naman siya e.
Nag angat siya ng ulo saka umayos ng upo at hinawi ang buhok niyang tumatabon sa mukha niya saka lumingon sa gawi ko. I was startled pero hindi ko nagawang umiwas ng tingin. She's looking at me blankly, like I wasn't here at all. Like she can't see me. Just like that day. What's with her?
Sandali pa ay hinigit na niya pabalik ang tingin sa harapan niya saka pinatay ang lampshade. Matutulog na yata siya. Pinagmasdan ko lang ang madilim niyang silid mula sa distansyang iyon. What's wrong with her? Tila ba Isa siyang manika na walang kahit anong emosyon. I'm curious about her. I mean, literally! Gusto ko siyang pestehin at alamin kung bakit napakatahimik niya pero mas gusto kong pestehin ang buhay ng ama ko. Saka na siguro, kapag naboringan na ako kay Leon tanda.
Tumayo ako at saka lumapit sa kama ko. Tinatamad na akong lumabas. Matutulog na lang ako. Bukas ko na lang ulit pasasakitin ang ulo ng tatay ko.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    Jonjon Bao

    uigdhi

    25/07

      0
  • avatar
    Johara Vicente

    Hi thank you

    22/07

      0
  • avatar
    AlvesRaissa

    é um livro muito bom

    16/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata