Pagbaba pa lang ni Vienna sa hagdan nakita niya na si Bryan sa salas at kausap uli ang kaniyang ama. Napalingon sila sa kaniya at nagtama ang mga mata nila ng binata. Ngumiti ito sa kaniya. Gustong-gusto na niyang paikutin ang mga mata nang maalala ang mga sinabi nito sa kaniya na baka magkagusto raw siya rito. Ganoon pa man, ngumiti siya rito. "Good morning," bati nito sa kaniya na sinagot din niya ng isang magandang umaga. Tumayo ang kaniyang ama mula sa kinuupuang sofa. "Ikaw na ang bahala sa dalaga ko, Bryan. Sa'yo ko na siya ipagkakatiwala," pakiusap ng kaniyang ama sa binata. "Makakaasa po kayo Mr. Fillan," seryuso nitong sabi. Nilapitan siya ng kaniyang ama at inilapat ang dalawang kamay sa kaniyang balikat. "Maging mabait ka sa kaniya, anak. Sa kaniya na kita ipagkakatiwala," anito at hinalikan siya sa noo. Hindi niya maiwasang mapakagat-labi para pigilin ang luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata dahil sa labis na pagmamahal sa kaniya ng kaniyang ama. Niyakap niya ito. "Salamat dad sa pagmamalasakit sa'kin," aniya at doon na kumawala ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Hinagod naman ng kaniyang ama ang kaniyang likod. "Basta para sa unica hija ko gagawin ko ang lahat," anang kaniyang ama at humiwalay na sa kaniya mula sa pagkakayakap saka tiningnan si Bryan. "Ihatid mo na siya sa opisina, hijo," anito na sinagot naman ng pagtango ni Bryan. Nagpaalam na sila sa kaniyang ama at lumabas na ng bahay saka tinungo ang mamahalin niyang kotse. Pinagbuksan siya nito ng pintuan. Matapos magpasalamat ay sumakay na rin ito sa driver's seat at pinausad iyon patungo sa kaniyang opisina. Habang nasa daan ay walang nag-iimikan sa kanila. Mukhang mapapanis ata laway niya rito hanggang sa sulyapan niya ito at mapadako ang tingin niya sa braso nito na may naka-tattoo na letter H. "Anong ibig sabihin ng letter H na tattoo mo?" tanong niya dahil sa kuryusidad. Napasulyap naman ito sa kaniya at bumaba ang tingin nito sa braso nito. Ngumiti ito. Ibang-iba ang ngiti nito. "Letter H, means Herlene. Pangalan ng girlfriend ko at soon to be wife pagkatapos kasi nitong trabaho ko yayayain ko na siyang magpakasal," anito saka tumingin sa kaniya. Kitang-kita niya ang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito. Napatango-tango na lang siya at itinuon ang tingin sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga punong-kahoy na nadadaanan nila. May kasintahan na pala ito. Bakit nakaramdam siya ng paghihinayang dahil sa natuklasan? Kaagad niyang kinastigo ang sarili dahil doon. Nang marating nila ang kompanya at maipark ang kotse sa parking area, hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pintuan. Bumaba na siya. Sumunod naman ito. Pagpasok nila sa loob ng gusali ay pinagtitinginan na sila ng mga empleyado. Rinig pa niya ang mga komento ng mga ito sa kaniyang kasama. Na gwapo raw ito. Iyong iba ay binabati siya ng magandang umaga. Habang papunta sila ni Bryan sa kaniyang opisina, nakatanggap siya ng mensahe sa kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kaniyang dalang pouch at binuksan iyon at binasa ang mensahe. Halos manghina ang kaniyang mga tuhod ng mabasa ang nilalaman ng mensahe. Muntik na siyang matumba mabuti na lang naging maagap si Bryan. Nahawakan siya nito sa balikat para hindi siya mawalan ng balanse. Kung normal lang na sitwasyon iyon baka kinilig na siya pero nasa panganib ang buhay niya kaya ayaw niya bigyan ng atensiyon ang mga bagay na iyon. "May nagpadala ng mensahe sa'kin. Pinagbabantaan ako, Bryan," aniya sa nanginginig na boses. Napakunot-noo ito. "Patingin?" anito at inilahad ang kamay sa kaniya. Ibinigay niya ang cellphone rito at binasa naman nito iyon. Pagbabanta ang laman ng mensahe, na papatayin daw siya. Tumingin sa kaniya si Bryan at iginiya siya papasok sa loob ng opisina at pinaupo sa sofa. Hinawakan nito ang kaniyang kamay na naging dahilan para makaramdam siya ng kuryente na dumadaloy sa kaniyang katawan. Isinantabi niya iyon, hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano ano lalo at nasa panganib ang buhay niya. "Basta kapag nasa panganib na tayo niyan, makinig ka lang lagi sa sasabihin ko. Okay ba? At saka marunong ka namang humawak ng baril para kahit papaano madepensahan mo ang sarili mo," anito habang titig na titig sa kaniya. Tumango na lamang siya. "Oo, maliwanag," aniya. Ngumiti ito at ginulo ang kaniyang buhok na para siyang bata. Kaagad niyang tinabig ang kamay nito at binigyan ito ng masamang tingin. Tumawa lamang ito at tumayo na. "Doon muna ako sa labas. Sabay na tayo mag-lunch mamaya," anito at lumabas na ng silid. Sabay silang nag-lunch ni Bryan ng tanghaling iyon. Masayang kasama ito at madaming baon na biro na talagang ikinatawa niya. Kaya iyong iba ay napapatingin sa kanila. Hanggang sa dumating ang hapon na uuwi na siya. Hindi alam ni Vienna na ng mga sandaling iyon ay may nakaamba pa lang panganib sa kaniya.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
amei 💕
06/01
0nice story
03/12
0chaba
17/11
0Tingnan Lahat