logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 7

Kabanata 7
Last Name
--
Matagal bago ako nakatulog kagabi. Masaya ako pero aaminin ko rin na may kaunting takot pa rin akong nararamdaman. Takot kay Papa dahil baka iwan nya ulit kami. Lalo na ngayon na umalis sya at hindi rito natulog. Hindi ko mapigilang mag isip sa mga posibilidad na baka umalis sya ulit. Baka maduwag sya ulit. Baka iwan nya ulit kami. Baka saktan nya ulit kami. At takot na akong mangyari yon. Takot na akong masaktan. Takot na akong umiyak ng matindi.
Pero pinilit ko ang sarili kong hindi iyon isipin. Sinigurado na sa amin ni Papa na hindi na sya aalis ulit. Hindi na nya kami iiwan. Kitang kita ko ang determinasyon nya kaya alam kong hindi na sya aalis pa.
Maaga akong nagising kinabukasan. Agad akong nag ayos ng sarili at naligo. Dayoff ko ngayon sa coffee shop pero pupunta ako ngayon roon para magsabi na kay ate Bianca na magreresign na ako tulad ng sinabi ko kagabi kay Papa. Desidido na ako roon ngayon.
Mahirap man para sakin iwan ang coffee shop, kailangan ko naman at gusto ko rin dahil mas makakasama ko si Papa sa paraan na yon. Mas gusto kong makasama sya dahil sobra ko talaga syang na-miss. Walang araw na hindi ko hiniling na makasama ko sya ulit. Kaya ngayong nandito na sya, bakit ko pa sasayangin ang pagkakataon na makasama sya?
Sabay na lumabas si Mama at Amara sa mga kwarto nila nang lumabas ako sa banyo. Naghihikab at medyo magulo pa ang buhok ni Mama nang lumabas. Bahagya ring gusot ang kanyang t-shirt at suot na panjama. Pero kahit ganon, napaka ganda nya pa rin. Napaka simple pero napaka ganda talaga. Kahit nasa ganon syang ayos, tumitingkad pa rin ang kagandahan nya. Maputla man ng kaunti ang kanyang mukha dahil bagong gising, talagang maganda pa rin sya! Unfair!
Si Amara naman ay medyo maayos na. Naayos na nya ang kanyang buhok at itsura. May dala na ring damit at handa nang maligo. Hindi manlang nya ako pinansin, para akong hangin. Nilagpasan nya ako at dumeretso sa banyo habang bahagya pa ring inaantok ang itsura. Napailing iling ako.
Dumeretso ako kay Mama na nagtungo sa kusina. Nakita ko syang naghahalungkat ng pagkain sa maliit na ref roon. Wala yata syang balak mag ayos muna at pagkain lang ang tanging nasa isip.
"Walang pagkain?" Bigo nyang sinabi at tatamad tamad na umupo sa harap ng lamesa.
Natawa ako. Talagang sya pa ang nagreklamo samantalang sya ang ina rito. Dapat sya ang nagluluto at hindi naghahanap. Napailing ako at tumingin sa ref. Nakakita ako roon ng itlog.
"Itlog, Ma? Magluluto ako," sabi ko.
"Sige..." walang gana nyang sinabi.
Kinuha ko ang itlog ngunit napatigil nang makarinig ng isang katok sa pinto. Pareho kaming natigil ni Mama at napatingin sa pintuan namin. Nagkatinginan kami.
"May bisita ka ba ngayon?" Tanong ni Mama.
Ngumuso ako. Mukhang nakalimutan nya na bibisita ulit ngayon si Papa. Nandito lang kahapon si Papa tapos nakalimutan nya na agad sya? Nakakainis itong si Mama.
"Ako na po ang magbubukas," sabi ko at nagtungo na sa pinto. Tumango sya, napipikit pa ang mga mata dahil sa antok.
May nakakaloko akong ngisi habang naglalakad. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ang pintuan. Bumungad nga roon si Papa na ngumiti agad. May dala syang mga plastic bag sa kanyang magkabilang kamay. Alam ko agad ang mga laman noon.
Nagliwanag ang mukha ko at sinalubong sya ng yakap. "Papa!"
Bahagya syang natawa. "Mmm. I miss you," hindi nya ako mayakap pabalik dahil may hawak sya. Tanging ang kanyang ulo lang ang pinangyakap nya.
"Na-miss rin kita!" Sabi ko at humiwalay sa kanya. "Tulungan na po kita,"
Sinubukan kong kuhanin sa kanya ang hawak nya sa kabilang kamay pero umiling sya at iniwas iyon sa akin.
"Ako na, anak. Kaya ko na,"
Ngumuso ako. "Sige po. Tara na po,"
Pumasok kami sa loob ng bahay. Dumeretso kami sa kusina at naabutan namin pareho si Mama na halos malaglag sa upuan dahil sa pagkakahulog hulog ng ulo, inaantok pa talaga. Bahagya pa syang nakanganga at walang kamalay malay sa nasa harapan nya.
Ngumisi ulit ako. Mabuti nalang maganda ka, Mama.
Tumikhim ako at sumulyap kay Papa. Nakita ko ang ngiti na naglalaro sa kanyang labi habang pinagmamasdan si Mama. Marahan nyang nilagay sa lamesa ang mga dala nya, nag iingat, at tahimik na nagtungo kay Mama.
Lumapit ako sa mga dala nya at kinagat ang labi. Hindi ko muna iyon ginalaw at natatawang pinagmasdan ang parang mga bata kong mga magulang. Hindi ko alam pero may parang humahaplos sa puso ko kahit pa sobrang nakakatawa ng nakikita ko. Hindi ko alam pero abot abot ang saya ko.
Muling nahulog ang ulo ni Mama at agad iyong sinapo ni Papa. Marahan nyang hinawakan sa pisngi si Mama at ang ngiti sa kanyang labi ay hindi pa rin natatanggal. Kinikilig ko silang pinanood.
"Anna..." marahang pagtawag ni Papa.
"Hmm..." iyon lang ang isinagot ni Mama, inaantok pa talaga.
"Annalea..."
"Mmm?" Kumunot na ngayon ang noo ni Mama ngunit nanatiling nakapikit.
"Good morning..." kinagat ni Papa ang kanyang labi, nagpipigil na ngayon ng mangiti pero hindi sya nagtatagumpay.
Mas lalong kumunot ang noo ni Mama at dumilat. Unang tumama ang mga mata nya sa akin ngunit agad ring nalipat sa nakayuko at nakangiting si Papa. Kitang kita ko ang agarang panlalaki ng mga mata nya at agad syang napatayo.
"Hoy! Bakit ang lapit mo?!" Dinuro nya si Papa.
Tumayo ng tuwid si Papa at sinuko ang dalawang kamay. "I'm sorry. Nalalaglag ang ulo mo at--"
"Walang hiya ka! Tsansing ka, ah!"
"Hindi ganon--"
"Lumayo ka! Lumayo ka sakin! Argh!" Pinunasan nya nang pinunasan ang kanyang pisngi na hinawakan ni Papa na para bang nandidiri sya roon. "Bakit mo ako hinawakan?! Anong karapatan mong hawakan ako?! Ha?!"
"I'm sorry. I didn't mean to--"
"English! English na naman! Langya! Kailan ka ba titigil dyan?! Wag kang lumapit!" Umatras sya nang akmang lalapit si Papa.
"Okay. Hindi na. Pasensya na. Please? Halika rito--"
"Ayoko! Ayoko sayo! Wag lang lumapit! Lumayo ka!"
Napahawak ako sa noo ko dahil umagang umaga ang ingay ni Mama.
"Anna--"
"Hindi pa tayo ayos! Ha! Ang kapal ng mukha mong lumapit at hawakan ako! Hindi pa tayo ayos kaya lumayo ka sakin!"
"Okay. I'm sorry. Hindi na ako lalapit..."
"Mabuti! Lumayo ka pa!" Dinuro nya ang paa ni Papa.
Umatras naman si Papa, tinaas ulit ang mga kamay. "Can I get a kiss?"
Umawang ang labi ni Mama sa gulat. "Anong kiss?! Hindi! Ang kapal mo! Hindi pwede!"
"Then, can I get a hug?"
"Hindi pa rin! Ang kapal talaga ng mukha mo! Yakapin mo sarili mo!"
"Okay. Fine. Isang good morning nalang. Please?"
Matalim syang tinignan ni Mama. Mabilis ang paghinga ni Mama at parang papatayin nya na talaga si Papa sa sobrang inis nya. Ngumuso ako ngunit ang labi ko ay umaangat na.
"G-Good morning!" Matalim pa rin ang tingin ni Mama nang sabihin yon. "Ayos na?!"
Ngumiti si Papa. "Good morning,"
"Tss!"
"Mama,"
"Ano?!" Iritado syang bumaling sa akin.
Tsk. Galit agad?
Ngumuso ako at tinuro ang muta sa gilid ng kanyang mata. "May muta ka. May bangis rin,"
Nanlaki ang mga mata nya. Bumilog rin ang kanyang bibig at agad syang namula. Mabilis nyang tinakpan ang kanyang mukha at nagtatakbo sa likuran ko. Lihim akong natawa.
"Asan?! Bakit hindi mo sinabi agad?!" Inis na bulong nya sa akin.
Umangat lalo ang gilid ng labi ni Papa, alam kong narinig nya ang sinabing iyon ni Mama.
"Ang gulo pa ng buong mukha mo, Mama. Maligo ka muna," hindi ko na napigilan ang pagtawa habang nagsasalita.
Hinampas nya ako sa braso.
"Aww!" Ngumuso ako at hinawakan ang braso ko.
Mabilis syang nagtatakbo papunta sa kanyang kwarto. Sinundan namin sya ng tingin ni Papa at sa huli humagalpak ako sa tawa. Nangiti at napailing naman si Papa habang nakapamaywang na ngayon. Lumapit sya sa akin at pinatong ang kamay sa aking ulo.
"Your Mama didn't change. She's still beautiful, like a teenager. Mas lalo ko syang nagugustuhan even when she's always shouting at me," tipid syang ngumiti habang nakatingin sa kwarto ni Mama. "I miss her..."
Nawala ang ngiti ko at napatitig sa malungkot kong Papa. Kahit ilang taon na talaga ang lumipas, gustong gusto at mahal na mahal nya pa rin si Mama. Kahit pa palagi sya nitong sinisigawan at galit na galit sa kanya. Siguro nga totoo ang true love. Yung kahit ilang daang taon ang lumipas, hindi pa rin maglalaho ang nararamdaman. Kahit hindi mo na sya nakikita at nakakasama, nandoon pa rin at nananatiling tapat at matatag.
Kahit hindi sabihin ni Papa, kitang kita pa rin sa kanyang mga mata ang pagmamahal para kay Mama at sa amin ni Amara na kailanman ay hindi nawala. Napaka sarap sa pakiramdam na may ganito akong Papa. Napaka swerte ko.
Nawala man sya ng ilang taon at napaka rami nyang pagkukulang, napaka swerte ko pa rin dahil hanggang ngayon, hindi nya man sabihin, ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal nya. Hindi nya kami nabigo sa pagmamahal na ibinibigay nya. Hindi kailanman nagkulang ang pagmamahal na ibinibigay nya. Palagi nya iyong pinaparamdam sa amin. Dahilan para makuntento kami at maging masaya. Napaka swerte ko at sya ang naging Papa ko.
Sana lang balang araw, maging masaya na sya. At para mangyari yon, para maging masaya sya, kailangang bumalik ni Mama. Ang Annalea na mahal na mahal sya, Annalea na palagi syang inaalagaan, palagi syang pinapasaya, palaging syang nilalambing, palaging nasa tabi nya at hindi iyong palagi syang sinisigawan.
Sana mahanap na nya ulit ang kasiyahan nya kay Mama. Sana mapatawad na sya ni Mama. Alam kong hindi talaga ganon kadali mawala ang galit ni Mama dahil nagkamali talaga si Papa pero umaasa pa rin ako na sana balang araw, magkaka ayos pa rin sila. At mahahanap na ang kasiyahan sa isa't isa.
Ngumiti ako kay Papa. "Hindi ka kailanman nakalimutan ni Mama, Papa..."
Napatingin sya sa akin.
"Palagi ka nyang iniisip. Hindi nya man sabihin, alam kong ikaw palagi ang iniisip nya. Alam kong nalulungkot at nangungulila sya sayo araw araw. Simula nung umalis ka, hindi na sya ngumiti ng totoo. Malungkot sya palagi, Papa,"
Napayuko si Papa.
"At ngayong bumalik ka na, maniwala ka sakin, Papa. Masaya sya," ngumiti ako lalo. Inangat naman nya ang tingin sa akin. "Masaya sya dahil bumalik ka na. Masaya sya dahil nandito ka na ulit at hindi na aalis. Pero ganon naman po talaga, hindi ba? Nasaktan po si Mama. Sobra po syang nasaktan kaya hindi ganon kadali para sa kanya ang magpatawad,"
Tumango sya, tanggap ang sinasabi ko.
"Pero alam ko pong balang araw, patatawarin ka nya. Tatanggapin ka nya ulit, Papa. Maniwala ka lang. Kailangan lang ng panahon at oras ni Mama para maghilom ang sugat na ibinigay nyo sa kanya. Maniwala ka, Papa. Mahal ka nya..."
Ngumiti at hinila ako ni Papa payakap sa kanya. Kita ko pa ang nagbabadya nyang luha kaya rin siguro nya ako niyakap para hindi ko iyon makita. Pero huli na dahil nakita ko na yon. Pumikit na lamang ako at niyakap sya pabalik.
Hindi sya nagsalita ng ilang sandali. Ang noo ni Papa ay nasa balikat ko at alam kong pinapakalma nya ang kanyang sarili. Pinipigilan ang sariling umiyak para hindi magmukhang mahina sa harapan ko. Bumuntong hininga ako. Sya ang nagturo sa aking kapag nasasaktan ka, dapat iiyak mo lang para mawala na agad. Pero bakit sya hindi nya ginagawa? Bakit pinipigilan nya? Mas lalo syang masasaktan sa ginagawa nyang ito, eh.
"Tss. Anong drama yan?" Binasag ng boses ni Amara ang katahimikan sa buong kusina.
Naghiwalay kami sa yakap ni Papa at napatingin sa gawi nya. Nakahalukipkip sya at diring diri sa nakikita. Matalim ko syang tinignan.
Natawa si Papa at lumapit sa kanya. Medyo naging maayos na si Papa ngayon.
"Ikaw talaga. Kailan ka pa naging ganyan? Where's my talkative and joyful Amara Braelynn? Hmm?" Niyakap nya si Amara.
Ngumuso si Amara at hindi nakapagsalita. Humalakhak naman ako at kinalikot na ang mga dala ni Papa.
Hinanda naman na ni Papa ang mga pagkain na nasa plastic. Bawat isa ay nasa lalagyan. Merong sinangag, itlog, ham, bacon, pancakes, hotdog at marami pang iba. Napanganga ako sa dami noon. Meron pa syang dala sa isang plastic na mga groceries! May iba't ibang klase ng gatas na nakalagay sa karton, may mga snacks at tinapay at kung ano ano pang pagkain! Nakanganga ko iyong tinignan lahat.
"Binili mo itong lahat, Papa?" Napatanong na ako.
Tumango si Papa at ngumiti. "Yes. Napansin ko kasing wala kayong stock ng pagkain rito kaya nagpabili na ako. Naisip ko lang na baka maghanap kayo ng pagkain kapag nagugutom kayo, lalo na ang Mama nyo,"
Tumango tango ako, hindi pa rin makapaniwala. Gosh! Gaano na ba talaga kayaman ang Papa ko ngayon? Pwede pakisabi? Hindi naman namin ito kaya noon!
Naisip ko yung van nya. Napaka laking van noon at hindi ko maisip kung gaano kamahal iyon! Tapos naisip ko rin yung mga tauhan nya. Marami sila at kaya silang bayaran lahat ni Papa? Para lang magbantay sa amin? Ibig sabihin, talagang mayaman na sya! Gosh! Kinikilabutan ako!
Nawala na sa isip ko ang bagay na yon nang dumating na si Mama. Busangot ang mukha nya at nang makita si Papa ay tumalim ang tingin nya. Bagong ligo na sya at maayos na ang mukha at sarili. Padabog syang umupo sa upuan na parang madam at naghihintay sa kanyang kakainin. Napailing kami ni Amara sa kanya.
Pinagsilbihan naman sya ni Papa. Nakatitig sya kay Mama habang ginagawa nya yon. Umupo na rin kami ni Amara at tinignan ang parang tigreng si Mama at si Papa naman na parang pusa. Ngumuso ako at hindi nalang sila tinignan.
Masaya na naman iyong agahan pero syempre hindi para kay Mama. Nakasimangot pa rin sya kahit sa harap ng pagkain. Pinipilit nya namang hindi sumimangot pero sadyang naiirita sya kay Papa kaya hindi nya mapigilan.
Pagkatapos naming mag agahan ay tumambay kami sa sala. Si Papa ang naghugas ng lahat ng pinagkainan namin. Hindi naman sya pinigilan ni Mama, gustong gusto nga iyon ni Mama dahil wala syang gagawin.
Nang matapos si Papa ay nagtungo na sya sa amin sa sala. Agad ko syang pinaupo sa tabi ko. Umusog pa ako para makaupo sya sa gitna namin ni Mama. Para makatabi nya rin si Mama. Ngumisi ako nang nagtagumpay ako kahit pa nag aalinlangan si Papa na tumabi.
"Bakit ka dito?! Lumayo ka!" Si Mama na nakasigaw agad.
"Mama..." sambit ko sabay nguso.
Iritado nya akong nilingon tapos kay Papa. Umusog naman ng kaunti si Papa palapit sa akin para malayo kay Mama na nagiging tigre na naman.
"Sorry..."
"Tsk! Oo na! Bahala ka!" Anya kay Papa at sumandal nalang sa upuan at nanood ng tv with matching halukipkip pa. Mas lalo akong ngumuso.
Ilang sandali kaming natahimik hanggang sa magtanong si Papa.
"Kamusta ang pag aaral nyo? Maayos naman ba?" Tanong nya sa amin ni Amara.
Tumango kami. "Ayos naman po, Pa. Graduate na po ako ng high school habang si Amara graduating palang,"
Tumango sya. "I know. I'm happy for you two,"
"Ako medyo nahihirapan ako. Biglaan kasing lumipat at sa wrong timing pa kaya naghahabol ako ngayon ng lessons sa school," si Amara.
Napanguso ako roon. Guilty ako dahil nang dahil sa akin kaya nagkaganon. Pero tapos naman na yon at alam kong kaya nyang lagpasan basta pag aaral.
"Mmm. I still don't know why you moved here to Manila. Alam kong nagtrabaho ka noon sa mga Salvador bilang maid at nang umalis ka roon, lumipat na kayo rito. Hindi ko alam ang dahilan nyo kung bakit kayo biglaang lumipat. Bakit ba kayo lumipat?"
Natigilan ako sa sinabi ni Papa. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko agad naproseso sa utak ko ang mga sinabi nya at nang unti unti ko iyong naintindihan, mas lalo pa akong nagulat.
"A-Alam nyo rin po yon?" Tanong ko.
Tumango si Papa. "Pinasundan ko kayo at inalam ko lahat,"
Narinig ko ang pagtikhim ni Mama dahilan para mapatingin sa kanya si Papa. Nakita ko naman ang paglipat ng tingin ni Amara sa akin. Naging seryoso sya bigla at hindi na nakapag salita. Hindi na rin ako nakapag salita at biglang hindi naging maganda ang pakiramdam.
Salvador. Hindi ko akalaing maririnig ko ulit yon. At sa mismong Papa ko pa.
"W-Why? Did I say something wrong?" Si Papa na agad kinabahan sa katahimikan namin.
Umiling ako at pilit na ngumiti. "May... may nangyari lang po kasi... nung..." hindi ko masabi sabi sa kanya.
Tumingin sa akin si Papa. Ang nag aalala nyang mga mata ay napalitan ng kuryusidad at pagkaseryoso.
"What happened?"
Hinampas ni Mama ang braso ni Papa kaya napabaling ulit si Papa sa kanya.
"Hindi naging maganda ang pagtatrabaho nya roon," may halong galit na sinabi ni Mama.
"Hindi naging maganda?" Nagsalubong na ang kilay ni Papa. "Kilala ko ang mga Salvador. Mababait sila kaya paanong hindi naging maganda?"
Natawa si Mama roon. Napayuko naman ako at nanahimik nalang. Nanatili ang titig sa akin ni Amara.
"Sigurado ka ba dyan?" May sarkasmo sa boses ni Mama. "Hindi mo alam kung ano ang mga ginawa ng pamilyang yan sa anak mo, Brayden,"
Hindi agad nakapag salita si Papa. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong medyo nagagalit na sya hindi pa man nya alam ang nangyari. Umigting ang panga nya at tumingin sa akin.
"Anong ginawa nila?"
Lumunok ako at napatingin kay Mama. Hindi ko kayang magkwento dahil pakiramdam ko bibigay na naman ako. Ngayon pa nga lang ay kumikirot na ng matindi ang puso ko. Paano pa kaya kapag nagbalik tanaw ako sa lahat? Hindi ko kakayanin.
Nakuha ni Mama ang tingin kong iyon kaya bumuntong hininga sya at sya na ang nagsalita para sa akin. Kahit papaano naman, gusto ko ring malaman ni Papa ang lahat. May karapatan syang malaman at ayokong isipin nya na naglilihim kami sa kanya. Baka isipin na naman nya na hindi pa rin namin sya tanggap at hindi pa rin sya welcome sa amin.
Matalim na tumingin si Mama kay Papa. "Juliette Salvador. Sya ang nag offer kay Amora ng trabaho. Ang sabi nya tumutulong sya sa mga schools na kulang sa mga gamit at isa sa mga napili nyang tulungan noon ay ang pinapasukang paaralan ni Amora at Amara. Nagkita sila roon. Binigyan nya ng trabaho si Amora at agad namang tinanggap ng anak mo yon sa kagustuhang tumulong sa akin,"
Lumunok ako at nakita kong nanatili ang titig sa akin ni Amara. Nag aalala na ngayon.
"Nagtrabaho sya roon bilang personal maid ni..." tumingin muna sa akin si Mama bago banggitin ang pangalan nya. "Joshua Salvador. Ilang buwan ang nakalipas, nagustuhan sya ni Joshua at itong anak mo, nagustuhan rin,"
"What?" Nagulat si Papa.
Pumikit ako at nanatiling nakayuko. Alam kong bumaling sa akin si Papa pero hindi ko sya magawang lingunin.
"Bakit hindi mo alam? Akala ko ba pinasundan mo kami? Madalas lumabas yang anak mo at si Joshua kaya bakit hindi mo alam? Hindi nakikita ng mga tauhan mo?" Nagtaray na naman si Mama.
"Yeah. But tumigil na ako nung muntik nang masagasaan si Amora. Kaya hindi ko--"
"Ano?!" Si Mama naman ngayon ang nagulat. "Muntik ka nang masagasaan, Amora?!"
Mas lalo akong pumikit ng mariin. Hindi ko talaga alam ang mga sasabihin ko sa kanila. Lahat ng nangyari sakin ay inilihim ko kay Mama dahil ayaw ko syang mag alala.
"Amora sumagot ka!"
"Ma..." marahan kong tawag sa kanya. "M-Muntik lang naman--"
"Kahit na! Bakit hindi mo sinabi sakin?!"
"Sorry po..." yumuko ako.
"Mabuti at hindi ka nasagasaan! Paano kung may nangyaring masama?! Ano ba kasing ginagawa mo?!"
"Anna, kasalanan ko," si Papa. "Nakita ni Amora ang tauhan ko na si Daniel. Natakot na sya dahil pang ilang kita na nya yon kay Daniel at akala nya may gagawing masama sa kanya kaya muntik na syang masagasaan. Nasa kalagitnaan sya ng pagtawid noon--"
"Lintik ka talaga! Bakit kasi-argh!" Inis na inis na si Mama kay Papa.
"M-Mama tapos naman na yon..." sambit ko. "Hayaan na natin..."
"Bakit hindi mo naman sinasabi?!" Hindi nya ako pinakinggan. "Paano kung may nangyaring masama sayo noon? Ha?!"
Napayuko ako at kinagat ang labi. "N-Niligtas naman po ako ni... J-Joshua..."
Doon sya hindi nakapagsalita. Pumikit ako ng mariin at mas lalo pang sumakit ang puso. Ngayong naaalala ko ang lahat, para na naman akong maiiyak.
"W-What exactly happened, please? Can you continue?" Marahang sinabi ni Paoa kay Mama, nag iingat ng sobra.
Hindi ko na nakita pa ang mga ekspresyon nila. Nanatili nalang akong nakayuko at hindi na alam ang mararamdaman. Halo halo na ang nararamdaman ko.
"Naging mag nobyo-nobya yang anak mo at si Joshua. Nalaman ko lang noong isang buwan na sila, hindi agad nagsabi," mariing sinabi ni Mama.
Kinagat ko ang aking labi.
"Kaso tutol ang lolo ni Joshua. Hindi ko na matandaan ang pangalan noong matandang yon at ayaw ko nang malaman pa dahil nagagalit lang ako," bumuntong hininga sya. "Tutol sya at pinaghiwalay silang dalawa,"
Panibagong kirot na naman sa puso ko ang naramdaman ko. Sinulyapan ko si Papa at nakitang galit na ang ekspresyon nya. Nagbaba ulit ako ng tingin.
"Nang hindi pumayag si Amora, pinapili nya ang anak mo. Pera o ang pinaka mamahal nyang apo," nagtiim bagang rin si Mama, galit na galit rin.
Pumikit ng mariin si Papa at tumingin sa akin. Nanatili akong nakayuko at ang mga luha ay nagbabadya nang tumulo. Ayaw kong makita nya yon kaya hindi ako ang angat ng tingin sa kanya.
Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Hindi ko naman na napigilan at napaiyak na ako. Bumuhos ang mga luha ko at nabasa na naman ang damit nya.
Nagpatuloy pa si Mama. At habang nagkukwento pa sya, nagagalit lalo si Papa. Ramdam ko yon sa paghigpit ng yakap nya sa akin. Napapikit naman ako at mas lalo pang naluha.
"Kilala mo ang pamilya nila?" Tanong ni Mama kay Papa maya maya.
Nahimasmasan na ako. Nakayuko nalang ako at nakikinig sa kanila. Maayos na rin silang nakaupo ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding galit ni Papa.
"Yes. The Salvadors are one of my business partners. Nicolas Salvador is an engineer too kaya naging magkaibigan na rin kami. Ang asawa nyang si Juliette Salvador ay malapit rin sa akin,"
Nagtaas ng kilay si Mama at umirap.
"Lalo na si Mr. Antonio Salvador," mas lalong gumalaw ang panga ni Papa. "He's an engineer too. Malapit kami sa isa't isa at nagkasundo sa maraming projects. I thought he was fine but I was wrong,"
Agad akong nag angat ng tingin sa kanya. Gulat ako sa mga sinabi nya pero mas nangibabaw ang pag aalala ko.
"W-Wag po kayong magalit sa kanila, Papa. G-Gusto lang nila ang makakabuti kay Joshua--"
"I don't care, Amora," Bumaling sya sa akin. "They want the best for Joshua but that doesn't mean they will hurt you. That's not a good reason,"
Napayuko na lamang ulit ako, mukhang galit talaga si Papa sa ginawa ng matandang Salvador.
"At isa pa. Mali rin sila. They have no right to interfere in your relationship with Joshua. Hindi sapat ang dahilan na mahirap ka kaya dapat ka nang lumayo sa apo nya," mariin syang tumitig sa kung saan. "I will not forgive this,"
"Papa..." hinawakan ko ang braso nya. "Hayaan nalang po natin..."
Tinignan nya ako. Bumuntong hininga sya at lumambot ang mukha. Hinaplos nya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata.
"I'm sorry. Wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka, anak..." parang naging kasalanan nya pa.
Umiling ako agad. "Wala po kayong dapat ihingi ng sorry, Papa. Hindi nyo po yon kasalanan,"
Tumango sya at niyakap ako. Hindi sapat sa akin ang tango nya na yon dahil pakiramdam ko may gagawin sya. Kaya tiningala ko sya.
"Mangako ka saking wala kang gagawing masama sa kanila, Papa. Please po. Hayaan na natin sila..." nakikiusap kong sinabi.
Niyuko nya ako. Kitang kita ko ang galit nya na pilit nyang tinatago. Kitang kita ko rin ang hindi nya pagsang ayon. Ngunit sa huli ay tumango.
"Fine. I promise..."
Doon palang ako natahimik. Pinagmasdan kami nina Mama at Amara. Mga bumubuntong hininga sila. Yumakap naman ako ng mahigpit kay Papa.
Ayoko nang magkagulo pa. Ngayong sinabi ni Papa na kilala nya ang mga Salvador, posibleng mayaman na nga sya. At may naalala rin ako. Kumabog ang dibdib ko nang maalala yon. Kaya pala... kaya pala!
Humiwalay ako sa yakap ni Papa at tinignan sya. Tumingin rin naman sya sa akin at nag abang sa sasabihin ko.
"N-Nung birthday po ni Joshua.. invited kayo noon, hindi ba?" Tanong ko.
Bahagya syang nagulat sa sinabi ko. Hindi agad nakapag salita pero nakabawi rin agad.
"Well... yeah. Invited nga ako. How did you know?"
Sabi ko na nga ba, eh!
"Binanggit nila ang apelyido mo. Hindi ka raw makakapunta dahil may meeting ka sa Singapore. Akala ko ibang tao yon. Ikaw pala talaga..."
Tandang tanda ko pa ang araw na yon. Para akong bibigay nung marinig ko yon. Dahil sa sobrang pangungulila ko kay Papa, maging ang apelyido nya ay malaki na ang epekto sa akin.
"Really?" Si Papa. Tumango ako. "Sinadya kong hindi pumunta nung araw na yon dahil... alam ko nang nandoon ka," bumuntong hininga sya. "I'm sorry..." nagsosorry na naman sya!
"Tss," si Mama.
Ngumiti ako. "Ayos lang po, Papa..."
"Nalaman ko nga rin pala na hindi na ang apelyido ko ang ginagamit nyo," si Papa na ikinatigil naming lahat. "Why?" Malungkot nyang tanong.
Nagkatinginan kami ni Amara pero sa huli ay si Mama ang tinignan namin. Lumunok lang si Mama at naiilang na nag iwas ng tingin.
"Pinabago ko. Sobra akong nagalit sayo kaya hindi ko na hinayaan pang gamitin ng mga anak mo ang apelyido mo,"
Bumuntong hininga si Papa. "I'm really sorry. But I want to change your last name again. Amora, Amara," huli nyang tinignan si Mama. "Anna,"
Nag iwas ng tingin si Mama. "H-Hindi ko naman binago yung sakin. S-Sa mga anak mo lang..."
Natulala si Papa kay Mama. At maya maya pa ay sumilay na ang ngiti sa labi ni Papa. Iritado syang binalingan ni Mama.
"Wag kang mag isip ng kung ano! Mahal ang magpabago ng apelyido kaya silang dalawa lang ang nabago! Kung may sapat na pera pa ako ay binago ko na rin yung sakin!" Defensive na sinabi ni Mama.
Bahagya akong natawa.
"Oh, really?" Ngumisi si Papa.
"P-Pwede ba?! Baka nakakalimutan mong hindi pa rin tayo nagkaka ayos kaya tumahimik ka dyan! Wag kang umastang okay na tayo! Hindi pa tayo close! Bahala nga kayo dyan!" Tumayo na si Mama.
"Wait. I'm sorry. Don't leave, please?" agad ngumuso si Papa at hinawakan ang kamay ni Mama para pigilan. "I'm sorry..."
"Bitawan mo nga ako!" Binawi ni Mama ang kamay nya. "May gagawin pa ako!"
Nag martsa na paalis si Mama kay wala nang nagawa si Papa. Napabuntong hininga nalang sya at bumaling sa aming dalawa ni Amara. Ngumiti kami sa kanya.
"Mahal ka nya, Papa," humagikgik si Amara.
Tumango naman ako. "Iyon nalang ang isipin mo, Papa. Mahal ka naman talaga nya,"
Mas lalo syang bumuntong hininga at ngumuso. Sinibangutan nya kami ni Amara kaya napahalakhak kaming dalawa. Sa huli ay hinila nya kami palapit sa kanya at niyakap.
"Basta. You will replace your last name Cruz with my last name. I want your last name to be Legaspi again. Okay?"
Pareho kaming tumango ni Amara. Payag na payag sa sinabi nya.

Komento sa Aklat (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata