logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 6

Kabanata 6
I'm Sorry
--
"Sigurado kang dito ka matutulog, Papa?" Tanong ko kay Papa habang nakatayo kami sa harap nya habang inaayos na nya ang matigas na kahoy na tutulugan nya.
Nalaman kong sa kanya ang van na nakapark sa labas. Gusto kong mamangha at magtaka kung paano sya nagkaroon ng ganon pero mas inaalala ko ang pagtulog nya rito. May isa rin syang tauhan na inutusang kunin ang mga unan at kumot sa van. Hindi ko mapigilan ang magtaka dahil parang handang handa sya para rito. Nagdala talaga sya ng unan at kumot.
"Ayos na si Papa rito, anak. Matulog na kayo at gabi na," anya at lumapit sa amin.
Muli nya kaming niyakap ni Amara at hinalikan sa noo. Ngumiti ako at tiningala sya.
"Hindi ka na aalis?" Si Amara.
Natigilan si Papa at napatingin kay Amara. Nakabawi rin naman sya agad at hinaplos ang buhok nito. Ngumiti sya at umiling.
"Hindi na ako aalis, anak. Dito na si Papa. Hindi ko na kayo iiwan," sa tono nya, parang siguradong sigurado na sya kaya hindi ko napigilan ang pagkakaginhawa ng loob ko.
Tumango si Amara at muling yumakap kay Papa. Nakangiti ko silang pinagmasdan. Isang yakap kay Papa ay nagpaalam na kami sa kanya. Malapit lang ang mga kwarto namin sa sala kaya malapit lang kami sa kanya.
Nang isarado ko ang pintuan ay malalim na hininga ang pinakawalan ko. Napatalikod pa ako sandali sa pintuan at napahawak sa dibdib. Sobrang lakas pa rin ng kabog nito. Masayang masaya na nandito na ulit si Papa. Masayang masaya dahil nakita ko na ulit sya. Para na naman akong maiiyak pero mas nangibabaw ang kasiyahan na nararamdaman ko.
Nandito na sya!
Naglakad ako papunta sa kama at umupo roon. Inisip ko ang mga sinabi ni Papa kanina. Iniwan nya kami dahil naduwag sya, dahil natakot sya. Ayaw nyang nakikitang nahihirapan kami sa buhay, nagugutom at nalulungkot. Hindi nya kinaya kaya pinili nyang umalis. Naduwag nga sya. Naduwag sya sa amin. Naduwag sya sa lahat.
Kahit papaano naiinis ako. Pero mas naiintindihan ko ang lahat. Naiintindihan ko ang naramdanan nya. May mga taong dinaranas ang ganoong bagay. May mga taong naduduwag at napipili nalang umalis kagaya ni Papa. Hindi natin sila masisisi dahil iyon ang pagkatao nila, mahina sila sa mga bagay bagay na ganoon lalo na kapag nakikita nila ang mga taong mahal nila na nahihirapan. Sisisihin nila ang sarili nila at iisipin nilang kasalanan nila kung bakit nahihirapan ang mga mahal nila sa buhay kaya napipili nilang umalis dahil nagi-guilty sila kahit hindi naman dapat. Naduduwag sila kahit hindi naman dapat. At natatakot sila kahit hindi naman dapat.
Naduwag lang talaga noon si Papa at gusto nya lang ang makabubuti para sa amin. Gusto nya lang maibigay ang mga gusto namin at ang naiisip nya na paraan para magawa yon ay ang iwan at layuan kami.
Bumuntong hininga ako. Kahit hindi pa maayos ang lahat ngayon dahil galit pa rin si Mama kay Papa, masaya ako dahil nandito na sya. Dahil hindi na nya kami iiwan. Mananatili na sya sa amin at mabubuo na ulit kami sa oras na tanggapin na ulit sya ni Mama. Napangiti ako.
Kumuha ako ng damit at lumabas para makaligo na. Nakita ko si Papa na nakaupo pa rin, nakatingin mismo sa kwartong pinasukan ni Mama. Napatingin sya sa akin nang makitang lumabas ako.
Ngumiti ako agad.
"Where are you going?" Tanong ni Papa at napatingin sa dala kong damit.
"Maliligo lang po," tinuro ko ang banyo sa gilid.
Tinignan nya yon at tumango. Naglakad naman na ako papunta roon. Nakita kong bumalik ang tingin nya sa kwarto ni Mama.
Alam kong gusto nyang makausap si Mama ng maayos. Alam kong gusto na nyang pasukin ang kwarto nito. Kilala ko si Papa. Kapag may pagtatalo sila noon ni Mama, hindi sya natutulog hanggat hindi sila nagkaka ayos. Hindi nya pinapalipas ang isang araw nang hindi sila nagkaka ayos. Hindi nya sinasabayan si Mama kapag galit ito. Imbes, sinusuyo nya ito. At iyon ang pinaka gusto ko sa relasyon nilang dalawa.
Minsan natatawa at namamangha ako sa tuwing sya ang sumusuyo kay Mama kahit pa si Mama naman ang may kasalanan. Hindi ko mapigilang humiling na sana makahanap ako ng lalaking katulad ni Papa. Yung katulad na katulad nya.
May biglang pumasok sa isipan ko ngunit agad ko iyong dinaan sa iling. Inalis ko agad sya sa isip ko at nagpatuloy na sa pagligo para makatulog na.
Hindi pa ako makatulog nang matapos. Nakita kong nakaupo pa rin si Papa sa mahabang upuan. Nakayuko sya at nakapikit. Nang lumabas ako ay napatingin sya sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Hindi ka pa matutulog, Pa?" Tanong ko.
Halatang inaantok na sya base sa namumungay nyang mga mata nang mag angat sya ng tingin sa akin. Ngumiti sya.
"Matutulog na ako. Hinintay lang kitang matapos. Can I get a hug?" Binuksan nya ang braso para sa yakap.
Ngumiti ako at hindi na sumagot pa. Yumakap agad ako sa kanya at naramdaman ko agad ang yakap nya sa akin. Mas lalo akong napangiti.
At ngayong nasa kama na ako ay hindi pa rin ako makatulog. Gusto kong lumabas at patulugin nalang si Papa sa tabi ko pero ang liit liit lang ng kama ko. Hindi kami kasya. Malaki ang katawan ni Papa at matangkad rin kaya hindi sya kakasya rito. Paano pa kung hihiga rin ako? Mas lalo kaming hindi nagkasya.
Bumuntong hininga na lamang ako at pumikit na. Sana mawala na ang galit ni Mama. Alam kong nasasaktan pa rin sya kaya hindi mawawala agad iyon pero sana talaga mapatawad na nya si Papa.
Ako naiintindihan ko na ang lahat ngayon. Naiintindihan ko si Papa. Naiintindihan ko ang kaduwagan nya noon. Naiintindihan ko lahat. Papa ko sya at mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya kaya mabilis kong naintindihan ang lahat. Hindi ko naman sinasabing hindi mahal ni Mama si Papa kaya hindi nya maintindihan, sinasabi ko lang na naiitindihan ko si Papa. Naiitindihan ko talaga sya.
Kay Mama, alam kong naiitindihan na rin nya si Papa. Pero siguro hindi nya pa rin matanggap na iniwan kami ni Papa ng ilang taon nang dahil lang sa kaduwagan. Hindi nya pa rin matanggap na nakaya ni Papa na iwan at tiisin kami ng ganon katagal. Naiitindihan ko rin si Mama at ako, gusto ko ring magalit pero gaya ng sinabi ko, mas nangingibabaw ang pagmamahal at pang iintindi ko sa kanya.
Kinabukasan, sabado, wala akong pasok kaya medyo late ako nagising. Nang dahil na rin siguro sa pagod at sa dami ng nangyari kagabi kaya ganon. Naramdaman ko pa ang pamamaga ng mga mata ko nang dahil sa pag iyak kagabi nang magising ako. Inayos ko na lamang ang sarili bago lumabas at naligo.
Hindi ko nakita si Papa sa sala kaya naghanap ang mga mata ko. Ngunit nang may maamoy akong mga pagkain ay napagtanto kong nasa kusina sya at nagluluto. Natanaw ko rin sya roon na nakatalikod habang busy sa ginagawa.
Marunong magluto si Papa. Madalas sya ang nagluluto ng pagkain namin noon ni Mama at Amara. Masarap syang magluto at tulad ng sinabi ko noon, si Papa ang nagturo sa akin magsangag at magluto pa ng kung ano ano.
Mabilis na lamang akong naligo at nang matapos ay nakangiti akong lumabas. Ngunit natanaw ko sa kusina na hindi nalang si Papa ang tao roon. Nandoon na rin si Mama na nakahalukipkip at mataray ang paningin sa naglulutong si Papa.
Ngumisi ako at lumapit pa sa may pintuan.
"Ano yan?" Supladang tanong ni Mama kay Papa.
"Uh... bacon and... pancake?" Nag alinlangan sa pagsagot si Papa, mukhang naisip nya na baka hindi gusto ni Mama ang mga yon.
Nagtaas ng isang kilay si Mama. "Sa tingin mo hindi ko alam yan?"
"N-Nagtanong ka, baby--"
"Wag mo nga akong tawaging baby! Apaka corny mo! Hindi pa tayo close para tawagin mo na ulit ako ng ganyan! Tabi nga!"
"S-Sorry..." agad agad tumabi si Papa para makakuha ng baso si Mama sa may sink. "Ako na dyan--"
"Ako na!"
"O-Okay..."
Napanguso ako sa pagtatalo nila. Narinig ko ang paglabas ni Amara sa kwarto kaya napatingin ako sa kanya. Kinukusot nya pa ang mga mata nya. Agad kong tinapat ang hintuturo ko sa aking bibig para patahimikin sya. Kumunot naman ang noo nya. Tinuro ko ang kusina at nang marinig nya sina Mama roon ay agad agad syang lumapit sa akin at nakichismis.
"Anong meron?"
"Shh!"
"Tss," inirapan nya ako at sumilip ng bahagya sa kusina.
"Sit down--"
"Oo uupo ako! Tigilan mo nga ang pag e-english! Napaka sakit mo sa ilong!"
Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Papa dahil sa sinabing iyon ni Mama. Napahagikgik naman kami ni Amara.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan? Pinagtatawanan mo ako dahil ayaw ko sa english? Bakit? Akala mo hindi ako marunog? Ha! Go on! Speak in english!" Hamon ni Mama.
"No. That's not what I mean--"
"Edi tigilan mo yang kaka english mo! Tsk! Hindi bagay sayo! Tawagin mo na nga yung mga anak mo roon! Pinapainit mo ang ulo ko!"
"Okay. I'm sorry. Wag ka nang magalit..."
"Umalis ka sa harapan ko! Tawagin mo na sinabi yung mga anak mo!"
"Okay. Okay. Tatawagin ko na," nanlalambing na sinabi ni Papa, nakangiti pa talaga kay Mama.
"Wag mo nga akong ngitian! Naiinis ako!"
"Hindi na..." ngumuso si Papa at naglakad na palabas.
Humagikgik naman kami ni Amara at hindi na inabala pa kung mahuli man kami ni Papa na nakikinig. Nahuli nya nga kami. Bahagya syang nagulat na nandoon kami. Ngunit nang makita ang tawanan namin ay bahagya syang nangiti, alam na agad na narinig namin sila ni Mama.
"Good morning. Kakain na," si Papa.
Tumango kami ni Amara, binati rin sya at naglakad na papasok. Kunot na kunot ang noo ni Mama ngunit nang makita kami ay pilit inayos ang mukha. Lihim kaming natatawa ni Amara at tahimik na umupo.
"Anong gusto mo--"
"Kukuha ako ng gusto ko. Maupo ka na," halatang pinigilan ni Mama ang sigawan si Papa dahil nandoon na kami.
Humagikgik ulit kami. Nakita kami ni Papa kaya bahagya syang ngumuso. Naglakad na lamang sya palapit sa amin at kami nalang ang tinanong kung anong gusto. Sinabi naman namin at hinayaan si Papa na ilagay lahat sa pinggan namin ang mga pinili namin.
Meron roong bacon, itlog, pancakes at tinapay. Meron ring sinangag at ang bango bango noon. Tulad ng dati nyang niluluto, merong halo ang sinangag nya na itlog at hotdog. Napangiti ako.
"Thank you, Papa!" Maligaya kong sinabi nang matapos sya sa paglalagay.
Napangiti sya at ginulo ang buhok ko. Napatawa ako at napatingin kay Mama na masama ang tingin kay Papa. Nag iwas naman sya agad at tumingin sa pagkain nya.
"Papa, dito ka ba ulit bukas?" Tanong ko habang nagsisimula na kaming kumain.
"Uh..." napatingin si Papa kay Mama na hindi manlang tumingin sa kanya at nagpatuloy lang sa pagkain. "I... I don't know. If it's okay with your Mama..."
"Pwede yan," ngumisi si Amara. "Dito ka nalang ulit bukas, may mga kukwento po ako. Hindi sapat ang isang araw ngayon para makumpleto ko,"
"Sure. But if it's okay with your Mama. If not, pwede naman kitang dalhin sa kahit saan mo gusto para makapag usap tayo," ngumiti si Papa.
"Tss," si Mama.
Napatingin kaming lahat sa kanya. Matalim nyang tinignan si Papa na para bang may ginawa itong masama. Nawala naman ang ngiti ni Papa at bahagyang napanguso.
"Bakit? Saan mo dadalhin si Amara? Kukunin mo at hindi mo na ibabalik sakin?" Si Mama na ikinagulat ko.
"What? No, of course not," agad sinabi ni Papa. "We will just talk somewhere if you're not agree of me coming here again--"
"Oo na. Oo na. Tsk. Bumalik ka kung kailan mo gusto. Pa english english pa..." binulong ni Mama ang huli.
Ngumisi si Amara. Lihim akong humagikgik. Si Papa naman ay tinignan ang pagkain nya at nakita ko ang unti unti nyang pagnguso para magpigil ng ngiti. Bahagya pa syang napailing na para bang may kung anong tuwa talagang nararamdaman.
Natigil ang hagikgik ko at masayang ngumiti habang pinagmamasdan ang nangyayari sa hapag na ito. Kahit may kaunting pagtatalo, hindi ko alam pero masaya pa rin ang puso ko. Ito ang kauna unahan naming agahan pagkatapos ng ilang taon. Sobrang saya sa pakiramdam. Sobrang sarap sa pakiramdam. Sana magpatuloy pa ang ganito. At sana, sa mga susunod na araw, hindi na magsungit pa si Mama. Sana tuluyan na silang bumalik sa dati ni Papa.
May trabaho ako sa araw na yon sa coffee shop kaya wala akong oras para makasama si Papa ngayon. Gusto kong lumiban pero hindi ko magawa. Naiisip ko ang perang mawawala kapag lumiban ako. Alam kong mas mahalaga si Papa kesa roon pero hindi ko talaga magawang lumiban. Sa susunod na linggo na ulit ang singil ni Aling Ninda sa bahay kaya kailangang mag ipon na ako para mahanda na ang pambabayad.
Napansin ni Papa na aalis ako. Pinagmasdan nya ako habang nag aayos ako sa may sala.
"Work?" Si Papa na ikinagulat ko.
"O-Opo. Paano nyo po nalaman?"
"Tss. Malamang nagpaimbestiga yan. Baka nga sya pa mismo ang nagstalk sa atin kaya alam na alam nya ang lahat," umirap si Mama pagkatapos sabihin yon.
Nandito rin sya sa sala, nanonood ng tv. Katabi nya rin si Amara na ngumisi sa sinabi nya.
Natahimik at napanguso si Papa sa sinabing yon ni Mama. Natawa naman ako.
"Talaga, Papa? Paano mo yon nagawa?" Manghang tanong ko.
"Well... pinasundan ko kayo?"
Nanlaki ang mga mata ko. "P-Pinasundan?"
"Yeah. I'm sorry..."
Nagkatinginan kami ni Amara. Alam kong pareho kami ng iniisip pero... imposible naman yata.
"Paano nyo po kami pinasundan?" Tanong ni Amara na nagtagal pa ang titig sa akin bago lumipat kay Papa. "Sa... Tondo palang po ba... pinasundan nyo na kami?"
"Uh... yes?" Nagsosorry syang ngumiti sa amin.
Muli kaming nagkatinginan ni Amara. Napansin iyon ni Mama kaya nagtaka sya pareho sa amin.
"Bakit?" Takang tanong nya.
Tumikhim ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Imposible naman yata. Pero sino pa ba ang ibang magpapasunod sa amin? Sinong magkaka interes sa amin, eh, hindi naman kami mayaman? Sabi ni Amara, hindi sya sinaktan o kinuha, sinundan lang sya. Ganon rin sa akin, hindi ako sinaktan o kinuha. Nakatitig lang at sila pa ang tumatakbo.
Posible bang...
Bago ko pa maisatinig, may kumatok na sa pinto at binuksan iyon. Pumasok ang isang lalaking nagpalamig sa buong pagkatao ko. Tinanggal nya ang hood ng kanyang itim na jacket at deretsong tumingin sa Papa ko.
"Mr--"
"Ahhh!" Tili ko hindi pa man sya natutuloy sa pagsasalita.
"Ate!" Bawal ni Amara.
"Why?" Agad napatayo si Papa at lumapit sa akin. Ganon rin si Mama na nagulat sa pagsigaw ko. Lumapit rin sya sakin.
"Papa! Sya yon! Sya yung lalaking nakikita kong palaging nakasunod sakin! Sya yon! Hindi ako pwedeng magkamali! Ilang beses syang nagpapakita sakin! Sya yon! Sya yon! Sya yon!" Paulit ulit kong sinabi habang tinuturo ang lalaking walang emosyon lang na nakatingin sa akin.
"Amora--" si Papa na pinutol ko.
"Umalis ka rito! Anong ginagawa mo rito? Nandito Papa ko kaya hindi mo kami magagalaw! Malaki ang katawan nito at kayang kaya ka nitong balibagin ng walang kahirap hirap kaya umalis ka rito bago ka pa malumpo! Alis! Sisipain kita!"
Wala pa ring emosyon yung lalaki kaya mas lalo akong natakot at nainis.
"Papa!" Nagsusumbong kong pagtawag kay Papa. "Sya yung lalaking nakasunod sakin palagi! May balak yatang rapin ako! May balak yatang kidnappin ako! Papa, masama syang tao! Binigyan ako nyan ng trauma! Hindi ko sya makalimutan at takot na takot ako!" Halos umiyak ako roon.
"Ano?" Kunot noong sinabi ni Mama, ngayon palang yata naproseso sa utak ang mga sinabi ko.
"Mama! May sumusunod sa aking lalaki noon! Kay Amara rin! Sya yung lalaki na yon! Masama syang tao Mama!" Namuo na ang luha sa mga mata ko.
"Sino kang lalake ka, ha?!" Sigaw ni Mama at akmang susugod nang pigilan ni Papa.
"Anna--"
"Bitawan mo ako! Sino itong lalaking ito? Bakit nakasunod ka kay Amora at Amara?! Sino ka sinabi! Sumagot ka!"
Nakita ko ang paglapit ng kalmado lang na si Amara. Hindi ako makapaniwalang kalmado lang sya ngayon samantalang takot na takot sya noon! Gusto ko syang sigawan na magtago sa likod ko!
"Anna, Amora, please listen to me first," marahang sinabi ni Papa.
"Anong listen listen?! Sino yang lalaking yan?!"
"Tauhan ko sya. Please, calm down..."
"Tauhan?!" Natitigilang sinabi ni Mama, iritado pa rin.
Tauhan? Napaulit rin ako sa isip. Anong ibig sabihin non?
"Yes. Tauhan ko sya. Pinasundan ko kayo noon. Sya ang dinala ko para bantayan kayo,"
Napanganga ako sa sinabi ni Papa. Hindi ako makapaniwala! Tauhan! Tauhan nya! Ibig sabihin, hindi delikado! Ang sarap mag mura dahil sobrang trauma ang inabot ko dyan sa lalaking yan! Tapos tauhan ni Papa?! Kingina!
"I'm sorry. I just want to know what you are doing everyday..." si Papa na para bang isa na namang kasalanan ang ginawa nya.
"Ano?" Hindi makapaniwala si Mama. "Kasasabi lang ng anak mo na nagkaroon sya ng trauma nang dahil dyan! Tapos kasalanan mo pala?!"
"Sorry..." tumingin sa akin si Papa. "I'm so sorry, Amora," lumapit sya sa akin at niyakap ako. Gulat pa rin naman ako at hindi na makagalaw. "I'm really sorry. I didn't mean to give you a trauma. I'm so sorry..."
Napailing si Amara. Para bang dismayadong dismayado sya sa akin! Aba't sarap upakan ng isang to, ah! At bakit hindi sya natatakot? Bakit hindi sya gulat? Alam na ba nya lahat ito?
"Ikaw, Amara? Ayos ka lang ba?" Bumitiw si Papa sa akin at hinarap si Amara.
Tumango si Amara. "Unang kita ko palang sa kanya, sa pagpasok nya rito, alam ko na. Naintindihan ko agad lahat. Napagtagpi tagpi ko agad,"
Napanganga na naman ako roon. Hindi ako makapaniwala sa kanya!
Ngumisi sa akin si Amara. "Oa mo, ate,"
Matalim ko syang tinignan. "Malay ko ba!"
Ngumisi lang sya ulit at naupo na muli sa upuan. Ngumuso naman ako at tinignan yung lalaking naka jacket na hanggang ngayon ay nasa may tapat ng pintuan, naghihintay na matapos kami at mukhang walang pakialam.
"I'm so sorry. This is Daniel," pakilala ni Papa. "Matagal na sya sakin. Ako ang nagpaaral sa kanya. Kagagraduate nya lang sa college this year,"
Tumango tango ako at mas tinignan pa yung lakaki. Wala talaga syang emosyon. Para talaga syang walang pakialam. Ni hindi sya bumati. Tsh. Bastos!
Galit pa rin ako sa kanya dahil nang dahil sa kanya ay nagkatrauma ako noon. Pero alam kong hindi naman na dapat dahil matagal na yon. Tsaka nautusan lang sya ni Papa. Kay Papa dapat ako magalit pero syempre, hindi ko kaya. Kakikita palang namin kaya hindi na muna dapat ako magalit sa kanya sa mga maliliit na bagay.
"Wag na wag mo na ulit gagawin yan, Brayden! Nakita mo ang epekto sa anak mo!" Singhal ni Mama kay Papa.
"Yes. Yes. Hindi ko na gagawin yon. I'm sorry..."
Inirapan ni Mama si Papa at lumapit sa akin. Tinanong nya ako kung ayos lang ba ako at sinabi ko namang ayos lang ako. Bumuntong hininga ako at kumalma naman na kahit papaano.
"Ihahatid kita sa trabaho mo," si Papa pagkatapos makausap si Daniel.
Napakurap kurap ako roon pero na-excite rin agad. "Sige po!"
Ganon nga ang nangyari. Hinatid ako ni Papa gamit ang van. Iniwan nya ang iba nyang tauhan sa bahay para daw bantay. Hindi ko naman alam kung para saan ang bantay na yon.
"Bakit kailangan pang may bantay sa bahay, Papa?" Tanong ko nang hindi na napigilan.
Nandito na kami sa sasakyan. Walang tao roon kundi kaming dalawa lang. Ang sabi nya ay babalik rin sya sa bahay para maka bonding si Amara. Tapos susubukan nya raw suyuin si Mama.
Bumuntong hininga si Papa. "I'm not the same as before, anak. I am now an engineer and have my own company,"
"Po?!" Gulat kong tanong. "Company? Kumpanya?
"Yes, anak," ngumiti sya sa akin. "Your father is a little bit famous now," ngumisi sya, nagmamayabang, nakita ko sa kanya si Amara. "I am kind but many people still want to fight with me. So it is better to have a guard at home. Hindi rin muna ako magpapakita habang kasama kayo. Kailangan kong mag ingat because your Mama still doesn't want to be involved in my now troubled life. At alam kong ganon rin kayo ni Amara. Hindi pa kayo handa sa magulong buhay,"
Napalunok ako roon. Hindi ko maproseso ng mabuti ang mga sinabi nya sa akin at parang huminto bigla ang mundo ko. Company? Famous? Engineer? Troubled life? Magulong buhay? Ano?
Hindi ako makapaniwala. Namamangha akong napatingin kay Papa na ngayon ay seryoso nang nagmamaneho. Umawang ang labi ko nang unti unti nang pumasok sa isip ko lahat ng sinabi nya.
"Sikat ka na, Papa?" Gulat kong tanong.
"Not really. Medyo lang,"
Gusto kong umirap pero hindi talaga ako makapaniwala! Gusto ko pang malaman ang lahat pero huminto na ang sasakyan, nakarating na kami sa coffee shop. Siguro mamaya nalang ako magtatanong pagkarating ko sa bahay o bukas.
At dahil nga nag iingat sya para hindi makita ng kahit na sino, sa loob nalang kami ng van nagpaalam sa isa't isa. Hinalikan ko sya sa pisngi bago bumaba.
Tsh. Hindi daw masyadong sikat pero ayaw bumaba. Ang gulo mo, Papa.
Pero hindi talaga ako makapaniwala! Papa ko? Sikat? Hindi nga? Wee? Gosh! Hindi ko alam ang iisipin ko. Kung sikat nga sya, gaano kasikat? Abot ba buong mundo? Hindi naman siguro, diba? Gosh! Ewan ko!
Mabuti nalang at hindi nakita ng mga kasamahan ko ang pagbaba ko sa van. Deretso lang ako roon at walang sumalubong na mga tanong sakin. Nakita ko na ang pag alis ng van ni Papa nang makapasok na ako ng tuluyan. Nagsimula naman na akong magtrabaho habang nakikipag usap kay Candy.
Masaya akong nagtrabaho. Pakiramdam ko walang makakasira sa mood ko ngayon at sobrang ganadong ganado ako. Nakakangiti ako sa mga customer na nandoon at minsan nakikipag usap pa sa kanila sa sobrang saya ko.
"Uyy! Masaya na sya! Ayos ka na?" Siniko ako ni Candy.
Ngumiti ako. "Mm! Ayos na ayos na,"
Natawa sya at nagpatuloy na sa pagkuha ng orders. Nakangiti ko namang sinabi kay ate Rena ang order ng isang curtomer. Nagpatuloy akong masaya at wala na talagang makakapantay pa sa sayang nararamdaman ko.
Nakakita naman ako ng mga text sa mga kaibigan ko nang mag break kami.
From: Sofia
How was it? Are you okay?
From: Beatrice
Are you okay? Please call me when you're free.
From: Pearl
I'm worried. :(  Are you okay?
From: Joy
If you're sad, just call us. We will be there. :)
From: Thea
Narinig ko ang balita. Ayos ka lang ba? Pupunta kami dyan sa susunod na sabado. Sabi kasi nila baka kailangan nyo ng time na pamilya. Tawagan mo kami, ah?
Napangiti ako sa mga text nila. Talagang hindi nila ako nakalimutan. Nag aalala sila sakin. At pakiramdam ko napaka swerte ko na naman.
Nireplyan ko sila isa isa. At mas lalo pang gumanda ang mood ko nang dahil roon. Gosh! Ang saya saya ko talaga!
Sabay kaming nagtanghalian ni Candy sa maliit na karinderya malapit lang sa coffee shop. Oorder na sana ako ng pagkain nang nagulat nalang ako nang dumating si Daniel. Suot nya ang kanyang hood at naka mask pa na itim. May dala syang plastic at alam ko na agad kung ano ang mga laman noon!
"Pinabibigay ni Mr--"
"Oh my gosh!" Biglang bumalik si Candy nang makitang may lumapit sa akin. "Kanino galing yan?"
"Salamat," ngumiti ako ng bahagya kay Daniel, alam na agad kung kanino galing.
Tumango lamang ito at umalis na. Binalik ko naman ang tingin sa plastic. Nakita kong may note roon at bago pa makuha ni Candy, naunahan ko na sya. Kinabahan ako.
"Hoy!" Tinuro nya ako, nanliliit ang mga mata. "Kanino galing yan? Patingin!"
"Wala!" Natatawa kong sinabi. "Umorder ka nalang roon ng sayo. Hindi ko na kailangang umorder dahil meron na ako," ngumisi ako.
Nanliit pa lalo ang mga mata nya sa akin. Natawa naman ako. Umalis na rin naman sya pagkatapos tumitig sa akin. Naupo ulit ako at binasa na ang note.
Amora,
Good afternoon, anak! Eat well. Ako nagluto nyan. I love you.
-Papa
Napangiti ako sa note na yon. Tinabi ko yon sa bag ko at hinalungkat na ang mga lalagyan na nandoon. Nang buksan ko yon isa isa ay nakita kong may nilaga, kanin at saging! Meron rin roong tubig na nakalagay sa isang lalagyan na maganda. Yung para bang para sa mga bata kapag papasok sila ng school? Basta yon! Whaa! Ang sarap! Amoy palang masarap na!
"Kainggit naman!" Nagdadabog na umupo si Candy. Natawa ako. "Patingin na kasi kung kanino galing!"
"Sa Papa ko lang!" Natatawa kong sagot.
"Wee? Patingin!"
Hindi sya matatahimik kaya pinakita ko na ang note. Ngumuso naman sya nang makita yon kaya wala nang nagawa. Natawa ako lalo. Hindi nya pa naman alam ang mga tungkol sa akin kaya ayos lang. Kinabahan lang ako kanina dahil akala ko nakalagay roon ang pangalan ni Papa. Mabuti nalang at hindi.
Hindi naman sa ayaw kong ipaalam kay Candy kung sino ang Papa ko. Ayoko lang ding ma-invlove katulad ni Mama sa buhay ngayon ni Papa. Kung sikat nga sya ngayon, malamang nga na marami ang gustong maka alam sa pagkatao nya. Maraming tao ang kilala sya. Lalo na at ang gwapo ng Papa ko! Thirty eight na yon pero gwapo pa rin at makisig! Sigurado akong maraming magkaka interes sa kanya lalo na mga babae!
Bata pa si Papa ngayon dahil maaga silang nagpakasal ni Mama. At syempre, dahil maagang nagpakasal, maaga rin akong nabuo. Nineteen lang si Mama nang ipagbuntis nya ako habang twenty naman si Papa nung mga panahon na yon. At dahil mapusok, isang taon palang ang nakakalipas, nabuo na din si Amara. Tsk tsk tsk.
Natapos ang buong araw ko na yon na masaya ako. Pinauna ko ulit si Candy sa taxi at sinundo naman ako ulit ni Papa. Nagulat ako roon pero sumakay nalang rin kalaunan.
"How was your work, anak? Napagod ka ba?" Tanong ni Papa habang pauwi.
"Hindi naman po. Sanay naman na po," sagot ko.
"I want to stop you from working but I know I have no right for now. Just don't tire yourself too much,"
Ngumiti ako. "Bakit mo naman po iniisip yan? May karapatan kayong pagbawalan ako pero kung pagbabawalan nyo naman po ako, baka hindi rin po ako pumayag. Kailangan po naming magbayad ng renta sa bahay, eh. Sa susunod na linggo na po yon,"
"I can afford that. Stop working from now on, then, Amora,"
Nagulat ako roon. "P-Pero Papa..."
"Anak, I don't want you to get tired like this. I'm here now so you don't have to worry anymore,"
Bumuntong hininga ako. Ayaw kong iwan ang trabaho ko dahil kahit papaano napahamal na sa akin iyon. Napahamal na sakin si ate Bianca na palagi akong inuutusang linisin ang kanyang office. Napahamal na ako kay Candy at sa iba ko pang mga kasamahan roon kahit pa ayaw nila sa akin. Napamahal na ako sa lahat ng nandoon.
"But... if you really want to stay and work, I will not force you..." bawi ni Papa nang makita siguro ang kalungkutan ko.
Napatingin ako sa kanya.
"I'm sorry, anak. I know I shouldn't be like this because I just came back at alam kong may kaunting pagtatampo ka pa rin sa akin. Ayoko lang na mapagod ka pero hindi kita pipigipan. Do what you want. I'm sorry..."
Ngumuso ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Medyo guilty ako pero siguro tama nga sya. Hindi na dapat ako magtrabaho dahil nandito na sya. Ayokong umasa sa kanya pero Papa ko sya. May tampo pa rin ako at kailangan nyang gawin ang mga responsibilidad nya bilang ama sa amin ni Amara at asawa kay Mama. Matagal syang nawala at ngayong nandito na sya, dapat sya naman. At alam ko rin namang gusto nya ring sya nalang ngayon. Alam kong gusto nya sya na ang nagtatrabaho, sya na ang nagbibigay sa amin ng pera at sya na sa lahat. Ayoko man ng ganon pero sige. Ayos lang naman sakin.
"Sige po, Papa," sabi ko pagkatapos ng mahabang katahimikan. Ngumiti ako. "Aalis na po ako sa trabaho,"
"No. No. Amora, no. Hindi mo kailangang gawin ang sinabi ko. Alam kong ito ang gusto mong gawin kaya hindi kita pipigilan. Forget what I said, okay?"
Ngumuso ako. "Ayos lang naman po sakin. Gusto ko po magtrabaho pero mas gusto ko pong makasama kayo. Wala tayong time nang dahil rito ngayon kaya magre-resign nalang po ako. Gusto ko rin po ito wag na kayong mag alala," ngumiti ako.
"Are you sure?"
Tumango ako. "Tsaka... sabi mo mayaman ka na, diba? Kaya mo na yan," biro ko at ngumisi.
Natawa sya. "Hmm. Manang mana ka sa Mama mo,"
Natawa kami pareho at nag usap nalang sa ibang bagay. Marami akong kinwento sa kanya. Marami rin naman syang tanong kaya sagot lang ako nang sagot. Hanggang sa makarating na kami sa bahay. Malapit lang kaya kaunti lang ang napag usapan namin. Marami na akong nakwento pero marami pa akong ikukwento kaya para sakin sandaling oras lang iyon.
Na-miss ko talaga sya.
Hindi ko tuloy napigilan ang yakapin sya habang papasok kami sa loob. Nagpahuli kasi talaga ako para mayakap sya mula sa likuran. Natigil naman sya sa paglalakad at natawa. Ngumiti rin ako.
"Na-miss kita, Papa," sabi ko.
"I miss you too, Amora," hinarap nya ako at niyakap ng mahigpit. "Ang laki laki mo na! Dalaga na ang panganay ko,"
Nangiti ako. "Matanda ka na rin, Papa," biro ko at humalakhak.
Ngumuso naman sya at inakbayan ako. Naglakad na kami papasok sa bahay habang nagtatawanan pa rin.
Grabe! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Nandito na sya sa amin! Sobra sobra ang pasasalamat ko at natupad ang hiling kong makapiling sya ulit. Walang humpay ang pagpapasalamat ko.
Nagluto ulit sya ng hapunan namin. Si Mama ay wala pa ring tigil sa pagtataray kaya natatawa nalang kami ni Amara. Tiklop lang naman palagi si Papa at ngumunguso na lamang palagi kapag binabara sya ni Mama. Sinusuyo nya ito ngunit talagang mataray si Mama at pa hard-to-get pa. Napailing ako.
Masaya kaming naghapunan. Pwera nalang kay Mama na nakasibangot at iirap irap sa tuwing nagsasalita si Papa. Akala mo bata. Natatawa ako minsan kaya matalim nya akong tinitignan. Natatawa nalang ulit ako.
Ang sabi ni Papa ay may kailangan syang asikasuhin kaya kailangan nyang umuwi sa araw na ito. Napansin ko ang suot nya kahapon, naka longsleeve polo sya na kulay puti kahapon na nakatupi hanggang siko nya, slacks naman ang suot nya sa pang ibaba at isang makintab na sapatos. Ngayon naman ay mukhang nagpadala lang sya ng damit. Uuwi syang naka t-shirt at pantalon, boots na rin ang suot nyang sapatos.
Kakaiba na ngayon pumorma si Papa. Naninibago ako. Pati na rin sa pagsasalita nya. Madalas nang english kesa tagalog. Napaisip tuloy ako kung gaano na sya kayaman ngayon? Gaano na sya kasikat ngayon? Hindi ko alam. Siguro magtatanong nalang ako bukas.
"Babye!" Paalam ko at humalik sa pisngi ni Papa. Niyakap ko rin sya. Ganon rin ang ginawa ni Amara.
"Good night. Sleep well. Mag iiwan ko ng bantay rito, okay?" Si Papa.
Tumango kami at ngumiti sa kanya. Tinignan naman nya si Mama na nasa tabi namin ni Amara. Nandito na kami sa labas, sa terrace. Maluwag rito at may ilaw rin. Kitang kita ang mga lamok na nagliliparan sa itaas ng ilaw. Maraming tauhan ni Papa ang nakapalibot sa buong bahay, deretso ang tindig at hindi halos gumagalaw.
Marahang naglakad si Papa palapit kay Mama. Hindi naman nagprotesta si Mama at kahit panatilihin nya ang galit na mukha, lumambot pa rin sya nang hawakan ni Papa ang leeg nya at marahan syang halikan sa noo.
"Good night. I'll come back tomorrow. I'm sorry..." namamaos nyang bulong kay Mama.
Napansin kong paulit ulit syang humihingi ng tawad na para bang hindi nya matanggap na isang beses lang syang nanghingi ng sorry. Kanina pa rin sya nagsosorry sa akin. Sa totoo lang kahapon pa. At nasasaktan ako kapag ganon ang binabanggit nya. Pakiramdam ko pakiramdam nya hindi pa rin namin sya tanggap.
Lumayo si Papa kay Mama habang nakatitig pa rin rito. Walang naging reaksyon si Mama. Kinagat lang nya ang kanyang labi at nag iwas ng tingin. Bumuntong hininga naman si Papa at yumuko ng ilang sandali. Nang mag angat sya ng tingin ay nakangiti na sya ngunit alam kong pilit iyon. Alam kong malungkot sya.
Kumaway kami nang maglakad na sya palayo. Kitang kita ko agad ang pangungulila nya sa amin. Kumirot na naman ang puso ko. Ang hirap hirap na talagang mawalay ulit sa kanya. Nakakatakot na.
Binalingan ko si Mama nang makalayo na ang van ni Papa. Nakahalukipkip pa rin sya at tulala sa kung saan. Bumuntong hininga ako at nilapitan na sya.
"Halika na, Ma. Malamig na rito sa labas..." sambit ko.
Tumingin sya sa akin. Kalungkutan ang una kong nakita sa kanyang mga mata. Agad syang nag iwas ng tingin nang makita nyang napansin ko iyon. Sumakit ang puso ko.
"Halika na..." marahan nyang sinabi, rinig na rinig ko ang sakit at kalungkutan.

Komento sa Aklat (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata