logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

Kabanata 2
Song
--
Kinabukasan wala akong gana. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko na para bang may sakit ako. Ramdam na ramdam ko rin ang pamumugto ng mga mata ko kaya nag ayos na muna ako ng mabuti bago lumabas ng kwarto.
Buong gabi akong nag iiyak kagabi at hindi ko alam kung kailan ako natigil. Nakatulugan ko nalang yata ang pag iyak. Hindi ko alam.
Pero sa tingin ko dapat lang naman sa akin ito. Lahat ng sakit at kalungkutan ay deserve ko. Sinasaktan ko sya ng sobra kaya dapat lang rin na masaktan ako.
Ngunit may mga panahon kasi na kailangan mong magpaubaya. Kailangan mong magparaya. Kailangan mong mag sakripisyo lalo na at para sa taong minamahal mo. May mga dahilan ako na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil paniguradong mas lalo nya lang akong hahabulin. At ayokong mangyari yon dahil ayokong mapahamak sya.
Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti. Kaya ko to. Walang bagay na hindi ko kaya. Matatapos rin ito. Makakahanap rin sya ng iba. At isa pa, pakakasalan nya si Ella balang araw. Iyon ang sabi ni Mr. Antonio Salvador at sa tingin ko, wala syang magagawa roon.
Pero ako hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng iba. Sya ang kauna unahang lalaking minahal ko. Sa kanya ako nasanay. Sa kanya ako nagiging masaya. Sya lang ang mahal ko. Ngunit kung dumating man ang araw na magmahal ako ng iba, sisiguraduhin kong mananatili pa rin sya sa puso ko. Hinding hindi sya mawawala roon dahil nang dahil sa kanya, natutunan kong magmahal. Marami akong natutunan sa kanya. Gusto ko man syang kalimutan, hinding hindi naman sya kalilimutan ng puso ko. Pangako yan.
"Grabe! Sobrang gugwapo nung mga kumanta kagabi!" Tili ni Candy habang kumakain kami rito sa cafeteria. "Crush na crush ko yung nauna! Lalo na yung pangalawa! Sobrang gwapo!"
Napatingin ako sa kanya. Alam ko kung sino ang tinutukoy nya. Medyo hindi ako naging komportable pero sinubukan kong ngumisi.
"Ikaw talaga. Ayan ka na naman," nagpatuloy ako sa pagkain.
"Totoo! Sayang umalis ka agad! Ang gwapo talaga! Hindi ko sila makalimutan!" Pumangalumbaba sya at tumingin sa itaas na para bang ini-imagine ang mga nakita nya kagabi. Kung makapag pantasya wagas.
Natawa ako. "Kumain ka na nga lang dyan,"
"Pero... bakit ka nga ba umalis kagabi? Nilalagnat ka ba?" Agad nyang hinipo ang noo ko.
"Hindi, noh. Medyo sumama lang talaga ang pakiramdam ko kagabi. Ayos na ako ngayon,"
"Sigurado ka? Kanina ko pa napapansin na namunutla ka, ah?"
Ngumiti ako sa kanya para hindi na sya mag alala. "Ayos lang talaga ako. Medyo stress lang sa school. Ang dami kasing ginagawa," palusot ko.
Bumuntong hininga sya at ngumuso. "Oo nga. Sabayan pa nung pagtatrabaho natin. Hay nako. Mag iingat ka kasi. Uminom ka palagi ng tubig,"
Tumango ako at ngumiti. Napaka maalaga ni Candy sa kahit na sino. Lalo na sakin. Friendly sya at masarap kasama. Talagang matutuwa ka. Bigla ko tuloy na-miss yung mga kaibigan ko. Hindi na ako makapag hintay na makita ulit sila. Sabi kasi nila, sabado at linggo sila bibisita.
Bumalik sa mga kumanta kagabi ang topic ni Candy. Hindi ko magawang makasabay sa kanya dahil hindi ko talaga yon kayang pag usapan. Naaalala ko ang nangyari kagabi at iyon na naman ako at nasasaktan. Pinipilit ko na lamang na ngumiti at makitawa sa kanya.
Ganon pa rin ang araw ko sa school. Marami pa ring mga ginagawa at kayod na kayod ang utak ko. Nag e-enjoy naman ako kaso sa sitwasyon ko ngayon, hindi ako masyadong nag e-enjoy. Madaling sumakit ang ulo ko at minsan naiirita pa ako. Lalo na kapag maraming pinapasulat. Sobrang nakaka ngawit sa kamay. Hindi rin matapos tapos ang reporting at quizes. Meron pang mga take home quiz kaya marami na naman akong gagawin mamaya pagkatapos magtrabaho. Bumuntong hininga na lamang ako at sinabi sa sarili na kaya ko to.
Kaya ko to!
Wala akong karapatang magreklamo dahil pag aaral ito. Para sakin naman ito. Para sa ikakabuti ko ito at dahil rito, makakakuha ako ng magandang trabaho. Dahil rito, magiging maganda ang buhay natin. Kaya hindi dapat tayo nagrereklamo sa lahat.
Pagod na pagod ako pagdating sa maliit na bahay na inuupahan namin. Naabutan ko si Amara sa maliit naming sala. Maraming libro sa kanyang harapan at kung ano ano ang sinusulat sa kanyang papel.
Hindi na kami sabay umuuwi dahil mas maaga silang umuuwi kesa sa amin. Hindi nya na ako nahihintay dahil marami pa syang gagawin.
"Si Mama?" Tanong ko at umupo sa tabi nya. Tinignan ko lahat ng inaaral nya.
"Nasa banyo. Nilalabhan yung dalawa kong uniform," sagot nya habang hindi tumitingin sakin.
Lahat ng inaaral nya ngayon ay napag aralan na namin noon. Ngumiti ako dahil kahit pwede ko syang tulungan sa lahat ng yan, alam kong hindi sya papayag. At alam kong alam nya na lahat ng yan.
Napatingin ako sa oras at nakitang four ten na. Kailangan ko nang mag ayos para makapunta na sa coffee shop. Nagpaalam na ako kay Amara na hindi manlang ako pinansin at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa. Napailing nalang ako sa kanya.
Saktong sakto talaga sa amin ang bahay na pinili ng mga kaibigan ko. Tatlo ang kwarto at kahit maliliit, ayos naman para sa amin. At isa pa, hindi kami sanay nang may kwarto kaya talagang ayos lang para sa amin ang ganito. May kusina rin kami at kahit maliit lang rin yon, maayos naman. Basta makapag luto, ayos na. Isa lang ang banyo namin. Walang banyo bawat isang kwarto. Wala kaming taas at ayos na ayos lang yon. Saktong sakto na sa amin ang bahay na ito.
Nag ayos na ako sa aking kwarto. Nagpalit lang ako ng damit. Mamaya na ako maliligo dahil pagod pa ako, mamaya mabulag ako. Pagkatapos rin mag ayos ay nagpaalam na ako kay Mama na nagsasampay na sa labas ng bahay. Yung mga uniform nga ni Amara ang nilabhan nya.
Hindi ganon kalayo ang coffee shop sa bahay namin. Ewan ko ba at mukha talagang sobrang effort ang binigay ng mga kaibigan ko sa paghahanap ng bahay. Naghanap talaga sila ng bahay na malapit sa coffee shop nila Bea at napaka ayos pa ng bahay na nahanap nila. At isang araw lang nilang ginawa yon. Ngumisi ako. Bilib rin ako sa kanila, eh.
Pero malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanila. Kung wala sila rito, baka hanggang ngayon naghihirap pa rin kami nina Mama at Amara.
Masaya akong nakikipag usap kay Candy nang may pumasok sa coffee shop. Unti unting nawala ang ngiti ko nang makita si Joshua na nahanap agad ang mga mata ko. Agad syang umiwas ng tingin at nagtungo sa walang taong table. Umupo sya roon at tumingin sa akin.
Kumurap kurap ako at agad nag iwas ng tingin. Ano na namang ginagawa nya rito? Hindi ko inaasahang pupunta pa sya rito pagkatapos nung nangyari kagabi!
"Oh my gosh!" Pinaghahampas at pinagtutulak ako ni Candy dahilan para muntik na akong matumba.
"Candy!" Saway ko.
"Tignan mo, Amora! Iyon yung kumanta kagabi! Nandito ulit! Nandito ulit! Tignan mo! Yung gwapo!" Paulit ulit nyang sinabi.
"Tsk. E-Edi lapitan mo. Mukhang oorder. Mag babanyo lang ako," paalam ko at agad nang naglakad papunta sa banyo.
"Ano? Pero duty mo yon! Hoy!" Sigaw nya kahit pa alam kong gustong gusto nya ring kunin ang order ni Joshua.
Nagtuloy tuloy ako at hindi sya pinansin. Nang makapasok sa banyo ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Pumikit ako at sinapo ang dibdib na sobrang lakas ng kabog. Sa sobrang lakas noon ay halos masaktan ako nito ng paulit ulit.
Ano pa bang ginagawa nya rito? Bakit pa sya bumalik? Ano pang kailangan nya? Hindi ba't nasabi ko na lahat sa kanya kagabi? Kulang pa bang dahilan yon para lubayan nya na ako? Mapapahamak sya sa ginagawa nyang ito!
Unti unti ay nabuhay ang iritasyon sa sistema ko. Kinalma ko ang aking sarili at ilang sandali pang nagtagal sa banyo. Nang medyo mapakalma ang sarili ay lumabas na ako. Nakita kong nasa counter pa rin si Candy.
"Uh... nakuha mo na yung order?" Tanong ko nang makalapit at sumulyap sa gawi ni Joshua.
Nakita kong nandoon pa rin sya. Wala pang kahit anong pagkain sa kanyang table at ang mga mata nya ay agad akong tinignan. Nag iwas ako ng tingin at tumingin kay Candy na nakanguso.
"Nilapitan ko pero sabi nya hindi pa daw sya mag oorder," anya.
Dahan dahan akong tumango at sumulyap muli kay Joshua na nakatingin pa rin sa akin. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. Ginawa kong busy ang sarili sa pagtingin tingin ng mga order sa papel na nandoon.
Siniko ako ni Candy maya maya. Tinignan ko sya.
"Oh?"
Nginuso nya si Joshua kaya agad akong napatingin roon. Nakita kong nagtataas sya ng kamay habang nakatingin sa amin. Agad akong kinabahan.
"Oorder na yata. Kunin mo na," sabi ni Candy.
"U-Uh... i-ikaw na..." tanging nasabi ko at nagbaba ulit ng tingin sa mga papel.
"Dali na!" Mas lalo nya akong siniko. "Baka mainip yon! May gagawin pa ako sa loob,"
Ngumuso ako at tumingin kay Joshua na naghihintay pa rin. Bumuntong hininga ako at nagtungo na lamang sa kanya dala ang menu. Pumunta naman si Candy sa loob dahil mukhang kailangan sya roon.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako palapit kay Joshua. Seryoso ang mga mata nya at hindi ko yon makayanan kaya nagbaba na lamang ako ng tingin. Hindi ko makita si Zil sa paligid at mukhang hindi nya kasama ngayon.
"Your order, S-Sir?" Muntik na akong mapapikit dahil nautal pa talaga ako!
Inabot ko sa kanya ang menu at kinuha naman nya yon. Nagtagal sya roon at mukhang binasa nya pa talaga lahat. Habang ako ay hindi na mapakali. Nanghihina ang tuhod ko at mas lalo pang nanghihina dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.
At dahil busy pa sya sa pagbabasa, nagkaroon ako ng pagkakataong tignan sya. Ganon pa rin ang makintab nyang buhok, seryoso pa rin ang mukha tulad ng dati, napaka misteryoso pa rin, dito sa pwesto ko ay kitang kita ko ang pagkakadepina ng kanyang panga at mas lalo pang lumaki ang kanyang katawan. Sa suot nyang polo shirt, black jeans at boots ay kitang kita talaga ang hubog ng kanyang katawan.
Kinagat ko ang aking labi. Nangilid ng bahagya ang luha ko. Na-miss kong maging ganito kalapit sa kanya. Na-miss kong pagmasdan sya ng ganito. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko nami-miss ang kanyang ngiti.
Nangako ako noong hindi ko sya iiwan. Nangako akong palagi lang akong nasa tabi nya. Nangako ako noong pasasayahin ko sya. Pero sinira ko ang pangako sa sarili at sinaktan sya. At galit na galit ako sa sarili ko dahil roon.
"Cappuccino," sa tagal nyang nakatitig roon ay iyon lang ang sinabi nya.
Agad akong natauhan at nag iwas ng tingin nang nag angat sya ng tingin sa akin. Pinikit pikit ko ang aking mga mata para mawala ang nangigilid na luha. Kinuha ko ang menu at nagpaalam na sa kanya.
"Okay, Sir..." namamaos kong sinabi.
Hindi ko na nilista pa dahil iyon lang naman ang order nya. Mabilis akong naglakad papasok sa loob at sinabi na ang order nya kay ate Rena, ang taga gawa ng lahat ng order.
Naabutan kong tumutulong roon si Candy dahil marami yatang order ngayon. Dumami ang tao ngayon sa hindi malamang dahilan. Marami rin sa labas ang kumukuha ng mga order, apat ang waitress at dalawa naman ang waiter. Habang mag isa lang si ate Rena kaya tumulong na sa kanya si Candy.
Hindi ko alam kung lalabas ba ako o mananatili rito sa loob. Ayokong lumabas dahil naiilang ako sa paninitig ni Joshua. Pero hindi naman pwede dahil marami talagang tao ngayon. Kailangan kong kumilos.
Lumabas ako at napasulyap kay Joshua at nakitang nahanap nya agad ako. Para bang inaabangan nya ang paglabas ko. Kumabog ang dibdib ko at agad akong nag iwas ng tingin. Kumuha ako ng mga orders sa iba para abalahin ang sarili.
Wala pang tumutugtog ngayon dahil medyo maaga pa. Kapag gabi na ay doon palang. Gusto kong malaman kung sina Joshua ba ulit ang tutugtog pero hindi ko magawang magtanong dahil marami talagang tao.
At mukhang alam ko na kung bakit sobrang rami ngayon. Nakita ko ang mga kababaihan sa iba't ibang table na kinikilig habang nakatingin kay Joshua. Narinig ko pa ang bulung bulungan na sana sya ulit ang kumanta. Bumuntong hininga ako.
Kinuha ko ang cappuccino na order ni Joshua at dinala na iyon sa kanya. Sobrang nakakailang talaga ang titig nya. Masyado akong ninenerbyos dahilan para bahagyang manginig ang kamay ko habang nilalapag ko ang order nya sa kanyang lamesa.
Nakita ko ang pag galaw ng panga nya. "Thank you,"
"Welcome, Sir. May... iba pa ba kayong order?" Lumunok ako ng pagka lalim lalim.
Sana wala na!
"Wala na," sagot nya habang titig na titig sa akin.
Tumango ako at agad nang tumalikod. Pumikit ako ng mariin dahil naiinis na ako sa nararamdaman ko. Sya lang ang nakakapag paramdam sa akin ng ganito at naiinis pa ako lalo roon.
Maayos ang naging pagtakbo ng oras. Pero para sakin, hindi naging maayos yon! Ilang oras akong ilang na ilang dahil sa titig nya. Nakaupo lang sya roon habang nakahalukipkip, hindi pinapansin ang mga babaeng halatang nagpaparinig sa kanya at nakatitig lang sa akin. Pakiramdam ko bawat galaw ko, mali. At nang dahil lang sa kanya iyon!
Naghiyawan at pumalakpak ang mga tao nang tumayo na si Joshua para pumunta sa maliit na stage. Saktong pumasok si Zil sa coffee shop at mas lalong nagtilian ang mga babae. Nagmamadali syang pumunta sa stage at umupo na roon hawak ang kanyang gitara. Mukhang may pinuntahan o ginawa pa sya kaya sya na-late.
Naalala ko tuloy sina Klara at Jana. Kamusta na kaya sila ngayon? Wala na akong balita sa kanila nitong mga nakaraang araw. Si Klara? Kamusta na kaya sila ni Zil? Sila na kaya? At si Jana? May boyfriend na kaya?
Malungkot akong napangiti. Kahit ilang linggo palang ang lumilipas, pakiramdam ko malayo na agad ang loob ko sa kanila. Iniwan ko sila nang walang magandang dahilan. Sana naiintindihan nila ako.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang may marealized. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap roon ang number ni Jana. Naalala kong pinalagay ko rito ang number nya kaya matetext ko sya!
Gosh! Bakit hindi ko ito naisip?
Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay bahagya akong natigilan. Natigil ako sa paggalaw sa aking cellphone at napa angat ng tingin kay Joshua na nasa stage. Nakaupo ulit sya at ang gitara ay nasa kanyang hita, nasa harap nya naman ang stand mic.
Lumunok ako dahil nakatitig na naman sya sa akin. Nasa harap lang namin ang stage. Kami ang nasa pinakalikod, sa gitna ang mga upuan at sa dulo ang stage kung nasaan si Joshua ngayon. Lumunok muli ako nang mapagtanto ang kanyang kakantahin.
~It's how you used to say I love you and I miss you.. it's how you pretend to love me then...~
Naalala kong ito ang kinanta nya noong narinig ko ang kanyang boses sa kauna unahang pagkakataon. Doon sa rooftop. Kung saan nagsimula akong makaramdam ng ilang sa kanya. Sobrang humanga ako sa boses nya at ngayon para na naman akong maiiyak dahil na-miss ko talaga ang boses nya.
Napaka sarap sa tenga ng kanyang boses. Nakakagaan sa pakiramdam at nakaka iyak rin. Hindi ko alam pero mas lalo akong nasasaktan.
~Are you coming back into may arms.. to love me again.. I love you.. I miss you.. I need you now...~
Sa bawat bigkas nya ng kanta ay nakatingin sya sa akin, para bang sa akin nya yon sinasabi. Sa akin nya pinaparamdam at talagang para sa akin lahat. Sumikip ang dibdib ko at hindi na napigilan ang pangingilid ng mga luha. Agad akong nag iwas ng tingin sa kanya.
Hindi nya ako kinausap nung gabing yon. Napaka rami nilang kinanta at nung magsasara na, nandoon pa rin sila. Umalis lamang sila nang makitang umalis na kami ni Candy. Sa ganong kaliit na paraan, kahit hindi nya sabihin, alam kong dahil sa akin kaya sila nagpupunta pa rito. At mas lalo akong nasasaktan roon.
Kagaya kagabi, umiyak ako magdamag sa kwarto ko. Maririnig nila Mama at Amara kapag humagulgol ako kaya impit akong umiyak. Mas lalong sumasakit ang puso ko roon pero pinilit kong ilabas lahat gamit ang pag iyak. Gustong gusto kong humagulgol pero ayokong mag alala pa sa akin sina Mama at Amara. Kaya nandoon lang ako, tahimik na umiiyak, walang katuwang kundi ang sarili dahil ganon naman talaga, diba? Walang makakasalba sa sarili mo kundi ikaw mismo. Sarili mo lang. Wala nang iba. Kailangan mo man ng makakasama, dapat tulungan mo rin ang sarili mong bumangon nang ikaw lang mag isa. Dahil hinding hindi ka makaka ahon sa napaka lalim na karagatan kung aasa ka nang aasa sa iba.
Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung kailan ito titigil. Napaka iyakin ko pero masisisi nyo ba ako? Nasasaktan rin naman ako. At hindi ako matatakot na umiyak dahil iyon lang ang paraan para maalis ang sakit na nararamdaman ko.
Joshua, sana tumigil ka na. Tanggapin mo nalang ang lahat. Iwan mo nalang ako. Pabayaan mo nalang ako. Dahil pareho lang tayong masasaktan kung patuloy mo akong pupuntahan. Hindi na kita kayang balikan. Hindi na pwede. Para rin naman sayo ito kaya sana makinig ka nalang. Hindi na pwedeng maging tayo, Joshua. Hindi na pwede.

Komento sa Aklat (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata