"Mga putangina niyo! Sino ba kayo sa akala niyo upang pakialaman ako?!" galit na galit na sigaw niya, ang paningin ay palipat-lipat sa akin pati na rin sa taong nasa aking likuran. Mabagal akong lumapit sa kaniya habang siya naman ay pilit isinisiksik ang sarili sa sulok kahit wala ng itinirang espasyo sa para sa kaniya ang pader. "Gusto mo ring magbanat ng buto?" seryosong hamon ko sa kaniya. Ang mga mata niya ay mas lalong nabahiran ng takot. Akmang lalapit ako sa kaniya nang marahas akong hilahin sa braso ng taong nasa aking likuran. Sumama ang tingin ko sa kaniya subalit sa palagay ko ay mas masama ang tingin na ibinibigay niya sa akin. "Tigilan mo na." Marahas kong binawi ang aking braso at ibinalik ang tingin sa pinuno ng mga sanggano. Ilang minuto ko siyang tinitigan ng masama. Nagbabanta. Nag-uutos. Nananakot. "Umalis kana at huwag na huwag ka nang magtangka pang magpakita sa akin." seryosong saad ko habang tinititigan siya. Nakita ko ang ilang beses niyang paglunok hanggang sa unti-unti siyang patagilid na naglakad paalis sa kaniyang kinatatayuan kanina. Hindi niya iniwas ang paningin sa amin na animo'y ano mang oras ay maaari namin siyang tirahin ng patalikod. Pinanood ko lamang siya hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng pinto. Nang tuluyang mawala sa aking paningin ay saka ako huminga ng malalim. Mga walang kwenta. Pagkatalikod ko pa lamang ay nasulyapan ko nang kaagad ang Malthe na iyon na masama at malamig na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung paanong napagsasabay niya ang dalawang ekspresyong iyon sa kaniyang mga mata. Nilampasan ko siya at dahan -dahan akong nagtungo sa umiiyak na babae na nakaupo sa pinakadulong bahagi ng malaking silid. Nakatago ang kaniyang mukha sa kaniyang mga tuhod subalit mahahalata ang pag-hikbi dahil sa panginginig ng kaniyang balikat. Nagdadalawang-isip ako kung paano ko siyang kakausapin. "Ayos ka lang?" mahinang saad ko. Sapat lamang iyon upang marinig niya. Siya ang babaeng nakita ko kanina na kinakaladkad ng tatlong kalalakihan papasok sa lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito subalit alam kong may mali. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nabungaran kong kaagad ang luhaan niyang mukha. Bigla ay nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. "Ayos ka lang?" matagal siyang tumitig sa akin bago ilang beses na tumango. Pinanood ko pa siyang punasan ang mga luha sa kaniyang mukha. Hindi ko inaasahan na ngingiti siya sa akin pagkatapos. "Salamat! Buti na lamang ay dumating ka, baka kung ano na ang ginawa sa akin ng mga iyon." kahit papaano ay alam kong mas maayos na siya ngayon kumpara kanina. Subalit kahit nakangiti ay mahahalata pa rin ang lungkot niya. "Maaari ko bang malaman kung bakit nila ginawa iyon sa'yo?" mahinahon kong tanong. Saglit siyang natahimik na animo'y humahanap pa ng tamang salita. Ang lungkot ay mas lalong nahalata sa mukha. "May utang kasi ang tatay ko sa Leon na iyon. Ginigipit nila ang tatay ko. Lumaki nang lumaki ang utang namin dahil pinapatungan ng interes. Hindi iyon kayang bayaran ni tatay... Kaya sapilitan nila akong kinuha at dinala rito. Ako raw ang magiging kabayaran." malungkot siyang nagbaba ng tingin. Kung ganoon ay garapal pala talaga ang Leon na iyon. "At ano naman ang kanilang gagawin sa'yo kung sakali?" takang tanong ko. Sinulyapan niya ang mga teknolohiya sa aming likuran. "Ang iba rito ay kusang pumasok sa ganitong trabaho dahil sa kahirapan. Ang iba ay paniguradong ginipit lamang kagaya namin. Pagkakakitaan kami ng mga sindikatong iyon habang ibinebenta ang sariling katawan sa mga taong uhaw sa laman." Kumunot ang noo ko. Hindi ko naintindihan ang punto ng kaniyang sinabi. "Anong ibig mong sabihing ibebenta ang katawan?" nagtataka siyang tumingin sa akin. Siguro ay hindi maunawaan kung bakit hindi ko naiintindihan ang bagay na iyon. "Prostitution... Sa makabago ay cyber sex ang tawag roon. Susundin mo ang lahat ng kalaswaang iuutos sa iyo ng taong nasa harap ng kompyuter. Magbabayad ng malaki ang mga banyagang iyon makakita lamang ng hubad na katawan." Ilang beses akong napalunok. Pinoproseso ang kaniyang sinabi. Hindi malayong ganoon ang ginagawa nila. Sa nakita ko pa lamang na hubad na mga kababaihan kanina ay hindi na ako magtataka na iyon nga ang kanilang ginagawa. Napatiim-bagang ako nang lubusan kong maunawaan ang kaniyang eksplenasyon. Bakit nila kailangang gawin iyon? Ganito ba talaga ang lipunang madadatnan ko matapos maging mangmang sa loob ng labinlimang taon? Pinakalma ko muna ang aking sarili. Sa hindi maunawaang dahilan ay inisip kong kulang pa ang panghihimasok na ginawa ko sa mga sindikatong ito. Kulang pa ang bugbog na kanilang natamo. Nagagalit ako kahit hindi naman iyon sa akin ginawa. "Halika na..." inilahad ko ang aking kamay sa kaniya at tipid na ngumiti. "Simula ngayon ay asahan mong hindi ka na manganganib pa." Ngumiti rin siya. Ang mga mata ay nagniningning. Masaya. Kalmado. Payapa. Tinanggap niya ang aking kamay. Subalit bago ko pa man siya tuluyang maitayo ay narinig ko na ang sunod-sunod na malulutong na mura ni Malthe kasabay ng pag-alingawngaw sa paligid ng malakas na tunog ng putok ng baril. Kasunod niyon ay ang pagmanhid ng aking likod. Hindi ko iyon maramdaman. Bumilang ako ng ilang segundo subalit naroon pa rin ang pamamanhid. Hanggang sa napasubsob na lamang ako sa babae na nasa aking harapan. Tinangka kong lumingon sa aking likuran at nakita na halos hindi na humihinga ang taong may hawak ng baril. Ang walang kwentang si Leon. Nasa ibabaw niya si Malthe at paulit-ulit siyang sinusuntok sa mukha. Narinig ko ang nag-aalalang tinig ng babae habang sinisipat ako. Kaagad rin akong napangiwi nang maramdaman ko nang tuluyan ang kirot niyon. Hirapan akong tumayo at kumapit sa pader upang mabalanse ang katawan. Kaagad akong dinaluhan ng babae at sinubukan akong alalayan subalit pinigilan ko siya. Kaya ko na ang sarili ko. Tama lamang naman ito ng bala. Hindi naman ganoon kasakit. Naglakad ako ng tuwid na parang walang nangyari. Hindi naman pala ganoon kasakit matamaan ng baril. Sa oras na matanggal ko ito ay babarilin ko rin sa kaniyang likod ang Leon na iyon. Dalawang bala pa. Hindi maaari ako lamang ang may sugat na ganito. Kinuha ni Malthe ang aking braso upang alalayan subalit kaagad kong hinatak pabalik. "Kaya ko ang sarili ko." mahinang saad ko at masamang tumingin sa kaniya. Hindi na ako nagulat nang makitang mas masama ang tingin niya sa akin subalit sa pagkakataong ito... May kung anong emosyon akong nakikita roon... Pag-aalala. Umiling ako at ngumisi. Itinuon ang ko ang aking palad sa madaraanang pader upang hindi ako tuluyang matumba. Nabungaran ko ang pasilyo na kung kanina ay halos walang taong makikita, ngayon ay puro nakasubsob na katawan na ng mga lalaking may kaniya-kaniyang iniindang sakit. Hindi na ako nagtaka kung sino ang taong naiisip kong may kagagawan noon. Uuwi na lamang ako at ipapatanggal ang tama ng bala kay Tantalium. Kung maaabot ko lang sana ito ay ako na ang gagawa. Paniguradong imbes na mag-alala sa akin ang matandang iyon ay tatawanan pa ako. Nagulat ako nang bigla akong umangat sa lupa. Ang likod ng aking tuhod at ang likod ng aking balikat ay mahigpit na hinahawakan ng isang ginoo. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!" galit na saad ko sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan ay nahihiya ako sa ginagawa niya. Hindi niya pinansin ang aking sinabi sa halip ay tumingin lamang ito ng diresto sa daraanan. Akma ko siyang itutulak nang pagbantaan niya ako. "Try. And I'll let you fall on the ground." malamig at nanghahamong banta niya. Napangiwi ako nang maisip kung paanong unang babagsak sa lupa ang aking likod kapag ginawa niya iyon. Paniguradong masakit iyon. Napatahimik na lamang ako habang binibigyan siya ng masasamang tingin. Subalit naisip ko rin na nagmumukha akong mahina dahil sa ginagawa niya. Kung nagawa ko ngang makialam at matulungan ang iba, dapat ay kaya ko rin iyong gawin para sa aking sarili. Lalong sumama ang aking timpla nang isang beses siyang sumulyap sa akin. "Hold on to me tight." utos niya. Bigla kong naisara ang aking mga palad na nakapatong lamang sa aking tiyan. "Bakit?" Tumigil siya at masama ang mga matang tumitig sa akin. Ang mga kilay ay nagsasalubong. "I said hold on to my neck." napalunok ako subalit wala ring nagawa kundi ang sundin siya. Dahan-dahan kong ikinapit ang aking kaliwang kamay sa batok niya. Umiwas ako nang tingin nang maramdaman ang lamig ng kaniyang balat. "Your two hands." tiim-bagang na aniya. Mariin akong napapikit habang iniisip kung kailangan pa ba talagang gawin ang mga sinasabi niya. Nang magmulat ako nasalubong kong kaagad ang nagbabanta niyang tingin. Dahan-dahan ko muling inangat ang kanan kong kamay at sinubukang ipagsalikop ang mga daliri sa isa pang kamay. Bakit ganito? Hindi maganda itong ginagawa ko. Naiilang ako. Hindi ako komportable. "Tighter." "Hindi ako mahuhulog kahit hindi ko ikapit ang mga ito sa'yo." inis na saad ko patungkol sa aking mga kamay na nakahawak sa kaniya. Bukod sa nararamdaman ko ang lamig ng balat niya ay hindi rin magandang ideya para sa akin ang masyadong malapit naming mga mukha. "Nahihirapan ako dahil sa posisyon mo." mas nagulat ako nang hapitin niya ang aking katawan. Tuloy ay mas lalo lamang akong napalapit sa kaniyang dibdib. Napabuntong-hininga na lamang ako at umiwas nang tingin nang makitang mas nagkalapit pa ang aming mga mukha Kung tutuusin ay kaya ko naman talagang maglakad. Ang problema lamang ay pagod na ako. Pagkalabas namin ng eskinita ay nakita ko ang magandang sasakyan na siyang ginamit rin niya noong nakaraan. Pahirapan siya sa pagbubukas ng pintuan dahil kung ako ang gagawa noon ay hindi ko rin naman alam kung papaano buksan. Bigla akong dinapuan ng kaunting hiya nang mapagtanto na mangmang pa rin talaga ako sa mga makabagong bagay. Maingat niya akong inupo sa loob bago niya isinarado ang pinto at mabilis na umikot upang buksan muli ang isa pang pintuan sa aking tabi. Aaminin kong namamangha ako sa uri ng sasakyang ito. Maganda ang loob. Malambot ang makapal na upuan. Makinis ang mga metal na ginamit at malinis ang loob. Itim ang kulay ng salamin subalit natatanaw ko pa rin ang mga imahe sa labas. "Ikaw lang ang kilala kong nabaril pero kalmado." bigla ay saad niya sa gitna ng matinding katahimikan. Isang beses akong sumulyap sa kaniya habang siya ay tahimik na nagmamaneho. Ang paningin ay nakatuon lamang sa daan. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba nang may isang alaala sa aking isipan ang biglang bumalik sa aking memorya. Unti-unti ay nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib. Tatlo kami sa loob ng sasakyang iyon. Pare-parehas na nakangiti at tumatawa. Nahagip ng aking paningin at tatlong bituin na nakalagay sa aking kanang kamay. Nakasuot ako ng puting uniporme. Ang dalawang tao sa unahang upuan ng sasakyan ay matamis ang pagkakangiti sa akin. Nakarinig ako ng mga magagandang salita mula sa babaeng nakasulyap sa akin. Lumambot ang aking pakiramdam. Ngumiti rin ako sa kaniyang sinabi pagkatapos ay tumango-tango. Natigil ang aming tawanan nang may higit sa tatlong mga sasakyan ang humarang sa aming daraanan. Malakas na naipreno ng lalaking nagmamaneho ang sasakyan namin bago pa man ito tuluyang bumunggo sa iba pang sasakyan. Bigla ay nakitaan ko ng matinding takot at labis na pag-aalala sa ekspresyon ng dalawang taong iyon nang lumingon sila sa akin sa likuran. Sunod-sunod ang putok ng maingay na bagay ang narinig ko sa paligid. Bago ako yumuko at dumapa sa sahig ng sasakyan ay nakita ko pa ang dalawang taong iyon na may kinuhang mga bagay mula sa kung saan. Pilit nila akong hinaharangan gamit ang kanilang katawan. Tinakpan ko ang aking tainga nang marinig ang malakas na tunog ng bagay na hawak nilang dalawa. "Eist, don't be scared." saad ng magandang babae sa akin. Ang mga mata niya ay nababahala. Napalingon ako sa kaniya at nakita ang tumutulong kulay pulang bagay mula sa kaniyang balikat. Tumango ako sa kaniya. Sa pamamagitan ng kaniyang sinabi ay nawala ang pag-aalala sa aking sistema. Nagpatuloy ang malakas na ingay sa loob at sa labas ng sasakyan. Narinig kong sumigaw ng malakas ang magandang babae habang nakatingin siya sa kaniyang katabi. Wala na iyong malay. Lumipat sa akin ang lumuluha niyang mga mata. "Eist, please don't cry. Everything is gonna be find, okay?" hinaplos niya ang aking pisngi. Nakita ko pa ang pagkislap ng puting likido mula roon. Muli siyang ngumiti sa akin. Hindi ko nagawang tumugon. Lumipat ang paningin ko sa lalaking wala ng malay ngayon at nababalot ng kulay pulang likido ang buong katawan. Papa... Muli akong tumingin sa kaniya. Ang matamis niyang ngiti sa akin ang nagpapaalala na magiging maayos rin ang lahat. Ang kislap ng kaniyang mata habang nakatingin sa akin ang huling bagay na naaalala ko bago siya tinamaan ng isang bagay na dumiretso sa kaniyang leeg. Napapikit ako ng tumalsik sa akin ang pulang likido mula roon. Mama... Hindi ko nagawang magsalita. Ni ang umiyak ay nahinto. Nanatili lamang ang aking paningin sa dalawang katawan ng tao sa aking harapan na ngayon ay hindi na humihinga.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 48 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
11/06/2024
0Tingnan Lahat