chapter 8: THE UNFORGETTABLE ACQUAINTANCE PARTY PART 1
Gill's PoV Kakatapos lang ng training ko ngayong araw. Unti-unti na din akong naging sanay sa paulit-ulit na training ko araw araw. Friday na ngayong araw at masasabi kong nahihirapan ako sa pag-aaral ko rito. Ang sabi pa ni Chester kanina, na syang training coach ko, dodoblehin niya raw yung training next week. Muntik na nga akong maiyak dahil yung 10 sets of run ko around the field, ay magiging twenty na! Tas yung 100 sit ups ko, magiging 200 na!! Tas magiging 60 push ups naman yung dating 30. "Lalaki katawan ko neto eh!! Magkakaroon ako ng malaking muscles panigurado sa loob lang ng isang linggo. Ayaw ko non!!" pagrereklamo ko habang pinupunasan ang pawis ko sa ulo at mukha. "Aish!!" frustrated na sabi ko at ibinato ang towel ko. "Woaah!! Chill lang, Gill. Wala akong kasalanan sayo." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. It was Charles!! Yung unang estudyanteng kumausap at tumulong sakin!! Yung napaghampasan ko din ng laptop ko kaya nasira ng wala sa oras. Argh! Di ko pa pala yun napapa-ayos! Hawak hawak niya yung towel kong binato ko na nasalo niya pala. "Bat ngayon ka lang ulit nagpakita?" tanong ko sa kaniya nang makaupo siya sa tabi ko. "Bakit? Trabaho ko bang makipagkita sayo araw-araw?" tanong niya habang nakatukod ang mga braso sa sandalan at lumingon sakin. I looked at him blankly. "Whatever." sabi ko at inirapan siya. Tumawa si Charles at ginulo ang buhok ko. "Ano ba!" inis na sabi ko sa kaniya at inayos ang buhok ko. "Nagbago ka, Gill." "Hindi." "Anong hindi?" tanong niya. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." pambabara ko. Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Charles. "What?" napanganga pa sya sa naging turan ko sa kaniya. "Itikom mo yang bibig mo kundi, ipapakain ko sayo tong towel ko." pambabanta ko sa kaniya kaya agad siyang napatikom. Napailing-iling siya dahil ata sa attitude ko ngayon sa kaniya. Isang araw niya lang akong nakilala pero alam na alam niya kung nagbago ba ako o hindi. Pero hindi ko na iyon pinansin. Lahat naman ata ng mga estudyante rito eh may special skills. Tangna. "Nagbago ka talaga. Anong nangyari nitong mga nakaraang araw at naging ganyan yung ugali mo?" kuryosong tanong niya sakin. Napabuntong-hininga ako. "Eh kasi naman, di ko aakalaing mas nakakastress pa palang maging student council kaysa mag-aral." pagrarant ko. "Alam mo yun? Araw-araw kang may training tas di lang siya ordinaryong training lang ha? Ordinaryo naman ba kasi yung 10 sets at every set may 3 laps?!!" pagrereklamo ko pa at inis na sinipa ang bato sa paanan ko. "Actually...... alam ko yung pakiramdam na yan. Or should I say, alam ng halos lahat dito ang pakiramdam na parang pinapatay yung katawan mo sa araw-araw na abnormal na training." sabi niya at sarkastikong ngumiti. "Halos lahat na ba kayo nakaranas na maging isa sa mga student councilors?" nagtatakang tanong ko. Umiling siya. "Eh ano yun? Hindi kayo student councilors pero araw araw kayong pinaparusahan???" "Parang ganun na nga. Pero buti nalang nagbago na lahat ngayon. Kung ako ang tatanungin, ayoko nang pag usapan pa ang estado ng eskwelahan noon." sabi pa niya at napabuntong-hininga nalang. Kunot ang noong tinignan ko siya. Unti-unti nang nacucurious sa mga nangyari noon. Gustong-gusto ko siyang tanungin tungkol don. Pero sabi niya ayaw niyang pag-usapan eh. Edi don't. Sina Hevs nalang yung tatanungin ko mamaya pagka uwi ko. Biglang nag-beep yung cellphone ko. Chineck ko iyon at nakitang may text si Nicole sakin. From: Nic [Gill dear, umuwi ka ng maaga ngayon ha? Dadating kasi si Head Beth mamaya. May ibibigay siya.] To: Nic [Ano? Pagkain ba?] From: Nic [Hindi gaga haha. Ball gowns!!! Tsaka mga heels para sa Acquaintance party bukas.] Hala!! Oo nga pala! Bukas na yung ball! Tas yung king pa yung partner ko. Putangna. "Bukas na nga pala yung ball? Sinong isasama mo?" tanong ni Charles sakin na nakikibasa rin. "Secret na yun. Malalaman mo rin lang naman bukas." sabi ko nalang dahil ayokong sabihin na yung Hari yung magiging partner ko at siya pa mismo yung nagyaya. Este utos pala yun. "Eh, ikaw? Sinong magiging partner mo?" tanong ko sa kaniya. "Ah, classmate ko lang." sabi niya at nagkibit-balikat. Biglang sumakit yung paa ko kaya napalingon ako don. Di iyon masyadong masakit pero naiinis ako dun. Fvck that death god. Kasalanan to lahat ng Chester na yun!! "Oh anong nangyari jan?" tanong ni Charles nang mapansin ang konting pamamaga ng ankles ko sa paa. "Namaga, kakatakbo ko." matalim akong tumingin sa harapan ko na para bang nandun si Chester at pinapatay ko siya sa tingin. "Bwiset kasi yung vice president na yun eh!! Di ako binibigyan ng ilang minutong pahinga kanina! At pinatakbo talaga ako ng 10 laps sunod-sunod!" pagrereklamo ko habang inis na ginulo ang buhok ko. Mariin lang nakikinig sakin si Charles habang natatawa. Pero wala akong pakialam! Gusto kong magrant!! "Gustong-gusto ko ngang gulpihin at ilibing ng buhay ang kamatayang y----" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Chester na nakasandal aa isang poste na malapit samin!!! Holy crap! Fvck! Nice one, Gill!! Paniguradong patay ka na kinabukasan!! T-T " Ah ganyan pala yung tunay na nararamdaman mo sakin?" tanong niya habang naka death glare siya sakin. "Papatayin mo ko? Ang tanong, can you really do that?" Napatayo ako at mariing umiiling habang nakangiti ng pilit. "Hindi no! I mean-----hindi kita papatayin! Nagbibiro lang ako." sabi ko. Joke, my ass! "Ah, buti nilinaw mo." sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Oh, nandyan ka pala Mr. Gourd! Kilala mo pala tong low class na to?" tanong niya kay Charles at nakipag high five pa!! "Low class?! Hoy! Kung low class ako, hindi ako mapupunta sa Zullivans no!" pagtatanggol ko sa sarili at napacross-arms. Nakasimangot ulit ako ngayon. "Kaya nga nagtataka ako eh. Sino kaya ang naglagay sayo sa Zullivan? Mukhang wala ata siya sa sarili nang nagdesisyon na ilagay ka rito." pang aasar pa niya at ngumisi sakin. Aba! Putangnang lalaki to! Ugh! Why he's so annoying?!! "Tama na yan. Di ka dapat pumapatol sa bata, Chester." sabi naman ni Charles na nagpanganga sakin. "Anong sabi mo? Bata?! Hindi ako bata! In fact, classmate ko nga yang pesteng kamatayan na yan!!" sabi ko, totally out of mind. "Peste? Ako, peste?" tanong niya, halatang napikon sa nasabi ko. "Okay, fine. I'll show you what a peste means." sabi niya at kinuha ang braso ko. "Ano ba-----" "Mauuna na kami, Charles. See you at the party tomorrow." paalam niya at kinalakad ako paalis. "Bitawan mo ko, vice-president! Kundi sasapakin kita!!" pananakot ko kahit ako yung talagang natatakot sa mga pinagsasabi ko. Pero di ko mapigilan yung bibig ko eh! Inis na inis ako ngayon. "Ah talaga?" walang pakialam na sabi niya habang kinakaladkad pa din ako. Hindi na ako nagmatigas pa dahil sumasakit na yung braso ko hanggang sa narating namin yung palasyo. "May meeting ba ngayon? Ba't tayo nandito?" tanong ko sa kaniya. Nakuha ng atensiyon ko ang mga nagkalat na decorations sa sahig ng malaking hall. "Wala tayong meeting ngayon. Pero ikaw, may gagawin dito." sabi niya. "Huh? Wala naman akong maalalang may gagawin ako dito eh." nagtatakang sabi ko. "Meron." "Ano?" tanong ko sa kaniya. Nilingon niya ang mga box na nagkalat na may lamang iba't ibang klaseng decorations. "Bukas ng gabi na yung acquaintance party ball. Pero di pa naayos yung venue ng ball. Kaya...." Napalingon ako sa kaniya. "Kaya??" "Kaya ikaw ang iaasign ko dito na mag ayos." Napatulala ako sa sinabi niya. Processing..... Processing..... Processing..... Completed!!! "ANO?!!!!" sigaw ko sa kaniya nang marealize ang sinabi niya at tinignan ang buong venue, yung buong hall ng palasyo. This is freaking huge!! He's insane!! Gill's PoV Masasabi kong kasing laki ng isang football field ang hall. At kung ako lang ang mag isang magdedecorate dito, aabot ako ng tatlong araw straight!!! "Baliw ka ba?! Ayoko! Tsaka kailangan kong umuwi ng maaga, may ibibigay si Head." sabi ko at akmang maglalakad na sana palabas nang hinawakan niya ang colar ng damit ko sa likod. "No. You are not going anywhere. Makaka-uwi ka lang kung matatapos mo na to." utos niya at umupo sa isang long couch. I looked at him dumbfounded. "Babantayan kita dito kaya wala kang takas." Oh great! I hate you!!! I rolled my eyes on him at hindi na nag abalang itago yun. I'm already tired ngayong umaga pero hindi pa ako pwedeng magpahinga. Sinimulan ko nalang mag-ayos ng mga dekorasyon para maka uwi ako agad. Maybe, hindi ko nalang eeffortan yung gawa ko para hindi ako magtagal. Magdedesign nalang ako ayon sa unang pumasok sa isip ko. Tahimik lang si Chester kaya hindi ko alam kung natutulog ba siya o may ginagawa sa cellphone niya. Hindi ko kayang tignan siya kasi baka madadagdagan lang yung inis ko sa kaniya. Sa totoo lang, magaling ako mag decorate. Isa yan sa mga talents ko na nakuha ko pa sa mommy ko. At that thought, I missed my mom. Ilang taon na rin simula nung mamatay siya. Bata pa ako nung nangyari yun pero alam kong sinadya ang pagkamatay ni mommy. I told my dad about that ngunit hindi siya nakikinig sakin. Ang sabi pa niya, paano ko nalaman eh wala pa naman akong alam sa mga ganiya. 8 years old pa lang ako nun kaya medyo naiintindihan ko rin sa dad ngayon kung bakit hindi niya ako kayang paniwalaan. Napabuntong-hininga ako at napailing-iling. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nandito at nag aayos pero nagsisimula na akong antukin. Gusto kong umidlip saglit! Nilingon ko si Chester para tignan kung anong ginagawa niya. Nagulat ako nang makitang natutulpg siya at nakasalamin pa!! I looked at the coffee table at nakitang may laptop don at ibang files na di ko alam kung saan nanggaling. Nilapitan ko siya para tignan ang ginagawa niya sa laptop niya. It was some sort of website ang naka open. Hindi ko nabasa kung ano ang laman nun nang mapalingon ako kay kamatayan na gumalaw sa couch. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil baka mahuli akong naninilip sa ginagawa niya. Pero buti nalang, tulog pa rin siya. Hooh! Muntik na ako dun ah? Tinititigan ko siya, inaalam kung mumulat ba yung mga mata niya kung may nakatingin sa kaniya. Unexpectedly, hindi. Hindi ba siya nag aalalang baka anytime habang natutulog siya off guard, baka patayin ko siya? Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ko lang napansin. Gwapo din pala tong kamatayan na to. Makinis yung mukha tas matangos pa yung ilong. Parang malambot din yung buhok niya. Ano kayang shampoo ang ginagamit neto? Napalingon ako sa pintuan ng palasyo nang bumukas iyon. Pumasok si Wendy don kasunod ang iilang taong may dala dalang iba't-ibang gamit pang party. Sa gulat ko, hindi ako nakagalaw agad at napakurap-kurap lang. "Oh, may nauna ba sa mga tao niyo dito? Ba't may mga nakadecorate na?" nagtatakang tanong ni Wendy habang inililibot ang paningin. Dumapo ang tingin niya samin at nagulat nang makita kami. Napatayo ako agad at lumayo kay Chester na nakakunot na ang noo habang nakapikit. "Bakit ka nandito, Gill? Ba't dito si VC natutulog?" tanong niya at lumapit samin. "Simulan niyo na ang trabaho niyo." utos ni Wendy sa mga tao na kumilos din agad. "Uh." hindi ako makapagsalita nang tinignan na ako ni Wendy. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Nilingon ko si Chester na gising at nakaupo na. "Ang ingay naman ng mga tao mo, Wendy. Di ba nila alam na natutulog ako dito?!" inis na sabi ni kamatayan at ginulo ang sariling buhok. "Sorry naman, Mr. Lacoste, ha? Hindi naman kasi namin inaasahan na dito mong planong matulog." sarkastikong sabi ni Wendy at bahangyang yumukod pa! Napa-tsk lang si Chester at tumayo. "Ano palang ginagawa ni Gill dito? It's already past in the midnight." tanong ni Wendy na tumingin pa sa relo niya. Nilingon ako ni Chester na hanggang ngayon, nakasalamin pa rin. Bagay sayo ang nakasalamin. Sayang kagwapuhan mo na demonyo ka! Kumunot ang noo niya na parang nababasa niya ang iniisip ko na alam ko namang imposible yun. Umiwas ng tingin si kamatayan. "Pinadecorate ko siya dito bilang parusa niya." sagot ni Chester sa tanong ni Wendy. "Parusa?" nagtatakang tanong ni Wendy na tinanguan lang ni Chester. Nilingon ako ni Wendy na parang nagtatanong na what-in-the-world-did-you-do. I shrugged at her look. Tumango lang si Wendy na parang naiintindihan ang ibig kong iparating. "Let's go, Ms. Anderson. May papalit na sa trabaho mo." sabi ni kamatayan at nagpatiunang naglakad palabas ng palasyo. I silently bid a goodbye at Wendy at sumunod agad kay Chester. "Ihahatid mo ba ako?" tanong ko. I can't go home alone! Nahihirapan akong imemorize yung daan papuntang Zullivan's House "Ayaw mo ba?" tanong niya at binuksan ang isang sasakyang itim na kotse nasa gilid lang ng palasyo. Umiling ako. "Gusto ko!" sagot ko at nagpatiunang sumakay sa kotse. Sumakay na din siya at agad na pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang buong biyahe namin. May malalim na iniisip si kamatayan habang ako naman, panay ang hikab dahil inaantok na. Mahina lang ang takbo ng sasakyan pero agad pa din kaming nakarating. Walang kibo kong binuksan ang pinto ng kotse at lalabas na sana nang biglang nagsalita si kamatayan. "Open the compartment of this car at kunin mo ang mga gamit na nandun." utos niya na nagtataka man ay sinunod ko pa din. Binuksan ko ang compartment ng kotse at tumambad sakin ang isang box ng sapatos, isang case ng jewelries at isang gown na nakaplastic pa! "Kunin mo yan lahat! Pinabibigay yan ng hari!" sabi ni kamatayan. Sa hari?! Gulat man ay kinuha ko na din yun lahat at sinarado ang compartment. Pinuntahan ko ang side ng driver's seat. "Wear that tomorrow evening. Susunduin kita dito ng 6 sharp." sabi niya at pinatakbo ang sasakyan paalis. I still don't get why the king wants me to be his partner. Pumasok na ako sa mansiyon nang hindi na masyadong iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko. Wala na akong pake ngayon. Basta pagod ako. Hindi ko na nagawang mag half bath. Iniligay ko na lang basta sa gilid yung binigay ng hari kuno sakin at natulog. Kinabukasan, tanghali na ako nagising at masakit na naman ang katawan ko. Sa isip ko, paulit-ulit ko nang pinapatay si Chester. Naligo muna ako bago bumaba para mag almusal---este mananghalian pala. "Waaaaahhh!! Gill! Akala ko kung ano na yung nangyari sayo kagabi!!" sigaw ni Hevs pagkababa ko at niyakap ako. "Kung worried ka, sana hinanap mo ko." walang emosyong sabi ko sa kaniya at tinanggal ang pagkakayakap niya. "Hinanap kaya kita. Pero nagtext sakin si bestfriend slash pinsan ko na si Chester. Kasama mo daw siya at hindi ka makakauwi ng maaga." sabi niya at ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ko. "Oo na. Bitawan mo na ako. Masakit yung katawan ko." sabi ko sa kaniya. Wala ako sa mood makipagkulitan sa kanila. Nahalata naman nila iyon na tahimik kong ipinagpapasalamat. Kumain ako ng pananghalian ko at bumalik ulit sa kwarto ko para humiga ulit. Saturday ngayon kaya walang training na magaganap. Yun yung kondisyon ko. Walang training sa weekends. Nakapikit lang ako habang nakahiga. Nag-iisip kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing maiisip ko yung acquaintance party mamaya. Matutulog na lang sana ako ng tuluyan ng biglang nag ring yung cellphone ko. Bwesit naman oh! Gandang timing! Gill's PoV Tinignan ko yung caller at nakitang si Felix yung tumatawag. Sinagot ko iyon dahil baka importante. "Hello?"
"Nasa mansiyon, bakit?" tanong ko kay Felix. Umupo ako mula sa pagkakahiga. sagot niya. May naririnig akong mga yapak sa kabila kaya hula koy naglalakad si Felix ngayon. Syet. Ang malas ko naman ngayon. Hindi ako makakapg beauty rest. "Sige, sige. Ngayon na ba?" sabi niya at pinatay ang tawag. Dali-dali akong nagbihis at nag-ayos. Wala akong sinayang na panahon at umalis agad sa mansiyon habang nasa tenga ang cellphone ko. Isa-isa ko sila agad tinawagan. Madali ko lang silang nasabihan dahil seryoso silang lahat ngayon. Pati na rin yung si kamatayan kaya nagtataka na ako. Nung huling nagseryoso si Chester ay nung nagpunta kami sa bahay ng hari. Tapos may ibinalitang malaki. Tinakbo ko ang pagitan ng pinto ng meeting room at pinasok. This meeting should not be anything related to danger. Pagod na ako don! Nauna akong nakarating dito kaya umupo muna ako at pumikit. Nag eenjoy na sana ako sa katahimikan dito sa meeting room nang biglang bumukas yung pinto at sunod-sunod na pumasok sina Chester, Wendy,, Evan at Tyler. Pawisan silang lahat at may kaunting pasa pa sa labi si Tyler. Tatanungin ko sana kungnokay lang ba sya pero mukhang hindi na yun kailangan. Kumakain kasi ng chips na maanghang eh. Nakakunot ang noo ko silang tinignan lahat. "Anyare? Napaaway ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Nope. Nakipagkita lang kami sa student councilors ng kabilang school." sagot ni Evan na nakuha pang ipatong ang mga paa sa mesa. "Nakipagkita??? Eh, ba't may sugat to?" tanong ko at tinuro si Tyler na napatingin sakin. "It's true. Nakipagkita lang kami. That is just a kind of greeting." parang wala lang na sabi ni Wendy at nagkibit-balikat pa. "Ah, batian lang? Ampota." bulong ko. "Pero ba't di nyo ako sinama??" "Ask our vice president. Siya yung nagsabing wag ka nang isama." sagot ni Wendy at nginuso si Chester na nilalaro pa yung susi ng kotse niya. "Ayoko kasing may maingay sa umaga ko. Tsaka nagsasawa na akong kasama palagi yan." antipatikong sabi ni Chester kaya kinuha ko yung sapatos ni Evan mula sa paa niya pa mismo at binato kay kamatayan. Na nakailag na naman. - _ - "Hey! Ba't yung sapatos ko yung binato mo?!" reklamo ni Evan pero di ko siya pinansin. "So sinasabi mong maingay ako?!" "Tanungin mo ang sarili mo." sagot ni Chester at nginisihan ako. Pikon kong kukunin sana ulit yung isang sapatos ni Evan pero inilayo na nya sakin yung paa niya. Hindi na rin ako nagpumilit nang bumukas ulit yung pinto at pumasok dun si Felix na may hiwa pa sa braso niya. Dumudugo pa! Nataranta akong napatayo habang seryoso lang silang nakamasid sa nga galaw ni Felix. "Anong-----" "Just give me the first aid kit." putol ni Felix sa itatanong ko sana. Dali-dali ko namang kinuha ang first aid na nakita ko lang sa banyo ng meeting room noon. Binigay ko yun sa kaniya pero hindi ko siya hinayaang mag isang gagamutin yun. "Is it poisoned?" tanong ni Wendy. "I think not. I might be already dead minutes ago if it is." sagot ni Felix habang ginagamot ang sugat niya. Nang matapos ko yung gamutin ay nagsimula agad kami sa meeting namin. "An hour ago, I met some men in black, all masked when I was about to leave the campus to meet the King." panimula ni President Felix. "Kaya ka nagkasugat?" tanong ko. Tumango siya. "One of them is skilled. Hula ko'y marami pa silang nakapalibot sa buong University. Outside and inside." pagpapatuloy niya may kinuha siyang map mula sa briefcase na dala-dala niya. Map yun ng buong University. "I managed to kill those bastards and get some informations." sabi niya. Inilatag niya sa gitna yung map at isa-isa kaming tinignan. Tumingin kaming lahat sa map nang nagsimula na siyang magdiscuss tungkol sa magiging plano namin. Seryoso kaming lahat na nakikinig sa plano ni Felix habang minsa'y pasingit-singit na nagsasalita si Chester dahil may tinatanong, kinaclarify at dinadagdag sa plano. Isa-isa kaming binigyan ni Felix ng maliit na earpiece at microphone. "Use that to communicate one another." sabi niya. Sumandal siya at nagcross-arms. "Any questions?" "Pwede bang kumain ng chips habang nasa misyon?" tanong ni Tyler. Chips? Is he that addicted to chips na kahit nasa misyon ay kakain pa rin siya? "Yes. As long as you will do your duty as a member of student council without complications." sagot ni Felix. "Okay. That's it. A deadly good luck from me to all of you. Do your duty now. Meeting adjourned." sabi niya at umalis agad ng meeting room. "This is your first mission as a student council, Gill. Are you, somehow, scared?" tanong ni Wendy sakin habang inihahatid niya ako sa Zullivan Demon's House. Taga Hillarious si Wendy. "Hindi naman." I honestly said. "Hindi ko alam kung bakit pero mas naeexcite ako habang palapit ng palapit yung oras ng acquaitance party." dagdag ko habang pauwi na ng mansiyon. Mag aalas singko na ng hapon ngayon. Galing kami sa ibang Demon House. Ginagawa ang utos samin ni Felix ayon sa plano. "I'm amazed. I really think that you are something different from us. I just couldn't point what it is." sabi ni Wendy. "Siguro kasi, may special treatment ako kay King Alessander." pagbibiro ko. Tumawa don si Wendy. Nakarating na kami sa mansiyon. "Salamat sa paghatid sakin, Wends." "No worries, Gill. I'm sure, maaayos mo din yang pagiging ligawin mo in the future." sabi ni Wendy at tumawa kaming dalawa. "I should go. Mag aayos pa ako, eh. See you at the ball." paalam niya at naglakad na paalis. Pumasok naman ako sa mansiyon at nadatnan ang silang lahat nagkakagulo sa living room. "Oh my God, Mandy! Bakit ganyan yung eyeliner mo?! Kailan ka ba matututong mag make-up, huh?!" sigaw ni Nicole kay Mandy. Inirapan lang siya ni Mandy at barumbadong binura yung make-up niya sa mata kaya mas lalong nagulo. "Gosh! Mababaliw ako sayo. Hevs! Ikaw na nga mag-ayos kay Mandy mamaya!" pasigaw na sabi niya kay Heaven na tumango lang habang inaayusan yung sarili. "Ate Gill! Nandito ka na pala." napalingon ako kay Lucy na nakamake up na pero nakadamit pambahay pa rin. "Halika, dali. Aayusan ka ni Ate Quin." "Quin?!" gulat na tanong ko. "Why? Is something wrong about me doing make-ups?" biglang tanong ni Quin na katatapos lang ayusan yung isang Zullivan din. Umiling ako. "Nagulat lang ako. Mamaya niyo na ako ayusin, maliligo lang ako saglit." sabi ko sa kanila at pumunta sa kwarto ko. Inihanda ko muna yung susuotin ko. Pagkatapos kong maligo ay nagpaayos agad ako kay Quin sa ibaba. Umabot iyon ng trenta minutos kaya dali-dali kong isinuot ang off shoulder na red ball gown ko na pinaresan ko ng silver necklace at bracelet. Stilettos na puti naman sa paa ko. Para namang prom tong party namin. Napailing-iling ako dahil nakalimutan kong naiiba nga pala tong Demon University sa ibang eskwelahan. Actually, hindi naman talaga kasali yung mga college students sa prom este acquaintance party pero pwede naman silang maging guest don. Kaya naman, halos lahat ng Zullivans eh nakagown na ngayon. "Gill! Oh my gosh!! Ang ganda mo!!! San mo nakuha yang gown mo?" tanong ni Hevs nang makababa ako. "Wala, sa partner ko lang." sagot ko at umikot para magpaganda lalo. "Bagay diba?" sabi ko at ngumiti. "Super!! Picture tayo, dali!!" excited na sabi ni Hevs at inaya silang lahat na mag group picture kami. Si Quin yung kumuha ng litrato kasi hindi naman sya aattend ng party. Pagkatapos na pagkatapos nun ay siya namang pagdating ni Chester na naka-limousine pa. Nagpaalam agad ako sa kanila na mauuna na at agad pumasok sa limo pagkalabas ko. Hindi si kamatayan yung nagda-drive kaya kasama ko siya ngayon sa likod. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na sinuot ang earpiece at microphone.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 87 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (496)
Ronian Fernandez
ang gandaa
17/08
0
Sarah Dechosa
good
06/07/2025
0
DM Laureano
asan pp un next ?.bitin hanggang 39 lng tlga sya ?
ang gandaa
17/08
0good
06/07/2025
0asan pp un next ?.bitin hanggang 39 lng tlga sya ?
26/05/2025
0Tingnan Lahat