logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

This is the Real You

Sebry's POV
Dumating si Prince sa lugar kung nasaan kami. Masaya pa nga ako na dumating sya kasi matututwa na naman si Mellea pero bigla sumakit ang ulo ko tapos may nakita ako sa isip ko na magkakasunod na pangayayare.
May mga simbolo na hindi ko alam ang ibigsabihin, mga hindi ko sigurado kung mga tao pero pinapatay sila at isa ako sa mga nakikipaglaban para ipagtanggol sila. Dahil sa nakita ko, natulala ako. Umalis muna ako at pumunta sa cr.
Hingal na hingal akong pumasok ng cr at naghilamos.
Unang beses na nangyare ito. Anong ibigsabihin ng mga nakita ko.
Nakatitig lang ako sa salamin, pinagmamasdan ko ang sarili ko at pilit na inaalis sa isip ko ang aking mga nakita ngunit lalo lamang sumasakit ang ulo ko.
Bigla ko na lang naalala ang sinabi ni Dad sa akin.
"Kapag may mapansin kang pagbabago sa sarili mo o sa katawan mo ay agad mo tong sabihin sa akin, wag kang maglilihim."
Nang maalala ko 'to ay agad akong nagmadaling bumalik ng classroom para kunin ang gamit ko at umuwi na.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng pinto ay agad akong sinalubong ni dad.
"Sabihin mo sa akin ang mga nakita mo." agad na tanong nya sa akin. Nagtaka ako kung paano nya nalaman.
Ano bang ibigsabihin ng mga nakita ko?
"Dad? Ano bang nangyayare sa akin?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Anak. Dapat munang malaman ang totoo dahil nagsisimula nang umusbong ang kapangyarihan mo." mahinahon nyang sabi sa akin.
"A-ano? Anong kapangyarihan Dad?" Gulat na gulat ako sa sinabi nya. Mas lalo lang akong naguguluhan sa mga nangyayare.
"Hindi tayo normal na tao dahil may special tayong kakayahan na hindi kayang gawin ng ordinaryong tao..." Umupo sya kaharap ng upuan ko, magkaharap na kami. Nakikinig lang ako ng mabuti sa mga sinasabi nya.
"...ang mga kagaya natin ay nabibilang sa mundo ng Constellatopia isang nakatagong mundo, walang sinuman ang makakapasok doon maliban na lang kung isa din syang kagaya natin..." pagpapatuloy nya sa kanyang kwento.
"Ang kapangyarihan nyo ay nababase sa kung anong konstelasyon kayo natapat ng kayo'y ipinanganak, ang naranasan mo kanina ay ang iyong natatanging kapangyarihan pero hindi pa 'yan ang totoo mong kapangyarihan."
"Ibigsabihin dad, may iba pa akong kapangyarihan bukod sa kanina na nakita ko?" tanong ko.
"Oo."
"Pero bakit bago lang lumabas ang mga kapangayarihan ko, bakit hindi nung bata pa ako." sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Dahil mas madali nyong makokontrol ang iyong kapangyarihan kapag tumungtong ka sa tamang edad, ang iba mga kagaya mo ay maaga pa nila nalalaman dahil minsan bumabase din iyon sa kahandaan nyang kontrolin o tanggapin ang kapangyarihan nya..."
"Ang mga kababaihan ay tinatawag na Guild's Fairies samantalang Guild's Knight naman ang tawag sa mga kalalakihan."
"Dad. Hindi ako naniniwala." tanong ko ulit sa kanya.
"Kailangan mong maniwala. Because this is the real you, Sebry." Hinawakan nya ako sa braso pero umiwas ako at tumayo. Aalis na sana ako nang maisipan kung magtanong ulit.
"Bakit tayo nandito, Dad?" suminghap sya at muling nagsalita.
Ikiwento nya ang dahilan kung bakit kami nandito sa mundo ng mga tao. At bakit kami napilitang umalis ng Constellatopia.
Matapos nyang ikwento ang lahat ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni dad sa akin prang napaka-impossibleng ng bagay na 'yon pero wala na akong magagawa kundi ang tanggapin sa sarili ko ang katotohanan.
Tumakbo ako paakyat ng kwarto. Naiiyak ako sa mga nalaman ko. Sa tagal-tagal ko sa mundo ngayon ko palang nalalaman ang mga nakatagong yugto ng buhay ko.
Ang hirap paniwalaan pero kailangan tanggapin. Tama si Dad hindi ko matatakbuhan ang katotohanan lalo pa't nagsisimula nang umusbong ang kapangyarihan ko.
Paano si bes? Paano ang kaibigan ko?
Third Person's POV
Sa kaharian ng Darkenian...
Walang kaalam-alam ang taga-Constellatopia na bumalik na ang banta sa kanilang kaharian na si Treyvor. Sa tagal ng panahon ay nakabalik ito at muling nakapag-ipon ng lakas para muling magdala ng kaguluhan sa mundo ng mga taga-Constellatopia at sa mundo ng mga tao.
Bumalik sya upang ituloy ang nauna nyang plano, ang kunin ang anak ni Ametina upang maisakatuparan na nya ang kanyang mga planong pagwasak sa Constellatopia.
Pinaghahanap nya ngayon ang batang sanggol na anak ni Ametina sa mundo ng mga tao. Sa kanyang paghahanap ay nalaman nyang maraming mga taga-Constellatopia ang nag-aaral sa iisang Unibersidad.
Kaya't doon nya naisipang dalhin ang isang handog na nilalang upang ma-alarma at takutin ang mga knight at fairy ng guild ng Constellatopia nang sa ganun ay makarating ito sa kaharian. Isa rin itong paalala sa mga taga-Constellatopia na sya ay nagbalik na.
Ametina's POV
"Isang kahina-hinalang nilalang ang natagpuang patay sa likod ng campus ng isang Unibersidad dito sa San Diego, hindi pa tukoy ang totoong pagkakakilanlan ng nilalang na ito. Sa pagkalat ng balitang ito, nagdulot ng matinding takot at pangamba sa mga tao ng San Diego dahil na rin sa posibilidad na hindi lamang isa ang mga ganitong nilalang na kumakalat sa lugar."
Natigilan ako sa paghihiwa ng gulay ng marinig ko ang balita sa tv, lumapit ako at pinakinggan ang sinasabi ng reporter, nakatulala lang ako na nanonood sa harap ng tv. Kinabahan ako at natakot, si Mellea ang anak ko ang agad kong naaalala.
Kaya naman ay agad kong pinatay ang tv at kinuha ang phone ko. Tinawagan ko sya para kamustahin kong okay lang ba sya. Hindi pwede na matagpuan sya ni Treyvor. Hindi maaari. Hindi man ako siguro pero alam kung nagbalik na sya.
"Hello Ma, bakit po?"
"Lea anak, ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Opo ma, ayos lang po ako, wag po kayo mag-aalala wala pong nangyaring masama sa akin." masaya at masiglang sagot nya akin.
"Mabuti naman at ayos ka, nabalitaan ko kasi ang nangyari sa school nyo. Mag-iingat ka anak. Suot mo ba 'yong proteksyon mo? "
"Opo ma, suot ko po."
"Mabuti kung ganun, susunduin na lang kita mamaya." sabi ko at pinatay na ang tawag. Hindi ako mapakali, kailangan maitago ko si Mellea kay Treyvor.
Hindi ito maaari. Hindi silang pwedeng magtagpong dalawa.
Gagawin ko ang lahat para maproteksyonan ang anak ko.
Prince's POV
Pinigilan ko si Mellea na sumama kay Sebry dahil alam ko kung bakit ganun ang kilos nya kanina, kailangan nyang malaman ang totoo sa pagkatao nya kaya hinayaan ko sya.
Sa una palang na nakita ko ang kaibigan ni Mellea ay kinutuban na ako na isa sya sa amin mas lalo pang tumibay ang paghihinala ko nang makita ko ang marka sa balikat nya. Ang markang 'yon ay indikasyon na isa ipinanganak na may angking kakayahan at hindi lang basta isang tao kundi isang guild fairy.
Nag-aalala ako, paano nya kaya sasabihin kay Mellea na hindi sya tao at maaaring magkalayo sila pagdating ng panahon na kailanganin kami ng aming mundo. Pag nalaman ni Mellea 'yon siguradong masasaktan sya. Ayokong makitang malungkot si Mellea.
"Oy! Tulala ka rin."
Naputol ang iniisip ko ng tapikin ni Mellea ang balikat ko habang iniinom ang mogu-mogu na kanina nya pa iniinom.
"Wala ah." Pagkasabi ko nito at hinablot ko sa kanya ang mogu-mogu at ininom 'yon.
"Ahh, ang sarap nga. Gusto mo bilhan kita nito ng madami?" Pacute kong sabi sa kanya.
Nakita ko naman na nag-iba ang awra ng mukha nya, kung kanina nakangiti sya ngayon ay nakasimangot na.
"Sheesh! Bakit mo inubos?" inis nyang sabi.
"Ay naubos ko pala. Hehe sorry." Pilosopong sabi ko sa kanya. Mas lalo pa syang naasar sa akin dahil sa sinabi ko kaya naman ayun nag-walk out.
"Oy saan ka pupunta?" Hinila ko ang manggas ng damit nya at sapilitang iniharap sya.
"Eh. Bakit ba? Bibili ako ng mogu-mogu? Kainis ka kasi inubos mo hindi mo manlang ako tinirhan." reklamo nya.
"Titirhan pa kita? Eh konti na lang din naman 'yon. Parang latak na lang nga 'yong nainom ko kanina. Hindi nga nakaabot sa tyan ko, hanggang dito lang." sabay turo sa adam's apple ko.
"Bwesit ka." 'Yon lang sinabi at umalis na naman.
"Bakit ang hilig nyo mang-iwan na mga babae. Trip nyo ba palaging mag-walk out. Nagiging hobby nyo na 'ata yan. " sabi ko pero hindi sya nakikinig.
Sumunod na lang ako at nanahimik total hindi naman sya nakikinig eh.
Maya-maya ay tumawag ang mama ni Mellea kaya lumayo muna sya saglit at kinausap ang mama nya sa kabilang linya. Hindi ko marinig pinag-uusapan nila alam kong nag-aalala ang mama nya dahil sa nangyari kanina.
Nang matapos ang usapan nila ay bumalik ito sa akin at sinabing nabalitaan ng mama nya 'yong nangyari.
"Ang bilis kumalat ng balita no?" sabi nito sa akin.
"Oo nga eh, kasing bilis ng pagtibok ng puso ko sayo." Binatukan nya ako sa sinabi ko.
Ang sakit parang 1 million 'atang brain cells ang namatay ngayong araw dahil sa pagbatok nya sa akin.
"Tigilan mo ko sa mga lines na ganyan ah." galit n'yang sabi.
"Bakit kinilig ka ba?" tanong ko ulit. Akma naman na babatukan nya ako ulit kaya umatras na ako. Hindi naman pala nya ako babatukan eh dadaan lang naman pala sya.
Nakarating kami sa canteen at pinag-uusapan pa rin ng ilan ang tungkol sa nilalang na 'yon. Sadyang hindi 'ata mamamatay ang usaping 'yan dahil sa unang beses na may nangyareng ganyan dito sa eskwelahan namin. Kung sino man sya sana walang mga inosenteng tao ang madamay. Nagdulot pa tuloy sya ng trauma sa mga estudyante dito.

Komento sa Aklat (86)

  • avatar
    Jemjem

    ayos talaga tong story na to, ang ganda. habang pahaba nang pahaba yung story, paganda din nang paganda. more chaps pa author. 😘😘😘

    09/12/2021

      1
  • avatar
    Nathalie Kate Elizaga

    nice

    24d

      0
  • avatar
    TanomnaJessibelle

    in this first chapter maganda na agad

    26/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata