logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KNOW HIM FIRST

"Anmela! Bilisan mo nga’ng kumilos! Ang bagal-bagal mo! Ang dami ng tao sa labas!" asik sa akin ni Leona.
Nasa 'Leona' ako ngayon-- kainan, dito ako nagtratrabaho para kumita ng pera pambayad sa mga gastusin ko pero may nakukuha naman akong allowance galing sa scholarship ko kaya sapat naman ang panggastos ko. Nagpapadala ako kala nanay kapag may sumusobra dahil alam ko naman kung gaano kahirap ang buhay roon.
"Menudo, adobo, kare-kare..." inilista ko lahat ng order ng lalaking costumer.
"Okay, sir. Wait a minute," nagmadaling kinuha ko sa kusina ang order.
Sa dami ng tao ay hindi ko alam kung paano ako kikilos. Sa sobrang bilis ko ay muntik-muntikan na akong matalisod ng ilang beses.
"Bilisan mo!" Sabayan mo pa ng paulit-ulit na sigaw sa akin ng mismong may-ari ng restaurant na ito.
Pagod na pagod na ako pero wala naman akong magagawa. Mamayang gabi ay mag-aaral pa ako sa mga quiz namin. Sana lang ay hindi ko makatulugan iyon.
"Miss," nagtaas ng kamay ang isang lalaki. Mabilis akong pumunta sa kaniya.
"Pahingi naman ng tubig na malamig," ngumiti siya kaya tipid din akong ngumiti. Nagmadali akong pumunta sa kusina at kumuha ng ice cube at tubig.
Nang inaabot ko iyon sa kaniya ay hindi niya mabitawan ang kamay ko. Tiningnan ko lang iyon kahit naiinis na ako sa paghawak niya.
"What's your name?" Nakangisi niyang sabi.
Sa hitsura niya ay mukha siyang mayaman. Siyempre sino ba ang mahirap na kakain dito ang mahal ng mga pagkain.
"Anmela," naiirita ako pero hindi ko iyon pinahalata. Binawi ko ang kamay ko tatalikod na sana ako pero muli niya akong tinawag.
"Can I invite you for a dinner? Tomorrow?" Ang pagkakangisi ay nando'n pa rin.
"Sorry po, sir. Busy kasi ako," gusto ko ng talikuran siya pero hindi niya ako tinatantanan kung anu-ano ang tinatanong. Ang paraan niya tumitig ay parang nakakabastos. Ngisi siya nang ngisi at tumitingin pa sa dibdib ko.
Bastos!
"I'm sorry, sir, kailangan ko na talagang umalis," nagmadali ko siyang tinalikuran.
Nakahinga ako nang maluwag nang makarating sa kusina.
"Ano nangyari?" Tanong ni Rosy. Lumapit siya at hinawakan ang braso ko.
"Naiirita ako sa costumer na iyon. Kung anu-ano ang tinatanong," inis kong kwento.
"Wala naman ginawang masama?" Nag-aalala niyang tanong.
"Wala naman pero 'yong mga ngisi niya ay parang huhubaran ako," natatakot kong sabi.
"Nako, Anmela. Mag-ingat ka mga mayayaman pa naman nakukuha kung ano ang gusto nila nang walang kahirap-hirap."
Kumalabog ang dibdib ko. Gusto kong tutulan ang sinabi niya. Hindi naman lahat dahil alam kong si Laurent hindi gano'n dahil kung ang gusto niya lang ay ang aking sexy'ng katawan noon pa lang kinuha na niya pero hindi sa halip pinagtabuyan niya pa ako kahit lingkis ako nang lingkis.
Wala sa sariling napangiti ako nang alalahanin ang nangyari kanina. Kung 'yon lang ang gusto niya ay pwede niya na makuha sa pagkakataong iyon dahil bukod sa sarado ang office ay kaming dal'wa lang ang nandoon pero wala akong naramdamang kakaibang gusto niyang gawin. Iyon lang 'yon! Dapat nga ako pa ang mahiya dahil ako ang naunang kumilos.
"Tulala ka na riyan?" Nagising lang ako sa tanong na iyon ni Rosy.
"Ah, may naisip lang," ngumiti ako sa kaniya.
Lumipas pa ang mga oras at pagod na pagod na ako. Nagpapabalik-balik ako sa kusina para kumuha ng iba't ibang order. Sana makita ko si Laurent para mawala ang pagod ko.
Siya lang ang kailangan ko...
Napangiti ako nang pumasok sa isip ko ang nakakunot niyang noo. Kahit kailan ka talaga laging nakasimangot.
Nang matapos ang trabaho ay nagmadali na akong lumabas dahil sa pagod na pagod ako. Halos mapikit na ako sa paglalakad. Si Rosy ay nagpaalam na dahil magkaiba kami ng daan.
Tinahak ko ang madilim na daan para marating ang sakayan ng jeep. Pinipikit ko nang madiin ang mata ko dahil sa antok. Natauhan ako nang may maramdamang kakaiba. Parang may sumusunod sa akin.
Natatakot ako!
Ang dilim pa naman sa lugar na ito. Nagmadali akong maglakad. Mabilis kong dinial ang numero ni Laurent.
Answer the phone!
Hindi ko alam kung tutulungan niya ako o may pakialam siya pero siguro naman mayroon kahit pa kaunti. Akmang ilalagay ko na ang cellphone sa tainga ko dahil sinagot na niya pero may humila na sa akin.
"Aaahh!" Napasigaw ako nang itulak ako ng taong iyon sa masikip na eskinita.
Nakita ko ang ngisi sa labi niya.
Siya 'yong lalaking makulit kanina!
Kinakabahan, natatakot at nanginginig ko siyang tiningnan. Napagapang ako patalikod sa sobrang takot.
Laurent...
Sinisigaw ko ang pangalan niya sa isip.
Please, dumating ka!
Hinahanap ko ang cellphone ko pero hindi ko na alam kung nasaan na napunta iyon. Atras ako nang atras nakaupo na ako sa kalsada at patalikod na umuusog. Ang mga ngisi ng lalaking ito ay halata ang masamang balak.
"You know what, miss? Kung sumama ka lang nang maayos hindi sana nagkaganito," nakangisi niyang sabi. Itinupi niya ang longsleeves pataas sa kaniyang braso.
Laurent...
Lumuluha na ako. Pinipigilan ko ang malakas na tunog ng pag-iyak ko.
"Tulong!" Malakas kong sigaw pero parang walang mga tao sa lugar na ito.
Lumalapit siya kaya atras ako nang atras hanggang wala ng maatrasan.
"Ang ganda mo," mala-demonyo siyang humalakhak.
Laurent...
Paulit-ulit ang sigaw ko sa isip ko pero mas matindi ang paghikbi ko.
"Aww. 'Wag kang umiyak. Sandali lang ito," pinagkiskis niya pa ang dal'wang palad niya.
Naghahagilap ako ng pwedeng ipalo pero wala akong makita.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakapantalon ako at sumpleng t-shirt lang pero bakit nababastos pa rin ako ng ganito?
Patunay lang na wala sa pananamit ang pangbabastos kung hindi nasa utak na ng tao.
Laurent...
"Saglit lang ito," lumapit na siya sa akin at marahas na hinawakan ang pulsuhan ko.
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para sipain siya. Nagtagumpay akong masipa siya pero sa hita niya iyon tumama.
"Gusto ko 'yan lumalaban," nakangisi niyang sabi.
Patuloy ako sa paghikbi at pag-atras kahit wala na akong maatrasan.
Katapusan ko na ba? Paano ang pamilya ko?
Takot na takot ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Paulit-ulit akong humihingi ng tulong kay Laurent pero hindi niya naman iyon maririnig. Isa pa wala naman siyang pakialam sa akin.
Bakit niya ako tutulungan 'di ba?
Hinapit na ako ng lalaking iyon pilit gustong halikan ang mukha ko pero tinutulak ko ang mukha niya.
"Pumapalag ka pa!" Nakangisi niyang sabi at lalo pang nagiging agresibo.
Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya habang patuloy ang pag-iyak.
"Tulungan niyo ko!" Malakas na sigaw ko pero wala, walang nakakarinig.
Masisira ang buhay ko kapag nagtagumpay ang hayop na ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nahalikan niya ako sa leeg at ang mga kamay ay gumagapang sa likuran ko. Hikbi ako nang hikbi, nagpupumiglas, sumisigaw pero walang dumadating na tulong. Nawawalan na ako ng pag-asa. Mas lalong dumiin ang paghalik ng lalaki sa leeg ko pababa sa may dibdib ko.
"Ang bango!" Sabi niya sa kabila ng pagdiin niya sa leeg ko.
Umiiyak ako at nagmamakaawa sa kaniya pero demonyo siya. Patuloy pa rin sa ginagawa. Hanggang sa isang malakas na palo ang tumama sa ulo niya.
"Fuck you!" Malakas na sigaw ni Laurent ang narinig ko.
Marahas niyang kwenelyuhan ang lalaki at walang awang pinagsusuntok. Sinubukan ng lalaking lumaban pero sinasalubong ng kamao ni Laurent ang papasuntok niyang kamao kaya walang humpay itong sumisigaw sa sakit.
"How dare you to mess with my girl! How dare you to touch here?! How dare you! Fuck you! Fuck you! Fuck you!" Paulit-ulit na mura ni Laurent sa lalaki.
Madilim ang mukha niya at nanlilisik sa galit ang mga mata. Nanghihina akong napaupo habang humihikbi. Akala ko wala siyang pakialam sa akin pero sa nakikita kong galit niya nasagot ang tanong ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa takot. Nakita kong napunit na pala ang damit ko sa may bandang dibdib. Nanginginig ang buo kong katawan at ang mga luha ko ay ayaw tumigil.
Hindi tinigilan ni Laurent sa kakasuntok ang lalaking iyon kahit na halos madurog na ang mukha nito.
"So--rry hindi ko na uulitin. T-tama na," pagmamakaawa ng lalaki pero hindi siya pinapakinggan ni Laurent.
Tumayo pa siya at humawak ng malaking bato.
"Laurent!" Napasigaw ako sa gulat at takot.
"Naawa ka ba sa kaniya no'ng hinawakan mo siya! Walang kalaban-laban! Fuck! Bullshit! Asshole!" Paulit-ulit niyang mura rito.
Nagulat ako nang ibato niya talaga sa mukha ng lalaki ang hawak niyang bato. Muli akong napasigaw sa gulat at takot. Napangiwi ang lalaki sa sakit. Umiiyak na rin ang lalaki at nagmamakaawang tumigil na siya pero wala siyang naririnig.
Ganito ka ba, Laurent?
"Laurent!" Sigaw ko muli pero ang mga mata niya ay nagliliyab pa rin sa galit.
Huminto ang mundo ko nang humugot siya ng baril at itutok iyon sa mukha ng lalaki.
"Laurent!" Ubos lakas kong sigaw. Parang bingi na siya. Nagmakaawang muli ang lalaki.
"Wag.. parang awa mo na," sabi nito na mahahalata ang takot. Nanginginig na ang katawan niya at bakas sa mukha ang sakit.
Saan galing ang baril ni Laurent? Anong klaseng tao ba siya? Paano siya nagkaroon noon?
Sa kabila ng pagtataka ko ay tumayo ako kahit nanghihina ang tuhod. Tinakbo ko siya kaagad at hinarangan ang lalaki.
"Please, 'wag."
"Tumabi ka, Anmela Eris!" Sigaw niya, matalim ang mga matang nakatingin sa lalaki.
"Please.." Humagulgol ako at yumakap na lang sa kaniya.
Ramdam ko rin ang pagyakap niya sa akin gamit ang isang kamay. Mahigpit ko siyang niyakap. Natakot ako nang sobra.
Sa pagkahigpit ng yakap ko at paghagulgol ko sa dibdib niya ay natigilan ako nang pumutok ang baril.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pinaputok iyon ni Laurent na tumama sa maselang ibabang bahagi ng lalaki. Napasigaw ito sa sakit.
"Laurent.." Napatitig ako sa kaniya at nabuhay ang takot ko.
Bakit ganiyan ka? Anong klaseng tao ka? Bakit sanay na sanay kang humawak ng baril? Manakit ng tao at mangbugbog?
Sa kabila ng mga tanong kong iyon ay niyakap niya na ako at ibinaba ang baril. Rinig ko pa rin ang pagpalahaw sa sakit ng lalaki.
"Now, you can't use that anymore," pabulong na sabi niya.
Binaril niya ang maselang parte ng lalaki ng gano'n kadali? Nang walang takot?
Humahagulgol pa rin ako pero ramdam ko ang mahigpit na yakap niya. Hinubad niya ang jacket niya at isinuot sa akin. Binuhat niya ako hinayaan ko lang siya. Hanggang sa maipasok niya ako sa kotse.
Walang emosyon siyang nag-drive at kita ko pa rin ang galit niya dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Tumulo ulit ang luha ko hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko napansin kung saan kami papunta dahil malalim ang isip ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Namalayan ko na lang nasa bahay niya na kami. Binuhat niya ulit ako.
Baby lang?
"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko sa kaniya nang maibaba na ako sa sofa.
"Dahil gusto ko," madiin niyang sabi. Umupo siya sa tabi ko. Ihinilamos niya ang kamay sa mukha at nagkuyom ng mga palad.
"You don't know how worried I am!" Gigil na gigil niyang sabi.
Lumapit siya sa pader at pinagsusuntok iyon.
"Laurent!" Humarang na ako sa pader.
"Dapat hindi mo ako pinigilan. Hindi ako magda-dal'wang isip na patayin ang gagong 'yon!"
Huh? Gano'n kadali ang pumatay para sa kaniya?
Yumakap siya sa akin nang sobrang higpit. "Are you okay?" Sa tono niya ay halata ang pag-aalala.
Iniyakap ko rin sa kaniya ang aking kamay. "Okay lang ako."
Nang tanggalin niya ang pagkakayakap ay humawak siya sa magkabila kong pisngi.
"I hate to say this but can you be my girl?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at natutop ang bibig ko.
Totoo ba ito?
"Laurent!"
Napalingon kami sa babaeng tumawag magandang babae, matangkad at kutis artista. Nahulaan kong kapatid niya ito dahil malaki ang pagkakahawig nila. Nakababata niyang kapatid dahil halata namang mas matanda si Laurent.
"Hindi ka dapat dito nagdadala ng babae!"
"Shut up, Lauressa!"
Nagulat ako nang buhatin ako ulit ni Laurenz paakyat ng hagdan. Natigilan si Laurenz nang sumigaw muli si Lauressa.
"You girl! Know him first!"

Komento sa Aklat (294)

  • avatar
    Roselyn Oco Mejia

    Wow! This story is very nice. complete package have a romance, action, comedy, tragic, suspense and drama. May maga dang lesson na mapupulot ka talaga. Dami ko ring nailuha s story na ito lalo n s last part but so sad the story of laurence.😭😭😭. Thank you so much author and keep up the good work. May the Lord always bless you. keep safe

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Nion Rey Berco Berco

    ang ganda

    08/08

      0
  • avatar
    AmaroCatelyn

    sobrang Ganda ng story

    27/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata